Chapter 49: Peace

A/N:

This is the last chapter. After this, "EPILOGUE" and a teaser for #REALM4 will be posted!

Thank you so much for joining Raina and Cordelia's adventure! See you sa Helienne, LOVIES!!!

---

Tulala lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa maramdaman ko ang presensiya ni Naida at ng ilang Knight ng Vallasea. Tahimik akong nakatingin sa kawalan habang unti-unting umiingay ang paligid ko.

"Where's Cordelia?" rinig kong tanong ni Naida sa tabi ko. Hindi ko ito kinibo kaya naman ay si Alessia na ang sumagot sa prinsesa.

"Kasama nito ngayon si Captain Mary. Don't worry about her. She's safe," sagot ni Alessia.

Hindi na muling nagtanong pa si Naida. Mayamaya lang ay narinig kong kinausap nito ang iilang Vallasea Knights na kasama at may kung anong utos na ipinagawa sa kanila.

I wanted to move... to talk, but I can't! Wala akong sapat na lakas upang gumawa ng kahit ano ngayon!

I'm a competitive person. Nasa dugo ko na iyon lalo na't sa mga Ferrer ako lumaki at nagkaisip. I need to excel in everything and achieving something big excites the hell out of me! But... my situation right now is different! Hindi ako kontento sa kung anong nagawa ko ngayon dito sa Vallasea!

Yes, Hydra is gone. I absorbed all her dark soul at natitiyak kong hindi na ito muling makakabalik sa mundong ito. Hindi na niya magagawa pang guluhin muli ang Vallasea, ang Azinbar! Ngunit... Iyon na ba talaga ang katapusan ng lahat nang ginawa nito? Ginulo niya ang tahamik na realm na ito, binuo ang Phantom at naghasik ng kasamaan sa buong Vallasea. Tapos... iyon na iyon? Tapos na ang lahat para sa kanya?

Am I cruel to say that death is not enough to pay all her evil deeds and crimes?

And Athena... She left this world and gave me all her magic power! Hindi niya ba narinig ang sinabi ko sa kanya? Babalik ako sa mundo ko kapag tapos na ako sa misyong ito! Bakit niya naman iniwan sa akin ang kapangyarihang ito? Ano ang gagawin ko rito? Hindi ko naman ito magagamit kapag bumalik na ako sa totoong mundo ko! Damn it!

"Raina." Napakurap ako noong marinig ang tinig ni Alessia sa tabi. Walang imik akong bumaling sa kanya at tiningnan ang mapanuring titig nito. "Anong ibig mong sabihin kanina? You told me that your mission is not done yet. What do you mean by that? May mangyayari pa bang hindi maganda sa realm na ito?" sunod-sunod na tanong ni Alessia sa akin.

I sighed and shook my head. "Hindi sa realm na ito, Alessia," matamang saad ko.

Bahagyang natigilan si Alessia sa sinambit ko. Mayamaya lang ay humakbang ito ng isang beses at mas lumapit sa akin. "Is it about Helienne?" She carefully asked me. Napalunok ako at marahang tumango sa kanya. Alessia sighed and looked around us. Ganoon din ang ginawa ko at muling tiningnan ito. "Let's not talk about it here. Hintayin nating makabalik si Captain Mary. For now, ease your mind. Tapos na ang gulo sa realm na ito. Ligtas na ang Vallasea at ligtas na rin si Cordelia."

Napatango akong muli kay Alessia at palihim na tumingin muli sa paligid.

Segundo lang din ang lumipas noong mamataan ko ang iilang pamilyar na mga Knight. I saw Jaycee, Dylan, Tanner and Atlas. Sa likod naman nila ay si Scarlette at isa pang babaeng Seer. Tahimik ko silang pinagmasdan hanggang sa tuluyan na silang makalapit sa kinatatayuan namin ni Alessia.

