Chapter 45: Descendant

Hindi ko maalis ang paningin sa nakalutang na sandata sa harapan ko. What the hell is this? Anong klaseng sandata itong ibinigay sa akin kanina ni mommy?

Napalunok ako at wala sa sariling napatingin sa labas ng barrier na kinaroroonan ngayon. Abala na sila Alessia at Naida sa mga kalabang Guardians. Mukhang alam nilang ligtas ako sa loob ng barrier kaya hindi na nila ako binigyan pansin pa. Napatingala naman ako at napatitig sa puwesto nila mommy at Hydra. Nagpapalitan pa rin silang dalawa ng kani-kanilang malalakas na atake. Kitang-kita ko kung paano gumamit ng itim na kapangyarihan si Hydra. She simultaneously attacked my mother, no, it's Captain Mary, at kagaya nang inaasahan ko, walang kahirap-hirap nitong sinangga ang malakas atakeng iyon.

"She will be fine," mahinang saad ko habang nakatingin pa rin sa dalawa sa may himpapawid. "Captain Mary will save her." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at akmang babaling na sana muli ako sa may harapan ko, agad akong natigilan at na-estatwa sa kinatatayuan. Kusang umawang ang mga labi ko at ilang beses na ikinurap ang mga mata.

Napatitig ako sa may harapan at biglang kinabahan noong wala na roon ang nakalutang na sandatang ibinigay ni mommy sa akin kanina! Segundo lang din ang lumipas at napaatras ako dahil sa biglaang panghihina. Mayamaya lang ay napayuko ako at napatingin sa may tiyan ko. Napasinghap ako at mabilis na hinawakan ang handle ng dagger na ngayon ay nakatarak na sa katawan ko! What the hell?

"Damn it!" bulalas ko noong sinubukan kong hilain ang nakatarak na sandata sa may tiyan. "Bakit hindi ko ito maalis?" mahinang tanong ko pa sa sarili at muling sinubukang alisin ang dagger sa katawan. What's happening to me? Wala na ba akong lakas at kahit ang paghugot ng sandatang nakatarak ngayon sa tiyan ko ay hindi ko man lang magawa?

Mayamaya lang ay unti-unting nanlabo ang paningin ko. Mabilis akong napapikit at iniling ang ulo. Wala sa sarili ko namang inangat ang isang kamay at hinawakan ang ulo ko. Nanatili akong nakapikit ng ilang segundo at noong akmang imumulat ko na sanang muli ang mga mata, isang tinig ang nagpatigil sa akin.

"Blood." Napakunot ang noo ko. It was a woman's voice! What the hell? Sino naman ito? "Blood... I need more blood... I need more of your blood." Mabilis kong iminulat ang mga mata at iginala ang paningin sa paligid. Mayamaya lang ay napalunok ako at wala sa sariling napatingin sa sariling kamay.

"Blood," mahinang saad ko. Now my hands are covered with my own blood! Napatingin muli ako sa may tiyan ko at naroon pa rin ang dagger. I tried to remove it again and this time, I successfully pull it out from my body! Muli akong napasinghap at mabilis na inilapat ang kaliwang kamay sa sugatang tiyan. "Damn! I need to do something to stop the bleeding." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at muling napatingala kung saan naroon si Captain Mary at Hydra. "I'm not sure kung gagana ba ang healing magic sa katawan ko, but I need to try and ask some help."

I was about to move my feet when suddenly, my right hand, the one's holding the dagger, moved! Gulat akong napatingin sa kanang kamay at napaawang na lamang ang mga labi noong unti-unting lumalapit sa may dibdib ko ang dulo ng dagger! Oh no! What the hell is happening to me? Is someone controlling my damn body? Sino? Damn it!

"Stop," mariing sambit ko at inalis sa may tiyan ang kaliwang kamay. Agad kong hinawakan ang kanang kamay ko at kahit nanghihina, ginawa ko pa rin ang makakaya upang pigilan ang isang kamay. Seconds later, I gasped when the tip of the dagger reached the clothes that I'm wearing. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanang kamay. "Please, stop!" Malakas na saad ko at napaatras na lamang noong tuluyan nang lumapat sa balat ang dulo ng dagger. No... Kapag bumaon ang talim ng dagger sa dibdib ko, it will be the end of me! I can't die in here!

"Kill her." Muli akong natigilan noong marinig ang tinig na iyon. "You need to kill her!"

