Chapter 25: Test

"Are you out of your mind?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hannah sa akin. "Rhianna, you worked so hard to get out of that mansion! Isinumpa mo na ang lugar na iyon tapos ngayon sasabihin mong gusto mong dalhin kita roon?"

"Yes, Hannah. Dalhin mo ako sa mga Ferrer." Ulit ko dito.

"No, Rhianna!"

"Hannah, please, just this one. Gawin mo ito para sa akin."

Kung alam ko lang kung saan ko pupuntahan ang mga Ferrer ay hindi ko na gagawin ito. Wala akong alam sa mundong ginawa ng Phoenix at tanging si Hannah lamang ang makakatulong sa akin sa bagay na ito.

"Hannah..."

"Fine!" Anito sabay irap sa akin. "Ito ang huling beses na dadalhin kita sa lugar na iyon, Rhianna. At kung sasaktan ka na naman ng pamilya mo, isasama na talaga kita sa pag-alis ko sa bansang ito!"

"Thank you, Hannah!" bulalas ko at mabilis na niyakap ito. Alam kong hindi ito totoo, hindi siya ang totoong kaibigan ko, ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ang nag-iisang kaibigang mayroon ako bilang si Rhianna Dione. Ilang buwan na rin akong namamalagi sa Azinbar at hindi ko itatangging hindi ko ito na-miss kahit isang beses lang. She's my bestfriend. She knew me better than anyone else in this world.

Tahimik lang kami ni Hannah habang nasa sasakyan niya kaming dalawa. Mabilis ang pagpapaandar nito ng sasakyan niya at noong tumigil na ito sa tapat ng mansyon ng mga Ferrer ay mabilis kong inalis ang seatbelt sa katawan ko.

"Rhianna, sigurado ka ba dito?" muling tanong ni Hannah sa akin. "Baka hindi ka na nila palabasin sa mansyon na iyan."

"Hindi nila gagawin iyan sa akin."

"They already did that before, Rhianna. Nakalimutan mo na ba?" Histerikal na tanong ni Hannah na siyang ikinatawa ko. Yes, I remembered that. Crystal clear. At kung tama ang pagkakatanda ko, dinala pa nila ako sa isang liblib na lugar at doon ikinulong. Malayo sa siyudad, malayo sa kung anong kinagisnan ko. Sa lugar ding iyon nagtagpo ang landas namin ng hari ng Northend. Doon din ako naaksidente at nawalan ng buhay.

"I'll be fine, Hannah. Thank you so much," sambit ko sa kaibigan at bumaba na sasakyan nito. Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa marating ko ang main gate ng mansyon ng mga Ferrer.

"Ma'am Rhianna!" Gulat na sambit ng nagbabantay na guard noong mamataan ako. Mabilis niya akong pinagbuksan at kinamusta ako. "Mabuti at bumalik ka na po, Ma'am."

Ngumiti lang ako dito at tinanong kong nasa loob ng mansyon ang mga magulang ko.

"Opo, Ma'am. Nasa loob po sila."

"Thank you, kuya," turan ko at mabilis na naglakad papasok sa mansyon.

Maingat ang bawat hakbang ko at noong marating ko ang sala ng mansyon ay mabilis akong napako sa kinatatayuan ko.

Lahat ng alaalang mayroon ako sa bahay na ito ay bumalik sa isipan ko. Lahat ng iyak at pagkadismaya sa sariling pamilya ay muling bumuhos sa akin. I can't believe this! Ang akala ko pa naman ay ayos lang sa akin ang lahat ng ito. Na wala na dapat akong pakialam sa kung anong mayroon ang pamilyang kinabibilangan ko!

"Rhianna? Is that you, darling?"

Tila nabuhusan ako ng nagyeyelong tubig noong marinig ang boses ng aking ina. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa maramdaman ang mahigpit na yakap nito sa akin.

"Jesus, Rhianna! You're back!" She cried as she hugged me tightly. "Saan ka ba nagpunta? Bakit umalis ka nang walang paalam man lang? Ayos ka lang ba? Wala namang masamang nangyari sa'yo, hindi ba?"

"Let me go, mom," I said, almost a whisper, to her. "Hindi ako bumalik dito para manatiling muli sa mansyong ito."

"Rhianna..."

Face the demons within me. I am my own demon. At alam ko na rin kung anong ibig sabihin ng Great Guardian noong tinuran niya ito sa akin.

I need to face my family. I need to tell them how I feel about them. I need to tell them everything I kept inside my heart for years now.

"What's going on here?"

Mabilis akong napabaling sa gawing kanan ko noong marinig ang boses ng aking ama.

There, I saw him. The great Theodore Ferrer, my own father.

"Theodore, bumalik na si Rhianna," sambit ng aking ina at mabilis na nilapitan ang aking ama. "Matatapos na ang gulo sa kompanya, hindi ba? Nandito nang muli ang anak natin, ang tanging tagapagmana ng mga Ferrer."

"Mom..."

"Theodore, tanggapin mong muli ang anak natin. Nakikiusap ako sa'yo," umiiyak na dagdag pa nito na siyang ikinadurog ng puso ko.

