Chapter 21: Ability

"You will never see me. Again. That's my condition."

Hindi nagsalita si Rupert at matamang nakatingin lamang sa akin. Nanatili ang kamay ko sa leeg nito at hindi rin inalis ang paningin sa kanya. Ni pagkurap ay hindi ko ginawa at noong makita ang pag-aalinlangan sa mga mata nito, muli kong iginalaw ang duguan kong kamay. Slowly, I removed my hand on him.

Akmang hahakbang na ako palayo dito noong biglang hawakan niya akong muli sa bewang ko. Bahagya pa akong nagulat sa ginawa niya at mas inilapit nito ang katawan sa akin.

I tried to compose myself in front of him. Kailangan kong panindigan ang sinimulan kong pagpapanggap sa harapan nito. And when I was about to provoke him again, I felt a sting feeling on my stomach. Napakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin kay Rupert at noong mas tumindi ang sakit na nararamdaman ko ay mabilis akong lumayo dito.

Fvck!

"Stop fooling me, Captain Mary." Mariing sambit ni Rupert at inangat ang espadang isinaksak nito sa akin. Masama ko itong tiningnan lalo na noong mamataan ko ang sariling dugo sa espadang hawak nito. "You're not her. You're a different Captain Mary. The one who gave me orders and gave me informations is not you."

Ngumisi ako dito at mariing hinawakan ang tiyan kong sinaksak nito. Ramdam ko ang matinding sakit sa tiyan ko kaya naman ay mariing kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang pagsigaw. Agad kong pinagaling ang sariling sugat at noong halos wala na akong maramdamang sakit dito, mabilis kong itinaas ang kamay at kusang gumalaw ang espada kong nakapatong sa mesang katabi ko kanina. Lumutang ang espada sa era at sa isang iglap ay nasa kamay ko na ito.

"Took you too long to discover my identity," sambit ko at itinutok sa kanya ang hawak na espada. Inalis ko na ang kamay sa tiyan ko at itinuon ang buong atensiyon sa kalaban. "Kagaya ng sinabi ko kanina, leave the king's child alone. Kahit hindi ako ang nakausap mo noon, ako at siya ay iisa pa rin. Pareho kaming si Captain Mary kaya naman ay ipagsasawalang bisa ko ngayon ang pinag-usapan ninyo noon."

"You're not her so you don't have the autority to order me like that," anito at mabilis na sinugod ako. Inaasahan ko nang magagalit ito sa ginawa kong pagpapanggap kaya naman ay buong puwersa akong dumipensa sa mga atake nito. He's mad at me right now and I can feel that he's going to kill me if I give him a single chance of destroying me.

Mabilis akong kumilos at gumaganti rin nang atake sa kanya.

Bawat hampas at pagtatama ng espada naming dalawa ay napapamura ito. Mas lalong lumakas ang bawat atake niya sa akin kaya naman ay mas inigihan ko ang pagdepensa. Mayamaya lang ay namataan ko ang unti-unting paglabas ng itim na kapangyarihan sa katawan nito. Naging alerto ako at inihanda ang maaring pangontra dito. Inangat ko ang kaliwang kamay ko at nagsimula nang magsumon ng isang elementong maari kong magamit laban kay Rupert. I can feel his power's increasing every second now. I need to do something and stop him. I can't let him use his dark spells on me. This body already consumed too much dark magic spells! Hindi ko alam kung hanggang saan ang hangganan ng paghigop ko sa mapanganib na spell na ito!

I'm afraid that I might destroy this body and eventually kill me!

Hindi ko pa natatapos ang magic na ginagawa ko ay mabilis nang tumilapon ang katawan ko dahil sa malakas na impact mula sa atakeng ginawa namin sa isa't-isa. I mentally cursed when my body fell against the cold and hard floor and when I taste my own blood inside my mouth, I hold my sword firmly.

Masama ko itong tiningnan at mabilis na ginamitan muli ng healing spell ang buong katawan. Napamura na lamang ako sa isipan noong mapagtanto kung gaan kalakas ang kalaban ko ngayon. He's way different. Wala pa itong ginagamit na dark spells laban sa akin at heto ako ngayon, duguan na. Ganito ba talaga kalakas ang kalaban ko? He's just fvcking releasing dark magic spell but he's not yet using it against me!

Come on, Captain Mary! I know you're better than this! You're stronger than this!

"Stand and fight me, Captain Mary." aniya at itinutok sa gawi ko ang espadang hawak nito. "You need to die. At kung mangyayari iyon, maaring makabalik ito sa katawang iyan."

So, this man really knows about the special magic casted unto this body. Ano pa ang mga sinabi ng naunang Captain Mary sa lalaking ito? Ano pa ang mga nalalaman nito tungkol sa katawang ito?

