Chapter 47: Link
"Let's stop fooling around and just finish this fight, Hydra." Napatitig ako sa likuran ni Captain Mary. At kagaya nga ng hula ko kanina, siya nga iyong gumamit ng gravity magic upang maibalik kaming lahat sa ibaba! "The sea monsters will soon stop from attacking the realm. Alam kong nararamdaman mong unti-unting humihina na ang mga ito. Grandmaster Walter already casted his magic. Hindi magtatagal ay mawawala na ang mga sea monster at wild Guardians na isinumon mo upang manggulo sa realm na ito."
"Damn you!" galit na sigaw ni Hydra kay Captain Mary. "Hindi ako papayag na matalo niyong muli! Hindi ako naghintay ng maraming taon upang matalo lamang ng mga taong nagtraydor sa akin noon!"
"No one betrayed you, Hydra," malamig na turan ni Captain Mary. "Ikaw ang gumawa ng mga bagay na ikinasira mo noon. Ikaw ang trumaydor sa kapwa mo Guardians. Ikaw ang dahilan kung bakit nagawa ni Athena na isakripisyo ang kaisa-isang pamilya niya. It was your choice to be evil and fight against those who lived for peace and harmony. It was you who made your own grave. It was you and not those people who once believed in you. Kaya naman huwag mong sabihing trinaydor ka nila. Dahil simula pa lamang, binalaan ka na ng mga taong malapit sa'yo, lalo na si Athena."
"No," mariing wika ni Hydra at sabay na inangat ang magkabilang kamay. Muli itong nagpalabas ng malakas na itim na enerhiya na siyang ikinanginig muli ng kanang kamay ko. The sword is reacting again! "Athena was just pathetic and jealous!" galit na sambit nito at binalingan ako. Mabilis naman akong naging alerto sa maaaring gawin nito. Maging si Alessia ay naramdaman kong kumilos sa likuran ko! "Hindi matanggap ni Athena na mas magaling ako sa kanya! Mas matalino at mas angat sa lahat ng aspeto!"
Mariin kong ikinuyom ang kamao at humigpit pa lalo ang pagkakahawak sa handle ng espada noong may mga panibagong memorya akong nakita sa isipan. It was the last good memory of their past. The last good memory of Athena and Hydra! "She was not jealous of anything. Lalo na sa kung anong mayroon ang kapatid niya," mahinang saad ko na siyang lalong ikinagalit ni Hydra. Mas dumilim ang ekspresyon nito habang nakatingin sa akin. "In fact, she was always proud and supportive of you. Pero biglang nagbago ka. All the achievements, the praises from the people of Azinbar, you changed and became obsessed with everything. At hindi iyon ikinagalak ng kapatid mo at ng ibang taong nakapaligid sa'yo."
Pagkasabi ko noon ay mas lumakas ang itim na enerhiyang pinakawalan ni Hydra. She's losing it! Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ito. "Athena thought that it was her fault. Hinayaan ka niyang maging ganoon. Na napabayaan ka niya at bilang kapatid, responsibilidad niyang pigilan ka at ibalik sa dating ikaw, sa dating Hydra."
"Shut up!" malakas sigaw ni Hydra at mabilis na kumilos sa kinatatayuan niya. Agad namang nagsikilos ang dalawang kasama ko at mabilis na isinangga ang galit at malakas na atake ni Hydra. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko at hindi man lang nagpatinag sa lakas ng impact sa ginawang pag-atake nito sa amin.
"Athena and the rest of the Guardians did not betray you, Hydra. It was you. You were the one who betrayed them." Humigpit ang pagkakahawak ko sa sandata ko noong makita ang mga imahe kung saan nagdadalawang-isip si Athena na tapusin ang buhay ng kapatid niya.
