Chapter 7: Empty

Halos apat na oras ang naging biyahe namin patungo sa Vallasea.

Sa main gate pa lang ng realm ay marami ng mga taga-bantay ang naroon. Lahat sila ay armado na tila handa na sa pakikipaglaban. I can feel the tensions between them even when I'm inside this car.

Si Amell na ang bumaba sa sasakyan namin at kinausap ang mga taga-bantay ng gate ng Vallasea. Umabot ng ilang minuto ang pakikipag-usap nito sa kanila at noong makabalik ito sa kotse ay marahas itong bumuntong hininga.

"Vallasea is the eastern realm of Azinbar, right?" basag ko sa katahimikan noong muling umandar ang sinasakyan namin. "Anong mayroon sa realm na ito maliban sa mga malawak na karagatang nakapalibot dito?" I asked them while looking outside the car. I wanted to break the ice between us. Looks like na mas malala ang sitwasyon sa realm na ito kaysa sa inaasahan namin. We need to calm our nerves or else, we'll fail.

"The people of Vallasea uses water as their primary source of magic. They can manipulate the water so well and one of the ability they also have, they can manipulate the weather," sagot ni Zahra sa tanong.

"How about the people in Northend?" I asked again. Ilang araw na akong nasa Northend at ni hindi ko man lang natanong ito noon! Ang Tyrants lang kasi ang palagi kong nakakasama. At base sa naging obserbasyon ko noong nasa boundary kami ng Northend at Hilienne, healer lang ang namataan kong gumamit ng magic.

"Most of the people in Northend are healers," ani Jaycee na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Kaya nga mas nakakalamang tayo sa ibang realm. And our Northend Knights have their own special abilities. We can use and enhance our own senses."

"Really?" manghang tanong ko.

"Yes, Captain Mary. And, guess who discovered this abilities?" nakangising tanong ni Jaycee sa akin.

Nagpataas ang isang kilay dito. Kailangan ko pa bang hulaan kung sino? Of course, the owner of this body! Captain Mary!

"We're here," natigilan ako noong magsalita si Amell. Mabilis akong napatingin sa kabilang bahagi ng sasakyan at napaawang na lamang ang mga labi noong tumambad sa akin ang ganda ng palasyon ng Vallasea.

"This is the royal palace of this realm," ani Alessia. Napabaling ako sa kanya noong kumilos ito at inayos ang suot na damit. Today, we're not wearing our armor suits. We're here as a guest kaya naman ang normal na kasuotan ang suot namin ngayon.

Napangiwi na lamang ako noong maalala ang pagtutol nila kanina sa suot ko. But hell no, they can't stop me! I'm not wearing those ball gowns and all just to see someone. Mas komportable ako sa ganitong suot. Below the knees naman ang haba nitong suot ko! Anong prinoproblema nila dito?

"Let's go," yaya sa amin ni Amell at nauna nang lumabas sa sasakyan!

Tahimik kaming sumunod dito. Pagkababa pa lang namin ng sasakyan ay agad akong naalarma sa kakaibang kapangyarihang naramdam sa paligid. Nagsimula nang maglakad ang Tyrants ngunit nanatili ako sa kinatatayuan ko. Kunot-noo kong inilibot ang paningin at maingat na nagmasid.

I can feel it. The strong strange magic.

Mayamaya lang ay napatingin ako sa kinatatayuan ko at marahang iniluhod ang isang tuhod at hinawakan ang konkretong daan patungo sa palasyo ng Vallasea.

"Captain Mary?" It was Zahra.

Ramdam ko ang titig ng Tyrants sa akin ngunti hindi ko na sila binigyan pansin pa. Mas itinuon ko ang buong atensiyon sa kakaibang enerhiyang nararamdaman ngayon sa palad ko.

What is this?

"What's wrong, Captain?" Tanong ni Alessia at tinabihan ako. Lumuhod din ito at ginaya ang ginagawa ko. Inilapat nito ang palad sa semento at binalingan ako.

"I can't feel anything strange, Captain. Anong mayroon dito?" dagdag na tanong pa nito at tiningnan ako.

Hindi ko ito sinagot at tumayo ng muli. Sumunod naman si Alessia, tumayo na rin ito at binalingan namin ang mga kasamahan namin.

"Let's go. We'll stick to our plan," sambit ko at nauna nang maglakad sa kanila.

Hindi ko alam kung paano ko nalaman kung anong kakaibang kapangyarihan ang naramdaman ko kanina. I just touched the ground and informations flooded my mind. Maybe this is Captain Mary's ability. And now, we need to hurry. We're almost out of time!

"Captain! Wait it!" Mabilis na humabol sa akin ang Tyrants. Hindi ko sila binalingan at dere-deretso akong pumasok sa malaking pintuan ng palasyo ng Vallasea.

