Chapter 5: Deal
Kanina pa ako sa loob ng nakaparadang sasakyan ko sa labas ng Panther's Diner. Nakatingin lang ako sa mga taong dumarating at lumalabas sa pintuan ng kainan. I sighed for nth times at gritted my teeth.
Tama ba itong ginagawa ko? Tama bang makipagkita ako kay Tito Zachary at pakinggan ang mga sasabihin nito sa akin?
I barely know that man! Maliban sa pagiging isang Sulivan at kapatid ni daddy, wala na akong ibang alam tungkol sa kanya! "Mali yatang nagpunta pa ako sa lugar na ito," marahang saad ko at muling napahugot ng isang malalim na hininga. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at noong mamataan ko si Tito Zac na pumasok na sa Panther's Diner, tila biglang nagbago ang isip ko.
Wala naman sigurong mawawala sa akin kung pakikinggan ko ito, hindi ba? Sa dami nang nangyari sa akin noong mga nakaraang araw, ano pa ba ang ikinatatakot kong malaman?
From my weird and almost a damn real dream, unknown voices inside my head, and the monstrous images that gave me nightmares, ano pa ang ikinatatakot ko ngayon?
Ngayon pa ba ako magdadalawang-isip sa bagay na ito? Ngayong may nagkusang ipaalam sa akin ang tungkol sa mga bagay na nagpapagulo at nagpapasakit ng ulo ko ng ilang araw? Mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng mga magulang ko? Ngayon ba talaga ako aatras at maduduwag?
I sighed again and finally decided to move. It's now or never, Raina Louise! Kung hindi ko kakausapin si Tito Zac ngayon, hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng ganitong pagkakataong muli! And besides, hindi napipirmi sa isang lugar itong kapatid ni daddy! Kapag pinalagpas ko ang pagkakataong ito, baka sa susunod na mga taon ko pa ulit ito makikita at makakausap!
Maingat kong inihakbang ang mga paa noong tuluyan na akong makalagpas sa pintuan ng Panther's Diner. Isa ito sa sikat na kainan malapit sa opisina namin kaya naman ay hindi na ako nagtaka pa na ito ang napiling restaurant ni Tito Zac.
Tila lumulutang ako sa hangin habang naglalakad patungo sa mesa kung saan naroon ang kapatid ni daddy. Hindi ko inalis ang paningin dito at noong nasa tapat na ako nito, mabilis akong nagpasalamat sa staff na nag-assist sa akin. Dali-dali naman itong yumukod sa harapan ko at iniwan na kami sa loob ng private room ng Panther's Diner.
Abala si Tito Zac sa hawak-hawak na menu book at hindi man lang ako tinapunan nang tingin. Wala sa sariling napangiwi ako at nagkusang kumilos na lamang muli at naupo sa bakanteng upuang nasa harapan niya. Maingat kong inilapag ang maliit na bag sa mesa at segundo lang ang lumipas, nag-angat ito nang tingin at matamang tiningnan ako.
"I was worried for a second that you will not come and meet me here, Raina. Kanina pa kita namataan sa parking lot at mukhang walang balak na pumasok dito sa diner," anito at ibinaba sa mesa ang hawak na menu book. "I already ordered something for us. Pero kung may nais ka pang kainin, just say it and I'll tell them to prepare it for you."
"Wala akong planong kumain, Tito Zac," seryosong saad ko at umayos nang pagkakaupo. "Sa dami ng mga iniisip ko, eating something is on my least of priority now." I sighed at looked at him intently. "You said that you'll tell me everything I want to know, right?"
Tahimik na tumango sa akin ang tiyuhin at umayos na rin nang pagkakaupo. "So, tell me about Azinbar," panimula ko sa usapan naming dalawa.
"Let's make a deal first, Raina," anito na siyang ikinatigil ko naman. Right! He wants to have a deal with me! "You want something from me, and I want something from you. Think about it like dealing with a business partner. You're good at it, right?" Hindi ako nagsalita at nanatili lang sa kanya ang buong atensiyon.