She was suffering... both of them were suffering! Ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat paghinga ni Athena habang pinagmamasdan ang halos walang buhay na kapatid. At noong inilapat nito sa dibdib ng kapatid ang dulo ng espada niya, unti-unting hinigop nito ang itim na kapangyarihang taglay ni Hydra. At pagkalipas ng lang segundo, may kung anong napansin ako. It was so damn fast at mukhang walang ibang nakapansin sa kung anong tunay na nangyari noong araw kung saan tinapos ni Athena ang buhay ni Hydra! Sobrang bilis nito ngunit hindi iyon nakaligtas sa paningin ko!
No... She didn't kill her sister!
Athena didn't kill Hydra that day! Hindi niya inubos ang itim na kapangyarihan ng kapatid noong araw na inakala ng lahat na tinapos na niya ang buhay ni Hydra! Oh my God! What have you done, Athena?
"I will kill you!" sigaw ni Hydra at mabilis na lumayo kay Captain Mary. Sabay na ikinumpas nito ang magkabilang kamay at nagpakawala ng sunod-sunod na dark blades!
Kumilos na rin ako sa kinatatayuan ko. Mabilis kong itinaas ang kamay na may hawak na espada at hinampas ang mga dark blade na papalapit sa pwesto ko. Walang kahirap-hirap namang kumilos si Captain Mary at iniwasan lang ang mga atake ni Hydra, ganoon din ang ginawa ni Alessia.
Inihakbang ko na ang mga paa at nagsimulang maglakad papalapit sa galit na galit na si Hydra. Mukhang nakuha agad ni Captain Mary ang binabalak ko kaya naman ay mabilis niya akong pinigilan. Napabaling ako sa kanya at sinalubong ang takang titig nito sa akin. "Anong binabalak mo?" mahinang tanong niya habang sinasangga na rin gamit ang espada nito ang dark blades ni Hydra.
Inangat ko ang kanang kamay na may hawak na espada at mariing ipinirmi iyon. Mayamaya lang ay biglang tumigil sa paglipad ang mga dark blade ni Hydra at segundo lang din ang lumipas, mabilis na lumipad patungo sa gawi ko ang mga iyon. And when the dark blades touched the magic-dweller sword, slowly... the sword absorbs all the attacks that Hydra made!
"Athena didn't kill her. Alam mo po ba iyon?" mahinang tanong ko kay Captain Mary. Namataan kong natigilan ito kaya naman ay napatango na lamang ako. "Ipinakita rin ba sa'yo ni Captain Mary iyon, mom?" Umiling ang ina sa akin. "So... hindi nila alam ang ginawa ni Athena?" Napalunok ako at napabaling muli kay Hydra.
"May hinala si Captain Mary ngunit malaki ang tiwala niya sa mga Guardian ng Azinbar. I read her first journal. Nakasaad doon lahat ng maaaring mangyari kapag tama lahat nang hinala niya sa nangyari noong araw na natapos ang gulo sa realm na ito."
"Kaya mo ibinigay sa akin ang dagger kung saan nakalagay lahat ng mahikang taglay ni Athena?" I asked my mother again. Tumango muli ito sa akin. "But... why? Bakit ako? Bakit sa akin mo ibinigay ang sandatang ito?" tanong kong muli at ikinumpas ang hawak na espada noong muling umatake si Hydra sa amin. Napailing ako at mabilis na ikinumpas na rin ang kaliwang kamay. I just released a light magic, the opposite magic of Hydra's dark magic, and when she saw it, she immediately took a step back and tried to escape from it!
"I also read about the history of King Sulivan. Somehow, I managed to find the connection and decided to use the only weapon that can stop Hydra and her plans," wika ni mommy na siyang ikinatigil ko.
"King S-Sulivan?" Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay mommy. "Don't tell me-"
Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong muling nagpakawala ng isang malakas na enerhiya si Hydra. This time, hindi lang dark magic ang ginagamit nito! Napaayos ako nang pagkakatayo at hindi inaalis ang paningin sa puwesto nito.
"Water magic," mahinang saad ko. "It's Cordelia's magic."
