Chapter 8: Images

Identity crisis.

Iyon ang tanging nasa isip ko ngayon pagkatapos no'ng panaginip... no, it's more like a memory of Cordelia.

Nabasa ko na ang ganitong senaryo sa diary ni mommy. Ilang beses itong nangyari sa kanya noon no'ng nasa katawan pa siya ni Captain Mary at Scarlette. Sigurado ako. That was not a dream. It was definitely part of her memory.

"Cordelia... sino ka ba talaga?" mahinang tanong ko sa sarili at napabaling na lamang sa pinto ng silid noong may kumatok doon. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo sa may gilid ng kama. Naglakad na ako patungo sa pinto at noong buksan ko iyon, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Carolina.

Napalunok ako at maingat na umatras. Mas nilakihan ko ang awang sa may pintuan at pinapasok na ito. Maingat akong naglakad pabalik sa kama ni Cordelia at naupong muli sa gilid nito.

Tahimik kong pinagmasdan si Carolina. Nagsimula na rin itong maglakad at nagtungo sa may bintana ng silid. Tumayo ito roon at tahimik na tinanaw ang tanawin sa labas. "Kinausap akong muli ni Dylan," anito na siyang ikinaayos ko nang pagkakaupo. Napatitig ako sa likod nito at hinintay ang susunod na sasbihin nito sa akin. "Kung aalis ka at dadalo sa pagtitipon, hindi kita maproprotektahan, Cordelia."

"Kasama ko si Dylan. Nandoon din si Tanner. I'll be fine," maingat na wika ko at natigilan na lamang noong bumaling sa akin si Carolina.

"Mapanganib para sa'yo ang umalis dito sa Atlantis, Cordelia," seryosong saad nito sa akin. "Nasabi ko na ito sa'yo noon at ngayong wala kang maalala na kahit ano, sasabihin ko ulit ito sa'yo. Mapanganib ang mundong ito, Cordelia. This world... it's dangerous and cruel and you... wala kang alam na kahit anong mahika. Paano mo maproprotektahan ang sarili mo?"

"Wala ka bang tiwala sa akin? I... I can fight, Carolina. You trained me. Dylan trained me. I can use different weapons. Sapat na iyon para maprotektahan ko ang sarili."

"Those weapons are not enough to protect you!" Natigilan ako noong lumakas ang boses nito. "Your life... it's the most important thing we have here."

"I'm not a thing, Carolina," mariing wika ko sa kanya. Sa pagkakataong ito ay si Carolina naman ang natigilan sa puwesto niya. "I'm a human. Tao ako at may sariling pag-iisip. I can decide whatever I want to do. I'm not a puppet and I will never be one." Napahugot ako ng isang malalim na hininga bago magpatuloy sa pagsasalita. "Kung nagawa kong maging sunod-sunuran sa inyo noon, hindi ko maipapangakong magagawa ko ulit ito ngayon. Oo, wala akong maalala sa nakaraan ko. Oo, wala akong kapangyarihan pero hindi iyon sapat na dahilan para ikulong ako sa lugar na ito. I never wanted this. I never wanted to forget everything. I never wanted to be powerless. Kaya naman nakikiusap ako sa'yo, Carolina. Stop sheltering me. I'm not a kid anymore. I can decide for myself. I can and will protect myself from this dangerous and cruel world you're talking about. Kaya ko na ang sarili ko kaya naman tama na. Hindi mo na ito kailangang gawin pa."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang ko noong sabihin ko ang mga katagang iyon sa harapan mismo ni Carolina. Maging ako ay naging speechless pagkatapos kong sambitin ang mga iyon!

What the hell just happened? I was lost for a second and when I finally got my senses back, huli na ang lahat. Nasabi ko na ang mga iyon kay Carolina!

Mahina kong tinampal ang pisngi at tiningnan ang repleksiyon sa salamin.

Kanina pa umalis si Carolina sa silid nitong si Cordelia. Wala na rin kasi itong nasabi sa akin kanina at nagpaalam na lamang na aalis na. Hindi na rin nito pinagpilitan pang manatili ako sa lugar na ito. She just told me to rest before we leave this place later.

I sighed for the nth times. Ngayong ay nasa harapan ako ng salamin at masamang tinititigan ang repleksiyon. I sighed again and tried to understand what happened earlier.

Napailing ako. Mukhang alam ko na ang kung anong nangyari kanina. "If you want me to help you, huwag mo nang gagawin iyon Cordelia. Come on! Para akong tanga kanina sa harapan ni Carolina!" bulalas ko at muling tinampal ang pisngi. "I know that you're still here... in this tiny body of yours. Pero nandito rin ako. I dominate this body, not you." Napahugot ako ng isang malalim na hininga at muling napatitig sa repleksiyon sa salamin. "But... I'm curious. Paano mo nagawa iyon? It was just a few seconds. Paano mo nagawang gamitin ang katawan mo habang nandito ako?"

"Cause I'm not that useless, Raina."

