Chapter 7: Dream
Wala ni isa sa dalawang lalaki ang kumibo sa harapan ko.
Seryoso lang ang mga titig nito sa akin at noong dumapo ang tingin ko kay Tanner, namataan ko ang pagkunot ng noo nito. "Ano ang kailangan mo sa Tyrants?" He asked me.
"I just need to see them," matamang sagot sa kanya.
Napailing si Tanner habang nakakunot-noo pa ring nakatingin sa akin. "Hindi sapat na rason iyon para makita at makausap ang Tyrants. At isa pa, nasa Northend ang mga iyon. Malayo rito sa Atlantis. Imposible ang nais mo, Cordelia."
"We received an invitation," mabilis na saad ko na ikinatigil nito. "Iyong birthday party sa headquarters niyo. Hindi ba dadalo ang Tyrants doon?"
Napatingin si Tanner kay Dylan at napailing na lamang ito sa lalaki. Muling bumaling sa akin si Tanner at humugot ng isang malalim na hininga. "Kung dadalo ang hari ng Northend sa pagtitipon sa Phoenix headquarters, tiyak kong may isa o dalawang miyembro lang ng Tyrants ang kasama nito." Napaayos ako nang pagkakatayo noong marinig iyon kay Tanner. "Ngunit... hindi ko matitiyak kong makakausap mo ito. You know... there's an invisible line between us, the Phoenix Knights and the Tyrants Northend."
Invisible line? Wait... hindi ba nagkakasundo ang mga ito?
Napakunot ang noo ko at pilit na inaalala kung may naisulat ba si mommy sa diary niya tungkol dito.
"We just interact for a job or for a mission given to us by our Grandmaster and their king," dagdag pa ni Tanner na siyang ikinangiwi ko. Right. Mukhang hindi nga nagkakasundo ang dalawang grupo!
Napakagat na lamang ako nang pag-ibabang labi at wala sa sariling napatingin sa kanina pang tahimik na si Dylan. Sinalubong ko ang matamang titig nito at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Ngayon... ano na ang gagawin ko? This is the only chance I have right now. Kung hindi ko makakausap ang Tyrants, baka mas lalong matagalan ako sa mundong ito! I need their help, sila at si Captain Mary!
"Tanner," biglang sambit ni Dylan sa pangalan ng lalaking nasa tabi niya habang nakatingin pa rin sa akin. "Magtungo ka muna sa opisina ko. Susunod ako sa'yo roon," anito na siyang tahimik na ikinakibit-balikat na lamang ng lalaki. Mabilis na nagpaalam sa akin si Tanner at bago pa ito tuluyang makaalis, tinapik muna nito ang balikat ni Dylan. Hindi naman nagpatinag ang lalaki at matamang nakatingin pa rin sa akin.
Mayamaya lang ay nagsimula nang maglakad papalayo si Tannner. Hindi naman ako kumibo sa kinatatayuan at noong tuluyang nawala na sa paningin ko si Tanner, muli kong sinalubong ang matamang titig ni Dylan sa akin. Humugot ako ng isang malalim na hininga at inihanda ang sarili sa maaaring itanong nito sa akin.
"Ano ang kailangan mo sa Tyrants, Cordelia?" seryosong tanong ni Dylan sa akin.
Of course. Iyon agad ang itatanong nito sa akin! "I... I just need their help," wala sa sariling sagot ko at napangiwi na lamang.
"At paano mo nalaman ang tungkol sa kanila?" He asked again. Napakurap ako sa naging tanong nito. What? Hindi ba kilala nitong si Cordelia ang Tyrants? "I'm asking you, Cordelia. Paano mo nalaman ang tungkol sa kanila?"
Palihim akong napangiwi. "Bakit... hindi ko ba dapat malaman ang tungkol sa kanila?" balik na tanong ko sa kanya.
Hindi nagsalita si Dylan at inihakbang na lamang ang mga paa. Natulos ako sa kinatatayuan at hindi man lang sinubukang gumalaw. Ilang hakbang pa ang ginawa nito hanggang sa nasa harapan ko na mismo ito. "Yes, Lia. Hindi mo dapat alam ang tungkol sa kanila. No one in this island knows their existence. Kaya naman sabihin mo sa akin... saan mo nalaman ang tungkol sa kanila?" mariing tanong muli ni Dylan sa akin.
What the hell? Seryoso ba ito? So, kahit ang magkapatid na kaibigan nitong si Cordelia ay hindi alam ang tungkol sa Tyrants ng Northend? Iyong totoo? Umaalis pa ba ng Atlantis ang mga taong naninirahan sa islang ito?
"I... I don't know," pagsisinungaling ko sa kanya. "Bigla ko na lamang nabanggit ang pangalan ng grupo nila noong makita ko si Tanner kanina."
"Stop lying to me, Lia," mababang tinig na wika nito sa harapan ko. Napalunok ako at mabilis na nag-iwas nang tingin kay Dylan. Damn! Paano ba ako makakatakas sa mga tanong ng lalaking ito?
