Chapter 2: Helienne
Tulala akong nakaupo at nakatitig sa sariling repleksiyon sa may salamin. Maingat kong inangat ang kanang kamay at hinaplos ang mukha. Mayamaya lang ay mahina kong sinampal ang sarili at noong makumpirma kong gising at hindi ako nananaginip, napangiwi ako.
I took a deep breath and silently sighed. My eyes were still glued to my own reflection and when I felt another wave of pain inside my head, I cursed under my breathe. "What really happened to me? Bakit... Bakit wala akong maalala?" mahinang tanong ko sa sarili at mariing napapikit na lamang.
I don't remember what happened to me and that makes me mad and frustrated at the same time! Ang huling naaalala ko lang ay umuwi ako rito sa Pilipinas pagkalipas ng ilang taong paninirahan sa ibang bansa nang mag-isa. They told me to return home, to manage our company because my mom was sick, and after that, I was at the airport... waiting for Dhalia to fetch me and... Damn it! Wala na akong ibang maalala!
"Think, Raina. Just fucking think!" bulalas ko at napasinghap na lamang noong mas tumindi ang sakit sa ulo ko. Damn it!
I need to calm down now! Kung ayaw kong mawalan muli nang malay, kailangan kong kumalma na ngayon!
"Stop thinking about what happened.... Just calm down," halos walang tinig na sambit ko at humugot muli ng isang malalim na hininga. At just like magic, unti-unting nawala ang sakit sa ulo ko. Ilang segundo pa akong nanatiling nakapikit at noong tuluyang nawala na ang sakit, marahan kong iminulat ang mga mata at tumitig muli sa repleksyon sa may salamin. Hinaplos ko ang sariling repleksyon sa harapan at malungkot na tumitig dito. "You'll be fine, Raina Louise. In time, maaalala mo rin ang mga nangyari sa'yo," sambit ko at tumayo na. Bumalik na ako sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan.
Everything happened so damn fast. Sa bilis nito ay ni hindi ko ito nasundan pa! Ni hindi ko nga alam kung kailan o paano iyon nangyari! Basta na lamang nangyari ang mga bagay na hindi ko inaasahang mangyari! And in just a blink of an eye, my father, Treyton Duke Sulivan, whom I didn't met for the past twenty-five years, was back from nowhere and now with my mother! Nasa ospital ito ngayon at kasama si mommy!
Like... What the hell just happened? Ilang taon namin siyang hinanap at ngayong nagbalik na ito, tila isang panaginip ang lahat para sa akin! This is surreal that I can't even looked at him without giving a big question mark plastered on my freaking face!
I hated him, okay. Simula noong nagkaisip ako at napagtantong hindi normal ang walang ama habang lumalaki ang isang anak, nagsimula na akong magtanong kung nasaan ang ama at kung bakit hindi namin ito kasama. Wala rin namang maibigay na matinong sagot sa akin noon si mommy kaya naman ay iniisip ko na lang na iniwan niya kami... Na ayaw niya sa amin, sa akin.
And it hurt me. The young and fragile Raina Louise hated her father so much. At kalaunan, nakalimutan ko na rin ang galit ko na iyon sa kanya.
Ano pang magagawa ko, 'di ba? Iniwan niya kami at hindi man lang nagpakita sa loob ng mahabang panahon. I don't want to live my life full of anger and hatred. I don't want to be someone who lives for revenge. Hell no! I just wanted to have a peaceful life! Kaya nga umalis ako sa bansang ito upang magkaroon ng normal at payapang pamumuhay!
At ngayong nagbalik na ako, biglang gumuho ang lahat sa akin. I thought I already accepted that he's not coming back to us. I thought... I don't hate him anymore. I thought... I could accept him if he finally decided to come back and be with us. But I was wrong. I thought I can do it but... I failed. Big time! Because the moment I saw my father, all the pain I hid for the past twenty-five years suddenly burst! I can't... I just can't stop myself from hating the man that my mother loves the most!
