Chapter 3: Sulivan
Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan nang malay kanina. Ni hindi ko na rin namalayan na dinala na pala nila ako sa silid ko at hinayaang magpahinga.
Maingat akong bumangon mula sa pagkakahiga at marahang hinilot ang sintido. Mayamaya lang ay humugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling napabaling sa wall clock sa gawing kanan ko.
"Eight thirty," marahang saad ko noong makita ang oras at kinagat na lamang ang pang-ibabang labi. Mukhang gabi na. So, buong maghapon akong walang malay at tulog? I sighed again and decided to move. Umalis na ako sa kama at nagtungo sa banyo ng silid. Mabilis akong naghilamos at noong matapos na ako, wala sarili akong napatitig sa repleksiyon sa salamin.
Mas inilapit ko ang mukha sa salamin at hindi nilubayan nang titig ang sariling repleksyon. "Anong ginawa nila sa akin?" mahinang tanong ko at inangat ang isang kamay. Inilapat ko iyon sa salamin at marahang hinaplos ang repleksiyon. "I need to know what they did to me or else, masisiraan na ako nang bait," dagdag ko pa at napailing na lamang. Umayos na ako nang pagkakatayo at lumabas na sa banyo.
Mabilis naman akong natigilan sa pagkilos noong biglang nagbago ang itsura ng silid ko. Kusang umuwang ang mga labi ko at agad na inilibot ang paningin sa paligid.
What the hell? This is not my fucking room! Sa interior design pa lang nito, ibang-iba ang itsura ng silid na ito kumpara sa silid na kinalakihan ko sa mansyon ng mga Ferrer! Sa mga gamit na narito ay natitiyak kong makaluma at hindi na makikita o mabibili sa mga mall or online stores!
Ilang beses akong nagpakurap-kurap ng mga mata at noong hindi nagbago ang itsura ng paligid, mabilis akong napaatras at bumalik sa loob ng banyo. Agad akong napasandal sa pinto at napahawak sa may dibdib ko. Kinalma ko sarili at napahugot ng isang malalim na hininga.
"What the hell is happening?" mahinang tanong sa sarili at umayos nang pagkakatayo. Lumayo ako sa may pinto at muling tiningnan ang repleksiyon sa salamin. "Okay, Raina Louise. Calm down," sambit ko habang nakatitig sa may salamin. "Namamalikmata ka lang. Mali ang mga nakita mo kanina."
Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at nagdesisyong lumabas muli sa banyo. Humarap akong muli sa may pinto at akmang bubuksan ko na sana iyon noong marinig ko ang isang pamilyar na boses sa labas.
"Where is she? Wala dito ang apo ko!" Natigilan ako sa kinatatayuan at napahigpit ang pagkakahawak sa doorhandle ng pinto. "Treyton Duke! Rhianna Dione! Nasaan ang anak niyo?"
It's my grandfather's voice! My dad's father is here in our mansion! Kailan pa ito nakabalik sa Pilipinas?
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras! Dali-dali kong binuksan ang pinto ng banyo at natigilan na lamang muli noong mamataan ang pamilyar na paligid! Nasa sariling silid na akong muli! Mabilis kong inilibot ang paningin at tila nabunutan ako ng isang malaking tinik sa lalamunan noong makitang bumalik na sa normal ang silid ko!
Agad namang dumako ang paningin ko kay Lolo Saige at mabilis na inihakbang ang mga paa at patakbong lumapit sa kanya. "Lolo!" I greeted him. Mabilis namang ngumiti si Lolo Saige sa akin at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.
"There you are," anito at marahang tinapik ang likuran ko. "Ang buong akala ko'y umalis ka. Kinabahan ako noong hindi kita naabutan dito sa silid mo," dagdag pa niya at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin.
Marahan naman akong umiling sa matanda at akmang magsasalita na sana noong mamataang bumukas ang pinto ng silid ko. Bumungad sa akin ang mga magulang at tila nagmamadaling pumunta sa silid ko. Mukhang narinig nila ang sigaw kanina ni Lolo Saige!