Kilala nito si Cordelia kaya naman ay natitiyak kong alam nito kung nagsisinungaling ako sa kanya o hindi! Great! Now, what? Paano ako makakatakas sa mga tanong nitong si Dylan?
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at pilit na nag-isip nang paraan para maiwasan ang mga tanong ni Dylan sa akin. Ilang segundo akong napatitig sa kawalan at noong nakaisip na ako, muli akong bumaling sa kanya at matamang sinalubong ang titig nito. "Fine, I'll tell you. Pero sasabihin ko lang sa'yo ang lahat kapag nakausap ko na sila," seryosong sambit ko na siyang nagpa-arko ng isang kilay ni Dylan. "Let's go to that party and meet them. Kahit isa lang sa kanila. May kailangan lang akong sabihin sa kahit sinong miyembro ng Tyrants."
Hindi agad nakapagsalita si Dylan si harapan ko. Nanatili ang titig nito sa akin, ganoon din naman ako sa kanya. Hindi ako nagpatinag sa intensidad nang mga titig nito sa akin. I stay still and wait for his response. At noong makita kong humugot ito ng isang malalim na hininga, alam ko nang makukuha ko ang nais ko.
Sa ilang araw na pamamalagi ko sa lugar na ito, alam kong hindi kayang tiisin ni Dylan itong si Cordelia. I'm not sure if what's the real relationship of these two but I will use it to my advantage. Gagamitin ko ito hanggang sa matapos ko nang matiwasay ang misyong mayroon ako sa mundong ito.
Misyon... damn, I almost forgot about that! Mas natuon kasi ang atensiyon ko sa pagnanais na makita ang Tyrants sa dadaluhang pagtitipon!
I'm so sorry, Cordelia. Kapag may makausap na ako sa Tyrants, itutuon ko na ang atensiyon sa misyong mayroon ako para makabalik ka na rin sa katawan mo!
"Kakausapin kong muli si Carolina," ani Dylan na siyang ikinalaki ng mga mata ko. "Since Tanner is here, gagamitin natin ang pagkakataong ito para tuluyang pumayag si Carolina. Your safety is her top priority. Kapag makumbinse namin siyang walang masamang mangyayari sa'yo sa dadaluhan nating pagtitipon, sabay nating aalis patungo sa headquarters si Tanner," dagdag pa nito at dahan-dahang yumukod. Natigilan ako at pinagmasdan na lamang ang ginagawa nito sa harapan ko.
Maingat na dinampot ni Dylan ang mga panang nabitawan ko kanina. Tahimik ang bawat kilos nito at noong umayos muli ito nang pagkakatayo, sinalubong kong muli ang mga titig nito sa akin. "Bumalik ka na lamang muna sa silid mo, Lia. Ako na ang bahalang kumausap kay Carolina. Magpahinga ka na," dagdag pa nito at tinalikuran na ako.
Hindi ko na nabawi pa kay Dylan ang mga panang ginamit ko kanina. Mukhang siya na rin mismo ang magbabalik nito sa training room.
I sighed as I looked at him. Malayo na ito sa akin at noong lumiko ito sa isang pasilyo at nawala sa paningin ko, napabuntonghininga na lamang ako.
"I'll trust you, Dylan," mahinang sambit ko. "At kapag pumayag nga iyong si Carolina, I will tell you about me. Iyon lang din naman ang kaya kong gawin. Mukhang mahalaga naman sa'yo si Cordelia. I will tell you about our situation and for sure, tutulungan mo rin ako para matapos ang kung anong misyong mayroon ako para maibalik si Cordelia sa katawang ito." Napabuntonghininga na lamang akong muli at nagsimula nang kumilos. Akmang hahakbang na sana ako noong may napansin ako sa gawing kanan ko. Mabilis akong bumaling doon at biglang nanlamig ang buong katawan ko noong makita itong nakatayo 'di kalayuan sa puwesto ko.
Napaawang ang labi ko at kumurap ng ilang beses. Damn! Namamalik-mata lang ba ako?
"Carolina," mahinang sambit ko sa pangalan nito. I tried to compose myself. No... hindi niya naman siguro narinig iyong sinabi ko, 'di ba? Mahina naman ang boses ko kanina noong tinuran ko ang mga salitang iyon! Damn it!
Mayamaya lang ay nagsimulang kumilos si Carolina sa kinatatayuan niya. Umayos naman ako nang pagkakatayo at noong tuluyang makalapit na ito sa akin, mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko.
"What are you doing here?" She asked me. Tahimik itong bumaling sa paligid at noong makitang wala ibang tao maliban sa aming dalawa, namataan ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon nito. Muli itong tumingin sa akin at seryosong tinitigan ako. "Tapos na ba ang pagsasanay mo sa araw na ito?" tanong muli nito sa akin.
Napalunok ako at wala sa sariling napatango na lamang. "Yes," sagot ko.
"Bumalik ka na sa silid mo," mas malamig na turan nito sa akin at tinalikuran ako.
Kusang umawang ang mga labi ko habang nakatitig sa papalayong bulto ni Carolina. Wala sa sariling napasapo ako sa may dibdib ko at pilit na ikinalma ang tibok ng puso ko. What the hell was that? Ba't iyon lang ang sinabi nito sa akin? The way her expression changed earlier, may hinuha akong narinig nga niya ang mga tinuran ko kanina!
