Chapter 17: Betrayed

Tahimik kong pinapakiramdaman ang mga kasama ko sa loob ng sasakyan. I even alerted my senses. This might help me to find the real enemy among the Phoenix.

Come on, Rhianna Dione! Gamitin mo ang pakiramdam mo! Gamitin mo ang kapangyarihan ni Captain Mary!

"Ilang minuto na lamang ay nasa Phoenix na tayo," imporma ni Atlas habang matamang nakatingin sa akin. May kung ano titig nito na siyang nagpaalarma sa akin. "We'll secure first the Grand Master and we'll hunt the enemy down."

What is this? Did he finally knows what's happening here right now? Right in time! Dahil kung may alam na ito, hindi na ako mahihirapan mamaya.

"Pero Atlas, hindi ba may naunang plano na tayo pagkabalik natin sa Phoenix?" It was Tanner, the one who's driving the car. Sa tabi nito ay si Zyrelle na siyang pinaalala kay Atlas ang naunang planong napag-usapan nila.

"Hindi ba natin itutuloy ang paghahanap sa ibang Phoenix Knights?" Tanong ni Zyrelle na siyang ikinakunot ng noo ko. "They might be somewhere in Hilienne, Atlas. They need us, Atlas."

"Change of plans," ani Atlas at hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin. "Don't forget that they're Knights, too, Zyrelle. They can fight for themselves. Let's focus first on this. Captain Mary will help us to track the enemy, the one who used the dark spell. Dapat iyong pinanggagalingan nito ang mapuksa natin. We can resume our plan after this. We'll use this opportunity while she's here. Tatapusin na natin ito ngayon bago mahuli ang lahat."

"How about Grand Master Walter?" Tanong ni Winter sa tabi ko.

"I'll be fine, Knights," wika ni Grand Master Walter at binalingan ako. "Please guide the Phoenix Knights, Captain Mary." Aniya at tinanguhan ko lang ito bilang sagot sa pakiusap nito.

I don't think if I can do that, though. Kapag madiskubre ko kung sino ang nagtratraydor sa kanila, isusunod ko ito sa mga naunang Knights na tinapos ko kanina. I need to end the issue here in Phoenix as soon as possible. I really have this bad feeling towards this. Mas kailangan ako ng Northend. I should act fast and return to the realm of the north.

Kagaya nga nang tinuran ni Tanner kanina, minuto lang ay nasa Phoenix na kami. Mahigpit ang seguridad dito at noong tuluyang makapasok ang sasakyang kinaroroonan namin sa main building ng headquarters ng Phoenix, mabilis akong bumaba dito. Nagsibaba na rin ang apat na Phoenix Knight at ang Grand Master nila.

Tahimik kong pinagmasdan ang paligid at itinaas ang isang kamay. I chanted a spell and it took me a minute to completed it.

"What kind of spell was that Captain Mary?" Grand Master Walter asked.

"Absolute cancel," mahinang wika ko habang pinagmamasdan ang nangyayari sa paligid.

I knew it! Hindi dahil sa sama ng panahon kaya makulimlim ngayon sa lugar na ito! The Phoenix was surrounded by dark spells! And now, they're slowing disappearing because of the spell I casted! Great! I expected this scenario but knowing that the whole Phoenix was casted by dark spells, the enemy really wanted to see the fall of the Phoenix.

"Absolute cancel? That's one of the dark magic ability!" ani Atlas habang nakatingala na rin at pinagmamasdan ang pagbabago ng panahon. Mula sa makulimlim na panahon, unti-unting umaliwalas ito.

"You can't defeat darkness with pure light, Phoenix Knights. Sometimes, you need to use the same type of magic to defeat it." Matamang sambit ko at napatingin sa mga Knight na ngayon ay tila namamagha sa pagkansela ko ng dark spell sa kabuuan ng headquarters nila.

Well, maliban sa isa.

"Tanner," tawag ko dito at mabilis na nilapitan. Bago pa man makalingon sa gawi ko si Tanner ay nakatutok ko na ang dulo ng espada ko sa leeg nito. He froze then looked at me with fear in his eyes.

"Captain Mary!" ani Winter at akmang lalapitan na kami ni Tanner noong pinigilan naman ito ni Zyrelle. "What the hell are you doing, Captain?" tanong pa nito sa akin.

"Alam niyo naman siguro kung sino ang lalaking ito," matamang sambit ko at pinagmasdan ang reaksiyon ni Tanner. Gulat, takot at pagkamunhi. Iyan ang nakikita ko sa mukha niya ngayon.

"We knew him better than you, Captain Mary, kaya naman ay ilayo mo iyang espada mo sa kanya," mariing wika ni Winter na siyang ikinailing ko.

"You're lucky to have a comrade like her, like them, Tanner. So, my question is, why? Bakit mo ginawa iyon?"

