Chapter 1: Raina

Today is one of my normal days in our mansion. Gigising nang maaga, babangon at mag-aayos ng sarili. Lalabas sa silid, dederetso sa kusina at kakain ng agahan na mag-isa.

Tahimik pa ang buong mansyon ng mga Ferrer at tanging ingay mula kutsara at tinidor ko lamang ang naririnig sa buong dining room. Maingat akong uminom ng fresh juice na inihanda sa akin at noong matapos na ako sa pagkain, walang imik akong tumayo mula sa pagkakaupo at umalis na sa hapagkainan.

"Maaga pa, ah? Saan ka pupunta?" Natigilan ako sa pagbukas ng main door ng mansyon noong marinig ko ang boses ni mommy. So, she's here. I don't have a freaking idea! Kailan pa ito nakabalik mula sa business trip niya?

Napabuntonghininga na lamang ako at binalingan ang ina na nasa may hagdan. "I'm meeting with my friends, mom," kaswal na sagot ko sa kanya.

Namataan ko ang pagkunot ng noo nito at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. What? May problema ba ito sa suot ko? Well, hindi na ako magugulat pa kung mayroon nga! Wala naman kasi akong ginawang tama at disente sa paningin niya!

"Wearing that?" She asked then pointed my dress.

Halos mapairap ako sa narinig. God! Inaasahan ko na iyon ngunit tila palaging bago sa akin ang mga pinaggagagawa ni mommy! "My dress is fine, mom." I said and sighed again. Anong mali ba sa suot ko? It's just a casual dress. Normal na damit lang ito at hindi naman revealing masyado kumpara sa ibang suot ng mga kaibigan ko. Ito ang pinakamaayos na damit na mayroon ako ngayon! "Aalis na po ako," dagdag ko pa at mabilis na tinalikuran ito.

"I'm not done talking to you, Raina Louise!" mariing saad niya na siyang ikinatigil kong muli. Mariin kong hinawakan ang door handle ng main door at tuminging muli sa kanya. "You're getting more stubborn lately, Raina. Iyan ba ang nakukuha mong pag-uugali mula sa mga bagong kaibigan mo?"

Napakunot ang noo ko sa narinig. "Mom, alam mo ang dahilan kung bakit ganito ang akto ko," seryosong saad ko at sinalubong ang galit na ekspresyon ng ina. "For once, puwede po bang huwag niyo akong pangunahan sa gusto ko? Let me decide for myself, mom! Hindi na ako bata!"

"So, what do you want me to do, huh, Raina? Hayaan kitang sirain ang sarili mo? Ang buhay mo?" tanong niya at nagsimulang maglakad papalapit sa kinatatayuan ko. Nanatili naman ako sa puwesto ko at hindi nagpatinig sa galit na pananalita ni mommy sa akin. It's useless, mom. Immune na ako sa halos araw-araw na bangayan nating dalawa. Hindi na ako natatakot at nasasaktan sa kung anong sasabihin mo sa akin ngayon! "Raina, ginawa ko rin ang mga ginagawa mo ngayon! Nagrebelde rin ako sa mga magulang ko. Gumawa ng mga bagay na ikapapahamak ko at noong nagsisi na ako sa lahat ng pinaggagagawa ko sa sarili, alam mo na siguro kung ano ang nangyari sa akin."

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin kay mommy. Yes. I know that story. Naaksidente ito noon at na-coma. At dahil iyon sa katigasan ng ulo niya! Dahil sa pag-aaway nila noon ni Lolo Theodore, umalis ito sa mansyon. Unfortunately, nahanap ito ng mga taong nais dumukot sa kanya. At dahil palaban at ma-pride rin itong nanay ko, hindi ito bumalik sa mansyon at humingi nang tulong! Instead, nakipaghabulan ito sa mga kidnapper niya at ang ending? Nahulog ito sa bangin! She almost lost her life that night! Good thing he was there. Treyton Duke Sulivan saw her that night and saved her.

Good for her, though. May taong handang tumulong at iligtas siya. She had him... Kaya naman kahit mawala sa kanya ang lahat noon, alam niyang may taong handang damayan siya kahit itakwil pa ito ng mga Ferrer.