"I can't feel Cordelia's magic. Where is she? Anong nangyari sa kanya?" mabilis na tanong ni Dylan sa akin. Napabaling ako kay Alessia at namataan ko ang pagtango nito. Hindi na ako nag-abala pang sagutin ang mga katanungan ng mga bagong dating at si Alessia na ang sumagot nito para sa akin.

Mukhang naramdaman ni Alessia kanina ang pagkabalisa ko sa mga nangyari. Ang pagtatapos nang gulong ito sa Vallasea ay hindi iyong pagtatapos na siyang inaasahan ko! Sa lakas ni Hydra, I expected the worst aftermath of this war! Damn it! Ano ba itong pinag-iisip ko ngayon?

Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at napatakip na lamang ang isang kamay sa may bibig. Agad akong lumayo kay Alessia at sa mga bagong dating at hindi na nag-aksaya pa ng oras at nagsimulang sumuka! Crap! Pakiramdam ko'y babaliktad na ang sikmura ko!

"Raina!" rinig kong tawag sa akin ni Alessia at Jaycee. Hindi ko sila binigyan pansin at nagpatuloy lang sa pagsuka sa tabi.

Mayamaya lang ay napaayos ako nang pagkakatayo at natigil na sa ginagawang pagsuka. Pinunasan ko ang labi at humugot ng isang malalim na hininga. "Are you okay?" Jaycee asked. Agad naman nitong hinawakan ang palapulsuan ko kaya naman ay napabaling ako sa kanya. "You're cold as ice, Raina. Ayos ka lang ba?" tanong niya muli sa akin at may kung anong mahikang ginamit na siyang pansamantalang nagpawala ng kakaibang nararamdaman ko ngayon sa katawan. Right! Jaycee is a healer! He uses healing magic at malaki ang naging tulong nito sa naging misyon ni mommy noon sa Northend!

"What's wrong with her?" Napabaling ako sa likuran ni Jaycee noong marinig ang tinig ni Scarlette. Umayos ako nang pagkakatayo at binitawan na ni Jaycee ang palapulsuan ko. Tahimik namang nakamasid lang sa akin si Alessia. "Is she okay?" pahabol na tanong pa ni Scarlette.

Bumaling saglit sa akin si Jaycee at tipid na tinanguhan ako. Hinarap nitong muli si Scarlette at sinagot ang katanungan ng Seer mula sa Evraren. "She'll be fine. Mukhang napagod lang ito sa pakikipaglaban kanina. Her body is still adjusting with her new acquired magic. She needs time to finally adjust and use her magic freely."

"Hindi ba isa siyang dimension traveler?" It was Atlas. Napatingin ako sa gawi niya at sinalubong ang takang titig nito sa akin. "Paanong nagkaroon ng mahika ang kagaya niya?"

"Atlas," matamang saad ni Scarlette at binalingan ang Phoenix Knight. The way she mentioned his name was like she was giving him a warning. Mabilis namang natigilan ang lalaki at umayos nang pagkakatayo. "We don't need to know about that."

"But Scarlette-"

"Raina Louise is our Captain's guest. No need to interrogate and asked question about her, Phoenix Knight," malamig na saad naman ni Alessia na siyang ikinangiwi ko. "Kung ipagpapatuloy mo ang pagtatanong, ako na mismo ang susunod na pipigil at magpapatahimik sa'yo."

Napakamot na lamang ako sa batok ko. Now that the war is over, the silent war between Northend's Tyrants and the Phoenix Knights continues! Mukhang mahaba-habang malalamig na pakikitungo na naman sa isa't-isa ang mangyayari sa kanila simula ngayon! Damn it! I need them to stop acting like that or else, masusuka na naman ako!

"Everyone... Please, stop-" Hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin noong maramdaman ko ang pamilyar na presensiya ni Captain Mary at Cordelia. Agad akong umayos nang pagkakatayo at nagpaling-linga sa paligid. Mukhang napansin iyon ng mga kasama ko kaya naman ay taka silang bumaling rin sa paligid.

