Chapter 34: Vessel
"Captain? Are you okay?"
"Captain Mary! Can you hear us?"
"Captain?"
"Captain!"
Napabalikwas ako nang bangon at mabilis na tiningnan ang paligid. Napakunot ang noo ko noong tumambad sa akin ang isang hindi pamilyar na silid. Kinalma ko ang sarili at tahimik na inilibot ang paningin sa kabuuan nito.
"Where the hell am I?" Tanong ko sa sarili at dahan-dahang tumayo. Naglakad ako patungo sa tukador ng silid at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga noong mamataan ang mukha ni Captain Mary.
I'm still inside her body. I'm still her. Paniguradong nasa Northend pa ako. Ngunit, anong nangyari sa akin? Anong nangyari sa naging laban namin ni Rupert?
Bahagya akong natigilan at inisip lahat nang nangyari.
Muli kong nakaharap si Rupert and I managed to finished him. I took his heart out of his body. I defeated the man behind all this war. The battle against them was ended.
"Tyrants," mahinang bulalas ko at ipinikit ang mga mata. Tinawag ko ang Tyrants gamit ang telephaty ko.
"Captain!" Halos sabay-sabay na sambit ng Tyrants noong marinig ang boses ko.
"Nasaan ang hari?" Tanong ko sa kanila habang inililibot ang paningin sa buong silid. "And where the hell am I?"
"You're still inside the palace, Captain, don't worry. Papunta na sila Amell at Alessia diyan." ani Jaycee na siyang ikinailing ko.
"Huwag na kayong mag-abala pa. Stay where you are. Ako na ang bahala sa sarili ko." Sambit ko at tinapos na ang pakikipag-usap sa Tyrants.
Now what? Ano na ang gagawin ko ngayon sa mundong ito? Tapos na ang gulo ngayon dito kaya naman ano na ang susunod na mangyayari sa akin? Babalik na ba ako sa mundong pinanggalingan ko?
"Treyton," mahinang sambit ko sa pangalan nito noong maalala ko siya. Right! He can travel through dimensions! Maari niya akong isama pabalik sa mundo namin!
"I need to talk to him." Dagdag ko pa at mabilis na tinungo ang pinto. Ngunit bago ko pa man ito mabuksan, natigilan na ako at napahawak sa ulo ko. Bigla akong nakaramdam nang pagkahilo kaya naman ay mariin kong ipinikit muli ang mga mata ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at noong bahagyang nawala ang pagkahilo ko, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Napakunot ang noo ko dahil sa biglang pahliwanag ng silid. It took me a few seconds before I finally adjusted from the light. Marahan kong kinusot ang mga mata at tuluyan nang iminulat ang mga ito.
Napaawang ang labi ko at mabilis na tiningnan ang paligid.
"What the..." mahinang bulalas ko noong mamataang wala na ako sa silid ngayon. Humakbang ako ng isang beses at natigilan muli noong maramdaman ko ang malamig na hampas ng hangin sa balat ko. "Where the hell am I?" Tanong ko sa sarili at nagsimula nang ihakbang muli ang mga paa.
Dahan-dahan ang bawat hakbang ko habang hindi mapirmi ang mga mata ko sa isang direksiyon lamang. Busog na busog ang mga mata ko sa magandang tanawing nakikita. All I can see is wide and beautiful green landscape. Bahagya ang napangiti sa kapayapaang ibinibigay nito sa akin. Mayamaya lang ay tumingala ako at namanghang muli sa kulay asul na himpapawid.
"What is this place? Nasa Northend pa ba ako?" Mahinang tanong ko sa sarili at muling tiningnan ang berde at malawak na lupain.
Nanatili akong nakatulala sa kawalan ng ilang minuto at noong makarinig ako nang isang malakas na ingay mula sa kung anong hayop ay agad akong naalarma. Ang kapayapaang naramdaman ko kanina ay biglang naglaho. Napahawak ako sa bewang ko at noong hindi ko nawakan ang espada kong palaging nakasabit doon ay napangiwi ako.