"Dad, stop making us nervous! Hindi naman nawawala ang anak namin!" saad ni daddy at masamang tiningnan ang ama nito. Hilaw naman na tumawa si Lolo Saige at inakbayan ako. Humarap kami sa mga magulang ko at humingi naman ng tawad ang matanda sa dalawa. Nagpatuloy sa pag-rant si daddy sa ginawa ni Lolo Saige na siyang mabilis namang sinuyaw ni mommy.
"Nagbanyo lang po ako," imporma ko sa kanila noong medyo kumalma na ang sitwasyon. Marahang tumango sa akin si mommy at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko. Nasa may paanan ako ng kama ko nakatayo ngayon samantalang nakaupo na sa gilid ng kama si Lolo Saige. Tahimik lang itong nakatingin sa akin habang seryosong nakamasid si daddy sa gawi namin ni mommy.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo, anak?" She carefully asked me. Tumango naman ako sa kanya bilang tugon. "That's good. Let's go. Bumaba na tayo. Nagpahanda ng pagkain ang Lola Divine mo. Paniguradong nagugutom ka na."
"S-Sige po," mahinang wika ko at tumangong muli.
I don't know what to do or say to her, to them, right now! May kung anong awkward feeling akong nararamdaman ngayon sa pagitan ko at ng mga magulang ko. Yes, may mga hinala ako sa mga nangyayari sa akin at kahit na naisin ko mang magtanong sa kanila, wala akong sapat na lakas ng loob na gawin iyon.
Ano nga ba ang itatanong ko sa kanila? Ano nga ba ang ginawa nila upang maging ganito ang nararamdaman ko ngayon?
Naging mabilis ang oras. Ni hindi ko namalayang nakakain na ako kasama ang pamilya ko at ngayon ay nasa may garden na kaming lahat at nagpapalipas ng oras habang nagkukuwentuhan. Tahimik naman akong nakikinig sa puwesto ko sa usapan ni Lolo Saige at Lola Divine. It's about business at kahit na hindi ako masyadong interesado sa ganitong usapan, nanatili ako sa kinauupuan ko at nagpanggap na nakikinig sa dalawa. This is better than sitting beside my parents. Pakiramdam ko kasi anytime now, sasabog na ako at hindi na mapipigilan pa ang sariling magtanong nang magtanong sa dalawa tungkol sa mga nangyayari sa akin!
Kakauwi lang ni mommy galing ospital kaya naman kung kakayanin ko, papalipasin ko muna ang araw na ito. Hindi naging maganda ang kondisyon ni mommy dahil sa naging sakit nito kaya naman ayaw kong bigyan ito nang panibagong problema! Hangga't kaya ko, gagawin kong umakto ng normal hanggang sa tuluyang maging maayos na ang kondisyon ni mommy.
"How's the company, Raina? Na-adapt mo na ba ang pagiging acting CEO ng kompanya ng mga Ferrer?" tanong ni Lolo Saige na siyang ikinatango ko sa kanya. "Kung magbabago pa ang isip mo, you're always welcome to our company too, sweetheart. Sabihan mo lang ako."
"Saige, huwag mo nang ipilit pa ang bagay na iyan!" Natatawang saad ni Lola Divine at umiling sa kausap. "School is not a business! Hindi nababagay si Raina sa environment na iyan!"
"Our academy is quite popular now, Divine! May iilang satellite campuses na rin kaya kami!" Hirit naman ni Lolo Saige at binalingan ako. "Nasa dugo na nating mga Sulivan ang mamahala ng paaralan, Raina. Sa kahit saang mundo pa, hindi mawawala sa atin ang magturo."
Bahagya akong natigilan sa narinig mula kay Lolo Saige. Wala sa sariling napakunot ang noo ko sa huling sinabi nito. Kahit saang mundo?
Mukhang napansin ng dalawang matanda ang naging reaksiyon ko kaya naman ay mabilis nilang binago ang usapan namin. Hindi na akong muling kinulit ni Lolo tungkol sa business ng mga Sulivan at tinanong na lamang ako tungkol sa ibang bagay.
At habang kinakausap ko ang dalawang matanda, hindi naman mawala sa isipan ko ang tinuran kanina ni Lolo Saige. Kahit na sa kung saan napunta ang usapan naming tatlo, palaging bumabalik sa isipan ko ang sinabi nito kanina.