Kung pagmamasdang mabuti, hindi magkahawig si daddy at itong si Tito Zachary. Mas kamuha ni daddy si Lolo Saige samantalang ang kapatid nito ay mukhang nagmana sa Lola ko na siyang hindi ko na nakilala pa. Maliit pa lang daw sila daddy noong namatay ito kaya naman ay wala akong ideya sa itsura nito! Maliban sa mga mata nila na halos magkapareha, wala nang iba pang features sa mukha o sa pag-uugali ang magkapareho sa magkapatid na Sulivan.
And Lolo Saige agreed with it before lalo na noong napuna iyon ni Lola Divine!
"Bring me to Azinbar, Raina," matamang saad ni Tito Zac na siyang nagpakuyom ng mga kamao kong nasa ilalim ng mesa. "And if you agreed, I'll tell you everything I know about that world."
"Paano kita madadala sa sinasabi mong mundo kung hindi ko naman alam kung totoo ito?" tanong ko na siyang ikingisi nang kausap ko.
"Azinbar is real, Raina. Nakarating ka na roon. Maging si Rhianna Dione ay alam ang tungkol sa mundong ito." He said and took the glass of water in front of him. Maingat itong uminom at noong natapos siya sa ginawa, muli itong nagsalita. "I want you to agree with me first before saying another word about Azinbar, Raina. Just say yes and we'll continue this conversation," muling saad ni Tito Zac sa akin.
I sighed and looked at him again. Namataan ko ang pagtaas ng isang kilay nito habang hinihintay ang magiging pasya ko sa deal na nais niya kapalit ng mga impormasyong ibibigay sa akin.
Again, ano pa nga ba ang mawawala sa akin kung papayag ako sa deal na sinasabi nito? Wala na, hindi ba? This is my only shot to know everything about the things that I questioned lately! At kapag makuha ko na ang mga impormasyong nais malaman mula sa kanya, tsaka ko na proproblemahan ang tungkol naman sa nais nitong ipagawa sa akin!
Bring him to Azinbar? Like, paano ko iyon gagawin? Do I need to book a flight for him para makarating lang sa lugar na iyon?
Damn it! Bahala na nga!
"Fine," saad ko na siyang nagpangisi lalo sa tiyuhin. "Deal. Tell me everything about Azinbar and see if I can remember something about it. At kapag mangyari iyon, kapag bumalik na ang nawawala kong alaala, sasamahan pa kitang bumalik sa mundong tinutukoy mo," dagdag ko pa na siyang ikinatawa na ni Tito Zac sa harapan ko.
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
Seconds later, he stopped laughing. Tumikhim ito at naging seryosong muli. Nanatili naman ang mga titig ko sa kanya. "You talked like your mother," anito at umiling. "Ganyan din ang tono nito noong kinausap niya ako kung paano siya makakabalik sa Azinbar upang hanapin si Treyton doon."
Napakurap ako sa narinig. Wait... Hinanap ni mommy si daddy sa mundong sinasabi ni Tito Zac? Sa Azinbar? "Don't tell me-"
"Hindi nagpunta sa ibang bansa ang kapatid ko, Raina. Noong nasa Azinbar silang dalawa ni Rhianna, something happened and unfortunately, ang mommy mo lang ang nakabalik sa mundong ito. She was already pregnant with you that time and can't risk your safety kaya naman ay naghintay pa ito ng ilang taon bago magsimulang hanapin si Treyton. She came to me and asked if I can travel dimension just like my brother but sad to say, I don't have that kind of ability. Isang Sulivan lamang kada henerasyon ang kayang gawin iyon. In our case, it was my brother. At dahil wala naman ibang Sulivan sa henerasyong ito maliban sa'yo, inaasahan naming kaya mo ring gawin iyon."
Parang sasabog na ang utak ko sa mga pinagsasabi ni Tito Zac sa akin ngayon! Nagsisimula pa lang kami sa pag-uusap namin at tila gusto nang sumuko ng utak ko!
"My father carefully monitored your ability as you grew up. Umaasa rin kasi itong ikaw ang magpapabalik kay Treyton kapag magamit mo na ang ability na tanging ipinapasa lamang sa direct descendant ni King Sulivan. Ngunit mukhang nitong nakaraan mo lang na-activate ang ability na iyon, Raina. Twenty-five years... Ganoon katagal ang hinintay nila upang magamit mo ito. I wonder kung anong naging trigger nito upang tuluyang magamit ang kakayahan iyon."