"Wala akong ginagawang masama, Captain Mary," ani Tanner na siyang nagpatango sa akin.

"Do I need to use my absolute cancel on you, huh, Tanner?" Maingat na tanong ko dito at humakbang ng isang beses papalapit sa kanya. "I can drain every bit of darkness inside your body. And when that happens, you'll die."

"Captain Mary!"

"Stop it, Winter!" Rinig kong sambit ni Atlas sa kapwa Phoenix Knight nito na siyang nagpangisi sa akin. Alam kong alam na ni Atlas ang bagay na ito. He was giving me hints earlier about the enemy. And when I looked at Tanner who was busy driving the car, I saw a small amount of dark spell on him. Atlas and the rest of the Phoenix Knight can't see or even feel dark magic. And that was the main reason why I am here. Kung bakit ako pinasama ni King Louis IV dito sa Phoenix. To see who's the real enemy inside the Phoenix.

"Tanner, the son of Theodore. The heir of Knights Academy." Matamang sambit ko noong makita sa isipan ang mga impormasyon ni Tanner. Captain Mary really knew what she was doing. This magic, the one she casted inside her pretty head, really amazed me!

"Captain, listen, this is just a misunderstanding! Walang kinalaman si Tanner sa ginagawa ng ama nito! He's innocent!" Pagpupumilit ni Winter pero hindi ko ito pinakinggan. She's blind with all of this shts. Hindi niya nakikita ang itim na kapangyarihang unti-unting bumabalot ngayon sa katawan ni Tanner. He's about to burst.

"Kung ako sa'yo, ititigil ko iyan. That's bad for you and for your comrade, Tanner. Mapapahamak din sila," seryosong sambit ko dito at mabilis na hinawakan ang balikat ni Tanner. Nagsisimula palang ako sa pagdispell ng dark magic sa katawan nito noong makaramdam ako ng mabilis na pagkilos sa likuran ko.

"Winter! Damn it!" rinig kong bulalas ni Atlas.

Mabilis akong umatras palayo kay Tanner at tumalon nang mataas, tama lang na maiwasan ang pag-atake ni Winter sa akin. Noong nasa ere na ako ay marahan kong itinapak ang isang paa sa balikat ni Winter at bahagyang iginalaw iyon. Itinulak ko si Winter gamit ang paa ko kaya naman ay imbes na sa akin tumarak ang hawak na espada nito, sa dibdib ni Tanner ito tumama.

"Winter!" Namataan ko ang mabilis na pagkilos ni Atlas at Zyrelle. Nilapitan nila ang dalawa at mabilis na inilayo si Winter sa gulat at sugatan na si Tanner.

"Tanner! No! Tanner!"

"Zyrelle, calm her down!" Inis na utos ni Atlas kay Zyrelle habang na kay Tanner ang buong atensiyon.

Tahimik kong inilapat ang mga paa sa lupa at binalingan si Grand Master Walter. Nakamasid lang ito sa nagkakagulong Phoenix Knight. Mayamaya lang ay bumuntong hininga ito at tinalikuran na sila. Tahimik ko itong pinagmasdan hanggang sa makapasok ito sa loob ng main building ng headquarters nila.

"Tanner, can you hear me? Come on!" Sigaw ni Atlas at binalingan ako. "Help him, please." Pakiusap nito sa akin.

"He betrayed you and the rest of the Phoenix Knights, Atlas. Why bother saving him?" Matamang tanong ko na siyang ikinatigil ng tatlo. Binalingan ko naman ang dalawang babaeng Knights at ngayon ay mas kalmado na si Winter at nakatingin lamang sa gawi nila Atlas at Tanner. "Kahit kaibigan niyo ito, hindi nito maaalis ang katotohanang niloko at nagtaksil ito sa grupo niyo. He used you. All of you."

"Hindi niya magagawa iyon. Tapat siya sa tungkulin niya bilang isang Phoenix Knight. He swore to protect the Phoenix, Captain Mary," mariing sambit ni Zyrelle na siyang ikinailing ko.

"Protecting the Phoenix means betraying his own father. And I bet, Tanner can't do that. He can't protect the Phoenix and he can't betray his father," wika ko at inangat ang kamay sa ere. Itinutok ko ito kay Tanner at mabilis na tinanggal ang espadang nakatarak sa dibdib nito. I immediately casted a spell to stop the bleeding on his chest and even tried to eliminate the dark spell inside his body.

Hindi ko tuluyang inalis ang dark spell sa katawan ni Tanner. He'll die if I do that. Tinanggal ko lang iyong kapangyarihang maaring makapinsala dito sa Phoenix.

"He'll live," sambit ko sa kanila at binalingan muli ang daang tinahak ng Grand Master ng Phoenix.

This is the only chance I have right now. Nandito na ako sa Phoenix ngayon kaya naman ay dapat hindi ko sayangin ang pagkakataong ito. I need to talk to him. I need to settle things once and for all.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top