Epilogue

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Raina?"

Napalunok ako at hindi inalis kay Captain Mary ang paningin. Umayos na rin ako sa pagkakatayo at naglakas loob na magsalitang muli sa harapan nito. "Yes, Captain Mary. Sigurado na ako."

Namataan ko ang pagbuntonghininga nito at ang biglaang pagbabago ng ekspresyon nito sa mukha. Mula sa pagiging seryoso, mas naging kalmado na ito ngayon. Mayamaya lang ay napailing siya at hinaplos ang sintido nito. "Tiyak kong mag-aalala ang ama mo kung babalik ako sa mundo natin at hindi ka kasama, Raina Louise." She said and sighed again.

Okay. She's my mother now. I'm talking to Rhianna Dione now and not the Captain Mary of Northend! "Mom, hindi ka rin ba curious tungkol sa nalaman mo? Alam kong batid mo na ngayon ang tungkol sa ancestors ni daddy! Iyong tungkol kay King Sulivan! Mom, hindi nagmula sa mundo natin ang pamilya ni daddy! Nanggaling sila sa mundong ito! Taga-Azinbar ang mga Sulivan na kilala natin!"

"Calm down, Raina Louise. At pakihinaan ang boses mo. Maririnig ka ng buong Vallasea," aniya habang hinahaplos pa rin ang sintido nito. Mukhang sumakit ang ulo ng aking ina dahil sa naging pasya kong pananatili rito sa Azinbar. Hindi ko pa naman nababanggit sa kanya ang tungkol sa mga nakita kong imahe sa isipan na siyang bumabagabag sa akin ngayon. At kapag malaman niya ang tungkol dito, tiyak kong siya mismo ang kakaladkad sa akin pabalik sa mundong pinanggalingan naming dalawa! "Bumalik ako rito sa Azinbar upang tulungan ka sa misyon mo at isama pauwi. Ang maiwan dito sa mundong ito ay hindi kasama sa napag-usapan namin ng daddy mo."

Napangiwi ako noong muling naging seryoso si mommy. I saw her sighed again and started walking towards my direction. "I respect your decision, but Raina, iba ang Helienne kumpara sa tatlong realm na napuntahan ko na rito sa Azinbar. Mapanganib magtungo sa realm na iyon, Raina."

"I can handle myself, mom. No need to worry about-"

"Raina, bumalik muna tayo sa mundo natin," aniya na siyang ikinatigil ko sa pagsasalita. "Mas makakabuti sa atin kung kakausapin muna nating dalawa ang daddy mo."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at matamang tiningnan ang ina. Mayamaya lang ay wala sa sarili akong napatango at sumang-ayon na lamang sa gustong mangyari ni mommy. Well, isa rin naman talaga sa plano ko ang kausapin muna si daddy at tanungin ito tungkol sa pinagmulan ng pamilya nila. And for sure, may mga katanungan din si mommy sa kanya! Mukhang napag-isip na rin niya ito nang mabuti kaya naman ay naging ganoon na lamang ang pasya niya.

"Is it okay with you, Raina? Ayos lang bang umuwi muna tayong dalawa at kausapin ang daddy mo?" She carefully asked me.

Napatango akong muli sa ina. "Yes, mom. Let's go home and talk to dad."

Bago kami umalis sa Vallasea at bumalik sa Northend kasama ang hari at ibang miyembro ng Tyrants, nagtungo muna kami sa isang bulwagan kung saan naroon ang pamilya ni Cordelia at ang ibang malalapit na kaibigan nito.

Tahimik akong tumayo sa likuran ni Captain Mary habang nasa tabi ko naman sila Alessia. Sa unahan namin ay ang hari ng Northend na ngayon ay nakikipagkamay na sa ama ni Cordelia.

"Maraming salamat sa pagpunta mo rito sa Vallasea," saad ng amang hari ni Cordelia sa hari ng Northend at mayamaya lang ay bumaling sa gawi namin. "Maraming salamat sa inyong lahat, lalo na sa'yo Captain Mary at Raina Louise." Bahagya akong natigilan noong banggitin nito ang buong pangalan ko. Namataan ko ang pagtango nito sa akin kaya naman ay napayukod na lamang ako sa kinatatayuan ko. Mayamaya lang ay muli akong umayos nang pagkakatayo at tiningnan si Cordelia sa pwesto niya.