"Raina, anak, you need to listen to your father. Give him a chance to explain and talk to you," malumanay na saad ni mommy sa akin noong naiwan kaming dalawa sa loob ng hospital room niya.
Napabuntong-hininga ako at maingat na naglakad papalapit sa kama nito. I looked at her intently. Her condition is getting better. Mukhang hindi magtatagal ay babalik na rin ang lakas nito. At kapag mangyari iyon, sa tingin ko'y babalik na rin ako sa states. The company don't need me anymore. Mas magiging maayos ang kompanya namin kung si mommy pa rin ang CEO nila at hindi ako.
"Ang bilis mong patawarin ang taong iyon, mommy," walang emosyong saad ko na siyang ikinatigil ng ina. "Sinabi niya ba sa'yo kung saan siya nanggaling? Kung nasaan ito sa loob ng mahabang taon?"
"Of course, he did, Raina," wika nito at malungkot na nginitian ako. "Simula pa lang ay alam ko kung nasaan ang daddy mo. Hindi ko lang ito nagawang sundan siya noon dahil hindi ko naman kailangang gawin iyon. I know that he'll come back for us, Raina. I trusted him that's why I never hated your father."
"So, you knew? Alam mo kung nasaan ito?" Hindi makapaniwalang tanong sa ina. "Mom, growing up, I heard you cried every night while calling his name! You were crying because of him! Tapos ngayon sasabihin mo sa aking alam mo pala kung nasaan ito? For twenty-five years, alam mo at hindi ka man lang nag-abalang sabihin ito sa akin?"
"Raina... Our situation is kinda complicated. Lalo na sa ama mo. Hindi ko rin ito masabi sa'yo noon dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin tungkol sa pagkawala niya." My mother heavily sighed. "Dahil walang ibang nakakaalam sa kung nasaan talaga ito maliban sa akin."
"I'm his child, mom. His daughter! May karapatan akong malaman kung nasaan ito, hindi ba?"
"Raina-"
"So, ganito na lang ito? Ngayong nagbalik na siya, maayos na ang lahat? No more questions, no more arguments, and just accept it that he's back to us?"
Hindi agad nakasagot si mommy sa naging tanong ko sa kanya. Malungkot itong tumingin sa akin at muling napabuntonghininga. Mayamaya lang ay muling bumukas ng pinto ng hospital room ni mommy. Hindi na ako nag-abala pang tingan kung sino ang pumasok at noong makumpirma ko na siya nga iyon, mabilis akong nagpaalam kay mommy.
"I'm leaving now. Sa condo muna ako tutuloy ngayon para mas malapit sa main company. Babalik na lang ako rito bukas pagkatapos ng trabaho ko," malamig na saad ko at mabilis na kumilos sa kinatatayuan ko. Agad akong naglakad patungo sa pinto ng silid at hindi na pinansin pa ang pagtawag ni mommy sa pangalan ko.
Ilang araw simula noong bumalik si daddy sa pamilya namin ay hindi ko ito binigyan nang pagkakataong makausap ako. I don't want to talk to him. Ayaw kong makausap ito dahil sigurado akong kapag magsimula na akong magsalita at magtanong sa kanya, hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang lahat! And I don't want to ruin the mood... their mood! Masaya na si mommy ngayon dahil nakabalik na si daddy! Even Lola Divine was really happy because he came back to us! Ako lang yata ang hindi masaya sa pagbabalik nito!
Ngunit sa hindi malamang dahilan, isang araw... natagpuan ko na lamang ang sarili na masayang nakikipagtawanan at kuwentuhan sa mga magulang ko. May kung anong ikinukuwento si daddy sa amin na siyang ikinatawa naman namin ni mommy. Noong una ay litong-lito ako sa nangyayari at habang tumatagal, kahit na taliwas ito sa nais kong gawin, nangyari pa rin ang mga bagay na dapat iwasan ko. Everything happened so damn fast, and it was too late for me to realized that I already talked and forgiven my father.
