Chapter 19: Want

Tahimik akong lumabas sa silid kung saan ko kinausap ang Grand Master ng Phoenix.

Hindi pa ako nakakalayo mula sa pinto silid ay natigilan na ako sa paglalakad noong mamataan si Atlas 'di kalayuan. Nakasandal ito ngayon sa may pader at nakayukong pinagmamasdan ang hawak na sandata nito. Kunot-noo ko itong nilapitan at noong maramdaman nito ang presensya ko ay mabilis itong umayos nang pagkakatayo.

"What are you doing here?" I asked him. "How's Tanner?"

"Still unconscious," simpleng sagot nito habang matamang nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko ito ng isang kilay at hinintay ang susunod na sasabihin nito. "I think you know about Rupert now."

"Grand Master Walter told me about him."

Kita kong humugot muna ito ng isang malalim na hininga at muling nagsalita.

"About Tanner," he paused then silently sighed again. "We, the Phoenix Knights, knew about his mission as a Knight. We have rules, too. Unfortunately, his father was controlling him."

"And why are you saying this to me?"

"Cause I know you felt it too. Kanina, noong nasa sasakyan pa tayo, alam kong naramdaman mo na ang kung anong mali sa kanya ngunit wala kang ginawa at hinintay mong makarating tayo sa headquarters namin. And you didn't kill him."

Napangiwi ako sa narinig at napabuntong-hininga na lamang.

"Hindi ako basta-bastang pumapatay ng taong walang laban sa akin. I just hope na hindi lahat ng nandito sa Phoenix ay iyon ang tingin sa akin."

"We saw you fight before, Captain Mary. We saw how incredible you are in the battle field." Ani Atlas na siyang ikinailing ko na lamang. He's talking about the previous Captain Mary. Not me. Imposible ako ang tinutukoy nito. Hindi ko pa sila nakakasalamuha noon at kung hindi pa sila nagtungo sa Northend ay hindi ko sila makikilala.

"Still, I don't kill because I can end someone else life easily. I kill for reason, Atlas," matamang sambit ko at tinalikuran na ito. Kailangan ko nang kumilos ngayon at hanapin si Rupert. I need to end this, as soon as possible. Kailangan ko na ring makabalik sa Northend.

"Captain Mary," tawag nito na siyang ikinatigil kong muli. "Let me join you."

Napabaling ako dito at pinagtaasan muli ito ng isang kilay.

"Rupert... may kasalanan at utang na buhay ito sa akin. Ito na ang matagal ko nang hinihintay, ang paniningil sa kasalanang ginawa nito noon."

Mabilis akong umiling dito at hindi ito sinang-ayunan sa nais.

"Settle your issue when I'm done with him. Kung ang paghihiganti lang ang nais mong gawin ngayon, hindi kita papayagan sa nais mo."

"Pero..."

"If you want to bring back the peaceful Azinbar, then join me. But, if the only thing that comes in your mind is revenge, you better stay here and protect your Grand Master. I don't need a comrade anyway."

"Captain Mary."

"Set aside your emotion, Atlas. This is a war zone. We don't have time to entertain your revenge. You're a warrior, Atlas, a Phoenix Knight to be exact. I know you know better than this," matamang sambit ko dito at tuluyan nang umalis sa harapan niya.

Dali-dali akong naglakad at lumabas sa main building ng Phoenix headquater at mabilis na naghanap ng kabayong maaring gamiting transportasyon sa paghahanap kay Rupert.

"Captain Mary." Natigilan ako noong marining ang boses ni Winter at binalingan ko ito. "Use my horse," she offered.

Tumango ako dito at mabilis na sumakay na sa puting kabayong pagmamay-ari nito. "Thanks, Winter. Hindi ko alam kung makakabalik pa kaming dalawa dito."

"It's okay, Captain. He's a smart horse. Kapag magkaproblema, you can leave him alone. Kung walang mangyayaring masama sa kanya, makakabalik ito dito sa Phoenix. Mag-iingat ka, Captain Mary. Hindi basta-bastang kalaban si Rupert."

"Alam ko iyon," ani ko at hinawakan na ang taling nakakabit sa kabayo nito. "I'll I need to do is to fight him and stay alive."

"May the guardian of Azinbar, the Great Phoenix, guide you to your journey, Captain Mary."

Tumango akong muli sa kanya at pinatakbo na ang kabayong sinasakyan. Napakapit ako nang maghigpit sa taling hawak at mas binilisan pa ang pagpapatakbo dito.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at muling inalala ang mga nakita kanin. Tandang-tanda ko pa ang mga imaheng nakita ko kanina sa isipan. That was the exact location of Rupert. I have a bad feeling about this but I need to face him. He's the main reason why the Phoenix and its Grand Master were attacked. At kung tama ang mga hinalang mayroon ako ngayon, he's the main reason why I'm here in this world. He's my mission. To stop him and save this kingdom from his darkness.

"Yah!" Sigaw ko mas binilisan ang pagpapatakbo sa sinasakyang kabayo.

Ilang oras na biyahe ang ginugol ko hanggang sa marating ko ako lugar kong saan ko maaring makita si Rupert. Mabilis akong bumaba sa kabayo at marahang hinaplos ang katawan nito.