Damn it! Hindi ito totoo! Lahat ng mayroon dito ay hindi totoo! Dapat hindi ako maapektuhan sa kung anong nangyayari dahil kong magpalunod ako sa emosyon ko, natitiyak kong hindi ako makakabalik sa Azinbar!

"What are you doing here, Rhianna Dione? Akala ko ba'y hindi ka na muling tatapak sa mansyong ito?" Malamig na tanong ng aking ama. "Nagsawa ka na bang sirain ang buhay mo?"

"Hindi ko sinira ang buhay ko, dad. Kayo ang sumira nito."

"Huwag mong isisi sa amin ang lahat nang kalokohang ginawa mo. Ikaw ang nagdesisyong gawin ang mga bagay na labag sa pamilyang ito!"

"Pamilya? Pamilya pala ang tawag mo dito?" Tanong ko habang naiiling dito. "No, this is not a family, dad. I never felt to be part of this family. This is more like a business to you and the rest of the Ferrer!"

"Rhianna, please," paki-usap ni mommy at dinaluhang muli ako. "Tama na, okay? Just ask for your father's forgiveness, darling. Para matapos na ito."

"Forgiveness?" Natawa ako sa tinuran at inilingan ang aking ina. "Mom, I'm grateful to be born in this world but I'm not happy to be a Ferrer. Hindi ko ginustong maging parte ng pamilyang ito."

"Rhianna..."

"Then, what are you doing here? Nasa teritoryo ka ng pamilyang kinamumuhian mo." My dad coldly uttered. "Anong pakay mo at bakit narito ka, Rhianna Dione?"

"Peace of mind, dad. I wanted to free from everything. Fear, hatred and guilt for ruining everything you built for me."

"Rhianna," mommy cried again.

"I wanted to live freely." Dagdag ko pa. "Gusto kong gawin ang kung anong gusto ng puso ko. I wanted to protect those people see my worth, my ability and acknowledge me as person, not an asset, dad."

Hindi kumibo ang aking ama kaya naman ay nagsimula na akong humukbang papalapit sa kanya.

Pride. 

That's the demon inside me and now I'm freeing it.

Noong nasa harapan na ako ng aking ama, mabilis akong lumuhod sa harapan nito na siyang ikinasigaw ng aking ina.

"No, Rhianna! Don't do that! Theodore, ano ba?" Sigaw ni mommy at naupo sa tabi ko. "Tumayo ka, Rhianna! Huwag mong gawin ito!"

"Give me the freedom I truly deserve, dad. That's all I wanted in this life." Matamang sambit ko dito. Napayuko ako at mahigpit na ikinuyom ang mga kamao.

Sana tama itong ginagawa ko. Sana ito talaga ang tinutukoy ng Great Guardian Phoenix sa akin. Sana tama ang lahat ng ito.

"And... and I wanted to ask your forgiveness, too. For all the bad things I've done before. For all the hurtful words I've said." Pigil-hininga kong sambit dito. "I was a failure, I know that at tinanggap ko iyon. Hindi ako naging isang anak na matagal niyo nang hiniling noon. Hindi ako nararapat na maging isang Ferrer."

"Rhianna Dione, stop it!"

"I'm sorry," napapikit ako at mabilis na napahawak sa ulo ko noong maramdaman muli ang matinding sakit sa ulo ko. Muli ring nag-init ang buong katawan ko kaya naman ay napasigaw na naman ako.

She's taking me back now.

Tapos na ang pagsubok na ibinigay sa akin ng Phoenix!

"Fvck!" I cursed as I gasped some air. Napailing ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. Napahawak ako sa sahig at noong maramdaman ko ang malamig na metal ng isang espada ay mabilis kong iminulat ang mga mata ko.

I'm back!

Nasa silid na muli ako kung saan namin nakita ang Great Guardian Phoenix!

"Ganoon na lamang ba ang kagustuhan mong iligtas ang mundong ito, Rhianna Dione?"

Napabaling ako sa likuran ko at mabilis na napatayo noong mamataan roon ang isang nagliliwanag na nilalang. Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang kabuuan nito.

It's the Phoenix!

A beautiful creature with its brilliant scarlet and gold plumage coated with red and blue fire.

Fire! Oh my God!

"Great Guardian Phoenix." I uttered and without even thinking, I bowed my head as a sign of respect of its presence. So, this is its true form! I never thought of it! Captain Mary never showed me its true form! Red and blue fire? This is insane!

"Hindi ka nagdalawang-isip na gawin at sabihin ang mga katagang iyon. You surpassed your own demons. You passed the test I gave you, Rhianna Dione, Captain Mary." Anito at iginalaw ang pakpak nito na siyang bahagyang ikinagulat ko.

"Now, I'll ask you one more question..."

Napalunok ako at napaayos nang pagkakatayo. Mataman ko itong tiningnan at hinintay ang magiging tanong nito sa akin.

"If you die in this battle and return to your own world, will you do the same thing? Will you ask for forgiveness to all the people you hurt before?"

Natigilan ako.

Can I really do that?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top