Chapter 5: Invitation
Pabagsak akong naupo sa sahig ng training room at inilapag ang espada hawak-hawak sa tabi ko.
Kusang umawang naman ang mga labi ko at pilit na hinahabol ang sarili paghinga.
"We're done for today," rinig kong sambit ni Dylan na siyang ikinabaling ko sa kanya. Mabilis akong napailing at pilit na itinayo ang sarili mula sa pagkakaupo. At dahil nga sa sobrang pagod, hindi ko nagawang tumayong muli at kusang bumagsak sa sahig ang katawan ko. Damn, I'm tired!
"Damn it!" mahinang bulalas ko at hinilot na rin ang paa ko. "Akala ko pa naman malakas ang katawan na ito," bulong ko pa habang iniinda ang sakit sa mga paa.
Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Dylan kaya naman ay napaangat ang tingin ko sa kanya. Namataan ko itong marahang naglalakad patungo sa kinauupuan ko. "Don't force yourself. Hayaan mong makapag-adjust ka ulit sa ganitong klaseng training, Lia."
Napangiwi na lamang ako at wala sa sariling napatango sa kanya. "Ito lang ba ang kaya kong gawin?" tanong ko naman na siyang ikinatigil ni Dylan sa kinatatayuan nito. "Noong sinabi mo sa akin magaling ako sa combat fighting at sa paghawak ng iba't-ibang klase ng espada, nagtiwala ako sa kakayahan ko. Kahit na wala ang mga memorya ko, still, I can freely move and let my body do the job. But hell! Unang atake mo pa lang kanina, halos mamatay na ako!"
Wala sa sarili akong napailing at humugot ng isang malalim na hininga. Nanatili naman ang titig sa akin ni Dylan at noong napansin kong kumunot ang noo nito, taka ko itong pinagmasdan.
"You attacked me aggressively earlier, Lia. Sinabayan ko lang ang mga atakeng ginawa mo," anito habang nakakunot pa rin ang noo nito.
What?
"I did... what?" wala sa sariling tanong ko habang itinuturo ang sarili. "That's impossible, Dylan. E, halos wala nga akong laban sa mga atake mo kanina."
"Ganoon ba ang tingin mo sa nangyari sa loob ng training room na ito?" tanong niya na siyang ikinatango ko naman.
Obviously, yes! Wala akong alam sa ganitong klaseng training. Noong nasa totoong mundo pa ako, ni hindi ako nag-abalang matuto ng kahit anong klaseng martial arts and self-defense training and course. I have my personal bodyguard kaya naman ay hindi na ako nag-abala pang matuto ng mga ganitong bagay. Hindi na rin naman kasi nasa panganib ang buhay ko noon, unlike kay mommy na minsan na kinuha ng mga kalaban sa negosyon ng pamilya namin. I was free from that drama pero dahil nag-iisang anak ako ni Rhianna Dione Ferrer, minabuti pa rin ni mommy na may nagbabantay sa akin. And that was ages ago! At iba rin itong sitwasyong mayroon ako ngayon!
"Nakalimutan mo na bang nasira mo ang isa sa espadang ginamit mo kanina?" tanong muli ni Dylan na siyang ikinatigil ko. Napakurap ako at wala sa sariling napatingin sa kabilang bahagi ng silid kung saan ko inilagay kanina ang unang espadang ginamit sa training na ito. "You broke it, Lia. You attacked aggressively and I just matched it," mariing turan pa nito. "Kaya ka napagod dahil halos ibuhos mo lahat ng lakas mo kanina sa bawat atakeng ginagawa mo."
Napaawang na lamang ang labi ko noong unti-unting rumerehistro sa isipan ko ang mga katawang binibitawan ngayon ni Dylan. He's right. Mukhang ganoon nga ang ginawa ko kanina. Masyado akong nag-focus sa bawat atake ko at nakalimutan na isang pagsasanay lamang ito!