Great! I don't have any weapon with me!
Muli kong narinig ang nakakabinging ingay at mabilis na napatingala noong makaramdam ako ng malakas na paghampas ng hangin mula roon.
Napakunot ang noo ko at kusang umawang ang labi ko noong mapagtanto kung saan nanggagaling ang malakas na ingay na naririnig.
"No fvcking way," I said, almost a whisper as the creature slowly moving towards my position. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan at hindi inalis ang paningin dito. Ramdam ko ang pinaghalong takot at pagkamangha sa nakikita at noong tumigil na ito sa paglipad at ngayon ay nasa harapan ko, lalo akong hindi makagalaw.
"This can't be true." I said again as I looked intently at the creature in front of me. "A dragon," pahabol ko pa habang namamangha pa rin.
"Her name is Meredith."
Natigilan ako sa pagmamasid sa dragon na nasa harapan noong makarinig ng isang pamilyar na boses. Napabaling ako sa likuran ko at natigilang muli noong mamataan si Captain Mary doon.
"Captain Mary," tawag ko dito.
"You did well, Rhianna Dione. Hindi kami nagkamali sa pagpili sa'yo." Nakangiting sambit nito sa akin. Binalingan niya ang dragon sa harapan ko at tipid na tumango. "She's a fierce fire dragon," patuloy ni Captain Mary sa pagsasalita habang naglalakad papalapit sa puwesto ko. "She's the guardian of this place."
"What is this place? Nasa Northend pa ba ako? Azinbar?" Tanong ko dito habang hindi inaalis ang paningin sa kanya.
"This is the Afterworld, Rhianna. A place between life and death here in Azinbar. A place where someone like me do exist." Anito at nilagpasan ako. Dahan-dahan itong lumapit sa dragon at marahang hinawakan ang mukha nito. "Noong namatay at umalis ako sa katawan ko, dito ako napunta. Sa loob ng maraming taon, dito ako namalagi. I can't die, my body can't die, that's why I'm here, trapped with this beautiful dragon, Meredith."
"Captain Mary," mahinang tawag ko dito at naglakad palapit sa kanya. "You're powerful. Ni minsan ba ay sinubukan mong bumalik sa katawan mo?" Maingat na tanong ko dito.
Umiling siya sa akin at ngumiti. "Tapos na ang kung anong misyon ko sa mundong pinanggalingan ko." Aniya na siyang ikinatigil ko. "Gustuhin ko mang gamitin ang lahat nang mayroon ako makabalik lang sa katawang iyan, hindi ko pa rin gagawin iyon. That's against my own decision before leaving that body, Rhianna Dione. I already did my part as the protector of Northend. Tapos na ang laban ko."
"So am I," sambit ko na siyang ikinatigil naman nito. "I already defeated the enemy, Captain Mary. Tapos na ako sa misyong nakatalaga sa akin. Kaya ba nandito na ako sa Afterworld? Dahil tapos na ako sa kung anong dapat kong gawin sa mundong pinangangalagaan mo?"
"It's not yet done, Rhianna Dione," sambit ni Captain Mary na siyang ikinakunot ng noo ko. "The enemy is still there. Nasa Azinbar pa rin ito at hindi magtatagal, maghahasik muli ito nang kasamaan sa buong Azinbar."
"But... I already killed Rupert!" I exclaimed. Sa ginawa ko kay Rupert, paniguradong hindi na ito mabubuhay pa!
"Rupert? The Prince of Hilienne?" Tanong nito at hinarap ako nang maayos.
"Yes, Captain Mary. He was the leader."
"So, he really became a vessel, too." Anito na siyang lalong ikinakunot ng noo ko.
"Vessel?" I asked her. "What do you mean by that, Captain Mary?"