"S-Sino?" Nanghihinang tanong ko. "Sino ang kailangan kong patayin?" Sa pagkakataong ito ay napapikit na ako. Mabilis kong naramdaman ang sakit sa may dibdib. Damn it! Bumaon na ang talim ng sandata sa may dibdib ko!

I can't stop it! Wala na akong sapat na lakas upang pigilan pa ang kanang kamay ko. It was too strong! Ni hindi ko nga magawang maalis ang sariling kamay mula sa pagkakahawak sa handle ng dagger!

"Kill her before she destroys this world."

Napailing ako. "Sino? Sino ang kailangan kong patayin?" Muling tanong ko at hindi na napigilan pa ang sarili. Napaluhod na ako. "If I kill her..., will you spare me?" walang lakas na tanong ko. Hindi ako maaaring mamatay sa mundong ito! Kakabalik lang ni daddy sa mundo namin kaya naman ay kailangan kong gawin ang lahat upang makabalik din at makasama ito!

But... If I kill someone, someone from this world... "My mission was to protect this world. I successfully achieved it before, and now that she's back, it's time for me to return and stop her again. I need to end this war. Hindi na maaaring maipasa pa sa susunod na henerasyon ang gulong ito."

"I... I don't understand a thing you're s-saying." Napailing ako at wala sa sariling napatingala. Napatitig ako sa ina, kay Captain Mary, at malungkot na ngumiti. She's so strong. Tila iisang tao lang silang dalawa. How I wished na ganoon din ako. Na ganoon din ako kalakas at hindi agad pinanghihinaan ng loob at sumusuko sa labang kinahaharap.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at ikinuyom ang kaliwang kamao. What the hell am I thinking right now? Ngayon pa talaga ako panghihinaan ng loob? Ngayon pa talagang kasama ko si mommy dito sa Azinbar at nakikipaglaban upang tulungan ako sa misyon ko?

Damn it, Raina! Umayos ka!

And without saying a word, mabilis kong hinawakang muli ang kanang kamay na hanggang ngayon ay may sariling pag-iisip at nais wakasan ang buhay ko! "I don't know who you are at wala rin akong balak na alamin kung sino ka. At kung ikaw man ang kumukontrol sa kanang kamay ko ngayon, then, I need to stop you. I can't afford to die in this world. I'm a Ferrer, and I'm a Sulivan. Nagmula ako sa pamilyang hindi basta-bastang sumusuko. Kaya naman kung nais mong tapusin ang buhay ko, think again," mariing saad ko at buong lakas inalis ang pagkakatarak ng dagger sa dibdib.

Mabilis akong napaupo sa lupa at hinabol ang sariling hininga. Itinapon ko palayo sa akin ang dagger at napailing na lamang. Mayamaya lang ay natigilan ako noong mapansing kaya ko nang igalaw muli ang kanang kamay! Inangat ko iyon at matamang tinitigan. "I'm not here to kill you." Rinig kong muling sambit ng tinig na kanina ko pa naririnig sa isipan ko. Ibinaba ko ang kanang kamay at maingat na tumayo. "I'm here because you awaken me." What? I did what? "Alam kong gagawa nang paraan si Hydra upang makabalik dito sa Azinbar kaya naman ay gumawa na rin kami nang paraan upang mapigilan ito kung sakaling magtagumpay siya." Wala sa sarili akong napatingilang muli. Napatitig ako sa gawi nila Captain Mary at Hydra.

"Captain Mary and the rest of the Guardians created a powerful weapon that can awaken our souls and power. Before I die and leave Azinbar, I chanted a spell and transfer all my magical power and sealed it to the weapon you were holding earlier. I need your blood to activate the spell that's why I tried to control and harm you. I'm sorry. Iyon lang ang tanging paraan upang mapasa'yo ang kapangyarihan ko."

Napaawang ang labi ko at mayamaya lang ay wala sa sariling natawa. Anong pinagsasabi ng babaeng ito? "You're talking nonsense." Napailing ako. "I'm just a dimension traveler. Wala akong kakayahang gumamit ng kahit anong mahika sa mundong ito. At ano ang sinabi mo kanina? I awaken you... Really? How? Ni hindi nga kita kilala kaya paano ko naman magagawa iyong mga tinuran mo sa akin?"

"Because you're a Sulivan." Natigilan akong muli. Napalunok ako at napaayos nang pagkakatayo. Inalis ko ang pagkakatingin sa gawi nila Captain Mary at seryosong napatitig sa harapan. "You have my blood in your veins. You're my descendant, Raina Louise Ferrer Sulivan."

