Chapter 20: Condition

Tahimik kong pinagmamasdan ang kabuuan ng silid na kinaroroonan ko ngayon. Bawat detalyeng nakikita ko ay mataman ko itong tinitingnan. Ipinilig ko ang ulo pakanan at tahimik na pinagpatuloy ang ginagawa. Pamilyar sa akin ang lahat nang nakikita sa loob ng silid na ito. Maging ang mga gamit na narito ay pamilyar na pamilyar sa akin.

I have an idea why everything felt so familiar to me but I really don't want to conclude things here. Sa mga nangyari sa akin sa lugar na ito, mas makakabuting magmatiyag muna ako bago kumilos. The previous Captain Mary went here. That's for sure. Bago pa man ako napunta sa katawang ito, nagkita at nagkausap na sila ni Rupert.

Ang tanong, bakit siya pupunta sa lugar na ito? Malayo ito sa Northend at bakit kailangang kausapin niya si Rupert? For what reason, Captain Mary?

"Done analyzing the whole room, Mary?" Natigilan ako noong marinig ang boses ni Rupert. Binalingan ko ito at napako ang paningin ko sa lalaki. Ilang minuto akong nakatitig dito at noong maalala ko na kung saan ko ito nakita ay mabilis akong napakuyom ng mga kamao.

He was the man I saw during our battle against the Helienne. Iyong unang araw ko bilang Captain Mary! Natitiyak kong siya ang nakita kong nakamasid sa bawat galaw ko!

Hindi ako kumibo dito at nanatili lang ang seryosong mga mata dito. Mayamaya lang ay nagsimula na itong humakbang at lumapit sa kinatatayuan ko.

"I've been waiting for you, Mary," mahinang sambit nito at mabilis na hinawakan ako sa bewang ko. Gulat man sa ginawa niya, nanatili akong kalmado at nagpatuloy sa pagpapanggap na alam ang pinagsasabi niya sa harapan nito.

What is this? May relasyon ba ang dalawa kaya ganito na lang ang kinikilos ni Rupert sa harapan ko? Unbelievable!

"How's the king of Northend? His unborn child?" Tanong nito at hinaplos ang pisngi ko. Gusto kong umalma sa ginagawa nito ngunit alam kong wala akong kawala sa kanya. I need to focus here, too! Kailangang makaisip ako nang paraan kung paano ito matatalo. But for now, kailangan ko munang makisabay sa nais nito.

Act, Rhianna Dione! Just fvcking act!

"Anong gusto mong marinig mula sa akin?" Seryosong tanong ko na siyang ikinatigil ni Rupert sa paghawak sa mukha ko. Ngumiti ito at inilapit sa mukha niya sa akin. Naramdaman ko ang paglapit pa lalo ng katawan niya sa akin kaya naman mas hinigpitan ko ang pagkuyom sa mga kamao ko.

Endure it, Rhianna Dione!

"I want to hear good news from you, Mary. Hinayaan kitang umalis noon. Ni wala kang narinig mula sa akin noong paslangin at huliin mo ang ilang tauhan ko kaya dapat ay may maibigay ka sa aking magandang balita ngayon. How's the beloved king of yours? Kailan ito muling aalis sa Northend?"

Aalis? Si King Louis IV? Saan naman ito pupunta?

"Walang nabanggit ang hari sa akin," maingat na turan ko na siyang lalong ikinalapit ni Rupert sa akin. "The Queen is about to give birth. Tiyak kong hindi ito aalis sa tabi ng reyna."

"Don't forget about your mission, Mary. Get the child and give it to me,. Ako na ang bahala sa anak nila," he said, almost a whisper then captured my lips. Inaasahan ko nang gagawin niya iyon kaya naman ay hindi na ako nagulat pa. Ngunit noong may nakita akong mga imahe sa isipan ko, mabilis akong napapikit at itinuon ang atensiyon doon.

"That's my condition, Rupert." It was Captain Mary. Prente itong nakaupo ngayon habang nakatayo naman sa harapan nito ang seryosong si Rupert. "You wanted Azinbar, then you need to get rid the future child of King Louis IV. Ibibigay ko ang nais mo basta gawin mo rin ang nais ko."

Mataman kong pinagmasdan ang dalawa. Hindi nagsalita si Rupert at tahimik na naupo sa bakanteng upuan sa harapan ni Captain.

"Madali lang sa'yo ang pumatay, Mary. Bakit hindi ikaw ang gumawa nito?" Takang tanong ni Rupert dito.

"I'm here to protect the royal family of Northend, not to kill them. If I kill one of them, my existence will be void. I'll vanish. Immediately."

"Your weakness, huh?" Nagtaas ng kilay ni Rupert na siyang ikinangisi ni Captain Mary.

"Weakness? I don't think so.Let's just say I want to stay here, in this world, as long as I wanted. Kung hindi mabubuhay ang anak nito, then, there's a possibility that I'll stay here forever."

What? Anong kayang gawin ng anak ni King Louis IV at bakit ganito na lamang ang kagustuhan ni Captain Mary na mawala ito? For petesake! Ni hindi pa nga ito isinisilang! That child is innocent!

"The King's ability to travel through dimension is already a pain in my ass. Kung may kakayahan din ang anak nitong gawin ang kayang gawin ng hari ngayon, natitiyak kong hindi magtatagal ay maglalaho rin ako sa mundong ito. Hindi maaring mangyari iyon. I won't allow that to happen. Not to me."

Travel through dimension? I don't know about that! May ganoong ability ang hari?