Nawala na rin ang galit ko sa kanya at tila bigla akong bumalik sa pagkabata... Isang masayang Raina Louise, uhaw at gustong-gusto ang atensiyong ibinibigay sa akin ngayon ng sariling ama.
"Raina, are you okay?" Napasinghap akong muli noong marinig ang boses ni daddy. Nakapikit pa rin ako at nakahawak sa may ulo ko. The pain... It's still there and it won't go away! Kahit na kanina ko pa pinapakalma ang sarili ay hindi pa rin ito mawala!
"Trey, anong nangyayari sa kanya?" It was my mother's voice. Mukhang lumabas muli ang mga ito mula sa dining room ng mansyon. Maging ang nag-aalalang boses ni Lola Divine ay narinig ko na at nag-utos na itong ipahanda ang sasakyan upang dalhin na ako sa ospital.
"Raina, I need you to breathe and calm down, anak," rinig kong utos ni daddy sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Come on. Do it for me, Raina. I want you to focus and calm yourself down."
"Treyton-"
"She's okay, Yanna. Our daughter will be fine. She just needs to calm down a bit para maging maayos muli ang pakiramdam niya," saad muli ni daddy at hinawakan ang mga kamay kong nasa may ulo ko. "Raina, I want you to ease your mind and stop thinking about anything. Can you do that?" tanong niya na siyang marahang ikinatango ko. Agad kong sinunod ang sinabi ni daddy at hindi na inisip pa ang mga bagay na narinig ko kanina sa isipan.
I'll forget about that voice... I'll forget about my stupid dream. And I'll forget about Azinbar!
I'll forget about...
"Helienne," wala sa sariling saad ko na siyang mabilis na ikinatigil ng mga taong nasa paligid ko. Naramdaman ko ang biglaang panlalamig ng kamay ni daddy na nakahawak ngayon sa akin. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang halos sabay na pagsinghap nila mommy at Lola Divine. Mayamaya lang ay iminulat ko ang mga mata at sinalubong ang gulat na ekspresyon ni daddy sa harapan ko. "Helienne... I need to remember about Helienne."
"No," mabilis na saad ni mommy at nilapitan ako. Lumuhod na rin ito kaya naman ay dalawa na sila ngayon ni daddy sa harapan ko. "Snap it, Raina Louise! Forget about that realm!"
Napailing ako at pinagmasdan ang dalawa sa harapan ko. "They're waiting for me."
"No one is waiting for you!" mariing wika ni mommy sa akin at binalingan si daddy. "Trey, do something. Please... She can't-"
Napabuntonghininga si daddy habang nakatingin pa rin sa akin. "Someone's blocking my magic," imporma niya na siyang ikinatigil ni mommy. Muli itong tumingin sa akin at tiningnan ako nang mabuti. "Hindi magtatagal ay mawawala na rin ang bisa ng mga naunang spell na ginamit natin sa kanya."
"W-What?" gulat na tanong ni mommy at hinawakan ang kamay ko. Nanatili naman akong nakatingin sa dalawa at hindi binigyan pansin ang pinag-uusapan nila. I ignore the fact that they mentioned about magic and spell in front of me. I ignored it and just focused on the images that are currently flashing inside my head.
What the hell is happening to me? Ano itong mga nakikita ko sa isipan ngayon?
It feels like I'm currently watching a movie inside my freaking head! At kung bibigyan ko nang pansin ang lahat ng mga nangyayari ngayon sa isipan ko, paniguradong mababaliw ako!
"Raina! Can you hear me! Raina!" rinig kong tawag ni mommy sa akin sa harapan ko ngunit hindi ko ito pinansin. Deretso lang ang tingin ko sa unahan habang nakatuon pa rin ang buong atensiyon sa mga imahe sa isipan. "Treyton! Please, do something!"
"Rhianna Dione, calm down." It was Lola's voice. "I think I know what's happening to my granddaughter," anito na siyang ikinatingin muli ni mommy sa akin. "Athena... Is that you?"
Athena? Sinong Athena ang tinatawag ni Lola Divine?