Natigilan ako noong bigla kong narinig ang boses ni Cordelia. Kusang umawang ang mga labi ko at napatitig na lamang sa repleksiyon sa salamin.

"Cordelia... how... oh my God. This is amazing! You're amazing!"

"You're the first person who said that to me."

Napangiti ako sa narinig mula sa kanya. "You're amazing, Cordelia," ulit ko at inilagay ang kanang kamay sa dibdib. "And I can't wait for you to show them how amazing you are. Just wait, okay. Ibabalik kita sa katawan mo."

Hindi ko na muling narinig ang boses ni Cordelia. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at napahugot ng isang malalim na hininga. Maingat akong umalis sa harapan ng salamin at naglakad na patungo sa kama. Naupo ako sa gilid nito at hinayaang bumagsak ang katawan sa malambot na higaan.

Just wait, Cordelia. Just wait until I finish my mission.

Tipid akong napangiti at ipinikit na lamang ang mga mata.

Kinagabihan, inihanda ko na ang mga gamit na dadalhin patungo sa headquarter ng Phoenix. Ang sabi ni Dylan sa akin ay huwag na akong mag-alala sa susuotin ko para sa pagtitipon. They already talked to someone and prepared my dress for the occasion. Tanging iilang pares lamang ng damit ang inihanda ko at noong natapos na ako sa ginagawa, maingat akong lumabas sa silid.

Parehong seryoso ang mga mukha ni Dylan at Tanner noong namataan ko sila sa labas ng building. Kunot-noong nakatingin si Dylan sa nagsasalitang si Tanner. Namataan ko rin ang pagbuntonghininga nila at noong maramdaman nila ang presensiya ko, mabilis na natigil ang pag-uusap nilang dalawa at bumaling sa kinaroroonan ko.

Agad na ngumiti si Tanner sa akin at kinawayan ako. Tipid akong tumango rito at nagpatuloy na sa paglalakad. Lumapit na ako sa dalawa at noong nasa harapan na nila ako, maingat na kinuha ni Dylan ang dala kong bag at nauna nang maglakad palayo sa amin. Napakurap ako sa ginawa nito at wala sa sariling napatingin kay Tanner.

"Anong problema ng lalaking iyon?" I curiously asked him. Nagkibit-balikat lang sa akin si Tanner sa akin at tinalikuran na rin ako. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nagsimula na ring maglakad. Tahimik akong sumunod sa dalawa hanggang sa makarating kami sa main gate ng shelter mansion ni Carolina.

Nanatili akong tahimik hanggang sa makasakay na kaming tatlo sa isang sasakyan. Ang sabi ni Tanner sa akin kanina, minuto lang ang layo ng shelter sa pinaka-pier ng isla. Mula roon, sasakay naman kami ng barko na siyang magdadala sa amin sa sentro ng Vallasea.

"Malapit lang din pala sa royal palace ang headquarter namin sa realm na ito," imporma ni Tanner sa akin habang nasa sasakyan na kami. "Asahan mo na lang na maraming tao ngayon sa sentro. Pagkatapos kasi ng selebrasyon ng kaarawan ni Grandmaster Walter, kaarawan naman ng isa sa anak ng kasalukuyang hari ang ipagdiriwang ng mga taga-rito." Napatango ako sa narinig.

Well, that's fine with me. Sanay akong makisalamuha sa ibang tao. Walang magiging problema sa akin kung marami mang tao sa sentro ng realm na ito.

"What about the Tyrants? May ideya ka ba kung sino sa kanila ang kasama ng hari ng Northend?" Natigilan si Tanner at pasimpleng tiningnan ang kanina pa tahimik na si Dylan. Tumikhim muna ito bago sagutin ang naging tanong ko sa kanya.

"Malalaman natin iyan kapag naroon na tayo, Lia. Sa ngayon, magpahinga ka na lang muna. Ilang oras ang magiging biyahe natin. You need to rest."

"I don't want to rest," saad ko na siyang ikinangiwi naman ni Tanner. "I want to know more about this realm."

"Curious, huh?" Hilaw na tumawa si Tanner at tinapik ang tuhod ni Dylan. Magkaharap kasi ang dalawa samantalang magkatabi naman kami ni Dylan sa upuan. Binalingan ko si Dylan at tamad na tiningnan noong makitang nakapikit ito. "Dylan," tawag pansin nito sa lalaki.

"Stop talking, Tanner. Manahimik ka para tumigil din si Cordelia kakatanong sa'yo," anito habang hindi man lang iminulat ang mga mata. Nagkatinginan kami ni Tanner at nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya.

Mahinang tumawa si Tanner at muling tumikhim. "Let's talk later, Lia. Sa barko mo na ulit ako tanungin ng kung anu-ano," wika nito at ipinikit na rin ang mga mata. Napailing na lamang ako at umayos nang pagkakaupo. Bumaling na lamang ako sa labas ng sasakyan at hindi na kumibo sa puwesto ko.