"Nasabi ko na ito sa'yo noon at dahil wala ka ngang maalala, sasabihin ko itong muli sa'yo, Cordelia. Kapag nasa totoong laban ka na, kapag hindi ako ang kaharap mo at nasa panganib na ang buhay mo, you need to stay calm. In order for you to win, you need to clear your mind and strike when the right time come. Hindi iyong basta-basta ka na lang aatake. Dahil kung totoong nasa isang laban ka na, mauubos agad ang lakas mo. You need to think, stay calm and assess everything first before making an attack to your opponent. That's your strength as a warrior, Cordelia. Kahit na wala kang kapangyarihan katulad ng ibang naninirahan sa mundong ito, may kakayahan kang tanging ikaw lamang ang mayroon."
Hindi maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Dylan. They way he told me those words, alam kong kilalang-kilala nito si Cordelia.
He was teaching her to fight, right? Pero bakit iyon ang tinuturo niya? Hindi ba puwedeng turuan na lang itong si Cordelia na gumamit ng mahika? Mukhang mas mabilis pa iyon gawin kaysa naman sa klase nang training na mayroon sila.
Napanguso ako at wala sa sariling napatingin sa diary ni mommy. Maingat ko itong kinuha at binuksan ang pinaka-gitnang bahagi nito. Umayos ako nang pagkakaupo at muling binasa ang mga nakasulat sa pahina.
My mission was Scarlette from Oracle. She was Seer, a powerful one. She can see both past and the present. Noong una ay hindi ko maintindihan ang misyon ko sa Evraren o sa Oracle. May mga imaheng pinapakita sa akin si Scarlette. May mga imahe ring ayaw niyang makita o malaman ko man lang. She was different from Captain Mary. Why? Cause Captain Mary risked everything for Northend and Scarlette, she can't even make a decision for herself. Marami itong sekreto. Sekretong pilit kong inalam para lang matapos nang matiwasay ang pangalawang misyon ko sa mundong ito.
Natigilan ako sa pagbabasa.
Secrets.
Posible kayang may sekreto ring itong si Cordelia kaya no'ng kay Scarlette? Pero walang kapangyarihan itong si Cordelia. Unlike Scarlette, this woman is powerless. Walang-wala sa kung anong kayang gawin ni Scarlette bilang Seer ng Oracle.
Napanguso na lamang ako at napailing. Hinilot ko ang sintido at marahang isinara ang diary ni mommy. Humugot ako ng isang malalim na hininga at nahiga na sa kama.
My body is tried right now. Napagod ako dahil sa training at kung iisipin ko pa kung may tinatagong sekreto itong si Cordelia, baka hindi na ako makatulog at abutin na ako ng umaga kakaisip tungkol sa bagay na ito!
Napailing na lamang ako at mariing ipinikit ang mga mata.
I need to sleep. I need to freaking rest para naman bukas ay may lakas akong harapan ang susunod na mangyayari sa akin sa mundong ito!
"Where is she?"
"Your Highness, she's fine. Nagpapahinga lang po ito."
"Pero nawalan daw ito nang malay kanina! Ano bang nangyari at bakit naging ganoon ang kalagayan niya?"
"She was exhausted, Your Highness. Masyadong tutok ito sa training kaya naman ay napabayaan niya ang katawan niya. She'll be fine in no time. Sa ngayon ay hayaan na lang muna nating magpahinga si Cordelia."
"My poor baby."
"Let's go, My Queen. Bumalik na tayo sa Royal Capital."
Mabilis akong napamulat ng mga mata at agad na napaupo mula sa pagkakahiga. Marahang kong hinilot ang sintido at humugot ng isang malalim na hininga.
"A dream," mahinang turan ko at wala sa sariling napatingin sa may orasan ng silid. Magmamadaling-araw na. Ilang oras na lamang ay sisikat na ang araw. I sighed again. Mukhang napalalim ang tulog ko kaya naman ay hindi ko namalayan pa ang oras.
Maingat akong nahigang muli ang tumitig lamang sa kawalan. Mayamaya lang ay inilagay ko sa may dibdib ang isang kamay at pinakiramdaman ang pagtibok ng puso ko. "Nanaginip ako kanina... pero bakit hindi ko na matandaan iyon?" Ipinikit ko ang mga mata at pilit na inaalala ang panaginip ko kanina.
Mayamaya lang ay napangiwi ako at napabuntonghininga na lamang.