Unang hakbang ko pa lang sa loob ng palasyo ay natigilan na ako. Naikuyom ko ang mga kamao at mabilis na tumingala.

There.

"Captain Mary!" Alessia called me again. "Tell us, what's wrong?"

"Hindi ko alam kung bakit ako lang ang nakakaramdam nito," sambit ko at binalingan ang mga ito. "This place was casted by a dark spells. We need to see the Grand Master and the King of Vallasea. Kung hindi nila nararamdaman at nakikita ang kung anong mayroon dito ngayon, talagang nasa panganib na ang mga buhay nila."

"We can't feel and see our enemy," ani Amell na siyang ikinatango ko. "Anong gagawin natin ngayon?"

"Stick to our plan. Secure and talk to the King and I'll do my best to help the Grand Master of Phoenix."

Agad na kumilos ang Tyrants. Mabilis na tinungo nila Alessia ang daan papunta sa silid ng hari ng Vallasea samantalang tinungo namin ni Jaycee ang silid ni Grand Master Walter. Lakad-takbo ang ginawa namin ni Jaycee para makarating agad kami sa silid na pakay namin ngunit noong may mamataan kaming iilang Knights 'di kalayuan ay natigilan kami.

May apat na Knights kaming namataan. They're guarding someone's room.

"That's not the Grand Master's room," bulong ni Jaycee na siyang ikinakunot ng noo ko.

Tiningnan ko ang nakasarang pinto na binabantayan nila at natigilan na lamang noong makita ang kakaibang itim na usok na kapareho sa nakita ko kanina pagkapasok namin sa palasyo.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis akong humakbang palapit sa apat na Knights. Sumunod naman si Jaycee sa akin.

"Is this the Grand Master's room?" agad kong tanong sa apat na Knights na siyang ikinagulat nila.

"No," mabilis na sagot ng isa at tiningnan ako ng deretso sa mga mata.

"Then, why are you guarding this room? Your Grand Master is sick. Hindi ba dapat siya ang binabantayan niyo?" matamang tanong ko at noong makita ko ang pag-aalangan sa mga mata nito ay mabilis ko itong pinatabi. "Move," utos ko dito.

"You can't enter this room," mariing sambit ng isa sa akin.

"Let me in," ulit kong sambit dito.

"She's Captain Mary of the Tyrants. We're form Northend and we're here to help you, Knights," biglang sambit ni Jaycee sa likuran ko.

"We don't take orders from you, Tyrants. We're Phoenix Knights. We have our own orders." Pinal sa sambit ng isa.

"Don't make me say things twice, Knight," kalmadong sambit ko dito at humakbang ng isang beses papalapit dito. "You can fool all the people in this realm but not me. No one can hide from me."

"You can't..."

Mabilis ko itong sinuntok sa sikmura kaya naman ay naging alerto ang iba pang Knights.

"Walang gagalaw sa inyo," rinig kong sambit ni Jaycee kaya naman ay pasimple kong tiningnan ang tatlo pang Knights.

I smirk. Light magic. One wrong move, you'll cry in pain

Healers really amazed me!

"You can't enter this room, Tyrants," nahihirapang sambit ng Knight sa harapan ko. "This room is..."

"Is full of shits!" mariing sambit ko. "We don't have enough time here, Knight. Let me in and let me handle this."

"But..."

"No buts, damn it!" iritang sambit ko at muling sinikmuraan ito. "This realm will be soon in big trouble!" bulalas ko at mabilis itong hinawi para makadaan ako.

"No!" sigaw ng Knight noong maabot ng kamay ko ang hawakan ng pinto. Agad ko namang kinumpas ang isa ko pang kamay sa gawi nito kaya naman ay mabilis itong tumilapon palayo sa akin.

"Jaycee," tawag ko sa kasama ko at isa-isang bumagsak ang tatlo pang Knights na nakabantay sa pinto. "Let's go," yaya ko pa sa kanya at binuksan na nang tuluyan ang pinto.

"What the hell," mahinang bulalas ni Jaycee nong makapasok kami sa loob ng silid.

Hindi ko binigyan pansin ang komento nito at inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid.

"What is this, Captain? I can't see anything strange inside this room but my body shivers the moment we step in!" ani Jaycee at naglakad patungo sa kamang nasa unahan lang namin. "No one's here," komento muli nito. "Pero, bakit nila binabantayan ang silid na ito?"

"This is not an empty room," sambit ko na siyang ikinatigil nito. Binalingan ako ni Jaycee at kinunutam ng noo.

Mataman kong tiningnan ang kamang nasa likuran nito.

Not an empty bed.

There.

I saw him. The Grand Master of Pheonix. Grand Master Walter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top