"We need to finish the battle now, Raina. Kapag tuluyang makontrol ni Hydra ang kapangyarihan ng kaibigan mo, natitiyak kong mahihirap na tayong iligtas ito!" mariing saad ni mommy at mabilis na kumilos sa kinatatayuan niya. Bigla itong nawala sa tabi ko at noong bumaling muli ako sa puwesto ni Hydra, nasa tabi na niya si Captain Mary!
"Go and finish her now, Raina! I'll create a barrier that will trap you, Captain Mary, and Hydra! Hindi ko hahayaang makatakas ito! This time, huwag niyo na siyang bigyan pa nang pagkakataong makabalik sa mundong ito!" Mabilis akong tumango kay Alessia at agad na tumakbo papalapit sa dalawa.
Malalakas na atake ang pinapakawalan nila Captain Mary at Hydra kaya naman ay hindi naging madali para sa akin ang paglapit sa puwesto nila! Mayamaya lang ay namataan ko na rin ang barrier na ginawa ni Alessia. At kagaya nang tinuran niya kanina, she trapped us inside her barrier! Tanging kaming tatlo na lamang ang nasa loob ng barrier na ginawa nito!
Umatras naman si Captain Mary at pansamantalang lumayo sa galit na si Hydra. Muling tumayo ito sa tabi ko at humugot ng isang malalim na hininga. "Anong ipinakita sa'yo ni Athena?" She asked me while her focus is still on Hydra.
"Noong hinihigop na ng sandata ni Athena ang kapangyarihan ni Hydra, a small dark energy escaped from her body. And I believed that the dark energy I saw was Hydra's soul," saad ko at binalingan na rin si Hydra.
Sa itsura nito ngayon, alam kong mahihirapan kami ni Captain Mary na talunin ito. She's gone mad! Nag-iba na rin ang anyo nito! Napapalibutan na ang katawan niya ng itim na kapangyarihan at gamit ang natural na mahika ni Cordelia, may mga nakalutang na water bombs and blades sa tabi niya at natitiyak kong kusang aatake ang mga iyon sa amin kapag makita o maramdamang kumilos kami sa kinatatayuan namin ngayon!
"Alessia's barrier can't be destroyed easily. I'll deal with Cordelia's water magic at ikaw naman, just focus on how to absorb all her dark magic. Kapag magawa mo iyon, unti-unting mawawala sa kontrol sa katawan ni Cordelia si Hydra. It will wake her up inside her body and I hope this time, your friend can finally control her own power, her own body."
Tumango ako sa tinuran ni Captain Mary. "Alright," mahinang saad ko at tiningnan muli si Hydra. Okay, Raina Louise. Just focus on your job. Focus on absorbing her dark magic!
Hindi na muling nagsalita pa si Captain Mary. Muli itong nawala sa tabi ko at agad na bumalik sa pag-atake kay Hydra. At kagaya nang inaasahan ko, mabilis na bumulusog sa gawi ni Captain Mary ang mga water bombs and blades na ginawa ni Hydra! Kumilos na rin ako upang mapunta sa akin ang ibang atake at para hindi na mahirapan si Captain Mary sa pag-dispel ng kapangyarihan ni Cordelia!
We can do this!
Mayamaya lang ay mabilis akong napamura noong nadaplisan ako ng isa sa water blades na ginawa ni Hydra. Napatingin ako sa braso ko at napailing na lamang. I took a deep breath and started moving again.
Ilang minuto ko nang sinusubukang makalapit sa puwesto ni Hydra ngunit bigo ako sa binabalak ko! Hirap akong i-dispel ang kapangyarihan ni Cordelia! Unlike sa dark magic na gamit ni Hydra, Cordelia's water magic is something that this magic-dweller sword can't absorb easily! Tanging si Captain Mary lang ang nakakalapit kay Hydra at nakikipagpalitang muli nang malalakas na mga atake! "Damn it!" bulalas ko noong madaplisan akong muli. Humugot akong ng isang malalim na hininga at mariing kinagat ang pang-ibabang labi.