Napasandal ako sa backrest ng upuang kinauupuan at biglang naalala ang nangyari noong umuwi ako rito sa Pilipinas pagkatapos manirahan ng ilang taon sa ibang bansa. Kung tama ang pagkakatanda ko, sinundo ako nila Dhalia sa airport. Dumeretso kami sa ospital kung saan naka-confine si mommy and after that... After I saw her... I...
"I read mom's journal," wala sa sariling saad ko at gulat na napatitig kay Tito Zac. Right! Nakita ko ang diary ni mommy at inuwi ito sa bahay! Binasa ko iyon at pagkatapos... Damn! Wala na akong maalala sa sumunod na nangyari! "Noong nabasa ko ang diary ni mommy... Uhm..."
"You don't remember anything after that, right?" tanong ni Tito Zac na siyang ikinatango ko. "Napunta ka sa Azinbar, Raina. Iyon ang nangyari sa'yo. Hindi ko alam ang buong detalye ngunit noong umalis si daddy sa mansyon no'ng gabing nakabalik si Treyton mula sa Azinbar, alam kong ikaw naman ang mawawala sa mundong ito." Napalunok ako at tila nabibingi na dahil sa lakas nang kabog ng dibdib ko. Is this for real? No... "My father can travel through dimension, too. But his case is kinda complicated kaya hindi ito sumubok na gamitin ang ability niya. Kahit na gustuhin nitong bumalik sa Azibar noon upang hanapin si Treyton, he can't. He just can't." Tito Zac sighed and looked at me intently. "So, all he did was to wait for you to finally activate your ability."
Marahas akong napabuntonghininga at mabilis na ikinalma ang sarili. Mukhang napansin ni Tito Zac ang nangyayari sa akin kaya naman ay nagsalin ito ng inumin sa basong nasa harapan ko. Tahimik ang bawat kilos nito at noong natapos na siya sa ginagawa, mabilis kong nilagok ang tubig sa may baso. At sa pag-agos ng tubig sa lalamunan ko, mabilis akong natigilan noong biglang may mga alaalang bumalik sa akin!
"Thank you, Raina."
"We're friends, remember? Friends don't abandon each other. Sa kahit anong sitwasyon pa iyon, even if it's a happy moment or a dangerous one, we always stick together and support each other."
"It's okay to cry, Cordelia. It's okay to show weakness and cry about it."
"You are Athena's descendant..."
"I'm going to Helienne, Cordelia."
Mabilis akong napaubo at inilapag ang hawak na baso sa mesa.
Napapikit ako habang patuloy pa rin ako sa pag-ubo. What the hell was that? Was that a part of my memory?
Cordelia... Sino si Cordelia?
"Are you okay, Raina?" Natigilan ako noong marinig muli ang boses ni Tito Zac. Wala sa sarili naman akong tumango rito habang patuloy pa rin sa pag-ubo. At noong kumalma na ako, mabilis akong napahugot ng isang malalim na hininga. Inalis ko ang luha sa ilalim ng mata ko at muling binalingan ang kapatid ni daddy.
"Tell me... Ano ang maaari kong gawin upang bumalik sa akin ang mga nawala kong alaala?" seryosong tanong ko sa kanya. Namataan ko naman ang mabilisang pagbabago sa ekspresyon ng tiyuhin ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. "Do we need magic to do that?" Nag-aalangang tanong ko pa sa kanya. "Do... I need to talk to my parents and ask them to help me?"
"Talking to your parents will be a bad idea, Raina," saad ng kausap ko at pansamantalang natigilan. Tila nag-iisip ito nang isasagot sa tanong ko sa kanya! "But..." mayamaya'y sambit niya na siyang ikinaayos ko nang pagkakaupo. "I know someone that can help you."
"Someone?" Kunot-noong tanong ko rito.
Tumango ito sa akin. "Yes. At kagaya ng pamilya natin, nagmula rin ito sa Azinbar."
What? Someone from Azinbar? "Another dimension traveler?" I curiously asked him.