"Before you entered my body, the previous Captain Mary discovered a unusual magic power lurking around Azinbar. She tried her best and looked for that unusual magic power. It was her mission before she died during the battle." Pagkukuwento nito na siyang lalong nagpagulo sa akin. Her mission?
"The previous Captain Mary? Pero hindi ba nakipagsabuwatan ito kay Rupert? She wanted to kill the Prince of Northend!" Sambit ko dito.
Mariing umiling sa akin si Captain Mary at matamang tiningnan lang ako. Mayamaya lang ay natigilan noong may mapagtanto sa mga salitang binitawan nito sa akin kani-kanina lang.
"Wait... don't tell me..."
"It was part of her plan, Rhianna Dione." Wika nito at humugot ng isang malalim na hininga. "Captain Mary can't harm a member of a royal family. Sa kahit anong paraan, hindi niya ito masasaktan."
"Kaya nga nakipagkasundo ito kay Rupert! Si Rupert ang papatay sa Prinsipe!" I exclaimed.
"At naniwala ka naman, Rhianna Dione?" She asked me. Hindi ako nakapagsalita at hinayaan na lamang si Captain Mary na ipaliwanag sa akin ang lahat. "Hindi ito nakikinig sa mga payo ko at gustong gawin lamang ang mga bagay na sa tingin niya ay tama. She knew it was a wrong move to use the royal family but she doesn't have any choice back then. She tried to communicate with the Phoenix and its Grand Master, but she failed to gather information about that unusual magic power. Alam mo namang hindi nagtitiwala ang kahit sinong naging Captain Mary sa Phoenix kaya naman kung may kakaiba sa Northend at sa buong Azinbar, ito agad ang unang iniimbestigahan nito. Ngunit walang alam din ang Phoenix tungkol dito. That was a dead end for her and when she met Rupert, the Prince of Hilienne, she tried to use him to find that unusual magic power."
"And that power was inside Rupert?" I asked again.
"At first no, hindi pa siyang naging vessel nito. But because of his evil plan against his own realm, that unusual magic power entered his body. A vessel, that was the only role of Rupert in this battle."
"Just like your body," mahinang sambit ko.
"No, it was the opposite, Rhianna Dione," aniya at matamang tiningnan ako. "My body is a vessel and our enemy is a soul, a powerful one, looking for a perfect vessel."
I froze.
"And now that you killed Rupert, that dark soul is currently looking for another vessel." Dagdag nito na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi. "Your mission is not yet done here, Rhianna Dione. You need to find that soul and end its existence."
"But... how?"
"You have the power of Phoenix, Rhianna. Use it and burn that soul. Finish it. And when you're done, I'll allow that man from your world enters our dimension again."
Man from my world? Treyton?
"Are you talking about Treyton?" Maingat na tanong ko dito. "Where is he?"
"I sent him home." Seryosong sagot nito.
"And you won't allow him to enter Azinbar's dimension again," I stated.
"I won't allow him to bring you back to your world with an unfinish mission, Rhianna Dione. I'm sorry." Anito at binalingang muli ang dragon sa tabi nito. Muli niyang hinaplos ang mukha nito at mabilis na sumakay doon. Agad namang kumilos ang dragon at ikinumpas ang mga pakpak nito. Segundo lang ay nasa ere na silang dalawa.
"Find that dark soul, Captain Mary. Find its new vessel and if you can, burn them both with your fire. Use the Phoenix's fire, Captain. It's more powerful than you think it is."
Tahimik akong tumango at humugot ng isang malalim na hininga. Mataman kong tiningnan ang papalayong dragon at si Captain Mary. Muling gumawa ng isang malakas na ingay ang dragong si Meredith at mabilis na lumipid palayo sa kinatatayuan ako. Minuto lang ay nawala na silang dalawa sa paningin ko at ngayon ay muling nag-isa ako sa malawak na lupain ng Afterworld.
A dark soul. A vessel. That's my key to return to my own world.
"This is like an ending battle," I said as I took a deep breathe again. "Just like Captain Mary's existence in this world. Endless."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top