"What's wrong?" I heard Alessia asked me. Hindi ko ito sinagot at segundo lang din ang lumipas, mabilis na lumabas mula sa kung saang dimensiyon si Captain Mary, kasama ang gising at nagkamalay na na si Cordelia! Sa tabi naman nito ay naroon si Meredith! Finally, she showed up!

"Captain!" sabay na bati ni Alessia at Jaycee kaya naman ay halos lahat ng taong kasama namin ngayon ay napabaling sa gawi nila. Tahimik na tumango naman si Captain Mary at bumaling sa katabi nito, si Cordelia. May kung anong sinabi ito kay Cordelia na siyang ikinatango na lang din ng kaibigan ko.

I stay still and just looked at them.

Cordelia... she's fine now. Wala na rin ang bakas ng kahit anong dark energy sa katawan niya. Ang tanging nararamdaman ko lamang mula sa kanya ay kapayapaan. Peace inside her heart... Peace that she never experienced before.

"Cordelia!" Malakas na sigaw ni Naida sa pangalan ng kapatid at mabilis na tumakbo papalapit dito. Hindi ko inalis ang paningin sa gawi nila at noong niyakap ni Naida ang nakatatandang kapatid, napangiti na lamang ako. "You're alive... You're safe and alive!" ani Naida at humiwalay sa pagkakayakap sa kapatid. Bumaling siya kay Captain Mary at mabilis na yumukod sa harapan nito. "Thank you, Captain Mary! Thank you for saving my sister!" She said then hugged her. Bahagya pang nagulat si Captain Mary sa ginawa ng prinsesa ngunit segundo lang din ang lumipas ay namataan ko ang mahinang pagtawa nito at marahang tinapik ang likod ng prinsesa ng Vallasea.

"No need to thank me, Your Highness," anito at bumaling sa puwesto ko. She smiled at me and nodded her head a little. Tumango na lang din ako sa kanya at tahimik na pinagmasdan si Cordelia.

I'm happy for you, Cordelia.

Now that you're back, sa tingin ko'y hindi mo na kailangan pang bumalik sa shelter mansion ni Carolina. Now that you're back... your title as a Princess of Vallasea and all the things that you deserve will be finally yours again! Hindi mo na kailangan pang umalis sa realm na ito. Hindi mo na kailangan pang magtungo sa ibang mundo at doon mamuhay ng walang panghuhusgas mula sa mga taong nakapalibot sa'yo. Hindi mo na kailangang mag-isa pa at sarilinin ang lahat ng problemang mayroon ka.

You have a family now, Cordelia. Your own family. Hindi ka na muling mag-iisa pa.

I smiled again and silently watch Cordelia wiping her tears while looking at her sister.

Maingay at nagsasaya ang lahat sa malaking hardin sa palasyo ng Vallasea. Tahimik akong naupo at pinagmasdan ang kasiyahan sa ibaba.

Pagkatapos nang naganap na laban sa pagitan namin at ni Hydra, mabilis na pinatawag kami ng hari ng realm na ito. At gamit ang kakaibang kapangyarihan ni Naida, nakarating kami agad sa palasyo at agad na hinarap ang mga magulang nila ni Cordelia. Namataan ko rin ang hari ng Northend, pati na rin ang Grandmaster ng Phoenix, sa tabi ng kasalukuyang hari at reyna ng Vallasea.

They asked us a few questions about the battle at si Captain Mary na ang sumagot sa lahat ng naging katanungan nila. At pagkatapos nang pag-uusap na iyon, the king told us to stay with them in their palace and invited us for a banquet. Maging ang mga Knight at iilang taga-Vallasea na tumulong at nagpamalas nang katapangan sa katatapos lang na gulo sa buong realm ay pinatuloy ng hari at reyna sa kanilang palasyo.

