Chapter 6: Visitor
Wala akong maintindihan sa kung ano itong tinatanong sa amin ni Carolina ngayon. Nanatili ang matamang titig nito sa amin at noong bumaling ito kay Dylan, wala sa sariling napatingin na rin ako sa lalaki.
"Alam n'yong wala akong maalala. Kaya naman... kung ano man ang rason kung bakit kasama ako sa imbitasyong iyan ay wala akong alam," sambit ko habang nakatingin kay Dylan. Hindi kumibo si Dylan sa kinatatayuan niya at noong mamataan kong humugot ito ng isang malalim na hininga at bumaling sa akin, napaayos ako nang pagkakatayo.
"It was my idea to visit the Phoenix's headquarters," anito at binalingan si Carolina. "Hindi na ako nagpaalam sa'yo noon dahil alam ko namang walang magiging problema sa pagbisita namin sa headquarters."
"Walang magiging problema?" mariing tanong ni Carolina kay Dylan. "Kaarawan ng Grand Master ng Phoenix ang dadaluhan ninyong dalawa, Dylan!" anito at marahas na napabuntonghininga. Umiling ito at mabilis na tinalikuran kami. Bumalik ito sa puwesto niya kanina at marahas na naupo sa upuan nito. "Hindi kayo tutungo sa headquarters."
Kunot-noo kong tinignan si Carolina. Ramdam ko ang galit nito ngunit hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit tutol ito sa pagpunta namin sa sinasabi nilang headquarters. "Hindi naman kami magtatagal sa lugar na iyon, Carolina." Napabaling naman akong muli kay Dylan noong magsalita ito. "Ito rin naman ang nais ni Cordelia. Sumang-ayon ito noon sa akin. Hindi mo ito maaaring pagbawalan kung nais nitong umalis muna sa lugar na ito."
"Dylan!" pagalit na tawag ni Carolina sa lalaki. Bahagya naman akong napapitlag dahil sa pagkagulat. "Alam mo kung sino ang maaaring dumalo sa pagtitipon na iyan."
"I know, Carolina. Ngunit hindi namin pinili ang araw na ito."
Napailing muli si Carolina. "It's still a no. Hindi kayo dadalo sa pagtitipong ito."
"Ano ba kasing mayroon sa pagtitipon na iyan?" Wala sa sariling tanong ko na siyang ikinatigil ng dalawa. Napakunot ang noo ko at tahimik na hinintay ang magiging sagot nila sa naging tanong ko. Ngunit lumipas ang ilang segundo, walang nagsalita sa dalawa. Palihim akong napangiwi at umayos na lamang nang pagkakatayo sa kinatatayuan. "Kung hindi naman kami mapapahamak sa pagtitipong iyon, pupunta kami ni Dylan doon, Carolina," mahinahong saad ko na siyang ikinalaki ng mga mata ni Carolina. "At isa pa, mukhang marami naman ang dadalo sa okasyong iyan. Walang makakapansin sa presensiya namin sa headquarters na tinutukoy niyo," dagdag ko pa.
Marahas na umiling si Carolina sa akin at humugot ng isang malalim na hininga. Mataman niya akong tiningnan at umayos na lamang nang pagkakaupo. "Ikaw na ang nagsabi nito sa akin, Cordelia. Wala kang maalala. Hindi ba dapat ay mas makakabuting manatili ka na lamang sa lugar na ito hanggang sa bumalik ang mga nawalang memorya mo?" seryosong tanong niya na siyang nagpatigil sa akin.
Lalong napakunot ang noo ko sa narinig. Wait a minute. Don't tell me... she wants to cage me here? Na habang wala pa sa akin ang mga alaala ni Cordelia, mananatili ako sa mansyon niya at hindi aalis man lang dito? Ganoon ba iyon?
"Caro-"
"Ako pa rin ang masusunod sa lugar na ito, Dylan." Putol nito sa dapat na sasabihin ni Dylan. Biglang tumahimik ang lalaki at bahagyang yumukod sa harapan ni Carolina. Napa-arko na ang kilay ko sa nangyayari. "Hindi kayo aalis sa lugar na ito." She said without breaking an eye contact with me.
Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lamang ito sa nais niya. Fine. Whatever. Hindi ko na ipipilit pa ang bagay na ito. Paniguradong may ibang paraan pa para naman makalabas ako sa mansyong ito. She can't cage me here forever. Kailangan kong umalis at hanapin ang Tyrants. Kailangan ko sila para matunton ko naman si Scarlette na siyang tiyak kong magsasabi sa akin kung nasaan ang ama ko sa mundong ito.