"Sa kahit saang mundo pa, hindi mawawala sa atin ang magturo."
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at umayos nang pagkakaupo sa pang-isahang upuan at binalingan ang matanda. "Lolo Saige, maliban pala sa academy, ano pa ang naging negosyo ng mga Sulivan?" maingat na tanong ko na siyang ikinatigil nito. Namataan kong nagkatinginan muna sila ni Lola Divine bago muling tumingin sa akin.
"Bakit mo naitanong, Raina? Nagbago na ba ang isip mo, hija? Susubukan mo na ba ang business natin?"
"Saige." May banta sa tono ni Lola Divine noong sinambit nito ang pangalan niya.
Lolo Saige laughed. "Well, before running and eventually owning an academy, may iba pang pinagkaabalahan ang mga Sulivan. We once ruled a realm... I mean, a city."
Napatango ako at nagpanggap na hindi binigyan pansin ang sinabi nitong kakaibang salita. Kailangan kong magpanggap upang hindi ibahin ng dalawang ito ang usapang mayroon kami ngayon! "Ruled a city? Like a politician?" Inosenteng tanong ko.
Tumango naman si Lolo Saige sa akin. "Parang ganoon na nga."
"Wow. Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyan, Lolo," saad ko at wala sa sariling bumaling sa mga magulang ko na kakapasok lang sa garden. May dala silang mga tasa na tiyak kong laman ay mga tsaa para sa dalawang matanda.
Mabilis namang napatikhim si Lolo Saige at umayos nang pagkakaupo noong inilapag ni daddy ang tasa nito sa mesa. Sinunod na inilapag nito ang isa pang tasa na para naman kay Lola Divine. Nagpasalamat ang dalawang matanda kay daddy at noong naupo na ang mga magulang ko sa puwesto nila, hindi na muling umimik si Lolo Saige.
Mukhang napansin naman ni mommy ang biglaang pagtigil namin sa usapang mayroon kami kanina kaya naman ay siya na ang unang bumasag sa katahimikang mayroon ngayon dito sa hardin. "Dad, nabanggit ni Treyton kanina na kasama mong bumalik dito sa bansa si Zachary. Bakit hindi ito sumama sa iyong bumisita ngayon dito sa mansyon?" Natigilan ako sa naging tanong ni mommy. Tito Zac is here, too? Nakabalik na rin siya?
Wow! Sinu-sino pa ang nakabalik sa pamilyang Sulivan? Simula noong nakauwi na sa pamilya namin si daddy, isa-isa na ring nagsisibalik ang pamilya niya! Well, nakikita ko naman noon si Lolo Saige dahil palagi siyang present sa birthday celebrations ko, but Tito Zac? Once in a blue moon lang ito magparamdam sa pamilya niya!
"Zachary's still busy with his work. Kapag may free time naman ang isang iyon, for sure bibisita ito. Matagal na rin silang hindi nagkikita ng kapatid niya," wika ni Lolo Saige at maingat na uminom ng tsaa. Napatango naman si mommy at iniba na ang usapan.
Tahimik kong pinagmasdan ang mga pamilya ko.
Lolo Saige and Lola Divine looks younger than their actual age, same goes with my parents. Lalo naman si daddy na halos walang nagbago sa nagdaang taon! Para tuloy kaming pamilya ng mga bampira na napapanuod ko noon sa TV! Mga hindi nagbabago ang itsura at tumatanda!
Napailing na lamang ako sa mga iniisip at noong may bigla akong naalala, mabilis akong natigilan sa puwesto ko.
"King Sulivan will surely be proud to have someone like you... a pure royal and warrior from his bloodline."
Napaawang ang labi ko at wala sa sariling napatitig sa pamilya ko. Abala pa rin ang mga ito sa pag-uusap at noong magsalita ako sa puwesto, mabilis silang natigilan at gulat na napabaling sa akin.
"King Sulivan..." Ilang beses kong ikinurap ang mga mata at ipinilig ang ulo pakanan. "Who the hell is King Sulivan?" Halos walang tinig na tanong ko ngunit alam kong narinig nilang lahat iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top