Pero... bakit wala itong sinabi tungkol doon? Bakit hindi niya mismo kinumpirma iyon sa akin?
Napailing na lamang ako at muling umayos nang pagkakatayo.
Damn it! Mukhang kailangan ko nang mag-ingat sa mga gagawin at sasabihin ko habang nasa katawan ako nitong si Cordelia!
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong bumalik sa silid ni Cordelia at agad na nagbihis ng komportableng damit. Tahimik akong naupo sa gilid ng kama nito at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Tumitig ako sa kawalan at pilit na itinatatak sa isipan ang mga dapat kong gawin habang nasa katawan ako nito.
First, my mission.
Kagaya sa mga nangyari kay mommy, may kailangan akong gawin para kay Cordelia. Sa ngayon ay isa lamang ang ideyang mayroon ako at iyon ang makaalis siya sa lugar na ito. This place... this is like a prison to her. Ramdam ko iyon kahit na ilang araw pa lamang akong namamalagi sa lugar na ito. That's my mission. To leave and free Cordelia from this place. Ngunit kung ikukumpara iyon sa mga naging misyon ni mommy, noong nasa katawan pa siya ni Captain Mary at ni Scarlette ng Oracle, masyadong mababaw iyon. Mukhang mas may mahalaga pa akong gagawin para kay Cordelia at iyon ang nais kong matuklasan habang ginagawa ko naman ang isang ko pang misyon sa mundong ito.
My father... the real reason why I'm here. For me to find him and bring him to our real world, I need connections... and power. At tanging ang Tyrants lang ang alam kung makapagbibigay sa akin noon. Kaya naman ay talagang pinagpipilitan kong makaalis dito!
I sighed again.
Sana nga ay makausap nang maayos nila Dylan at Tanner si Carolina.
Wala akong masisimulan sa mga misyon ko kung mananatili ako sa lugar na ito. I need to leave Atlantis. At kapag mangyari iyon, sisikapin kong gawin ang lahat para matulungan itong si Cordelia.
Dahil marahil sa pagod sa ginawang training ko kanina, nakatulog ako. It was a peaceful sleep. Ilang oras din iyon at noong naalimpungatan ako dahil sa naririnig na mahinang pagkatok sa pinto ng silid, marahan akong napamulat ng mga mata.
Ilang segundo pa akong napatitig sa kisame ng silid at noong hindi pa rin tumitigil ang pagkatok sa may pinto, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. Maingat akong bumangon mula sa pagkakahiga at wala sa sariling napatitig sa nakasarang pinto. Hindi pa rin tumitigil iyong kumakatok kaya naman ay napangiwi na lamang ako. Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad patungo sa pinto. At noong lumapat ang kamay ko sa doorknob nito, mabilis akong natigilan. Kusang pumikit ang mga mata ko at napadaing noong makaramdam nang matinding kirot sa ulo.
"Sino ba talaga ako?" Natigilan ako noong marinig ang boses ni Cordelia. Napaawang ang labi ko at iniling ang ang ulo noong mas tumindi ang kirot na nararamdaman ko. "Kung walang magsasabi sa inyo sa akin kung sino ba talaga ako, puwes, ako na mismo ang gagawa nang paraan para malaman ang katotohan tungkol sa pagkatao ko!"
What the hell is happening to me? Bakit ko naririnig ang boses nitong si Cordelia? Parte ba ito ng mga memorya niya?
"Cordelia... iyon ba talaga pangalan ko? Kahit iyon lang sana ay sabihin niyo sa akin!"
"Stop!" wala sa sariling wika ko at napaluhod na lamang. Napasandal ako sa nakasarang pinto at pilit na ikinakalma ang sarili.
"My powers... totoong rin bang wala akong kapangyarihan? Baka naman ginamitan niyo lang din ako ng mahika para hindi ko magamit ang sariling kapangyarihan ko! Just tell me! Nakikiusap ako sa inyo!"
"Please, just stop, Cordelia!" I cried as I felt another wave of pain inside my head. Damn! Parang binibiyak ang ulo ko dahil sa mga naririnig mula sa kanya! Tama na, Cordelia! Tama na!
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at noong makaramdaman ako ng kakaiba sa katawan ko, mabilis akong napamulat at napabalikwas mula sa pagkakahiga.
Habol hininga akong napaupo at sinapo na lamang ang noo.
Napailing ako at mabilis na napatingin sa kabuuan ng silid ni Cordelia. What the hell?
"A dream," mahinang sambit ko at napahugot ng isang malalim na hininga. It was just a dream...
Mayamaya lang ay wala sa sarili akong napatingin sa nakasarang pinto ng silid na kinaroroonan. No one's there. Walang kumakatok doon.
I sighed and tried to calm myself down. "Ano iyong pinakita mo sa akin kanina, Cordelia? Iyong mga narinig ko?" mahinang tanong ko sa sarili at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. "Panaginip... Isang panaginip lang ba talaga iyon?" I curiously asked myself and look at the closed door again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top