"Damn it! Hindi ko na matandaan kung ano ang panaginip na iyon! What the hell, Cordelia? May short-term memory ka ba?" Napailing na lamang ako at pinilit muling matulog. May ilang oras pa naman ako bago simulan ang panibagong araw ko sa mundo. Sleep now, Raina. Just freaking sleep and forget about that freaking dream!
Nagising akong muli dahil sa ilang mahihinang pagkatok sa pinto ng silid na kinaroroonan ko. Tamad kong iminulat ang mga mata at agad namang pumikit muli noong bigla akong nasilaw. Nanatili naman akong nakapikit ng ilang segundo at noong alam kong napag-adjust na ang mata ko, marahan akong nagmulat at naupo sa kama.
Tamad akong bumangon at nagsimula nang maglakad patungo sa may pinto. Walang ingay ko itong binuksan at noong makita ko kung sino ang kumakatok, matamang tiningnan ko lamang ito.
"Pinapatawag ka ni Carolina sa opisina niya, C-Cordelia," imporma nito sa akin at mabilis na tinalikuran ako. Umayos naman ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang babaeng mabilis na naglalakad palayo sa silid ko. Mayamaya lang ay nagkibit-balikat ako at muling pumasok sa silid ni Cordelia. Isinara ko na ang pinto at ginawa ang morning routine ko bilang si Cordelia.
Matapos kong ayusan ang sarili, tahimik akong lumabas sa silid ni Cordelia.
Magaan ang pakiramdam ko ngayon. Wala na rin ang sakit ng katawan na naramdaman ko kahapon noong matapos iyong training namin ni Dylan. Wala sa sarili kong ipinilig ang ulo pakanan at hinawakan ang kanang braso. "I'm pretty sure na masakit ang mga kalamnan ko bago ako nakatulog." Napanguso ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Mukhang sanay nga itong si Cordelia sa ganoong klaseng training. Mabilis na nawala ang sakit ng katawan niya sa isang gabing pahinga lang! That's nice! She can't use any magical power, but her body is freaking strong!"
Wala sa sarili akong napangiti at lumiko noong makakita ako ng pasilyo sa gawing kaliwa ko. Segundo lang ay mabilis akong natigilan sa paghakbang at kunot-noong napatingin sa daang tinatahak ngayon.
"Crap! Hindi ko pala naitanong kanina sa babae kung saang parte ng masyong ito ang opisina ni Carolina!" Napangiwi ako at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Mukhang matatagalan ako bago makarating sa opisina ni Carolina. I sighed again and decided to move my feet again. Akmang hahakbang na sana muli ako noong makaramdaman ako ng presensiya sa likuran ko. Agad naman akong napabaling dito at natigilan na lamang noong makitang si Dylan ito. Mabilis akong napaayos nang pagkakatayo at tipid na nginitian ito. "Uhm... kanina ka pa riyan?" I asked him.
Umiling naman si Dylan sa akin at nagsimula nang ihakbang ang mga paa niya. Tahimik ko itong pinagmasdan at noong nilagpasan niya ako, napakunot bigla ang noo ko.
"Tama ang daang tinatahak mo, Lia," anito at nagpatuloy sa paglalakad. Napaawang naman ang mga labi ko sa narinig at wala sa sariling napakagat ng pang-ibabang labi. So, kahit na hindi ko na itanong sa mga taong nasa paligid ko ang tamang direksiyon kung saan ang silid ni Carolina ay alam at tanda naman pala ng katawan ni Cordelia ito! Confirmed! Malakas nga ang katawan niya! It's not an ordinary body! Hindi man ito makapangyarihan kagaya no'ng katawan ni Captain Mary, still, if this body can remember everything around it, may posibilidad na hindi lang isang ordinaryong tao itong si Cordelia. She's not just a powerless woman living in this shelter mansion!
Tahimik ko lang na sinundan si Dylan hanggang sa tumigil ito sa isang nakasarang pinto. Kumatok muna ito at noong binuksan na niya ang pinto ng silid, binalingan niya ako sa puwesto ko. Marahan itong tumango sa akin at mas nilakihan ang awang ng pinto. Napalunok muna ako bago kumilos muli. Inihakbang ko na ang mga paa at nauna nang pumasok sa opisina ni Carolina.