But me? Sino ang mayroon ako? Wala.

Dahil maging ang sariling pamilya ko, sariling ina, ay hindi ko kakampi. Naging mabuting anak naman ako. Ginawa ko lahat ng gusto nila noon. I studied business management kahit na hindi naman iyon ang gusto ko. Always a top student mula elementary hanggang high school. Naging dean's lister noong college and even graduated with a freaking Latin honor! Lahat ng iyon ay ginawa ko ng walang kahit anong reklamo ngunit anong napala ko?

Wala.

Wala dahil hindi naman nila makita ang mga ginawa ko, lalo na si mommy. She was always busy. Laging siya abala sa ibang bagay na kahit kumustahin man lang niya ako ay hindi niya magawa! Mas naging abala pa nga ito sa paghahanap sa tatay kong hindi ko man lang nasilayan buong buhay ko kaysa kausapin ako rito sa mansyon! At noong nagsimula na akong gawin ang mga bagay na hindi ko normal na ginagawa noon, doon niya lang ibinaling sa akin ang atensyon.

Why, mom? Dahil takot kang mangyari sa akin ang nangyari sa'yo noon? Na aalis ako at ipapahamak ang sarili?

"Raina, please anak, don't do this to yourself."

"I'm not doing anything, mom," mariing saad ko sa kanya. "At sana... ganoon din kayo. Just like you always do. Just ignore me and don't do anything."

"Raina!"

"What?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili at tumaas na rin ang boses ko. Kita ko ang gulat ni mommy dahil sa nangyari. Napailing ako at umatras palayo sa kanya. "I'm always invisible, sa labas man o dito sa malaking mansyon na ito! Kaya naman bakit ngayon pa? Bakit ngayon mo pa ako nakikita? Ngayong nais ko nang gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa noon!"

Hindi nakapagsalita si mommy at malungkot na tumitig na lamang sa akin. Napalunok ako at marahang humugot ng isang malalim na hininga. "Mommy, I love you. I respect you. But... this is too much for me. All my life, I did nothing for myself. Lahat ng mga ginawa ko noon ay para sa'yo, para sa pamilya natin at para sa kompanya ng mga Ferrer. I studied hard to fit and reach your expectations. Ginawa ko ang lahat ng iyon para maging karapatdapat ako bilang anak mo!"

"Raina, hindi mo kailangang gawin ang-"

"I already did, mom! Nagawa ko na ang lahat ng iyon! And I never complained about it! Dahil alam kong ikatutuwa mo lahat ng mga ginawa ko! But... you never saw me." Napailing ako at muling umatras. This time, nasa likuran ko na mismo ang nakasarang pinto ng main door ng mansyon ng mga Ferrer. "And for the first time in my life, I was happy that I'm invisible. I was glad that you were always busy and didn't even bother to ask about me. Ikinatuwa ko iyon dahil magagawa ko na ang mga bagay na dapat ginaw ako noon pa. I can travel alone, go with friends and have fun... I can be myself kahit na panandalian lang."

A tear escapes from my mother's eye. Natigilan ako at napatitig sa mukha ni mommy. Mayamaya lang ay sunod-sunod nang lumabas ang mga luha nito kaya naman ay napaawang na ang mga labi ko. "I'm so sorry, Raina. Hindi ko alam na ganoon ang nararamdaman mo. I'm so-"

"It's okay, mom," malamig na turan ko na siyang ikinatigil nito sa pagsasalita. "It's okay. Really. Tapos na rin naman ang lahat. Nagawa ko na ang dapat kung gawin bilang Raina Louise na anak mo kaya naman... hayaan mo akong gawin ngayon ang mga bagay na magpapasaya sa akin. Let me explore things, mom. Make me invisible again." I sighed and carefully looked at her. "Don't worry. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko. Babalik at uuwi ako sa mansyong ito ng buo... at may buhay pa. So please, hayaan niyo ako sa nais kong gawin sa buhay ko ngayon."