Napailing na lamang ako at dahan-dahan tumayo mula sa pagkakalugmok sa sahig. Mas minadali ko ang pagamit ng healing spell sa katawan para mas mapabilis na rin ang paggaling ng mga injury na natamo dahil sa mga agresibong palitan namin ng atake kanina. Noong naging maayos ang pakiramdam ko, umayos na ako nang pagkakatayo at inihanda muli ang sarili sa maaring pagsugod nito sa akin.

"Kahit mapatay mo ako ngayon, walang kasiguraduhang babalik siya sa katawang ito," natatawang sambit ko at itinaas ang kaliwang kamay at ikinumpas ito sa kanya.

Light magic spell.

Kita kong mabilis na kumilos si Rupert at iniwasan lang ang atake ko.

"Hindi niya ba nabanggit ang bagay na ito sa'yo? Ha, Rupert? She's gone and just fvcking accept it," sambit ko pa at noong akmang susugod na akong muli sa kanya ay mabilis akong natigilan sa pagkilos noong makitang biglang umikot ang silid na kinaroonan namin. Napahawak ako sa ulo ko at mabilis na napapikit dahil sa biglaang pagkahilo. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa espada ko at noong may humawak sa balikat ko ay mabilis kong ikinumpas ang kamay at lumayo sa taong humawak sa akin.

"Captain Mary!"

Napamulat ako ng mga mata at mabilis na napatingin sa nagsalita.

"Your Majesty!" It was King Louis IV! Anong ginawa niya dito? Napabaling ako sa kinaroroonan ni Rupert kanina ngunit bigo akong makita ito.

"We're inside a dimension." Aniya na siyang ikinatigil ko. Napatingin ako sa paligid at napaawang na lamang ng mga labi noong makaramdam ng kakaibang enerhiya sa madilim at tila mapanganib na dimensyong kinaroroonan namin. "Sorry to interupt your fight against Rupert but we need you in Northend."

Naging seryoso ako bigla noong marinig ang pangalan ng realm namin at mabilis na bumaling muli sa hari.

"What happened?" Seryosong tanong ko dito at hindi na binigyan pansin pa ang mga enerhiyang nararamdaman ngayon.

"The Tyrants. They're in great danger right now, Captain Mary."

"What? Anong nangyari sa kanila?" Nag-aalalang tanong ko dito. Ano na naman ang ginawa ng Tyrants? I told them to stay alert and just wait for my return!

"Phoenix," aniya na siyang ikinagulat ko. "Someone came to me and was looking for you. She told us the location of the great Phoenix of Azinbar."

Natigilan ako. Great Phoenix of Azinbar?

"Your Majesty, I don't get it," naiiling na turan ko. "Anong great Phoenix of Azinbar ang tinutukoy mo? You're not talking about the Phoenix, the one Grand Master Walter is leading, right?"

"We don't have much time, Captain Mary. You need to return here and help the members of Tyrants. When you leave this dimension, you'll be on the entrance of that forest. Forget about Rupert and just leave that place. A horse is waiting for you. Come home, Captain Mary."

"But this is the only chance we have, Your Majesty! Ito na ang pagkakataong matalo ko si Rupert! This is the only chance we have to stop him!"

"You can't defeat him, Captain Mary. Not with the situation you have. You already have too much damage in your body. Idagdag mo pa ang dark spell na ngayon ay halos sakupin na nito ang katawan na iyan. Mapapahamak ka kung ipagpapatuloy mo ito. Alam kong naramdaman mo kung gaano kalakas ang kalaban natin."

Hindi ako nakaalma sa narinig mula sa hari. Oo, tama ang mga tinuran nito ngunit kaya ko pang lumaban! Alam kong kakayanin ng katawan ni Captain Mary ang talunin si Rupert.

"Rupert already reached the highest level of using dark magic spells. We need to have something under our sleeves to defeat his current power."

Damn it! Kung aalis ako ngayon, tiyak kong itutuloy talaga ni Rupert ang binabalak nito. At kung mangyayari iyon, nasa panganib na ang buong Azinbar. The whole kingdom will surely be doom when Rupert make his first move against us!

"Come home, Captain Mary. Hindi kakayanin ng Tyrants na harapin ang Phoenix. Ikaw lang ang natatanging kayang paamuhin ang Phoenix."

Phoenix. Anong Phoenix ba ang tinutukoy nito? The magical creature I've read before written in a children book? Iyong ba ang Phoenix na tinutukoy nito?

"Anong kayang gawin ng Phoenix?" Seryosong tanong ko sa hari at pilit na nag-iisip at nagdedesisyon sa maaring gawin ko.