May kung anong binabasa si Carolina noong mamataan ko ito sa loob ng opisina niya. Mabilis namang dumapo ang paningin ko sa tambak na mga papel sa ibabaw ng mesa niya. What the hell is this? Ba't ang daming tambak sa mesa ng babaeng ito? Dinaig pa niya ang kalat at tambak sa mesa sa opisina ni mommy!
Wala sa sariling napakunot ang noo ko at napatingin muli kay Carolina. Agad naman akong napaayos nang pagkakatayo noong magtagpo ang paningin naming dalawa. "Kumusta ang pakiramdam mo, Cordelia?" tanong nito sa akin at binitawan ang hawak na papel. Umayos ito nang pagkakaupo sa puwesto niya at matamang tiningnan ako. "How's your body? Hindi ba ito nanibago sa naging training mo?"
"I think I'm good," simpleng wika ko at humugot ng isang malalim na hininga. "I... think my body still remember how to fight. Hindi ako nahirapan sa training namin ni Dylan." Mabilis naman akong napangiwi noong makita ang seryosong ekspresiyon sa mukha ni Carolina. What? Hindi ba nito nagustuhan ang naging sagot ko?
"The main reason why you're still training with Dylan is to let you protect yourself, Cordelia, and not to fight," anito na siyang ikinakunot ng noo ko. What? Hindi ba magkapareho lang naman iyon? To fight and protect. That's the same thing for me.
Wala sa sarili naman akong napatango at hindi na lamang nagsalita. Mukhang wala sa mood itong si Carolina kaya naman ay mas makakabuti sa akin ang hindi na sumagot o magsalita rito. Umayos na lamang ako nang pagkakatayo at noong magsalita si Dylan sa tabi ko, napakurap na lamang ako.
Right! Kasama ako pala ang lalaking ito! I totally forgot about him! Kung hindi pa ito magsasalita ay hindi ko talaga mararamdaman ang presensiya ng lalaking ito! What the hell? Paano niya nagagawa iyon? Paano niya naitatago nang ganoon ng presensiya niya?
Napailing na lamang ako at nanahimik sa kinatatayuan ko.
"Pinatawag mo raw kami, Carolina." Dylan calmly said to her. Napatitig naman ako kay Carolina at hindi inalis ang paningin sa kanya.
Humugot muna si Carolina ng isang malalim na hininga at tumayo na mula sa kinatatayuan nito. Mayamaya lang ay may kinuha itong isang envelope sa ibabaw ng mesa niya at inabot ito kay Dylan. "Here. Tingnan mo ito at sabihin mo sa akin ang sa tingin mo'y tama nating gawin," matamang sambit ni Carolina at binalingan ako.
Takang tiningnan ko naman silang dalawa at napatingin na rin sa envelope na inabot nito kay Dylan. Segundo lang ay may napansin akong kakaibang marka sa ibabaw ng envelope. Ipinilig ko ang ulo at takang nakatingin lang dito. Tahimik namang kinuha ni Dylan ang envelope mula kay Carolina at noong binuksan at kinuha na ang laman nito, namataan ko ang pagkunot ng noo ni Dylan.
"It's from the Phoenix Knights," matamang sambit ni Dylan na siyang ikinatigil kong muli sa puwesto ko.
Phoenix Knights? Wait... ba't parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyan. Phoenix... Knights. Saan ko ba narinig ang mga iyan?
"Para saan ang imbitasyong ito, Carolina?" Dylang asked her. Ibinalik na nito sa loob ng envelope ang binasa kanina at seryosong tiningnan muli si Carolina.
"Nabasa mo naman ang laman ng envelope na iyan, Dylan. Don't asked me. Ikaw ang mas nakakaalam sa ganitong bagay. Lalo na't galing iyan mismo sa Phoenix," kalmadong sambit ni Carolina at muling tiningnan ako. "Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pati si Cordelia ay kailangan para sa pagtitipon na iyan. This is the first time they asked her presence for that event. May hindi ba ako nalalaman dito, huh, Dylan? Cordelia?" seryosong tanong niya na siyang ikinakurap ako.
Wait... bakit pati ako tinatanong ng babaeng ito? Ni hindi ko nga alam kung anong mayroon diyan sa Phoenix Knights na sinasabi niya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top