"Athena... No... That's impossible, mom!" bulalas ng aking ina. "Athena's gone! Nasa Afterworld na ito. Hindi na niya kayang kontrolin pa si Raina!"
Nagpatuloy ang pagtatalo nila sa harapan ko samantalang hindi pa rin ako makagalaw sa puwesto ko. Nanatili ang atensiyon ko sa mga imahe sa isipan at noong may napansin akong pamilyar na imahe, mabilis na napaawang ang labi ko.
A dark and bloody scene flashed in front of me. It was terrifying that my body started to tremble out of fear. And after a few more seconds, a pair of cold, deadly, and red monstrous eye appeared in front of me!
Mabilis akong napapitlag dahil dito. Agad kong ipinikit ang mga mata at lumayo sa mga magulang ko.
"Stop!" mariing sambit ko at napaupo sa sahig. Yumuko ako at mabilis na iniling ang ulo. "Stop... Please, stop!" I screamed as my body started to feel weak. Napamura na lamang ako habang patuloy na nakatingin sa akin ang mga nakakatakot na matang iyon. Damn it! Anong klaseng halimaw ang may-ari ng mga matang iyon?
"Raina!" Tinig ng aking ama ang mabilis na nagpatigil sa akin sa pagkilos. Kusang napaawang naman ang mga labi ko at wala sa sarili iminulat muli ang mga mata. Napakurap ako ng ilang beses bago muling nag-angat nang paningin sa mga magulang ko. Mayamaya lang unti-unting nawawala ang mga imaheng kanina ko pa nakikita sa isipan. At noong tuluyang nawala na ang mga iyon, mabilis na nanghina ang buong katawan ko. Agad naman lumapit sa puwesto ko si daddy at bago pa man bumagsak ang katawan ko sa sahig, nasalo na niya ako.
Ipinikit kong muli ang mga mata at hinayaan ang katawan sa bisig ng ama.
"She's suffering. We can't do this to our daughter anymore, Yanna," mahinang saad ni daddy habang hawak-hawak ako. "Manghihina ito nang manghihina kapag ipagpatuloy natin ang paggamit ng mahika sa kanya."
"But Treyton, masyadong mapanganib ang Helienne para kay Raina. Alam mo kung gaano kalala ang sitwasyon ngayon ng realm na iyon. Maaaring ikapahamak niya ang pagbabalik sa Azinbar!"
"May pinagkaibahan ba iyon sa ginagawa natin ngayon?" Malungkot na tanong ni daddy kay mommy.
I wanted to move but I'm too weak to do anything right now! Tanging makinig lamang sa usapan nilang dalawa ang kaya kong gawin ngayon!
"Rhianna, Treyton," rinig kong tawag ni Lola Divine sa mga magulang ko. "Dalhin niyo na lang muna si Raina sa silid niya. Let her rest at kapag maayos na pakiramdam nito, kausapin niyo siya. Let her decide about this. She's not a child anymore. Nagawa na niyang magtungo noon sa Azinbar ng mag-isa. Kaya naman hayaan niyo itong magdesisyon para sa sarili niya. Trust her, okay?"
"But Helienne is a different story, mom!" giit ni mommy kay lola. "Helienne is currently ruled by a powerful and blood thirsty dark magic user! Ni hindi na nga sumusunod ang realm na iyon sa batas na mayroon ang Phoenix ng Azinbar!"
Helienne... Azinbar.
Right! Iyong tinig na narinig ko kanina! She wanted me to remember everything! She wanted me to dispel the magic used to me and remember everything about Helienne and Azinbar!
"I-If we don't help them, H-Helienne... the southern realm of Azinbar, will vanish and cease to exist." Wala sa sariling saad ko habang nakapikit pa rin ang mga mata. I don't know where these words came from, but I need to relay this message to them! Mukhang alam naman nila ang tungkol dito. "Zagan will return and annihilate everything... Hell will rise, and the Guardians and the Phoenix of Azinbar will fall."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top