Napasinghap ako sa narinig. "I... I don't understand... Paanong magiging descendant mo ang isang kagaya kong hindi naman nagmula sa mundong ito?" litong tanong ko sa kanya.

"Are you sure that you're not originally from this world? Are sure that the Sulivan in your world, the one who possessed the ability to travel through dimensions, are not from Azinbar?"

Natameme ako at hindi nakapagsalita agad. Sa dami nang kaalamang nakuha ko sa pananatili sa mundong ito, itong pinagsasabi sa akin ng babaeng kausap ko ngayon ang tila hindi kayang i-absorb ng utak ko! Like, what the hell? "Nonsense," mahinang saad ko at wala sa sariling napahawak sa tiyan ko kung saan naroon ang sugat na natamo ko mula sa pagkakatarak ng dagger kanina. Agad naman akong natigilan noong wala akong maramdaman na kahit anong sakit mula roon. Mabilis akong napayuko at gulat na napatitig sa duguan at pinit kong kasuotan. "What the-"

"My power already healed your wounds," muling saad ng tinig sa isipan ko. Mabilis ko namang kinapa ang sugat sa dibdib at kagaya ng sugat ko sa may tiyan, wala na rin ito! Ni bakas ng pagkakasugat ng balat ko kanina ay wala na akong makita! Tanging sariling dugo at ang punit na damit na lamang ang mayroon ako ngayon! And my wounds? Wala na! Healed and gone! "I told you. You already awaken and activated all my magical powers. Your level is the same as Captain Mary now." What? Same as Captain Mary? "You're the descendant of the Great Goddess of War, Raina Louise. Use my power to stop Hydra's plan. Nagawa ko na ito noon kaya naman alam kong magagawa mo rin ito ngayon."

"I... I don't know what to say," mahinang saad ko at pinakiramdaman ang sarili. Wala akong kakaibang nararamdaman ngayon! Yes, my wounds are all healed but... I don't feel anything different! Kumpara noong nasa katawan pa ako ni Cordelia, ramdam ko ang kapangyarihang mayroon sa katawan niya! Ibang-iba sa sitwasyong mayroon ako ngayon! Pinagloloko ba ako ng babaeng ito? Descendent? Great Goddess of War? Sino naman iyon? "Alam kong nasabi ko kanina na wala akong balak alamin ang pangalan mo ngunit sa mga pinagsasabi mo sa akin ngayon, you got my attention, and now, I'm dying to know who the hell you are. Tell me... what's your name?"

Katahimikan. Hindi agad sumagot sa akin ang babae. Napalunok ako at mariing ikinuyom ang kamao. Akmang magsasalita na sana akong muli noong makaramdaman ako ng isang matinding enerhiya mula sa gawi kung saan naroon sila Naida at Alessia. Napaawang ang labi ko noong mapansing mas dumami ang kalaban nilang Guardians! Oh my God! They're outnumbered!

"I need to help them," mariing sambit ko at sa paggalaw ng kamay ko, muli akong napahinto sa pagkilos noong mabilis na lumipad patungo sa akin ang sandatang itinapon ko kanina noong tuluyang naalis ko ito sa dibdib ko. In just a second, hawak-hawak ko nang muli ang dagger! Oh my God! Nanlaki ang mga mata ko at noong muling kumilos ang kamay ko, mabilis na nagbago ang anyo ng sandata. From a dagger, the small weapon become a freaking sword!

Biglang tumama naman ang dulong talim ng sandata sa lupa noong halos mabitawan ko ito! Damn, it's heavy! "It's a magic-dweller sword. Expect it to consume different types of magic, especially the black magic, the one that revived and brought back Hydra to life." Napatitig ako sa espada at maingat na inangat iyon. This time, I can easily hold the sword. Ni hindi ko na alintana at ramdam ang bigat nito!

"I can use this sword to defeat Hydra?" mahinang tanong ko habang manghang nakatitig sa hawak-hawak na espada.

"Yes, Raina. At kapag matutunan mo pa ang ibang kayang gawin ng espadang iyan, magagawa mo ring iligtas ang kaibigan mo." Natigilan akong muli sa narinig. "Hydra used a powerful spell to revived herself and used someone else body. Alam na ni Captain Mary ang susunod na gagawin kapag makita niya ang magic-dweller sword na hawak mo ngayon. Trust her and just finish Hydra."