Nakasimangot ako habang naglalakad pabalik sa silid ko. Tahimik namang nakasunod sa akin si Dylan at noong marinig ko ang pang-sampung buntonghininga nito, napairap na ako. Ilang hakbang na lamang ang layo ko sa pinto ng silid ni Cordelia at noong hindi na ako nakatiis pa, mabilis akong tumigil sa paglakakad at binalingan na ito.
Mukhang inaasahan ni Dylan ang pagbaling ko sa kanya. Hindi man lang ito nagulat sa biglaang pagtigil ko sa paglalakad at pagharap sa kanya. Bagkus ay agad na nagtama ang mga mata namin at seryosong kinatitigan ang isa't-isa.
Ilang segundo lang ang lumipas at ako na ang unang umiwas sa matamang titig nito sa akin. Napairap akong muli at wala sa sariling napasandal sa pader ng mahabang pasilyong kanina pa naming tinatahak. Mabilis kong pinagkrus ang dalawang braso sa harapan at binalingan muli si Dylan. "Ano ang ikinagagalit ni Carolina sa imbitasyong natanggap natin?" seryosong tanong ko sa lalaki.
I don't get it. Hindi ko makita ang dahilan kung bakit ayaw niya kaming paalisin dito. It's a birthday party, right? Anong masama sa pagdalo sa isang selebrasyong kagaya no'n?
Hindi agad sumagot si Dylan sa naging tanong ko sa kanya. Tahimik itong kumilos at kagaya nang ginawa ko, sumandal na rin ito sa pader. "Kahit na sabihin ko pa sa'yo ang dahilan, wala na rin naman magbabago. At isa pa, wala ka ngang maalala, hindi ba?" tanong niya na siyang ikinairap kong muli. I know. Wala akong alam tungkol kay Cordelia at sa mga taong nasa paligid nito. Kaya nga nagpapanggap akong may amnesia dito, e! Hindi na nila kailangang ulit-uliting sabihin iyon sa akin!
"Sabihin mo sa akin at baka may kung anong biglang pumasok dito," wika ko sabay turo sa may ulo ko. "Hindi n'yo dapat ilihim sa akin ang mga bagay na dapat ay alam ko. Mas lalong matatagalang bumalik ang mga alaala nawala sa akin kung ikukulong niyo ako sa isang espasyo kung saan kayo lamang ang kayang gumalaw at gumawa ng mga desisyon... at hindi ako," seryosong saad ko pa habang deretsong nakatingin sa harapan.
Mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagkilos ni Dylan sa puwesto nito. Nanatili naman ako sa kinatatayuan at noong naglakad na ito at tuluyang nakalapit sa akin, mabilis akong napatingin muli sa kanya.
"Kapakanan mo lamang ang iniisip ni Carolina," seryosong saad ni Dylan na siyang ikina-arko ng isang kilay ko. "I don't want to say this but... I think it's better for us not to attend that party. Nawalan na rin naman ako nang interes na dumalo sa pagtitipon na iyon."
Napairap muli ako. Damn. Nakaka-frustrate naman ang mga taong nasa paligid ni Cordelia! "Dahil wala akong maalala?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Huli na noong mapagtanto ko ang mga salitang binitawan ko. Namataan ko na lamang na bahagyang natigilan si Dylan sa naging tanong ko.
Mayamaya lang ay umiling ito at humugot ng isang malalim na hininga. "No, Lia. Walang kaso sa akin kung wala ka mang naaalala ngayon," mahinang sambit nito sa akin.
Ipinilig ko ang ulo pakanan at umayos na nang pagkakatayo. Hinarap ko ito at sinalubong ang matamang titig sa akin. "Then let's go. Pumunta tayo sa pagtitipon na iyon," hamon ko sa kanya.
Wala akong ideya sa pagtitipon na tinutukoy nila ngunit malakas ang kutob ko na kapag dumalo kami roon ni Dylan ay tiyak kong may malalaman ako tungkol kay Cordelia. They way Carolina reacted earlier, sigurado akong may matutuklasan akong ayaw nilang ipaalam kay Cordelia.
Come on. Hindi ako pinanganak kahapon lang. I've been dealing with different people every time na nasa The Great Ferrer Empire ako. My mother taught me well in this area. Kaya kong kumilatis ng isang tao. The way they speak, their body movements, and even their reactions, I can tell if there's something wrong. At mukhang magagamit ko iyon sa mundong ito. Kung nagawa nila iyon kay Cordelia noon, iyong ikulong sa mansyong ito, puwes, hindi nila magagawa iyon sa akin.
I need to stop being clueless here. Kailangan ko nang kumilos at simulan ang kung anong dapat kong gawin sa mundo ito.
Two days.