"No." Umiling ito sa akin at inayos ang suot na necktie. Hindi ko inalis ang paningin sa tiyuhin. Hindi ko alam kung paranoid lang ako o sadyang mabilis lang talaga ang mga mata ko! Kahit na sobrang bilis lang iyon, alam ko kung ano ang nakita ko sa kanya! His emotion... Mabilis na nagbabago ito, lalo na iyong sa mga mata niya, at bago ko pa mapuna iyon, bumabalik na ito agad sa dati! What the hell?
"Sino ang tinutukoy mong maaaring makatulong sa akin, Tito Zac?" seryosong tanong ko habang hindi inaalis ang matamang titig sa kanya. Something is wrong with him... Hindi ko lang matukoy kung ano ang mali sa kapatid ng ama ngunit malakas ang kutob ko na may hindi tama sa kanya ngayon! But again, I barely know this man! Ito ang unang beses na nagkausap kami nang matagal! Ni hindi ko nga alam kung alin sa mga sinabi nito ang paniniwalaan ko!
"Actually, I also invited her to have a dinner with us," imporma nito sa akin na siyang ikinatigil kong muli sa puwesto ko.
Her? So, it's a woman... A woman from Azinbar! Sino kaya ang tinutukoy nito?
"And speaking of her, nandito na siya," muling wika nito at tumayo na sa kinauupuan niya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng private room na kinaroroonan namin kaya naman ay mabilis akong napabaling doon. Kumilos na si Tito Zac sa puwesto niya at sinalubong ang bagong dating. Napatitig naman ako sa babaeng kakapasok lang sa private room at hindi inalis ang paningin sa kanya.
"Raina, this is my friend, Lilith. Siya ang tinutukoy kong maaaring makatulong sa'yo," pakilala ni Tito Zac sa akin sa bagong dating.
Lilith? I never heard her name before.
Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at hinarap nang mabuti ang dalawa. I saw how Lilith extended her hand in front of me and sweetly smile. "It was nice finally meeting you, Raina." She said while smiling.
At kahit nag-aalangan, tinanggap ko ang nakalahad na kamay nito sa harapan ko. "Hi. Nice meeting-"
Hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin sa bagong dating noong biglang may imaheng lumabas sa isipan ko. Just like what happened to me before noong nasa mansyon ako kasama sila mommy at daddy!
"So... Are you going to betray me too, Lilith?"
"Athena, you killed your own sister! Sa tingin mo ba'y hindi mo ito magagawa sa kaibigan mo lang?"
"Hindi kita sasaktan hangga't alam kong wala kang masamang ginagawa rito sa Helienne!"
"Oh, come on! You're so full of yourself, Athena! Hindi mo pagmamay-ari ang realm na ito!"
"This realm is my home, Lilith! Tahanan ng maraming Knights! Tahanan ni King Sulivan! Kaya naman ay marapat lang na protektahan ko ito laban sa mga taong nais sirain ito!"
"Fine! Go and try killing me, Athena! But remember this, kahit sa kabilang buhay, hinding-hindi kita mapapatawad! Hindi mawawala ang galit ko kahit kitilin mo pa ang buhay ko ngayon! Kahit sa ibang mundo at sa ibang panahon pa, my dark magic will haunt you and your allies! Kailanman ay hindi magiging payapa ang buong Helienne. My dark magic will stay here even if you slaughter me! Tandaan mo iyan!"
"So, Raina... You want to dispel the magic that erased your memories, right?" Napakurap ako noong magsalitang muli si Lilith sa harapan ko. Binawi ko ang kamay mula sa pagkakahawak niya at mabilis na napatitig sa mukha ng babae.
It's her... Siya ang kausap ni Athena!
Athena.
"You're my descendant, Raina Louise Ferrer Sulivan. You're the descendant of the Great Goddess of War."
Athena... The Goddess of War and protectress of the southern realm of Azinbar, Helienne! Now, I remember her! Sa lahat ng nakalimutan kong mga alaala, ang tungkol kay Athena ang unang bumalik sa akin!
Kusang napaawang namna ang labi ko habang nakatingin pa rin sa nakangiting si Lilith. Oh, God! I have a bad feeling about this! Maling-mali na nagpunta ako rito sa Panther's Diner at makipag-deal kay Tito Zachary! Damn it! I need to leave!
I need to leave right now or else, pagsisisihan ko ang pakikipag-deal sa kanilang dalawa!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top