I love my mother. I really do. Kaya kong gawin ang lahat para sa kanya ngunit mahal ko rin ang sarili ko. Kaya naman sa pagkakataong ito, pinili ko ang sarili ko. I left the country and didn't say anything to her. Alam kong pipigilan niya ako kapag magpaalam pa ako sa kanya. Nagpakalayo-layo ako at nanirahan sa isang bansang walang nakakilala sa akin. Now... I feel like I'm invisible again!

Walang ibang nangingialam sa akin. Walang ibang nakasunod at palaging nagbabantay sa kung anong gagawin ko. I'm all alone in a foreign country. Ang sarili ko lang ang mayroon ako ngayon, just like what I always felt before. And I'm happy with it. Afterall, ito rin naman ang nais kong maranasan muli... ang mapag-isa. Ngunit sa pagkakataong ito, mas uunahin ko na ang sarili. Mas uunahin ko ang kapakanan ko at hindi ng ibang tao.

Selflove isn't selfish. Para sa kagaya kong uhaw palagi sa atensiyon mula sa sariling pamilya, sa sariling ina, isang malaking hakbang itong ginawa ko para sa sarili. And I'm really proud of it!

At dahil sa pagpili ko sa sarili ko, may isang bagay akong napagtanto.

Always choose yourself no matter what. Dahil sa mundong ginagalawan natin, ang sarili lang natin ang mayroon tayo at ang nag-iisang kakampi natin sa lahat nang pagsubok ng buhay.

"Raina Louise Ferrer Sulivan."

Natigilan ako sa pagbabasa sa hawak-hawak na libro at napatingin sa unahan ko. Taka akong napatingin sa lalaking nakatayo sa tapat ng mesang kinaroroonan at noong mapagtanto ko ang kung anong narinig mula sa kanya, napaawang ang labi ko. What the hell? Sino ang lalaking ito at bakit niya alam ang buong pangalan ko?

Lahat nang nakasalamuha ko rito sa bansang ito ay never kong ibinigay ang buong pangalan ko! They just call me Raina. And that's it. Hanggang doon lang ang impormasyong ibinibigay ko sa kanila! But this man... He just bluntly uttered my full name in front of me!

"Who are you?" I asked the man and slowly closed the book I'm holding. Hindi ko inalis ang paningin sa lalaki at noong hindi ito nagsalita, napaarko ang isang kilay ko. Akmang magtatanong na sana akong muli sa kanya noong mabilis itong tumalikod sa akin at nagsimulang maglakad palabas sa café shop na kinaroroonan ko ngayon. Napanganga naman ako sa ginawa nito at hindi na nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan at sinundan ito sa labas ng café shop.

Agad akong nagpalinga-linga sa labas at hinanap ang lalaki. Hindi matao ngayon sa daan kaya naman ay inaasahan kong makikita ko pa kung saan ito nagtungo ngunit para akong tangang nakatayo sa puwesto ko habang pilit na hinahanap ito! What the hell? Saan nagpunta ang isang iyon?

He's gone! Hindi ko na makita kung saan ito pumunta!

"That was fast," mahinang saad ko sa sarili at napailing na lamang. Mayamaya lang ay muli akong natigilan noong tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Napabuntonghininga na lamang ako at tamad na kinuha ang cellphone ko. At noong makita ko ang mensaheng kakatanggap lang galing kay Dhalia, one of the trusted employees we have in our company, and I already considered her as one of my friends, bigla akong natigilan at napatitig sa screen ng cellphone ko.

Dhalia: "Young Master, you're the current acting CEO of the company now. The board already approved it and just waiting for your return. We need you to come home now."

"Looks like the end of my own little fairytale is about to come," mahinang saad ko at ibinalik muli ang cellphone sa bulsa. Muli akong tumingin sa paligid at sa huling pagkakataon, sinubukan kong hanapin iyong lalaking nakita at sinambit ang buong pangalan ko kanina. "Give up already, Raina. Huwag mo nang hanapin ang taong ayaw magpakita sa'yo," dagdag ko pa at muling bumalik sa loob ng café shop upang kunin ang mga naiwang gamit sa mesa.

It's time to go home now, Raina Louise Ferrer Sulivan. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top