Chapter 39: Emblem
"Good morning, Yana!"
Ibinaba ko ang hawak na libro at pinagtaasan ng kilay si Treyton noong pumasok ito sa hospital room ko. Nakangiti itong lumapit sa akin at may inilapag na paper bag sa tabi ko.
"I brought you more books!" Aniya at may inilabas na limang libro mula sa dalang paper bag. "May ilan dito na limited edition, so, say thank you."
"Stop talking. Ang ingay mo," sambit ko at kinuha ang mga dalang libro nito.
"You're welcome, Yana." Sarkastik na sambit nito na siyang ikinailing ko na lamang.
"Stop calling me Yana. We're not close, Treyton Duke."
"What? We already travelled through dimensions, we fought together against Azinbar's enemy tapos sasabihin mong hindi tayo close? That's a little bit heartless, Yana."
Natigilan ako noong banggitin nito ang Azinbar. Binitawan ko ang hawak-hawak na libro at tahimik na nag-iwas nang tingin dito.
"Damn," mahinang bulalas ni Treyton at humingi nang dispensa sa akin. "I'm really sorry, Rhianna. It was my fault. Hindi ako nag-iisip bago magsalita. Forgive me, please." Aniya at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry." Ulit nito.
"Ayos lang, Trey." Wika ko at binalingang muli ito. "Thank you for reminding me about that world again."
Kita kong natigilan si Treyton at maingat na naupo sa upuang nasa gilid ng hospital bed ko. Maingat nitong hinahawakan ang kamay ko at mayamaya lang ay humugot nang isang malalim na hininga.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" He asked me while still holding my hand. Napatingin ako dito at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi noong makita ang maliit kong kamay sa kamay nito.
I really lose some weight. Ang laki ng pinagbago ng physical appearance ko. Isa ito sa naging resulta nang pagkaka-coma ko nang mahabang panahon. My whole body is weak. I can't walk properly. I can't do normal things. I'm... I'm just too weak to do anything.
"Ayos naman. Looks like matatagalan pa bago bumalik ang lakas ko."
Tahimik na lamang na tumango si Treyton Duke sa akin.
I still remember the day I've returned to my body. I woke up inside an ICU room and when my parents found out that I already gained my consciousness, they immediately ran towards me and cried while calling my name.
"She's still weak, Mr. Ferrer. Sa ngayon, oobserbahan pa rin natin ang pasiyente. Isang taon itong nasa coma kaya naman ay kailangan nating makasiguradong magiging maayos ang lagay nito."
Tahimik lang akong nakikinig habang ipinapaliwanag ng doktor ang kalagayan ko.
Isang taon? Ganoon katagal akong walang malay dito sa mundong ito? But, I only spent few months in Northend! Unbelievable! So, the timeframe from this world and Azinbar are different!
"After her tests, puwede na natin siyang ilipat sa private room niya, Mr. Ferrer." Muling wika ng doktor at nagpaalam na sa akin at sa magulang ko. Mayamaya lang ay bumaling sa akin si mommy at mabilis na nilapitan ako.
"Everything will be fine now, Rhianna. Trust us, okay?" Maingat na sambit nito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "My baby, thank you for coming back to us." Naiiyak na wika nito at hinalikan ako sa noo. "Magpahinga ka na lang muna. Aasikasuhin lang namin ng daddy mo ang paglilipatan mong kuwarto."
Tipid akong tumango dito at tiningnan si daddy. Lumapit din ito sa akin at walang imik na hinalikan din ako sa noo. Hindi ito nagsalita at naunang lumabas na ito sa silid kung nasaan ako ngayon.
"He cried, almost everyday," ani mommy na siyang ikinatigil ko. "Alright, now rest and take some sleep again, Rhianna. You need to gain some strength again, darling."
Muli akong naiwan sa silid at tahimik na nakatitig sa puting kisame ng ICU. Pilit kong iginalaw ang mga daliri ko ngunit wala talaga akong sapat na lakas gawin iyon. Tahimik akong bumuntong-hininga at hinayaan na lamang na makapagpahinga ang katawan ko.
