Chapter 29: Save

Sa magkaibang direksyon kami tumakbo ni Atlas. Sa main gate ako ng palasyo samantalang deretso ang takbo nito patungo sa likurang bahagi ng palasyo.

Sana nga ay tama ang naging pagsang-ayon ko sa pagtulong nito sa akin. We can't afford to loss that man. He's the next Grand Master of Phoenix, for Pete's sake! But, I can't stop him now. Pinal din ang desisyon nitong sumama at tumulong sa amin dito sa Northend.

"Captain Mary!" bulalas ng Knight na nagbabantay ngayon sa main gate ng palasyo. Bahagya akong natigilan at tiningnan ito nang mabuti. "You're here! Kumusta ang kalagayan sa may boundary? Are we winning against the enemy?" Tanong pa nito sa akin habang pinagbubuksan ako ng gate.

"Alessia and Amell are leading the Knights there," matamang sambit ko at pinakiramdaman ang tatlong Knights na naka-assigned ngayon sa main gate ng palasyo. "New faces," mahinang sambit ko na siyang mabilis na ikinaayos nila nang tayo sa harapan ko. "Bago lang kayo dito sa palasyo?"

"Yes, Captain!" sagot ng isa habang seryosong nakatingin sa akin. Ramdam ko ang pagkabalisa nito kaya naman ay napaarko ang isang kilay ko. "The King himself appointed us to be a Northend Knight!" Dagdag pa nito.

"Is that so?"Tumango ako dito at nagsimula nang maglakad muli. Ilang hakbang pa lamang ang ginagawa ko ay naramdaman ko na ang pagkilos ng tatlong Knights sa likuran ko. Isang hakbang pa ang ginawa ko at mabilis na inihanda ang espada ko. Agad kong ikinumpas ito at sinangga ang sabay-sabay na atakeng ginawa nila sa akin.

"Too slow," turan ko at mabilis na kumilos. Sa isang iglap, wala nang buhay ang dalawang Knight at gulat na nakatingin sa akin ang natitirang nakatayong Knight. Itinutok ko ang espada sa gawi nito at matamang tiningnan ito sa mga mata. "Where's Rupert?"

Hindi sumagot ang Knight sa harapan ko kaya naman ay humakbang ako ng isang beses habang hindi inaalis ang pagkatutok ng espada sa kanya.

"You know what, I don't like saying things twice. Sagutin mo ang tanong ko habang hindi ko pa naitatarak ang espadang ito."

"Wala siya sa Northend. M-Master Rupert is not yet here." Nahihirapang sambit nito na siyang nagpataas ng isang kilay ko.

Master? They call him Master? That traitor? Unbelievable!

"Is that so?" Tanong ko at muling humukbang papalapit sa kanya. "Alright, I can find him myself anyway." Ngumisi ako at mabilis na pinatumba ang Knight sa harapan ko.

Binalingan ko ang main gate ng palasyo at napailing na lamang. Hindi maaring walang Knight na magbabantay dito! Damn this! I need to find someone, a Northend Knight to guard the gate. Ngunit ang tanong, may natitirang Northend Knight pa ba dito sa palasyo? Kung mga tauhan na ni Rupert ang nadatnan ko ngayon, malabong makahanap ako nang makapagkakatiwalaang Knights dito na siyang magbabantay sa main gate.

I sighed then looked around. I don't have a choice now. I need to move and find King Louis IV! Kailangan ko ring makita sila Jaycee at ang iba pang miyembro ng Tyrants. Masama ang pakiramdam ko sa enerhiyang nakapalibot ngayon sa buong palasyo. Masyadong malakas ang dark spells na inilagay nila at hindi ako nakakasiguradong magiging ligtas sila sa kung anong magiging epekto nito sa katawan nila. Dark spells are dark spells. Hindi lahat ng taga-Azinbar ay kayang labanan ito.

At kung mangyayari ang mga nakita ni Aviana sa hinaharap, tapos na ang labang pinaglalaban namin ngayon. Hindi maaring mamatay ang hari at ang pamilya nito! Kailangan ko silang mahanap sa lalong madaling panahon!

Isang pagsabog sa loob ng palasyo ang nagpatigil sa akin. Bumaling ako dito at mabilis na kumilos noong makita ang usok doon. Never mind the main gate! Damn! I need to see the King and his family now!

Mabilis akong tumakbo papasok ng palasyo. Bawat dampi ng hangin sa katawan ko ay nararamdaman ko ang dark spell na bumabalot ngayon sa lugar at noong tuluyang makapasok na ako sa malawak na bulwagan ng palasyo, agad kong tinungo ang daang papunta sa silid ng hari. Akmang aakyat na ako sa may hagdan noong natigilan ako sa pagkilos at namataan si Zahra roon. She was slowly walking towards the stairs. Nasa kawalan ang tingin nito at natitiyak kong hindi pa niya ako napapansin ngayon.

Pinagmasdan ko itong humakbang ng isang beses pababa at noong makakita ako ng kakaibang itim na usok sa likuran nito ay mabilis ko itong tinawag.