Hindi na ako nagulat pa noong magtagpo ang paningin naming dalawa. Tipid na ngumiti sa akin ang kaibigan na siyang ginantihan ko naman. I silently raised my right hand and wave at her.

It's been a week since the battle between Vallasea and Hydra, the former Guardian of the realm, ended. Kahit papaano'y nakabangon na rin ang buong realm sa damage na nangyari sa sentro nila. And with Cordelia's power, napakalma niya ang tubig na nakapalibot sa buong realm, maging ang mga sea monster na naninirahan doon. I even saw a few sea monsters yesterday, calmly looking at her while using her magic, controlling the water.

At kagaya ni Naida, may kakaibang kakayahan ding nadiskubre si Cordelia maliban sa pagkagamit ng blood and water magic niya. Just like how she managed to feel and see Meredith before in her unusual form, her sensing ability became stronger. Kahit na hindi niya i-activate ang magic circle mula sa blood magic niya, she can determine the exact location and the level and magic type of a certain being. Mas lumakas din ang pandama nito kaya naman pilit niya kinakontrol at hinahasa ang ability na ito upang makatulong sa pamilya niya. At dahil sa sensing ability ni Cordelia, nahanap din nila si Kallan!

Hindi ito napatay ng mga Guardian na na-summon ni Cordelia noon gamit ang kapangyarihan ni Hydra. Kallan is a royal kaya naman ay protektado ito ng mahikang ipinagkaloob lamang para sa mga royal member ng Vallasea. Nawala ang bisa nang utos ni Cordelia sa mga Guardian na patayin ang lahat ng miyembro ng Phantom kaya naman ay nakaligtas ang kapatid nito. Sumuko rin naman kalaunan ang prinsipe at mabilis na humingi nang kapatawaran. He confessed all his crimes and ended up being punished by the King of this realm.

"Sasama ka sa Tyrants pabalik sa Northend?" Bungad na tanong ni Cordelia sa akin noong nagkaroon kami nang pagkakataong mag-usap bago tuluyang umalis dito sa Vallasea. Tumango ako sa kanya na siyang ikinakunot ng noo nito. "Akala ko ba'y magtutungo ka sa Helienne? Paano ang imbestigasyong nais mong gawin sa realm na iyon?"

"Nais kong kausapin muna ang aking ama, Cordelia. Maliban sa mga imaheng ipinakita ni Athena sa akin, wala na akong ibang impormasyong alam tungkol sa pinagmulan ng pamilyang Sulivan."

"Mukhang tama ang naging desisyon mong iyan, Raina. Kung may makakasagot man sa mga katanungan mo ngayon, nakasisiguro akong kayang ibigay iyon ng ama mo," marahang saad ni Cordelia at humakbang ng isang beses papalapit sa akin. Nanatili naman ako sa kinatatayuan at hindi inalis ang paningin sa kaibigan. Noong tuluyan na itong nakalapit sa akin, marahan niyang hinawakan ang kamay ko. She smiled at me. "Mag-iingat ka sa pagbabalik mo sa totoong mundo mo, Raina." Tumango akong muli sa kanya. "At kapag nakabalik ka muli rito sa Azinbar, huwag mong kalilimutang bukas ang tahanan namin dito sa Vallasea para sa'yo. You can always come here. At kung sakaling kailanganin mo nang tulong, don't hesitate to contact me. Sa kahit saang realm or dimensiyon ka man mapadpad, pupuntahan at tutulungan kita."

Napangiti ako sa tinuran nito at marahang hinila upang mayakap ang kaibigan. "Thank you for everything, Cordelia."

"No, Raina. Ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo," anito at umiling habang yakap ako.

Natawa ako at humiwalay na sa pagkakayakap sa kanya. "You can stop thanking me now, Cordelia. Napag-usapan na natin noong isang araw ang tungkol sa bagay na ito."

