Chapter 9: Blood
I grew up in a wealthy and influential family.
The Great Ferrer Empire and my father's company really helped me a lot. Hindi ako kailanman nahirapan noon. I was good at school, graduated with high honors, kaya naman ay natitiyak ng lahat na magiging maayos ang pamamalakad ko sa parehong kompanya kapag ako na mismo ang hahawak nito.
But I have different plans before. Wala sa plano ko ang maging Presidente ng kompanya ng pamilya ko. I... I only wanted to have peace of mind. Na habang tumatanda na ako, unti-unti kong nakikita ang kung ano talaga ang mayroon sa mundong kinabibilangan ko.
My family... it's not just all about wealth we have in our hands. Nabanggit na iyon sa akin noon ni mommy ngunit dahil hindi ko pa talaga naiintindihan ang tungkol sa mga negosyo namin, pinagsawalang-bahala ko na lamang ang mga iyon.
Fame and money... Iyon talaga ang totoong rason kung bakit ako umalis noon sa bansa at lumayo sa pamilya ko.
At mukhang ito rin ang sitwasyon ngayon ni Cordelia.
Dresses. Palace. Crown.
Paniguradong konektado ito sa kung anong mayroon talaga si Cordelia. At kung tama ang hinala ko, ito ang nagtulak kay Cordelia para tumalon noon sa lawa!
Napabuntonghininga na lamang ako at tahimik na pinagmamasdan ang mga abalang tao sa sentro ng Vallasea. May mga tindahan dito at panay alok naman ang mga may-ari sa mga paninda sa bawat taong dumadaan sa harapan nila. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tipid na umiiling sa mga tindera at tindero na inaalok sa akin ang mga paninda nila.
"Ito! Bagay ito sa'yo!" Wala na akong nagawa pa noong harangin ako ng isang babae. Napatitig ako sa kamay niya na may hawak na isang magarbo at detalyadong hairpin. Muli itong nagsalita ngunit hindi ko na iyon narinig pa nang maayos dahil may isa naman lumapit at inilahad sa akin ang isa pang klaseng hairpin.
"Mas bagay ito sa'yo!" bulalas ng isa pang tindera. "Sa kutis at ganda ng buhok mo, mas titingkad ang natural na ganda mo!" dagdag pa nito at mas inilapit sa akin ang paninda nito.
Mabilis akong umatras sa kanilang dalawa at marahang umiling. "Pasensiya na pero hindi ako interesado sa mga ganyan," sambit ko na siyang ikinasimangot ng dalawa sa harapan ko. Umiling ang mga ito at mabilis na tinalikuran ako.
"Akala ko bibili na siya," rinig kong bulong no'ng isang tindera.
"Kaya nga. Mukhang noble pa naman ang isang iyon," sambit naman no'ng isa pa. "Sayang."
Napakunot ang noo ko sa mga narinig mula sa kanila.
Ako? Mukhang noble?
Wala sa sarili akong napakagat ng pang-ibabang labi ko. Muli kong tiningnan ang mga tao sa paligid at napatango na lamang noong napagtanto ang tinutukoy ng dalawang tindera kanina.
Tama nga sila. Kung ikukumpara ang suot ko ngayon sa mga taong narito, angat nga itong kasuotan ni Cordelia. But... it's her normal dress! Ito ang mga sinusuot niya sa shelter mansion ni Carolina!
Napailing na lamang ako at muling inihakbang ang mga paa. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pagmamasid sa sentro ng Vallasea ngunit minuto lang ang lumipas ay natigilan akong muli noong makarinig ng kumosyon 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. Wala sa sarili akong napatingin doon at napaarko na lamang ang isang kilay noong makakita ng iilang guwardya sa kumpulan ng mga tao.
"My royal guards! Paniguradong nandito ang isa sa mga royal siblings!" Napaayos ako nang pagkakatayo noong marinig iyon sa babaeng nasa gilid ko. Nagsimula na rin itong humakbang at lumapit sa kumpulan ng tao.
Royal guards... Royal siblings? Anak ng hari at reyna ng Vallasea?
Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko. Nanatili ang mga mata ko sa kumpulan at noong biglang humawi ang kumpulan ng tao at nagsimula nang kumilos ang mga royal guard, napako ang paningin ko sa babaeng pinagkakaguluhan ng mga tao sa sentro ng Vallasea.
"Princess Amaya!"
"Ang ganda talaga nito!"
"Magandang araw, mahal na prinsesa!"
"Princess Amaya, buti at nakapasyal kang muli rito sa sentro!"
Ngumiti lamang ang babae at marahang tinatanguhan ang mga bumabati sa kanya. A princess, huh. Okay. Mukhang kailangan ko na ring sanayin ang sarili ko na makakita ng kagaya niya. Nasa isang kingdom ako, a kingdom ruled by royal family. Malamang ay nag-e-exist din ang mga kagaya niya sa mundong ito!
