Chapter 2: Northend
Si Alessia na mismo ang naghanap ng damit na dapat kong isuot. Tinulungan niya ako at noong maisuot ko na lahat sa katawan ko ay halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Too heavy!" angal ko sa kanya na siyang ikinailing lang ni Alessia sa akin.
"Relax and be natural. Remember, you're Captain Mary. Wearing an armor is a natural thing for you."
"I told you, I'm not her!" asik ko at nagpatuloy sa pagrereklamo kung gaano kabigat ang suot na damit. My God! Pakiramdam ko'y mababali na ang mga buto ko sa katawan dahil lamang sa kasuotang ito!
Natigilan ako sa pagrereklamo noong mabilis na inangat ni Alessia ang kamay nito at noong mamataan kong may ibinato ito sa gawi ko ay mabilis akong kumilos at iniwasan ang kung anong patalim na inihagis nito sa akin.
"What the hell is your problem?" singhal ko at masamang tiningnan ito.
"You easily dodged that dagger. Now, tell me, can Rhianna Dione do that?" tanong nito habang nakataas ang isang kilay. I froze. Napaawang ako ng labi ko at marahang binalingan ang patalim na ngayon ay nasa pader sa likuran ko. Fvck! I don't even know how I did that! Paanong nailagan ko ito ng walang kahirap-hirap? "You're inside the Captian's body and you have all of her abilities, Rhianna Dione. Her strength and magics. Everything. Kaya mong gawin ang lahat ng kaya nitong gawin."
"Magics?" gulat na tanong ko sa kanya, hindi pa rin makapaniwala sa pag-iwas ko ng patalim kaina.
"Yes, Rhianna Dione. Azinbar is a magical world. Magics and other mythical creatures exist in this world." Napakurap ako sa sinabi nito. Magical word. Magics.
No hell way!
Tila lumulutang ako habang naglalakad patungo sa kung nasaan ang tinatawag na King Louis IV ni Alessia. At kagaya nang sinabi nito kanina, tila kilala ng katawang ito ang suot kong mabigat na kasuotang ito. Minuto lang kasi ang lumipas kanina ay naging komportable na ako sa suot ko. I was like wearing my normal and favorite dresses!
"Hindi alam ni King Louis IV ang nangyari sa'yo, Captain. We need to explain to him everything," imporma ni Alessia na siyang tahimik kong ikinatango sa kanya. "Ang pamilya nila ang humahawak sa buong Northend. At simula noong mabuo ang realm na ito, Captain Mary helped them to build this realm. You're not just a warrior here, Captain. You're also the adviser of the king."
Hindi ako nagkomento sa narinig. Ako? Magbibigay ng advise sa isang hari? You gotta be kidding me! Ni hindi ko nga maayos ang buhay ko tapos ngayon ganito ang gagawin ko sa mundong ito? This is insane! This is too much! Hindi ganitong buhay ang nais ko sa sarili ko!
At ano raw? A realm? Azinbar? Damn it! Pinaparusahan ba ako at talagang binuhay pa ako at napunta sa mundong ito? Unbelievable!
"We're here."
Natigilan ako sa paglalakad at napatingin kay Alessia. Nakatayo ito ngayon sa harapan ng isang malaking pinto. Tumango ito sa dalawang nakabantay at pinagbuksan siya ng pinto ng isang taga-bantay. Binalingan ko naman ang isa at noong magtapo ang mga paningin namin ay mabilis itong yumukod sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko tutugunin iyon kaya naman ay nanatili lang akong nakatingin dito.
Noong tawagin ako ni Alessia ay mabilis akong kumilos. Nagsimula na naman akong maglakad at noong makapasok kami sa silid ay agad akong natigilan.
I saw a man sitting highly in front of us. He might be the king of Northend. King Louis IV.
"Captain Mary!"
Natigilan ako sa pagtitig sa hari noong may mabilis na lumapit sa akin at sinuri ang kabuuan ko.
"Ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?" tanong ng isang babae. Napakunot ang noo ko at tiningnan ang kabuuan din nito. She's wearing the same armor suit like Alessia. Sa tabi nito ay dalawang tahimik na lalaking nagmamasid lang at ang isa pa ay nasa likuran nito. They're all wearing the same pattern on their armor suit.
The Tyrants. Sila ang sinasabi ni Alessia sa akin kanina!
"You're our Captain Mary. The Tyrants. That's what they called us here in Northend."
"Captain? Ako?"
"Yes, Rhianna Dione. May iba pang miyembro ang Tyrants at ngayon ay naghihintay na rin sa atin sa bulwagan ng hari."
"Captain Mary."
Natigilan kaming lahat at napatingin noong nagsalita ang hari. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ito.
"Your majesty," wala na sariling sambit ko na siyang ikinagulat ko. Majesty? Saan nanggaling iyon? Napakurap ako at wala sa sarili akong napatingin kay Alessia at namataan ko itong tumango lamang sa akin. Humugot ako ng isang malalim na hininga at binalingang muli ang hari ng Northend.
"I'm glad you're okay, Captain Mary. How's your injury?" tanong nito na siyang ikinakunot ko ng noo. Injury? I don't feel anything in this body. Walang injury ang katawang ito!
