Chapter 24: Demons
Bago pa sumikat ang araw ay nagsimula na kami sa paglalakbay namin patungo sa templo kung nasaan ang Great Guardian Phoenix ng Azinbar.
Seryoso ang lahat at ramdam ko ang tensiyong bumabalot sa mga kasama ko. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa taling nakakabit sa kabayong sinasakyan ko at mas binilisan pa ang pagpapatakbo dito.
Bago pa man kami umalis kanina sa Northend, pilit kong tinawag at sinubukang kausapin si Captain Mary. I need her words about the situation. Mas magiging kampante ako kung sasabihin niyang malalagpasan namin ang misyong ito. Ngunit hindi nangyari ang nais kong mangyari. I never heard Captain Mary's voice. She never talked and showed up in front of me.
"We're here," seryosong sambit ko at mabilis na bumaba sa sinasakyang kabayo. Nagsibabaan na rin ang mga kasama ko at lumapit sa akin. Ikinuyom ko ang kamao noong maramdaman ko ang kakaibang enerhiya sa lugar na ito at binalingan sila. "Just like what we have planned, the Tyrants and the Phoenix Knights are the one who will join me inside the temple. Avania, lead the Knights outside the temple. Walang ibang papasok dito kung hindi kami lamang."
"Yes, Captain!" Aviana said then started giving instructions to the Evraren Knights.
Ang templong kinaroroonan ng Great Guardian Phoenix ay nasa dulong bahagi ng Northend, malapit na rin ito boundary Evraren. At kung tama ang impormasyong nakalap namin tungkol sa lugar na ito, ilang mababangis na hayop ang naninirahan dito. Masuwerte na yata kami dahil wala kaming nakasalubong kanina noong pumasok kami sa lupaing ito.
"Atlas, siguraduhin niyo na hindi kayo lalapit sa sentro ng templo. Bantayan niyo ang lagusang papasukan namin at kung may magtatangkang pumasok maliban sa mga kasamahan natin ngayon, alam niyo na ang gagawin niyo."
"Yes, Captain Mary," sambit ni Atlas at tinanguhan kami.
"Let's go," yaya ko sa kanila at binalingan na ang daan papasok sa templo. Humugot ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang ihakbang ang mga paa.
"Captain Mary! Can you hear me?"
Sinubukan kong muling kausapin si Captain Mary. I need to know how to control the Phoenix power! Alam at ramdam kong magtatagumpay kami sa misyong ito at kung nasa mga kamay ko na ang kapangyarihan nito, ano naman ang gagawin ko dito? How can I claim the power properly? Damn! I need to know!
Tuluyan na kaming nakapasok sa templo ngunit hindi pa rin ako kinakausap ni Captain Mary. Hanggang sa matanaw ko na ang pintuang magdadala sa amin pinakasentro nito ay hindi pa rin ito sumasagot sa kahit anong pagtawag ko sa kanya.
I sighed.
Binalingan ko ang mga kasama ko at ramdam ko ang kahandaan nila sa kung anong sasalubong sa amin sa likod ng pintong ito. Naghandan na rin sila Atlas sa pagbantay sa papasukan naming silid kaya naman ay inihanda ko na rin ang espada ko. Tinanguhan ko ang Tyrants at hinarap nang muli ang pintong magdadala sa amin sa kung nasaan ang Great Guardian ng mundong ito.
Pagkabukas ko ng pinto ay maingat akong humakbang papasok doon. Tahimik namang sumunod ang Tyrants sa akin at noong tuluyang nakapasok na kami ay napakunot ang noo ko. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid at takang pinagmasdan ito.
An empty room.
"This is the temple?" rinig kong tanong ni Alessia sa likuran ko. Akmang hahakbang na muli ako noong biglang kumalabog ang pintong pinasukan namin. Kusang sumara iyon! Napabaling kami roon at noong biglang makaramdam ako nang kakaiba ay mabilis akong naging alerto. Muli kong pinagmasdan ang walang lamang silid at noong makita ang unti-unting pagbabago nito ay napahigpit ang paghawak ko sa espadang hawak-hawak.
"This is the power of Phoenix I've read on books," wika ni Jaycee at naramdaman ko ang paglapit ng Tyrants sa puwesto ko. "Nakabase sa kung anong kapangyarihan ng kung sinong pumasok dito ang kalalabasan ng magiging itsura ng silid na ito."
"A high level magic manipulation," komento naman ni Alessia at nagcast ng barrier sa amin.
Hindi ko inalis ang paningin sa pagbabago ng silid na siyang tinutukoy ng Tyrants. Ang kaninang walang lamang silid ay unti-unting nagyeyelo. Mas lumawak na rin ito kumpara sa espasyong mayroon ito noong pumasok kami.
Isang pagyanig ang pumukaw sa amin kaya naman ay mabilis na inihanda nang mga kasama ko ang mga sandata nila. Nanatili naman akong nakatayo at noong may mamataang bulto ng isang tao 'di kalayuan ay mabilis kong pina-dispel kay Alessia ang barrier nito.
"Be careful, Captain," paalala ni Amell na siyang tipid kong ikinatango.
Maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Pilit kong nilalabanan ang lamig mula sa nagyeyelong paligid at noong tuluyang makalapit ako sa bulto ng taong namataan ko ay mabilis akong napako sa kinatatayuan ko.
"What the..."
"Welcome, Captain Mary," sambit ng babaeng prenteng nakaupo sa tila trono nito. Ngumiti ito sa akin habang pinaglalaruan ang espadang hawak nito. "You're finally here."