"Power," simpleng sagot ng hari at mabilis na ikinatigil ko.

Phoenix and power. Wait... Kung makakaharap ko ito, I can obtain its power? Tama ba?

"You need to get the Phoenix and its power so we can use it against our enemy." Wikang muli ng hari na siyang mabulis na ikinatango ko.

That's it!

Agad akong nagpaalam dito at ipinikit ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at noong imulat kong muli ang mga mata ay wala na ako sa silid kong saan kami nagpalitan ng mga atake ni Rupert kanina. Agad kong pinakiramdaman ang paligid at noong hindi ko maramdaman ang kapangyarihan nito, mariin kong ikinuyom ang kamao ko. Napatingin ako sa paligid at tahimik na pinagmasdana ng naglalakihang mga puno sa bukana ng gubat. Napabuntong-hininga na lamang ako at tiningnan ang daang tinahak namin kanina.

"Rupert," mariing banggit ko sa pangalan nito at mabilis na hinanap ang kabayong tinutukoy ni King Louis IV. Malalaking hakbang ang ginawa ko at nilapitan ang isang itim na kabayo 'di kalayuan sa puwesto ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at sumakay na roon. At noong nagsimula na itong tumakbo, pilit kong tinawag ang pangalan ni Captain Mary sa isipan.

I need to talk to her. I need her help to defeat Rupert. Alam kong may alam ito sa ginawa noong naunang Captain Mary sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya ako binalaan tungkol dito? She warned me about the traitor inside the Phoenix but she never mentioned about what the Captain Mary did to the King and the whole realm of Northend!

This is obviously a betrayal towards the realm!

Captain Mary! Please, hear me out! Talk to me!

Naging mabilis ang biyahe ko pabalik sa Northend. Nasa may boundary pa lang ako ay namataan ko na ang mga abalang Knight na naghahanda sa nalalapit na labanan. Huminto ang kabayong sinasakyan ko at mabilis na bumaba roon noong makita ko ang iilang itim na usok na lumulutang sa ere.

Mabilis namang lumapit sa akin ang ilang Knight at binati ako.

"What happened here?" Tanong ko habang sa mga itim na usok pa rin ang buong atensiyon ko.

"Iniwan po sa amin nila Sir Amell at ng ibang miyembro ng Tyrants ang pagbabantay dito, Captain Mary," sagot ng isa at tahimik akong tumango dito. "May dumating kasing panauhin ang hari at lahat ng miyembro ng Tyrants ay hiningi ang presensya sa palasyo."

Natigilan ako sa narinig at napatingin sa nagsalitang Knight.

"Kanina pa ba sila umalis?" Maingat na tanong ko.

"Hindi po, Captain Mary. Halos kakaalis pa lang po nila. Siguro kong bibilisan po ninyo ang pagpapatakbo ng kabayong sasakyan niyo ay maabutan mo pa sila."

Napakunot ang noo ko at muling binalingan ang itim na usok. Mabilis kong ikinumpas ang kamay at ikinuyom ang kamao ko. Unti-unting hinihigop ng katawan ko ang dark spell na palutang-lutang sa hangin.

Napabuntong-hininga ako at ipinilig ang ulo pakanan.

"This is Theodore," maingat na sambit ko at nagcast ng barrier na siyang pipigil sa kahit anong dark spell na papasok sa teritoryo ng Northend. "If someone suspicious approach here, kill it."

"Yes, Captain Mary!" Halos sabay-sabay na tugon nila sa akin.

Muli akong sumakay sa kabayo at mabilis na pinatakbo ito.

Kailangan kong maabutan ang Tyrants. I need to stop them before they reach the palace.

Hindi ko pa makuha nang lubusan kung ano talaga ang ability na mayroon ang hari ngunit unti-unti ko na itong naiintindihan. King Louis IV talking to me inside the dimension was just a part of his special ability, a premonition of him. Noong sinabi nitong nasa panganib ang Tyrants ay hindi pa talaga nangyayari iyon. It was his magic, the only ability that even the previous Captain Mary feared of.

"Yah!" Sigaw ko at mas binilisan ang pagpapatakbo sa sinasakyang kabayo.

Think carefully, Rhianna Dione. Kung nagkita kami ng hari noon sa mundo ko, ibig sabihin ay nakita na nito ang kahihinatnan ko sa araw na iyon. Me falling and dying on a deep cliff. He saw that before it happened. Kaya naman binalikan niya ako at pilit na iniligtas mula sa kapahamakan.

Right!

If he saw things before it really happen, then, he might know the end and result of this war.

At maaring alam na rin nito ang kahihinatnan ko sa lugar na ito!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top