"Hey." Napabaling ako sa gawing kanan noong marinig ang tinig nito. Umayos ako nang pagkakaupo at hindi kumibo sa puwesto ko. "Nandito ka lang pala. I've been looking for you." She smiled and sat beside me. Hindi ako nagsalita at muling itinuon ang paningin sa kasiyahang nagaganap ngayon sa hardin ng palasyo. Seconds later, I heard her sighed. "Feels like a dream."

Napatango ako sa kanya. Alam ko kung ano ang nararamdaman nito ngayon.

After years of being away from her family, now that she reclaimed her royal title and was announced as one of the royal siblings, tila isang panaginip ang lahat ng ito sa kagaya niyang buong buhay ay inakalang wala siyang lugar sa mundong ito. She was an outcast. She was different. In a world where magic is everything, she became powerless. Kaya nga ginusto niyang umalis dito sa Vallasea, dito sa Azinbar, dahil akala nito'y wala siyang puwang sa mundong kinagisnan niya.

"Thank you, Raina," mahinang saad ni Cordelia sa tabi ko. I stay still and didn't bother to say a word. Hinayaan ko lang itong magsalita. "Thank you for staying and thank you helping me," dagdag pa niya at binalingan ako. Kahit hindi ako tumingin sa kanya, alam kong nakatuon na sa akin ang paningin nito. "Sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano kita pasasalamatan. Hindi ako naging mabuti sa'yo. I trapped and used you. Napunta ka sa mundong ito dahil sa akin. At sa kabila ng lahat nang ginawa ko, nanatili ka pa rin dito sa Vallasea, tinulungan ang mga kapatid ko, at iniligtas mo pa ako."

Sa pagkakataong ito, napabaling na ako kay Cordelia. Bahagya pa akong natigilan noong makita umiiyak na pala ito! "Sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, nagawa mo pa rin akong ituring bilang isang kaibigan. Na kahit alam mong lunod na ako sa itim na kapangyarihang ako mimso ang may gawa, you stayed and saved me from drowning. Kaya naman kahit ang buhay na mayroon ako ngayon ay hindi sapat bilang kapalit sa lahat nang kabutihan at tulong na ibinigay mo sa akin." She cried and her body started to shake because of crying. Napayuko na rin ito at mayamaya'y napasinghot na!

Napangiti ako. Slowly, I reached her hand. Mabilis namang nag-angat nang tingin sa akin si Cordelia at muling suminghot. Napailing ako at napangisi habang nakatingin sa itsura niya. "You're a mess, Cordelia," puna ko at ibinigay sa kanya ang panyong nasa bulsa. It was Captain Mary's handkerchief. Hindi naman siguro ito magagalit kung malaman niyang pinagamit ko ito kay Cordelia. "You... being alive is enough for me, Cordelia. Hindi mo na kailangang pasalamatan ako ng ilang beses."

"Ngunit-"

"We're friends, remember?" Natigilan ito sa naging tanong ko, Mayamaya lang ay marahan itong tumango at inalis ang mga luha sa mukha gamit ang panyo ni Captain Mary. "Friends don't abandon each other. Sa kahit anong sitwasyon pa iyon, even if it's a happy moment or a dangerous one, we always stick together and support each other."

"Even if I did something bad?" tila batang tanong nito sa akin.

Napatango naman ako sa kanya. "Even if you did something bad that will ruin the whole Vallasea, I will remain and will always be your friend, Cordelia. Sa kahit saang mundo o dimensiyon pa man, kaibigan mo pa rin ako."

Mabilis na ngumiti sa akin si Cordelia at niyakap ako. Bahagya pa akong nagulat sa ginawa niya at marahang natawa na lamang noong umiyak na naman ito. Napailing muli ako at marahang inalo ito.  "I didn't know that you're a crybaby, Cordelia." I teased her. Mabilis naman itong humiwalay sa akin at inalis ang mga luha sa mukha. I smiled while looking at her.