Nagsimula nang maglakad iyong prinsesa at noong huminto ito sa tapat ng tindahan no'ng tinderang nag-alok sa akin kanina ng paninda nito, mabilis na itinuro ng prinsesa iyong pamilyar na hairpin. "I'll take that," anito at mabilis namang kumilos ang isang babaeng royal guard sa tabi nito. Binili niya ang hairpin na nais ng prinsesa at muling bumalik sa tabi nito.
Tuwang-tuwa naman iyong tindera at mabilis na yumukod. Nagpasalamat ito at nakangiting umayos nang pagkakatayo.
Hindi na nagsalitang muli ang prinsesa at nagpatuloy na sa pagtingin ng mga paninda sa sentro. Mayamaya lang ay natigil ito sa pagkilos noong humarap ito sa kinatatayuan ko. Gulat itong napatitig sa akin na siyang ikinataka ko naman. Wala sa sarili akong napatingin sa paligid ko at noong mapansing wala namang ibang taong nakatayo malapit sa akin, muli akong napatingin sa puwesto ng prinsesa ng Vallasea. Is she looking directly at me?
"Tayo na," rinig kong malamig na turan nito sa mga kasama niya habang nakatingin pa rin sa akin. "Bumalik na tayo sa palasyo," dagdag pa niya at mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin. Tumalikod na ito at muling naglakad muli. Magiliw namang nagpaalam sa kanya ang mga tao sa sentro ng Vallasea at tumigil na lamang ang mga ito noong tuluyan nang nawala sa paningin nila ang prinsesa.
Okay. What the hell was that? Ako ba talaga ang tiningnan no'ng babaeng iyon?
Napailing na lamang ako at akmang kikilos na sana ako upang ipagpatuloy ko ang paglilibot sa buong sentro ng Vallasea noong mabilis akong natigilan dahil may nabangga akong tao sa likuran ko. Mabilis akong huminga nang paumanhin sa kanya at noong bumaling ako sa gawi nito, mabilis akong natulos sa kinatatayuan noong mapagtanto kung sino iyon.
"Dylan," mahinang bulalas ko sa pangalan nito.
Mabilis akong umayos nang pagkakatayo at napangiwi na lamang noong makita ang seryosong titig nito sa akin. "What the hell are you doing here, Lia?" He coldly asked me.
Hilaw akong napangiti sa kanya at humakbang ng isang beses palayo sa kinatatayuan nito. "Just... roaming around. Looking for some stuffs... you know, iyong puwedeng magamit ko sa pagtitipon na dadaluhan natin."
"Stop lying," anito na siyang ikinaayos ko nang pagkakatayo. "Tell me, anong ginagawa mo sa lugar na ito at bakit ka umalis sa bahay ni Tanner ng walang paalam man lang?"
"I'm sorry," mahinang turan ko at humugot ng isang malalim na hininga. "But it's true. Nandito ako para tumingin sa mga paninda rito sa sentro. May nakita nga akong hairpin kanina ngunit naunahan ako noong prinsesang kakaalis lang!" Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi ko sa lalaking ito. Such a liar! Well, kung maililigtas man ako nito sa galit ni Dylan sa akin ngayon, papanindigan ko na lamang ang mga salitang binitawan ko sa kanya!
Kunot-noo akong pinagmasdan ni Dylan. Tipid naman akong ngumiti sa kanya at mayamaya lang, mabilis itong kumilos sa kinatatayuan niya. Napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya at noong nilagpasan niya ako at nagsimulang maglakad patungo sa tindahan kung saan naroon ang tinutukoy kong hairpin, agad niya itong binili at muling bumalik sa harapan ko!
"Here. This is the hairpin you want, right?" malamig na tanong niya sa akin at inilagay sa kamay ko ang hairpin na binili niya. "Now, let's go. Bumalik na tayo sa bahay ni Tanner," dagdag pa nito at mabilis na tinalikuran ako. Napatitig na lamang ako sa papalayong bulto ni Dylan at noong maramdaman nitong hindi ako sumunod sa kanya, mabilis itong tumigil sa paglalakad at muling binalingan ako. "Cordelia." He coldly uttered Cordelia's name.
Napangiwi akong muli. "Coming," walang ganang sambit ko at kumilos na rin. Nagsimula na akong maglakad at noong tuluyan na akong nasa tabi niya, mabilis nitong hinawakan ang palapulsuhan ko ko at tahimik na naglakad muli.
Hindi ako binitawan ni Dylan hanggang sa makabalik na kami sa bahay ni Tanner. Pabagsak nitong isinara ang pinto sa likuran namin at maingat naman binitawan ako. Wala sa sarili akong napalunok at binalingan ito.
"I'm sorry," mahinang sambit ko sa kanya. "Alam kong pinagbawalan mo akong umalis... but I got bored. Gusto ko lang naman makita ang kung anong mayroon sa lugar na ito."