Two days from now, gaganapin na iyong pagtitipon sa Phoenix's headquarters. Wala akong ideya na sa makalawa na pala iyon! Kung hindi lang nabanggit sa akin ni Talise ang tungkol doon ay talagang wala akong ideya kung kailan iyong pagtitipong nais kong daluhan!
Inayos ko ang pagkakapusod ng mahabang buhok at matamang tiningnan ang target board sa unahan ko. Inihanda ko na ang pana at itinutok na ito sa target ko. Isang malalim na hininga ang ginawa ko ang no'ng bitawan ko na ang pana, mabilis itong bumulusog at dere-deretso tumama sa gitnang bahagi ng target board.
Napangisi ako at umayos na lamang nang pagkakatayo. "Wala nga akong kapangyarihan pero itong kakayahang mayroon ako sa paggamit ng kahit anong sandata, I doubt if someone can actually harm me. Hindi naman lampa itong si Cordelia kaya naman nakapagtataka kung bakit ito pinagbabawalan ni Carolina na lumabas sa lugar na ito." Napabuntonghininga na lamang ako at inalis ang pawis sa noo. Segundo lang din ang lumipas at natigilan ako sa kinatatayuan ko. Narinig kong pumalakpak ang magkapatid at mabilis na dinaluhan ako.
"Parang hindi ka naaksidente, Cordelia!" ani Hali at mabilis na hinawakan ang braso ko. Agad nitong pinulupot ang sariling braso at nakangiting humarap sa akin. "Your skills are still perfect! Kahit siguro wala kang maalala tungkol sa buong pagkatao mo ay kaya mo pa ring gumamit ng kahit anong sandata!"
"You think so?" tanong ko na siyang ikinatango naman nito sa akin. Binitawan nito ang braso ko at itinuro ang kapatid niya. "Itong si Talise, kahit na siguro magbabad sa training room, hindi nito magagawa ang kung anong kaya mong gawin!"
Napailing ako sa narinig at wala sa sariling napabaling kay Talise. Masama itong nakatingin sa kapatid niya at noong mapansin nitong nakatingin na pala ako sa kanya, mabilis itong umayos nang pagkakatayo at nagsimula na ring maglakad palapit sa puwesto ko.
Nasa hardin kami ngayon sa likod lang ng shelter mansion ni Carolina. Naumay na ako sa training room kaya naman ay mas minabuti kong dito na lamang mag-ensayo. Saktong napadaan naman ang magkapatid sa hardin na ito at mabilis na sinamahan ako sa training ko.
"Huwag mo nang bolahin iyang si Cordelia, Hali. Kahit anong gawin mo, hindi ka isasama niyan sa pagtitipon si Phoenix's headquarter. Hindi ka kasama sa pinadalhan ng imbistasyon," ani Talise na siyang ikinagulat ko naman. Napabaling naman ako kay Hali at namataan ko ang pagsimangot nito.
"Kahit kailan talaga, atribida ka!" anito at inirapan ang kapatid. Binalingan ako ni Hali at tipid na ngumiti. "Nakapagpaalam ka na ba ulit kay Carolina?" tanong niya sa akin na siyang ikinailing ko na lamang. "Hala! Sa makalawa na ang pagtitipon doon, Cordelia! Kung talagang nais mong dumalo roon, dapat mamayang madaling araw ay aalis ka na! Malayo ang pinaka-sentro ng Vallasea mula rito sa Atlantis. Sampung oras na biyahe iyon!"
"Ganoon kalayo?" kunot-noong tanong ko rito.
Tumango naman si Hali. "Kailangan mo ring mahabol ang barkong magdadala sa'yo roon, Cordelia. Tuwing ala sais ng umaga lang iyon umaalis at kinabukasan na rin ang balik nito dito sa Atlantis."
Napangiwi ako sa narinig. This is bad. Ni hindi ko pa nga nakakausap muli iyong si Dylan! Bago ko kausapin muli si Carolina, dapat ay makausap ko muna si Dylan. Kailangan ko ito para tuluyan na kaming payagan ni Carolina!
"Kailangan kong makausap muna si Dylan," wala sa sariling sambit ko na siyang ikinatigil naman ng dalawa. Napansin ko ang matamang titig ng magkapatid sa akin kaya naman ay hilaw akong natawa sa harapan nila. "Master Dylan," muling wika ko. Right! Master pala ng lahat ang lalaking iyon! "I need to talk to him."
"Nasa training room yata ito ngayon," imporma sa akin ni Hali na siyang ikinatango ko na lamang. Nagpasalamat ako sa dalawa at mabilis na iniligpit ang mga panang ginamit kanina. Noong matapos na ako sa ginagawa, nagpaalam na ako sa magkapatid.