"Yana?"
Napabaling ako kay Treyton noong tawagin na naman niya ako. Yana? Seriously? Saan niya nakuha ang nickname na iyan? Kahit ang mga magulang ko ay hindi ako tinatawag sa pangalan na iyan!
"Ano na naman, Treyton Duke?" Tanong ko dito at pinagtaasan ng isang kilay.
Isang buwan na ako dito sa ospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapayagan ng doktor ko na lumabas dito. They kept on telling me that they still need to observe me. Kahit na kaya ko nang kumilos mag-isa, still, they want me to stay in this hospital room, rest and read some books!
Napakunot ang noo ko noong hindi nagsalitang muli si Treyton. Seryoso ito ngayong nakatayo sa may pintuan ng silid ko at tila nag-aalangang magsalita.
"Treyton..."
"We got a problem," seryosong sambit nito na siyang ikinatigil ko. Umayos ako nang pagkakaupo at pinagmasdan lang ito sa harapan ko. Kita ko itong napatingala at napahugot ng isang malalim na hininga. Mayamaya lang ay muli niya akong tiningnan at pinagpatuloy ang dapat na sasabihin nito. "I went a little trip to Azinbar yesterday."
Nanlaki ang mga mata ko at gulat na nakatigin sa kanya.
"You what?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. Is he for real? Bakit naman siya babalik sa mundong iyon?
"Yes and I met the King of Northend." Dagdag pa nito na siyang lalong ikinagulat ko. The King of Northend! King Louis IV!
"And... what's the problem?" Maingat na tanong ko dito. Damn it! Ano naman ba ang problema nila ngayon doon?
"Captain Mary's body is missing."
The hell?
Napaawang ang labi ko at pilit na iniintindi ang mga salitang binitawan nito.
"Missing? Paanong n-nawawala ito?" Naguguluhang tanong ko dito. That's impossible, right? It's Captain Mary's body we're talking about here! Hindi ito maaring mawala na lamang sa Northend!
"Ang sabi nito sa akin, noong ibalik daw nila ang katawan nito sa Northend, the kept it inside the chamber, just like they always do. Walang ibang nakakapasok doon kung hindi ang hari at ang miyembro ng Tyrants. And the day before I went their for a visit, the body's gone. Without a trace, that powerful body is nowhere to be found in Northend, in Azinbar."
Natahimik ako at pilit na iniintindi ang mga impormasyong ibinigay ni Treyton sa akin.
The body is gone. Just like that.
No. May dahilan kung bakit nawala ito ngayon doon! God! This is really a problem! Northend will be doomed without the captain of Tyrants!
"Have you tried to talk to Captain Mary? Sa Afterworld?" Tanong ko kay Treyton na siyang ikinailing niya.
"I can't enter there without someone's permission, Yana. Noong sinundo kita roon, pinahintulutan niya akong makapasok doon."
"Wala bang ibang paraan para makapunta roon?" I asked him, trying to find a way to speak to Captain Mary again.
"There is," aniya na siyang ikinagulat ko. "You need to die."
"Treyton Duke!"
"The Tyrants are now looking for the body. The King told me himself that they're doing their best to find it."
"Pero nahihirapan silang i-locate ito, hindi ba?" Tanong ko na siyang ikinatango nito sa akin. "What exactly King Louis IV told you, Treyton? Alam kong hindi mo ito basta-bastang makikita at makakausap lang. Tell me. Anong nangyayari sa Northend?"
Hindi nagsalita si Treyton kaya naman ay mabilis kong ibinato sa kanya ang unan sa gilid ko. Irita ko itong tiningnan kaya naman ay dahan-dahan itong lumapit sa akin.
"Alam niya na nakakausap kita dito," aniya at naupo sa tabi ko. "He asked me if I can bring you again to their world."
Natulala ako sa narinig mula sa kanya.
"I c-can't..."
"I know you would say this," ani Treyton at hinawakan ang kamay ko. "I told him that you can't be in their world again. You're done with your
mission. You're not Captain Mary anymore. And besides, this is your world, Yana. This is your home."