"Who are you?" Seryosong tanong ko habang hindi inaalis ang panigin sa mukha nito. Itinaas ko ang espadang hawak at itinutok ito sa kanya.
Fvck! What's happening here? Bakit nasa harapan ko ang sarili ko? Rhianna Dione Ferrer. That's my freaking face!
"Calm down, Captain Mary. You want something from me, right?" tanong niya na siyang ikinakunot muli ng noo ko. "If I were you, ibababa ko ang espandang hawak mo. Mas lalong lalala ang kondisyon ng silid na ito kung gagawa ka pa ng kung ano." Aniya at mabilis na ikinumpas ang kamay sa gawi ko.
Mabilis akong kumilos at noong nailagan ko ito ay binalingan ko ang likuran ko kung nasaan ang Tyrants. Kita kong wala na sila sa kaninang pwesto. Mukhang iniwasan din nila ang naging pag-atake ng babaeng nasa harapan ko.
"Are you one of the guardian of the Phoenix?" Seryosong tanong ko dito at ibinaba ang pagkakatutok ng espada sa kanya. Damn! It's weird! Talking to myself is weird! Bakit ba kasi ganito ang itsura nito? Bakit ba kasi nasa kanya ang mukhang mayroon ako sa mundo ko.
"I'm not one of the guardian of the Phoenix, Captain Mary, cause I'm the Phoenix itself." Anito na siyang ikinatigil ko.
What?
"Huwag kang mag-alala, hindi ito ang totoong anyo ko." dagdag pa nito at tumayo mula sa kinauupuan nito. "This image was created the moment you entered my temple."
"And the snow?"
"That's how you feel, Captain Mary. Cold and scared." Sambit niya at unti-unting nagbago ang paligid namin. Nawala ang pagyeyelo at napalitan ito ng isang simpleng silid.
"Captain!"
Natigilan ako noong marinig ang pagsigaw ng Tyrants kaya naman ay mabilis akong bumaling muli sa kanila.
"What..." hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong biglang nawala sa paningin ko ang Tyrants. Tila parang isang bula silang nawala sa paningin ko. Where the hell are they?
"What have you done?" Seryosong tanong ko dito at itinutok kong muli sa kanya ang hawak na espada. "Anong ginawa mo sa kanila?"
"Pinalabas ko lang sa silid na ito, Captain Mary. Wala silang maitutulong sa'yo sa pagkakataong ito."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I'm telling you that this fight is between the two of us, Captain Mary. If you want the power I possess, then fight me alone. And if you can defeat me, then, I'm all yours. You can use my power. Kahit anong naisin mong gawin dito, magagawa mo."
"Can I use it to save this world?" Mahinang sambit ko na siyang ikinangiti nito.
"Of course, Captain Mary. But before that, you need to save yourself first." Aniya na siyang mabilis na ikinaluhod ko. Hinawakan ko ang ulo ko at napasigaw na matinding sakit na nararamdaman ko roon.
"Fight your demons, Rhianna Dione, and if you win against them, you can face me again." Huling rinig kong sambit ng Phoenix bago makaramdam ako ng kakaibang init sa buong katawan ko. Muli akong napasigaw dahil sa sakit.
Damn it! What the hell is this? Ito ba ang kapangyarihan ng Phoenix? At ano raw? Face my demons? Anong demons ang tinutukoy nito?
Nanatili akong nakaluhod habang hawak-hawak pa rin ang tila binibiyak na ulo. Damn! Ano bang ginawa nito sa akin?
"Rhianna Dione! Can you hear me?"
Oo! Naririnig kita at...
Mabilis akong natigilan noong marinig ang pagbanggit nito sa pangalan ko. Rhianna Dione. That's my freaking name!
"Hoy, Rhianna! Ayos ka lang ba? Bakit may pagluhod ka pa diyan?"
Napamulat ako ng mga mata ko at natigilan noong mamataan ang nag-aalalang mukha ng kaibigan ko.
"Hannah," mahinang sambit ko sa pangalan nito at mabilis na tumayo mula sa pagkakaluhod. Inilibot ko ang paningin sa paligid at namataang nasa isang pampublikong palikuran kami ngayon. "Bakit ako napunta dito?"
"Ayos ka lang ba talaga, Rhianna?"
"What happened? Bakit nandito tayo?" Tanong ko kay Hannah at hinarap ito. "Anong nangyari sa akin?"
"Sumakit ang ulo mo kaya tumakbo ka papunta dito," sagot nito at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "You're scaring me. What's wrong?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Hannah at mabilis na lumabas sa CR. Mabilis ang mga hakbang ang ginawa ko at noong bumungad sa akin ang malawak at maingay na floor ng isang mall, napatampal ako sa noo. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko at tiningnan ang suot kong damit. This was my normal clothes back then. No armored suit, just plain dress.
I sighed.
This is one of the Phoenix magic manipulation. She's playing with my head, my mind! This place is not true! Ginawa niya lang ito para sa pagsubok na nais nitong malampasan ko! Maging ang presensya ng kaibigan ko ay alam kong hindi ito totoo! Ano bang gusto nitong gawin ko dito? Bakit ginawa niya ito?
Pilit kong inalala ang mga huling tinuran ng Phoenix sa akin. At noong maalala ko ito ay mabilis kong binalingan si Hannah na siyang nasa likuran ko na ngayon.
Demons. I need to face my own demons!
"Bring me to the Ferrer."
A/N:
Happy 5th monthsary, lovies! love you all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top