"It's okay to cry, Cordelia," matamang saad ko na siyang nagpatigil sa kaibigan. "It's okay to show weakness and cry about it. It's okay, Cordelia, and you don't have to be afraid about it anymore. Hindi mo dapat limitahan ang emosyon mo. Show it to us, to your family... to your friends. Hindi ka na nag-iisa ngayon. May mga taong handang damayan at samahan ka. Just show it to them and let them help you to overcome it. Gawin mo ang kung anong ginawa mo sa akin. Hayaan mo silang tulungan ka."

"Raina... Bakit tila pakiramdam ko'y nagpapaalam ka na sa akin? Aalis ka na ba rito sa Vallasea? Lilisanin mo na ba ang Azinbar? Babalik ka na sa totoong mundo mo?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin na siyang ikinatawa ko. Mayamaya lang ay muling naging seryoso ako at sinalubong ang matamang titig nito sa akin,

"My mission here in Vallasea is done, Cordelia."

"So, aalis ka na nga? Kailan?" Napailing ako sa naging tanong niya. Namataan ko naman ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin. "What do you mean by that? Anong ibig sabihin nang pag-iling mo, Raina? Hindi ka aalis?" litong tanong niya sa akin.

"I'm not just a dimension traveler now, Cordelia." I sighed. "Alam mo naman ang tungkol kay Athena, 'di ba? Iyon sinabi ni Captain Mary kanina sa hari at reyna." Hindi sumagot si Cordelia at tahimik na tumango lang sa akin. "Ang kapangyarihan nito ang dahilan upang tuluyang matalo si Hydra. It was Athena's power that defeated Hydra's black magic and absorbed her dark soul. Ngunit hindi nito sinabi kanina kung saan nanggaling ang kapangyarihan ni Athena. She died a long time ago."

"So, may hindi ipinaalam si Captain Mary sa lahat kanina," halos walang tinig na saad ni Cordelia.

I sighed again. "The truth is, I was the one who used Athena's power." I said to her and her facial expression suddenly changed. Mula sa pagkalito, gulat na napatitig sa akin si Cordelia. "Kung sa katawan mo napunta ang dark soul ni Hydra, sa akin naman napunta ang lahat nang iniwang kapangyarihan ni Athena bago ito mamatay. Captain Mary gave me an ancient weapon during the battle against Hydra, and because Athena claimed that I was her descendant, she entrusted all her magical powers to me."

"You are Athena's descendant? Paanong nangyari iyon? Hindi ka nagmula sa mundong ito!" bulalas ni Cordelia sa harapan ko.

Nagkibit-balikat ako sa kanya at mabilis na nag-iwas nang tingin. Muling dumako ang mga mata ko sa kasiyahan sa hardin ng palasyo. Mula rito sa bubong ng isa sa mga gusali ng palasyo, bubong kung saan ako natagpuan ni Cordelia, ramdam ko ang kasiyahan ng bawat taong imbitado sa pagtitipong ito. And it warms my heart. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan at kapayapaan sa bawat taong nasa ibaba.

Ngunit... mabilis na napapalitan ang kasiyahan iyon tuwing naaalala ko ang mga imaheng huling ipinakita sa akin ni Athena. It was a horrible scene that will surely haunt me forever! At hindi ko magagawang umalis na lamang sa mundong ito nang hindi ko nalalaman ang tungkol sa mga imaheng iyon!

Peace... Oo nga't payapa na ngayon ang buong Vallasea. Payapa na... ngunit paano naman ako? Hindi magiging payapa ang buhay ko lalo na't tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, iyong nakakakilabot na titig mula sa isang hindi ko matukoy na nilalang ang tanging nakikita ko sa isipan!

"I'm going to Helienne, Cordelia." I carefully said to her and firmly closed my fists. "It was Athena's realm at nakakasiguro ako na nasa realm na iyon ang kasagutan sa lahat nang katanungang mayroon ako ngayon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top