"But... without Captain Mary..."
"No, Yana," pigil ni Trey sa akin at hinawakan ang mukha ko. Pinaharap niya ako sa kanya at matamang tiningnan ako sa mga mata ko. "You've done more than enough for Northend, Yana. That realm can stand alone without their Captain Mary. You don't need to be there again and save them."
"But Northend was my home, too. They gave me a home when I had nothing, Trey." I said, almost a whisper.
"Yana..."
"Wala na bang ibang paraan para matulungan natin sila? Hindi mo ba ako madadala sa Northend ng hindi namamatay muna sa mundong ito?"
"Oh my God, Yana, please, don't do this to me," ani Trey at hinaplos ang mukha ko. "You're doing great now. Magkasundo na kayo ng pamilya mo. You're recovering, Yana. Hindi mo na kailangang pagdaanan pang muli ang nangyari noon."
"Pero kailangan ako ng Northend."
"Mas kailangan ka namin dito, Rhianna Dione." Natigilan ako. "This is your home. This is where you truly belong, Yana. Kung ano man ang mayroon ka noong nasa Northend ka, noong nasa Azinbar ka, tapos na ito."
Napapikit ako at napabuntong-hininga na lamang.
I wanted to help Northend, again, but Treyton is right. I'm not the Captain Mary of Tyrants. Not anymore. Wala na akong maitutulong sa kanila. Hindi na ako ang makapangyarihang Knight ng realm nila.
"Sinabi ko lang sa'yo ang sitwasyong mayroon sila ngayon dahil ayaw kong naglilihim sa'yo, Yana. We're working this out, remember? I wanted you to trust me and I just can't lie to you. Lalo na kung ang bagay na ito ay tungkol sa Northend."
Tumango ako dito at iminulat ang mga mata.
"Thank you for telling me, Treyton Duke." I said then took a deep breathe again. "I won't... I won't bother you again about that realm. Sorry, alam kong ginagawa mo ang lahat para maging maayos na ulit ang lagay ko and here I am, naisipan ko pang bumalik doon. Stupid me."
"Rhianna Dione."
"Now, you're calling me like that." Naiiling na sambit ko at marahang hinampas ang pisngi. "I'm fine now, Trey. No need to worry about me. Now, go and work. Kailangan mong magtrabaho nang maayos kung gusto mong makuha ang nag-iisang taga-pagmana ng mga Ferrer."
Ngumisi ito sa akin at naiiling na hinalikan ako sa noo ko.
"I'm having an executive meeting with your dad and some investors today. Baka gabi na ako makabalik dito," aniya at umayos na nang pagkakatayo sa harapan. "Listen to your nurses and doctor. Don't forget your medicines, too."
"Yes, Treyton Duke. Now, leave." Naiiling na sambit ko dito at tuluyan nang umalis sa silid ko si Trey.
Binalot nang katahimikan ang buong silid ko kaya naman ay muli akong napabuntong-hininga. Ipinilig ko ang ulo ko pakanan at marahang hinilot ang kaliwang bahagi ng leeg ko.
Mayamaya lang ay natigilan ako sa paghaplos sa leeg ko noong makaramdam ako ng kakaiba rito. Napakunot ang noo ko at maingat na umalis sa kama ko. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa banyo at humarap sa salaming naroon. Inalagay ko sa balikat ang mahabang buhok ko at natigilan na lamang noong makakita ng isang pamilyar na marka roon.
"What the..." hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko noong biglang umilaw ang markang nasa leeg ko. Napaatras ako habang hindi inaalis ang mata sa markang nasa leeg ko.
"This is an emblem." Napaawang ang labi ko. "The Tyrants owned one of this. Bakit... bakit mayroon ako nito sa katawan ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili.
This can't be happening! This is my real body! Imposibleng magkaroon ako ng markang katulad ng markang mayroon si Captain Mary at ang mga miyembro ng Tyrants! No hell way!
"Treyton..." mahinang sambit ko. "I need to talk to him."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top