"Go and leave this place," mahinang sambit ko dito at hinila ang tali nito. Mabilis namang kumaripas nang takbo ang kabayo at tinahak ang daang dinaanan namin kanina. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at binalingan ang naglalakihang mga puno sa harapan.

This is the place I saw earlier. At sa likod ng malalaking puno na ito, dito matatagpuan ang hide-out nila Rupert. The previous Captain Mary have been here before. Kaya naman ay mayroon itong memorya sa lugar na ito.

At kanina pa naglalaro sa isipan ko kung bakit napunta si Captain Mary sa lugar na ito.

Maingat akong naglakad papasok sa masukal na gubat. Tahimik ang buong paligid at tanging ingay ng mga tuyong dahong naaapakan ko ang naririnig ko ngayon. Inalerto ko ang sarili ko habang dere-deretso lang ako sa paglalakad. I activated all my senses and when I hear a faint breathing behind me, I immediately throw my sword toward someone's direction and when I saw who the hell was that, I mentally cursed.

"You almost killed me!" Bulalas nito at hinugot ang espada kong tumarak sa puno sa gawing kanan nito. "Did you do that on purpose?" Aniya at gumanti sa ginawa ko. Inihagis nito ang espada ko pabalik sa akin. Itinaas ko lang ang isang kamay ko at timigil sa ere ang espadang pagmamay-ari ko.

Hindi ko inalis ang paningin sa lalaking nasa harapan. Dahan-dahan kong pinalutang ang espada at hinawakan muli ito. Itinutok ko ito sa lalaki at masamang tiningnan nang mabuti.

"You must be Theodore," mariing sambit ko na siyang ikinangisi nito.

"Oh, you know me!" tila sarkastik na wika nito na siyang ikinakunot ng noo ko. Umiling ito sa akin at itinutok na rin sa gawi ko ang espada nito. "You're working too hard, Captain Mary. Your job is done now. Stop the act."

"Act? What act?" Marahang tanong ko at unti-unting naiintindihan ang mga imaheng nakita kanina sa isipan. An act? Captain Mary and this place. And Rupert.

"Rupert is waiting for you. Wala naman sigurong nakasunod sa'yo na Phoenix Knight, hindi ba?" Tanong ni Theodore na siyang ikinataas ng isang kilay ko.

Damn it!

Mayamaya lang ay ibinaba ko ang pagkakatutok ng espada dito at humugot ng isang malalim na hininga. I tried to remain calm as much I as I can. This is Theodore in front of me. Hindi ko ito kilala at lalong hindi ko alam kung ano ang binabalak nito.

"Captain Mary! I said let's go. Rupert is in a bad mood right now. You don't want to mess with his complicated head, right? Come on! He's been waiting for you."

The previous Captain Mary and Rupert knew each other. Hindi pa man ako sigurado kung anong koneksiyon ng dalawa pero malakas ang kutob ko na tama ang mga hinala ko. Now, I just need to follow Theodore and meet Rupert. I need to confirm it first before doing my mission here.

Tahimik kong sinundan si Theodore at pinagpatuloy ang pagpapanggap na alam ko kung ano ang mga pinagsasabi nito. He even mentioned about the attack their planning against my realm, the Northend and to dispose the royal family. The hell with them!

"Hindi ko talaga sukat akalain na nagawa mong talikuran ang haring matagal mo nang pinaglilingkuran, Captain Mary. Tired of his old shts?" He asked then laughed at his own words. "Kung sabagay, Rupert is powerful enough to rule the whiole Azinbar. Mas mabuti nang pumanig sa siguradong panalo."

"Panalo?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Tumigil ako sa paglalakad kaya naman ay napabaling sa akin si Theodore. This man, he really looked like my real father. And hearing his words, hindi ko maitangging may pagkakatulad sila. But, no. My father will never use someone to achieve his goals. Hindi ito aasa sa kakayahan ng iba para magtagumpay sa nais nito. And this Theodore here in Azinbar? He's just an ambitious man who hide his true identity behind darkness. Walang-wala ito sa kung anong mayroon ang aking ama.

"Huwag mong sabihing nagdududa ka na sa kakayahan ni Rupert ngayon, Captain Mary?" Takang tanong ni Theodore at inilingan ako. "He's just taking his time. Hinayaan ka nga nitong bumalik sa walang kuwentang realm ng Northend. Soon, he will rule Azinbar. He'll take down everythig. While me, I'll take Phoenix and you'll be the next Queen of this kingdom. That sounds really great, isn't it?" Aniya at tumawa sa harapan ko.

Queen? Captain Mary will be the Queen of Azibar?

That's funny. Ni hindi ko inasahan iyon mula sa kanila!

"Paano naman kayo nakakasigurong gusto kong maging reyna ng Azinbar?" Pagtatanong kong muli na siyang ikinatigil muli nito. Taka niya akong tiningnan at ipinilig ang ulo nito pakanan. Akmang magsasalita muli ito noong makaramdam ako nang malakas na enerhiya sa likuran ko. Mabilis akong bumaling dito at napako na lamang sa kinatatayuan noong mamataan ko kung kanino nanggagaling ang kapangyarihang naramdaman ko.

"Cause that's what you want, Mary."

"Rupert..." I said, almost whisper.

"You want Azinbar more than I do." Dagdag nito na siyang ikinakuyom ng mga kamao ko.

Captain Mary! What have you done?

Now, we need to meet and talk again!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top