Ngumuso si Cordelia at marahang tumango na lamang sa akin. Muli akong natawa at napailing na lamang sa kanya. Mayamaya lang ay may naramdaman kaming presensiya sa paligid kaya naman ay sabay kaming natigilan ni Cordelia. Nagkatinginan kami at segundo lang ang lumipas, napakunot ang noo ko noong mamataan si Meredith. Bigla itong lumitaw sa likuran ni Cordelia kaya naman ay ako ang unang nakapansin sa kanya.

"Raina... Kaninong-"

"It's Meredith," saad ko na siyang ikinatigil ni Cordelia sa pagsasalita. Mabilis naman itong bumaling sa likuran niya noong nagsimula nang maglakad si Meredith papalapit sa kinatatayuan namin. At dahil mas lumakas na ang sensing ability ni Cordelia, hindi niya lang nararamdaman ang kapangyarihan ni Meredith ngayon. She can also see and talk to her! Kagaya nang kaya naming gawin ni Captain Mary!

"What are you doing here, Meredith?" tanong ko sa bagong dating.

Ngumiti naman sa akin si Meredith at hindi sinagot ang tanong ko sa kanya. Noong nasa tapat na namin ito, itinuon niya ang paningin kay Cordelia. "Your Highness, I need your help."

"My help?" takang tanong ni Cordelia at itinuro pa ang sarili. Mabilis na bumaling sa akin si Cordelia kaya naman ay napatingin din ako sa kanya. Nagkibit-balikat ako sa kaibigan at sabay kaming tuminging muli kay Meredith. "Anong klaseng tulong ang nais mong gawin ko, Meredith?" dagdag na tanong pa nito.

"May nararamdaman akong kakaibang mahika ngayon sa karagatan ng Vallasea. It's been two days since I felt that strange magic at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mawala. Maaari mo bang imbestigahan ang tungkol dito?" saad ni Meredith na siyang ikinabaling kong muli kay Cordelia. Hindi ito agad nakasagot kay Meredith at gulat lang itong nakatitig sa kanya.

Napangiti ako. "You should accept this mission, Cordelia," saad ko at tinapik ang balikat nito. "Hindi ba nais mong subukan ang bagong skill na natutunan mo mula kay Alessia? Mukhang magagamit mo ito sa misyong nais ipagawa sa'yo ni Meredith."

"Can I really do that? Magagawa ko kaya nang matiwasay ang misyong nais mong ipagawa sa akin?" mahinang tanong ni Cordelia na siyang ikinatango naman ni Meredith sa kanya.

"Stop doubting yourself, Your Highness. Hindi ako lalapit sa'yo at manghihingi nang pabor kung alam kong hindi mo ito kakayanin." She smiled and looked at me. Napaarko naman ang kilay ko sa kanya. "Nais ko sanang samahan mo si Cordelia ngunit alam kong nais mo nang makabalik sa mundo mo, Raina."

Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. "Naida can accompany her, Meredith. Alam mo naman ang isang iyon. Halos hindi na humiwalay sa kapatid niya!" Natawa ako at binalingang muli ang kaibigan. "Makinig ka kay Meredith, Cordelia. Stop doubting yourself! Dahil sa simula pa lang, alam na ni Meredith ang kayang gawin mo. Trust yourself and your abilities. Kayang-kaya mo itong nais ipagawa sa'yo ng Guardian ng Afterworld!"

Ngumiti sa akin si Cordelia at marahang itinango ang ulo. Muli itong bumaling kay Meredith at tinanggap ang pabor nito. Napangiti na lamang si Meredith sa naging pasya ni Cordelia at sinabi na sa kanya ang buong detalye ng misyong gagawin niya.