"Lia, wala kang maalala. You can't remember your past! Paano kung napahamak ka sa labas? Sino ang tutulong sa'yo at saan ka pupunta kung nagkataong nagkagulo sa sentro?" mariing bulalas nito sa harapan ko. Napakurap ako sa harapan niya. "Ngayon ay alam ko na kung bakit ayaw ni Carolina na umalis ka sa Atlantis. With or without your memories, you're still the Cordelia we know! Stubborn at hindi man lang nakikinig sa amin! Simple lang naman ang nais ko, Lia. At iyon ang manatili ka rito hanggang sa magtungo sa Phoenix's headquarters! Mahirap bang gawin iyon?"
Napailing ako at napayuko na lamang.
What the hell is wrong with him? Bakit galit na galit ang isang ito? Kung makapagsalita naman sa akin ngayon, akala mo nasaktan ako o napahamak itong katawan ni Cordelia! Wala namang masamang nangyari sa babaeng ito, ah!
"The royal guards saw you earlier, kaya naman ay tiyak kong alam na rin nila nandito ka," muling saad ni Dylan, mas kalmado kumpara kanina. He sighed and looked at me intently. "Sa susunod, kung nais mong maglibot sa lugar na ito, tell me. This is the royal capital of Vallasea. Kahit na sabihing nagkalat ang mga royal guard sa lugar na ito, hindi pa ring ligtas ang umalis na mag-isa, lalo na sa'yo."
"I can fight, Dylan. Kung may magnanais mang saktan ako, I can protect myself," wala sa sariling saad ko na siyang muling ikinadilim ng ekspresyon ni Dylan habang nakatingin sa akin.
"Ilang beses mo nang sinabi iyan sa akin, Lia. And result? Pare-pareho lang. Yes, you can fight... but no, you can't win against them." Napaawang ang labi ko sa narinig mula sa kanya. "Bumalik ka na sa silid mo at magpahinga," dagdag pa nito at mabilis na tinalikuran ako. Pinagmasdan ko itong naglakad patungo sa sala at pabagsak na naupo sa sofa na naroon. "I'll stay here kaya naman ay huwag ka nang magtangkang umalis sa bahay na ito."
Napangiwi na lamang ako at hindi na muling nagsalita pa. Inihakbang ko na lamang ang mga paa at pumasok na sa silid na nakatalaga para sa akin. Maingat kong isinara ang pinto sa likuran at noong napag-isa na ako, agad akong napahugot ng isang malalim na hininga.
Tahimik akong humakbang muli at lumapit na sa kama. Naupo ako sa gilid nito at maingat na inangat ang kamay kong may hawak-hawak na hairpin na binili kanina ni Dylan sa sentro. Ipinilig ko ang ulo pakanan at wala sa sariling napatitig sa nakasarang pinto ng silid na kinaroroonan ngayon.
Hindi ko alam kung naniwala ba iyong si Dylan kanina sa kasinungalingan ko o sadyang nais niya lang na tumigil na ako sa ginagawa kaya naman ay binili niya ito.
Napahugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga at akmang ilalapag ko na sana sa ibabaw ng kama ang hairpin na hawak-hawak, panibagong mga imahe na naman ang nakita ko sa isipan!
Blood.
Napaawang ang mga labi ko sa mga nakikita.
"What the hell?" mahinang bulalas ko at mabilis na napahawak sa ulo noong biglang kumirot ito. "Blood... Kaninong dugo iyong nasa kamay nitong si Cordelia?" tanong ko habang nakikita ang kamay ni Cordelia na puno ng dugo.
Dugo niya ba ito?
Nasaktan ba ito noon?
"Stop," nahihirapang sambit ko at mariing ipinikit ang mga mata. "Stop it now, Cordelia. Ayaw ko nang makita ang mga iyan!"
Napasinghap na lamang ako at pilit na hinahabol ang sariling hininga. Wala sa sarili akong napatitig sa mga kamay at noong makitang nasa kamay ko pa rin iyong hairpin, mabilis ko itong binitawan at napatayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
"Blood," wala sa sariling turan ko habang nakatitig sa hairpin na nasa ibabaw ng kama. "Paanong... nagkaroon ng dugo ang hairpin na iyan?" tanong ko pa at humakbang ng isang beses paatras.
Napalunok ako at wala sariling napatitig na rin sa mga kamay ko.
My hands... they're shaking right now! And to my surprise, nababalot na rin ng dugo ang magkabilang kamay ko!
What the hell?
"Ano itong pinapakita mo sa akin ngayon, Cordelia? Kaninong dugo itong nasa kamay mo? Nasaktan ka ba? O... may sinaktan ka noon kaya ko nakikita ang mga dugong ito ngayon?" mahinang tanong ko sa kanya at napaupo na lamang sa sahig ng silid.
Ano ba talaga ang nangyari sa'yo, Cordelia? Maliban sa pagkahulog sa lawa, may iba pa bang dahilan kung bakit nais mong mawala sa mundong ito?
From dresses, palace and crown, now... I have blood on my list.
The question is, kanino itong mga imaheng nakikita ko?
Is it really yours, huh, Cordelia?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top