"Majesty, the Captain," singit ni Alessia na siyang mabilis na ikinailing naman ni King Louis IV.
"I know, Alessia. Kaya nga ako umalis dito sa Northend para rito, hindi ba?" sambit ng hari na siyang lalong ikinakunot ng noo ko. "Captain Mary, anong naaalala mo sa dating buhay mo? What's your name?" magkasunod na tanong nito sa akin. Ipinilig ko ang ulo pakanan habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa hari.
"Rhianna Dione Ferrer," maingat kong sagot dito.
"Ferrer." Tila biglang nanlamig ako noong banggitin nito ang apelyido ko. I don't know but I think I've heard his voice before! Saan nga ba? Lalong kumunot ang noo ko at kinagat na lamang ang pang-ibabang labi ko. "Welcome to Northend again, Captain Mary," sambit muli ng hari at binalingan ang mga kasama ko. "How about the fight at the boundary between the Hilienne? What's the status, Amell?" seryosong tanong nito na siyang ikinabaling ko sa ibang miyembro ng Tyrants.
"We already managed to stop them, Majesty. Sa ngayon, umatras mula sa laban ang mga taga-Hilienne."
"The darkness inside the realm of Hilienne is getting stronger. We need to find and stop the one who's controlling them."
"Controlling?" wala sa sariling tanong ko na siyang ikinatigil nila.
"Your team will give you the details later, Captain Mary. For now, I wanted you to lead our men to defend our land. Once we managed to defeat them from attacking us at the boundary, they will eventually stop. You need to show them the real power of the Northend, Captain Mary."
What? Real power? They gotta be kidding me! Yes, I love thrills but not this kind of thrill! This is a war! A battlefield where someone might die! Oh no, I... I can't do this!
"Captain."
"Captian Mary, are you okay?"
Napakurap ako noong may magsalita sa tabi ko. Napatingin ako rito at natigilan noong makita ang nag-aalalang mukha ni Zahra, one of the member of Tyrants.
"Are you feeling ill?" she asked again.
"No," mabilis na tugon ko at napabuntonghininga na lamang. Napahawak ako sa gilid ng kinauupuan ko noong bahagyang tumalbog ang sasakyang kinaroroonan namin ngayon.
We're on our way to the boundary of Northend and Hilienne kung saan nagaganap ang labanan sa pagitan ng dalawang realm ng Azinbar. Hindi ko alam kung ano itong ginagawa ko at kung bakit ako sumama sa kanila. Tila may sariling pag-iisip itong katawan ni Captain Mary at noong sabihin ng hari kanina na maari na kaming umalis ay agad itong sumunod sa sinabi nito.
I sighed.
"Captain Mary's body is a powerful shell, Rhianna Dione." Natigilan ako noong magsalita si Alessia. "She knows what to do. Kahit ayaw ng taong nasa loob nito, kusang kumikilos ito para sundin ang nais ng hari."
"Instinct," dagdag pa ni Owen na siyang ikinabaling ko naman sa kanya. "Her purpose is to protect the whole realm of Northend. The land, the people and his majesty."
"At ngayon, ako na ang gagawa ng mga bagay na iyon." Halos walang tinig na wika ko.
"Don't feel bad about it, Captain. Protecting our land is our free will. The former Captain Mary once told us that she doesn't know what to do with her life not until she woke up inside that body. And beside, pinili ka ng katawan iyan. That body saved you from your own death, too." It was Zahra again.
"Death," sambit ko at binalingan ang mga kasama ko. "Kapag ba mamatay ba ako rito sa Northend, ibig sabihin ba noon makakalabas na ako sa katawang ito?"
Natigilan ang mga kasama ko sa naging tanong ko sa kanila. No one dared to answer. Minutes passed, Jaycee, the who uses different special spells among the Tyrants, break the silence between us.
"Hindi sa ganoong paraan ka makakaalis sa katawan iyan, Captain. You know, Captain Mary is a powerful and skilled warrior. She created various of spells to keep her body alive. When she died, she let someone entered her body. Someone with the strong will to live. Someone who shares the same passion with her," sambit ni Jaycee na siyang ikinahilot ko ng sintido ko.
"What? Same passion with her?" Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga naririnig mula sa kanila!
"Noong nasa bingit ka ba nang kamatayan, naisip mo bang hindi ka dapat mamatay sa oras na iyon?"
Natigilan ako at matamang tiningnan si Jaycee. Mayamaya lang ay wala sa sarili akong napatango sa naging tanong nito sa akin.
"That's the main reason why you're inside that body. Your strong will to survive brought you here, Captain Mary."
Napapikit na lamang ako at kinalma ang sarili.
I can't even think straight right now. Wala akong maintindihan sa paliwanag nila. I think I can't do this. I'm not that strong. Dahil sa totoo lang, duwag ako. Duwag ako kaya nga ninais kong umalis sa sariling pamilya ko. HIndi ako matapang kagaya nang inaakala nila tungkol sa akin. Walang-wala ako kung ikukumpara sa Captain Mary nila!
"You'll be fine, Captain. We're here. we will help you. We'll protect Northend like we always do."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top