Wait... Don't tell me King Louis IV was the one who helped me before? He went to Earth land and found me? Iyon ba ang tinutukoy ni Capatain Mary? The king found and helped me to survive from my own death! I knew it! The king was familiar to me the first time I saw him! Iyong gabing umalis ako sa mansyon ng mga Ferrer. Iyong lalaking tumulong sa akin at pilit na sinagip ako mula sa pagkahulog ko sa bangin. That was King Louis IV of Northend! Siyang ang tumulong sa akin at kung tama ang nasa isip ko ngayon, maaring siya rin ang nagdala sa akin sa mundong ito. He was the one who let me live inside this body!

Napailing ako at patuloy na pinagmamasdan ang pag-uusap ng dalawa.

So, she wanted to kill the King's child because she wanted to stay inside Captain Mary's body? Iyon ba iyon?

"Fine. Take the child, bring it to me and I will kill it for you," ani Rupert at inabot ang kamay ni Captain Mary. "Just give me the Azinbar, Mary. The whole kingdom of Azinbar."

Mabilis akong napamulat ng mga mata ko noong nawala na ang mga imahe sa isipan ko. Marahang kong itinulak si Rupert palayo sa akin at humakbang ng isang beses palayo dito.

"You still want the whole Azinbar, Rupert?" Tanong ko dito at ipinilig ang ulo pakanan. Pinagmasdan ko ang ekspresyon nito sa mukha at hinintay ang sasabihin nito.

"That was our initial plan, Mary." Ani Rupert na siyang ikinatango ko. "Simula noong itakwil ako ng sariling pamilya at ng buong realm ng Hilienne, wala na akong ibang hinangad kung hindi ang masakop ang buong Azinbar. Hindi na magbabago iyon."

Rupert and his ambition. Ramdam ko ang pagnanais nitong makuha ang gusto nito. He wanted Azinbar and he will get it no matter what.

"Paano kung sabihin kong binabawi ko na ang kondisyong ibinigay ko noon sa'yo," matamang sambit ko na siyang ikinatigil nito. "I don't want the child anymore. I don't want you to kill that poor child anymore, Rupert. Hindi na ako nag-aalala pa sa kung anong kakayahang mayroon ito na siyang ikakasira ko nang lubos. Hindi na ako natatakot sa maaring mangyari sa akin."

"Stop talking nonsense, Mary. Malapit nang magsimula ang laban sa pagitan natin at ng apat na realm. Handa na ang lahat. Ang pagbabalik mo na lamang ang hinihintay namin!" Galit na turan nito at mabilis na hinawakan ang braso ko. "Hindi mo maaring bawiin ang kung anong napagkasunduan natin noon, Captain Mary. You're a warrior at alam mong hindi kailanman umaatras ang isang mandirigma sa salitang binitawan nito!"

Seryoso ko itong tiningnan at matamang inilingan.

"You heard me, Rupert. I don't want that child to be killed by you." Matamang sambit ko at binawi ang braso sa kanya. "Gawin mo ang gusto mong gawin sa buong Azinbar, huwag mong lang gagalawin ang anak ng hari. He's innocent, Rupert," I sighed before talking again. "Dahil kong ipagpapatuloy mo ito, ako mismo ang pipigil sa'yo."

"Are you threatening me, Mary?"

"No," mabilis na sambit ko at itinaas ang isang kamay at inilapat ito sa dibdib niya. "I'm just saying what I can do if you don't listen to me." Dagdag ko pa at itinulak ito palayo sa akin. "I'm leaving here."

"Mary!" Mabilis akong pinigilan ni Rupert at itinutok ang hawak na espada nito sa akin. Natigil ako sa pagkilos at masamang binalingan ito. Mas inilapit niya ang patalim ng espada sa akin at halos ilapat na ito sa leeg ko. "You're not leaving this place, Mary. We'll witness the end of the four realm of Azinbar and the end of Phoenix. We'll own this whole. Both of us."

"That's not gonna happen, Rupert." Matamang sambit ko at hinawakan ang talim ng espada nito. Kita ko ang gulat ng mga mata nito at mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa talim ng espada niya. Humakbang ako ng isang beses na siyang ikinaatras naman nito. "I'll stop you."

"Mary, you're bleeding," mahinang sambit nito at sinubukang hilain ang espada palayo sa akin.

"The condition I offered you before, kalimutan mo na iyon ngayon."

"Mary..."

"Do you want me to fight against you, Rupert?" Matapang na tanong ko dito. I wanted to use my ace card now. Looks like Rupert loves Captain Mary. At kung susunod ito sa nais ko, then, I can end this war without taking someone else life.

"Don't play me with your words, Mary. I know you," matamang sambit ni Rupert at buong puwersang binawi sa akin ang espada niya. I can feel the pain on my palm but I ignored it. I can heal my words but I can do that later. I need to deal with this man first.

"I'm not playing you with my words, Rupert. Ikaw na rin ang nagsabi nito, tapat ang isang magdirigma sa mga salitang binibitiwan nito."

"Then, what do you want now?" Hindi ko inaasahang tanong ni Rupert sa akin. Looks like he already knows what I'm doing with him.

"Hindi ko sasabihing itigil mo ito dahil alam kong matagal mo nang hinahangad na makuha at pamunuan ang buong Azinbar pero nais kong sumubok. I have another condition for you, Rupert."

Kita kong natigilan ito at hindi inalis sa akin ang paningin nito. Mayamaya ay tumango ito at hinintay ang kondisyong ilalahad sa kanya.

Humakbang ako ng isang beses at lumapit dito. Itinaas ko ang duguang kamay at hinawakan ang pisngi nito.

"Forget about your revenge to your father. Forget about taking down all the realm of Azinbar. Forget about the war or else," marahang sambit ko at hinaplos pababa sa leeg niya ang duguang kamay ko. "You will never see me. Again. That's my condition."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top