Halos tumakbo na ako palabas sa hardin ng mansyon ni Carolina. Malalaki ang bawat hakbang ko at noong paliko na sana ako, mabilis akong natigilan sa paggalaw noong makaramdaman ako ng biglaang pagkahilo. Napaawang ang mga labi ko at mariing ipinikit ang mga mata. Mayamaya pa'y itinukod ko sa lupa ang hawak na pana at humugot ng isang malalim na hininga. Ipinilig ko ang ulo at marahang umiling.
What the hell?
Nasobrahan ba ako sa training kaya ganito na lamang ang nangyayari sa katawan ni Cordelia? Hindi naman ito nangyari noong mga nakaraang araw, ah!
Muli akong napailing at noong bahagyang nawala ang pagkahilo ko, umayos na ako nang pagkakatayo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at noong muli kong iminulat ang mga mata, agad akong napapitlag dahil sa gulat noong may nakita akong isang bulto ng tao 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. It was a man... and just looking curiously at me!
Kunot-noo ko itong pinagmasdan at noong mapagtantong hindi pamilyar ito sa akin, humigpit ang pagkakahawak ko sa mga panang dala. Medyo malayo na ako sa hardin kung saan naroon ang magkapatid. Kung may masamang gagawin ang taong ito sa akin, paniguradong hindi nila ako maririnig kung sumigaw man ako! Damn it!
Napalunok ako at hindi kumibo sa kinatatayuan ko. Mayamaya lang ay napansin kong kumilos na ang lalaking namataan. Nakatingin pa rin ito sa akin at noong hahakbang na sana itong muli, mabilis itong natigilan at bumaling sa likuran niya. Lalong napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Segundo lang din ang lumipas ay napansin ko si Dylan. Nasa likuran ito ng lalaki at seryosong nakatingin dito!
"Dylan." I heard the man mentioned his name. So, kilala nito ang lalaking ito?
"What the hell are you doing here?" mariing tanong ni Dylan at mabilis na binalingan ako. Ipinilig ko ang ulo pakanan at napairap na lamang noong mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin ang lalaki. Muling itinuon nito ang paningin sa lalaking nasa harapan niya.
"Just visiting," sagot ng lalaki at marahang tumawa. Mayamaya lang ay bumaling ito sa akin kaya naman ay napaayos ako nang pagkakatayo. "Hello, Cordelia," anito na siyang ikinatigil ko naman. Great! Mukhang kakilala rin ni Cordelia ang lalaking ito! "Kumusta ang pakiramdaman mo?" tanong pa nito sa akin habang nakangiti.
Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko at nanatili na lamang ang mga titig sa dalawang lalaki. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. I don't even know his name!
"She doesn't remember you," seryosong saad ni Dylan na siyang ikinawala nang ngiti ng lalaki. "Now tell me, ano ba talaga ang pakay mo sa lugar na ito, Tanner?" muling tanong ni Dylan na siyang ikinatigil kong muli.
Tanner?
Iyon ang pangalan ng lalaking ito?
Tanner... saan ko ba narinig ang pangalan ng lalaking ito?
Segundo lang din ang lumipas ay bigla kong nabitiwan ang mga hawak na pana. Napabaling muli sa akin ang dalawang lalaki at takang tiningnan ako.
"Tanner... you're one of the Phoenix Knights, right?" wala sa sariling tanong ko na siyang ikinangisi nito habang nakatingin pa rin sa akin.
"Mukhang hindi naman pala nawala lahat ng memorya mo, Cordelia."
"Answer me!" mariing wika ko at nagsimulang maglakad papalapit sa dalawa.
"Cordelia-"
"Isa ka sa Phoenix Knight... tama ako, hindi ba?"
"He is a Phoenix Knight." Si Dylan ang sumagot sa tanong ko. Umayos ito nang pagkakatayo at hinarap ako nang maayos. "What's the matter, Lia? May naaalala ka na ba?" maingat na tanong pa rin nito sa akin.
Umiling ako at seryosong tiningnan si Tanner. "I know that this is random but... I have a favor to ask," wika ko na siyang ikinakunot ng noo ni Tanner. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at umayos nang pagkakatayo bago magsalitang muli. "I'm sorry that I can't remember you but... I need you to help me."
"Anong maipaglilingkod ko sa'yo, Cordelia?" marahang tanong ni Tanner sa akin.
Kinagat ko muna ang pang-ibabang labi bago magsalitang muli. "Can you help me to meet the Tyrants?" tanong ko na siyang mabilis na ikinabaling ng dalawa sa isa't-isa. Mas naging seryoso ang dalawa at hindi nagsalita. Tahimik lang nila akong tiningnan at hindi kumibo sa kinatatayuan nila.
"Please. I need to meet them."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top