Naging matiwasay ang paglalakbay namin patungo sa sentro ng Vallasea. Ni hindi ko nga namalayan na padaong na ang barkong sinasakyan namin mula sa Atlantis. Napapitlag na lamang ako kanina sa kinauupuan ko noong marinig ko ang tunog ng ship horn. It was a sign na malapit na kami sa daungan ng sentro. Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko at lumapit sa may railing. Wala sa sarili naman akong napangiti noong makita ang iilang gusali 'di kalayuan sa may daungan.

Finally! We're here, Cordelia. Simulan na natin ang misyon ko sa realm na ito!

"Okay. You two will stay here for tonight. Bukas, pupunta rito ang magdadala ng mga damit na susuotin niyo para sa pagtitipon at pagsapit ng gabi, magtungo na lamang kayo sa headquarters namin," mabilis na sambit ni Tanner noong inihatid niya kami sa bahay niya dito sa sentro ng Vallasea. "Ipinahanda ko na rin ang mga kuwartong gagamitin niyo. Magpahinga na kayong dalawa at huwag nang umalis dito sa bahay," dere-deretsong sambit pa rin nito at mabilis na nagpaalam na sa amin.

Hindi ko na nagawa pang tawagin ang pangalan nito noong tumakbo na ito palayo sa bahay niya. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at napabaling sa loob ng bahay ni Tanner.

"Wala siyang kasama sa bahay na ito?" takang tanong ko kay Dylan noong napansing walang ibang tao sa bahay kundi kaming dalawa lamang.

"Taga-Helienne ang buong pamilya ni Tanner. Siya lamang ang narito sa Vallasea dahil sa trabaho niya bilang isang Phoenix Knight."

Napatango ako sa tinuran ni Dylan. Inihakbang ko ang mga paa at kinuha na sa kanya ang bag ko. "Ako na ang bahala sa mga gamit ko. Thank you," simpleng saad ko at tiningnan ang mga nakasarang pinto. May tatlong kuwarto sa bahay ni Tanner. Napalabi ako at itinuro ang silid sa gawing kanan ko. "I'll take that room," sambit ko pa at mabilis na inihakbang na ang mga paa. Binuksan ko ang pinto sa harapan at pumasok na roon.

Mabilis akong sumandal sa may pinto noong tuluyang naisara ko na ito. Tahimik kong pinagmasdan ang kabuuan ng silid at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Maingat kong inilapat ang tenga sa may pinto at pinakinggan kung pumasok na ba si Dylan sa silid niya. At noong marinig ko ang mga yapak nito at ang pagbukas-sara ng isang pinto, napatango na lamang.

Nanatili muna ako ng ilang minuto sa silid na kinaroroonan ko.

I was busy biting my lower lip when I suddenly saw images inside my head. Mabilis akong napapikit at pilit na inaalam ang mga imaheng nasa isipan.

It's Cordelia's memories!

"Dresses... palace... crown," mahinang wika ko at napasinghap na lamang noong bigla akong hindi makahinga. "No." I whispered when I felt like I'm drowning. Damn it! Pakiramdam ko ay ito ang araw na nahulog si Cordelia sa may lawa! "Snap it, Cordelia!" Iniling ko ang ulo at mabilis na iminulat ang mga mata. Wala sa sarili akong napaubo at hinabol ang sariling paghinga.

What the hell was that?

Ilang minuto ang ginugol ko para maging maayos muli ang paghinga ko. At noong naging gumaan na muli na ang pakiramdam ko, mabilis akong umayos nang pagkakaupo. Kinagat kong muli ang pang-ibabang labi at inalala ang mga nakitang mga imahe kanina.

Dresses.

Palace.

Crown.

Ano ang koneksiyon nito kay Cordelia?

It was just some flash images, but I know what I saw. Hindi ako maaaring magkamali! Iyong mga nakita ko sa isipan, parte iyon ng mga memoryang nawala kay Cordelia. Ngayon ay kailangan ko na lamang alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga imaheng iyon!

Humugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili.

"Alright. It's time to move now, Raina," mahinang sambit ko sa sarili at nagsimula nang maglakad palabas ng silid na kinaroroonan. Maingat kong binuksan ang pinto at noong tuluyan na akong nakalabas, tahimik kong pinagmasdan ang salas ng bahay ni Tanner. Wala sa sarili akong napatingin sa dalawang nakasarang pinto at tiyak kong nasa loob ngayon si Dylan at nagpapahinga.

I silently sighed and started moving my feet again.

Maingat akong naglakad palabas ng bahay at noong naisara ko na ang pinto ng bahay ni Tanner, dali-dali kong inihakbang muli ang mga paa at nagsimula nang mag-ikot sa sentro ng Vallasea.

"Now, let's see kung may malalaman ba ako tungkol sa'yo Cordelia sa lugar na ito. Vallasea... one of the four realms of Azibar. Tingnan natin kung anong mayroon sa realm na ito."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top