"Zahra," I called her name as I took a step forward. "What happened? Where's Jaycee?" Tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ang paningin sa itim na usok na nakasunod sa kanya. What is this? Is she being controlled by them? Pero sino naman ang may kakayahang gumamit ng ganitong uri ng dark spell? I already killed Socorio and I don't think that someone can pull this kind of spell on her!

Wait... Theodore? Is he here too? Or maybe, it's Rupert! Damn him!

"C-Captain..." Nanghihinang sambit nito at itinaas ang isang kamay nito. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya at mabilis na inalerto ang sarili. "Don't... I... I can't control..."

"Stay still, Zahra," utos ko sa kanya at itinaas rin ang hawak na espada ko. "Kahit anong mangyari, huwag kang gagalaw sa kinatatayuan mo."

"Captain..." Nahihirapang sambit muli nito. She's suffering!

"Trust me," muling sambit ko dito at mabilis na inihagis ang espada patungo sa dereksiyon niya. Kita ko ang pagkagulat ni Zahra sa ginawa ko ngunit kagaya ng inutos ko sa kanya, hindi ito kumilos sa kinatatayuan nito. Pinagmasdan ko ang espada ko hanggang sa tumarak ito sa konkretong pader sa likuran ni Zahra. Nawala ang itim na usok sa likuran niya, maging  ang enerhiyang inilalabas nito kanina. Segundo lang ay nawalan naman nang balanse si Zahra at mabilis na napaupo sa may hagdan.

"Zahra!" I called her name and immediately run towards her. "You okay?"

"Thanks, Captain," aniya at humugot ng isang malalim na hininga. "They were controlling my body and I can't do anything about it. Damn them! Pati sila Jaycee ay napahamak dahil sa kapabayaan ko! I'm really sorry, Captain. I... I tried to fight against the dark spell but I failed. I was too weak against it."

"You did your best, Zahra, iyon ang mahalaga. Now tell me, who casted the dark spell on you?" Matamang tanong ko dito. "At anong nangyari dito? Bakit nauwi sa ganitong sitwasyon ang palasyo ng Northend? King Louis IV and his family. Nasaan sila ngayon?"

"It was a trap, Captain," anito at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo nito. "The King is safe but we can't find the Queen and the Prince. Noong dumating kami dito, nagkakagulo na ang lahat. Nagpapalitan na ng mga atake ang mga Knights ng realm natin at ang mga Knights ng Hilienne." Dagdag nito at humugot nang isang malalim na hininga. "We secured King Louis IV safety but we failed to find the Queen and her son. Huli na rin noong mapagtanto namin nila Jaycee ang totoong nangyayari."

"What exactly happened here, Zahra?"

"Aviana," aniya na siyang ikinakuyom ko ng mga kamao. "She doesn't have an ability to see what's bound to happen. Lahat ng sinabi niya sa atin ay parte lahat ng plano nila laban sa buong Azinbar."

Fvck it! That woman! I trusted her and her words!

"Noong makarating kami dito sa palasyo, agad naming tinungo ang silid ng hari. But, we were too late! Siya na lamang ang nadatnan namin. Ilang Knights ng Hilienne na ang nagbabantay dito. Noong una ay binalak naming pumunta sa boundary para sabihin sa inyo ang kalagayan dito ngunit napalibutan na rin nila kami. May iilang high level enchanters din silang kasama kaya naman ay nahirapan kami nila Jaycee at Owen na kalabanin nila. You know how Enchanter works, Captain.  They don't fight fair."

"Enchanters?" Tanong ko kay Zahra at naalala ang mga nakalaban kanina. "May mga nakalaban din kaming enchanters sa boundary ng Northend at Hilienne." Matamang sambit ko at naglakad patungo sa espada kong nakatarak sa may pader. "They really planned everything, huh. Nagawa nilang paalisin tayo sa puwesto natin at ginamit pa ang Great Guardian Phoenix para lang tuluyang makapasok sila sa Northend." Mahigpit kong hinawakan ang espada ko at binalingang muli si Zahra. "Where's Jaycee and Owen?"

"That's the problem, Captain. May natuklasan kami tungkol sa mga kalaban natin," aniya na siyang ikinatigil ko. "They're producing dark spells energy by using someone else magic power."

"What do you mean by that?" Naguguluhang tanong ko dito.

"They're converting Jaycee and Owen's magic power into dark spell energy. Ito ngayon ang bumabalot sa buong palasyo. In my case, they can't convert my power. Earth magic is pure magic. Hindi gumagana ang spell nila sa akin. Hindi nila kayang baguhin ang kapangyarihang taglay ko."

"Kaya naman ay hinayaan ka nilang makaalis at sa halip na kunin at gamitin ang kapangyarihan mo, kinontrol na lamang nila ang katawan mo." Sambit ko na siyang marahang ikinatango ni Zahra.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili.

"We're going to save them, Zahra. All of them." Mariing sambit ko at ipinikit ang mga mata. "Tyrants, can you hear me?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top