Athena, alam kong pinagsisisihan mo na ang ginawa mo noon kaya naman, please, help me. I need your help to defeat Hydra!
I mentally cursed when I got nothing from Athena! Mukhang wala itong balak na tulungan ako!
Napailing na lamang ako at akmang kikilos na sana akong muli noong makaramdaman ako ng kakaiba sa kanang kamay ko. Napakunot ang noo ko at inilipat sa kabilang kamay ang espadang hawak at napatitig sa kanang palad. "What the hell is this?" mahinang tanong ko sa sarili noong mapansin ang kakaibang marka na nakaukit ngayon sa palad ko.
"That's the magic link I created before my sister turned her back and go against the rules of the Guardians." It's Athena's voice! Finally!
"Anong kayang gawin ng magic link na ito?" takang tanong ko habang nakatitig pa rin sa palad ko.
"Activate it and communicate with her."
"Communicate? Sa tingin mo ba makikinig pa sa akin ang kapatid mo? Look at her, Athena!" saad ko at bumaling muli sa gawi ni Captain Mary at Hydra. "She's not your sister anymore!"
"I'm not talking about Hydra," anito na siyang nagpatigil sa akin. "I'm talking about Cordelia, Raina. That magic link can be used to anyone with deep connection. I created it before because of my sister, but now, mukhang wala na itong silbi sa aming dalawa. But you... You and Cordelia shares a strong bond. Magagamit niyo itong dalawa. Now go and talk to her. Activate the magic link and tell her to take over her body."
Napaawang ang labi ko. "Can Cordelia do that? Can she control her body while Hydra's soul is still inside of it?" mahinang tanong ko.
I heard Athena sighed. "With the amount of dark magic that Hydra's currently using right now, her soul can create a new body full of dark energy. Hindi na nito kakailanganin ang katawan ni Cordelia. Kaya naman kailangan nang magising ng kaibigan mo. She needs to control her body and push Hydra out. At kapag magtagumpay siyang mapalabas sa katawan niya si Hydra, you can use my sword to finally absorb all her dark magic... hanggang sa tuluyang mawala na ito. Hanggang sa tuluyang mawala na ang itim na kapangyarihan nito. All of it... You need to absorb them all, Raina Louise."
Napalunok ako at matamang bumaling muli sa gawi ni Hydra. She's still mad and kept on attacking Captain Mary. "Wala akong ititira sa itim na kapangyarihan nito, Athena," seryosong saad ko.
"I'm sorry."
"Hindi ko gagawin ang ginawa mo noon, Athena. Hindi ko ito bibigyan nang pagkakataong makatakas sa amin ngayon. I will absorb all her dark magic at wala akong ititira. Hindi ako matatalo ng emosyon ko, Athena. She means nothing to me," malamig na saad ko pa.
"Thank you, Raina Louise. Thank you for doing this for me, for us... For ending my sister's suffering... For saving her from her own darkness. And thank you for being here... King Sulivan will surely be proud to have someone like you... a pure royal and warrior from his bloodline."
Napailing ako sa narinig mula kay Athena. "I'm not a royal and definitely not a warrior, Athena." I sighed. "I just wanted to help and save a friend. And after this, babalik din ako sa mundo namin."
"Alright. I understand you. Afterall, it's your decision to make, Raina Louise. You're free to do anything you want. Iyon din naman ang nais mangyari noon ni King Sulivan sa pamilya niya at sa buong realm ng Helienne. To be free from everything," saad ni Athena at pagkalipas ng ilang segundo, hindi ko na muling narinig ang tinig nito.
I took a deep breath and firmly closed my fist. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang kakaibang enerhiya mula sa magic link na nakaukit sa kanang palad ko. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at noong ipinikit ko ang mga mata, mabilis kong sinambit ang pangalan nito.
"Cordelia." Mas lalong lumakas ang enerhiya mula sa magic link sa palad ko. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at muling nagsalita. "Hey... Can you hear me? Cordelia."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top