Hindi na rin nagtagal ay nagpaalam na ako sa kaibigan ko. Nakangiti akong kumaway kay Cordelia habang umaatras palayo sa kinatatayuan nito. At noong nasa tabi na ako ni Captain Mary, ibinaba ko na ang kamay ko. Binalingan ko ang ina at tipid na tinanguhan ito. "Let's go," saad ko at tumalikod na. Nagsimula na akong maglakad hanggang sa nasa tapat na ako ng spatial magic ni Naida. Her magic will bring us directly to Northend. Dahil nakapunta na si Naida noon sa Northend, she can use and connect her spatial magic directly to that realm! Hindi na namin kailangan pang maglakbay nang matagal para makarating doon!

"Thank you for everything, Raina Louise," saad na Naida na siyang ikinangiti ko sa kapatid ni Cordelia.

"Take care of her," saad ko naman at binalingan muli si Cordelia sa puwesto niya. Namataan ko ang pagkaway nito sa akin kaya naman ay itinango ko ang ulo ko bilang tugon sa kanya. Muli naman akong tumingin kay Naida. "She deserves everything, Naida. Sana'y hindi na niya maranasan pa ang kung anong naranasan niya noon."

"Don't worry about her, Raina Louises. Ako na ang bahala sa kapatid ko. And I promise, hindi namin sasayangin ang pangalawang pagtataong ibinigay mo sa amin at sa kapatid ko. We will protect her and make her happy. Gagawin namin ang lahat upang mapunan ang taong nag-isa ito at hindi kami nakasama dahil sa mga nangyari noon."

Ngumiti ako sa prinsesa at marahang yumukod sa harapan niya. Ganoon din ang ginawa ni Naida at noong umayos ako nang pagkakatayo, hindi na ako muling nagsalita pa. Tumango na lamang ako sa kanya at binalingan na ang mga kasama ko.

Tanging kami nila Alessia at Captain Mary na lamang ang natitira ngayon dito sa Vallasea. Kanina pa pumasok sa spatial magic ni Naida ang ibang miyembro ng Tyrants, pati na rin ang hari nito. Tahimik na kumilos si Alessia at nauna nang pumasok sa spatial magic at noong naglakad na rin si Captain Mary, hindi na ako nagdalawang-isip na sumunod dito. Sabay kaming pumasok sa spatial magic ni Naida at pagkatapos lang ng ilang hakbang, natagpuan ko na lamang ang sarili na nasa isang pamilyar na paligid at tanawin.

Naalarma ako at mabilis na hinanap si Captain Mary. Nagpalinga-linga ako at noong mapansin ako lamang ang narito ngayon sa lugar na ito, bigla akong kinabahan at naging alerto. What the hell happened? Bakit ako narito sa lugar na ito? At nasaan sila Alessia? Si Captain Mary? Akala ko ba'y sa Northend konektado ang spatial magic ni Naida? Bakit ako narito sa Afterworld at hindi sa Northend? Damn it! Nagkaproblema ba ang mahikang ginawa ni Naida kaya naman ay napadpad ako sa lugar na ito?

"You're finally here, Raina." Mabilis akong natigilan noong mariing ang tinig nito. Agad akong napabaling sa gawi niya at gulat na napatitig dito. What the hell? Am I dreaming right now? Bakit narito siya ngayon sa lugar na ito?

"Dad?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

Ngumiti si daddy sa akin at marahang naglakad papalapit sa puwesto ko. Nanatili naman ako sa kinatatayuan at gulat na nakatingin pa rin sa ama. "Nasa Northend pa ang mommy mo, Raina. Sunduin na natin ito sa Northend at sabay-sabay tayong babalik sa mundo natin," aniya at hinawakan ang kamay ko. Nakatitig pa rin ako sa kanya at hindi makapagsalita dahil sa gulat sa presensiya nito.

Is this for real? Nandito talaga siya ngayon sa harapan ko? But... Why? Hindi ito maaaring magtungo rito sa Azibar habang nandito pa ako! Alam nito ang mangyayari kapag dalawa kaming narito ngayon sa mundong ito! Oh, no! I have a bad feeling about this! Damn it!

"Let's go and fetch your mother, Raina Louise," dagdag pa niya at nagsimula na kaming pumasok sa isang dimensiyong konektado sa Northend kung saan naghihintay sa amin ang aking ina.

---

*** THE END***

A/N:

See you sa Helienne, LOVIES!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top