"Hindi ba mapapahamak si Cordelia kapag ginamit ko ang espadang ito sa katawan niya?"

"Everything comes with a price. Cordelia used a forbidden magic at alam niya ang kaparusahan sa paggamit nito dito sa Azinbar."

"But she was tricked by the members of Phantom!" giit ko at mariing hinawakan ang handle ng espadang hawak-hawak ngayon. "Cordelia is not a bad person. She was just desperate to leave this world and have a better life outside Azinbar!"

"But still, she needs to face the consequences of the decision she made." Napapikit ako at napatingala na lamang muli. "Go and fight alongside Captain Mary. Finish this war and after that, ikaw na ang magpasya sa kung anong maaaring kahinatnan ng kaibigan mo. It's your call, Raina Louise. You have all my powers now. Use it and decide what's best for everyone. Afterall, hindi lang ang kapangyarihan ko ang mayroon ka. You also have the same weakness I had before. A weakness that Hydra once used against me. And I hope this time, hindi na ulit mangyayari iyon. Hindi mo maaaring hayaang maulit ang trahedyang kinahinatnan ko dahil lamang sa kahinaang iyon."

"Weakness... Tell me, anong klaseng kahinaan ang parehong mayroon tayong dalawa?" mahinang tanong ko at iminulat ang mga mata. Mabilis kong itinuon ang atensiyon sa gawi ni Hydra.

"We both have a weak spot towards our friends and family." Mahinang tugon niya sa akin. Seconds later, mabilis kong inangat ang isang kamay at inalis ang luhang nasa pisngi. What the hell? "My emotions destroyed me before, and I hope you can overcome and never be swayed by it."

Wala sa sarili akong natawa sa narinig. "Easier said than done." I sighed. "I was once a heartless bitch who left her own family for years and never speak to them. And it was awful. Hindi maganda sa pakiramdam ang ginawa ko noon. Sa tingin mo ba magagawa ko ulit maging ganoon?" I chuckled and slowly moved my feet. Nagsimula na akong maglakad papalapit sa barrier na ginawa ni mommy kanina. "My emotion, my problem. Huwag mo akong pangunahan sa kung anong gagawin ko sa emosyong mayroon ako. I'm a human. Natural lang sa akin ang maapektuhan sa sariling emosyon."

"Raina Louise-"

"Athena... That's your name, right?" Putol ko sa dapat na sasabihin nito. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang pangalang iyon ngunit simula noong hawakan ko ang espadang ito, may mga imahe akong biglang nakita sa isipan. And those images came from someone's memories, and now I have it all inside my freaking head! "Athena... The one who ruled Helienne, the southern realm of Azinbar. You were the realm's protectress, and named as the Goddess of War."

Katahimikan. Hindi na muling nagsalita si Athena. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kayang kontrolin ang sariling emosyon. "Don't worry about me, Athena," saad ko at mabilis na itinapat sa barrier na ginawa kanina ni mommy ang dulo ng espadang hawak. Slowly, the magic-dweller sword absorbed the barrier. At pagkatapos ng ilang segundo, tuluyang nawala na ang barrier na kanina pa promoprotekta sa akin,

"If I'm really your descendant, asahan mong hindi ko sisirain ang pangalan mo sa mundong ito. I'll do my best not to disappoint you, but I can't promise you to ignore my feelings... my emotions. Kagaya nga nang tinuran ko kanina, tao lang din ako. And having an extreme emotion is a normal thing to us." I sighed and started to move my feet. Maingat ang bawat hakbang ko habang papalapit sa direksiyon nila Naida at Alessia.

"Thank you, Athena," mahinang saad ko sa isipan at mabilis na sinangga ang atake ng isang Guardian sa likuran ng kapatid ni Cordelia. Gulat namang napabaling sa akin si Naida at napatitig sa hawak kong espada ngayon. "I'll do my best to fight and win. Gagawin ko ang ginawa mo noon. I will defeat Hydra, and I'll definitely free Cordelia!" dagdag ko pa at mabilis na ikinumpas ang isang kamay. Mabilis na tumilapon palayo sa kinatatayuan ko ang Guardian na nasa harapan. Agad namang huminto ang iilan pang kalaban nila Naida at Alessia at takot na tumitig sa akin.

I raised my right hand, the one holding the magic-dweller sword, and smirked at them.

This time, I can feel it. The overflowing magic within my body. This is Athena's magic. This is the Goddess of War's magic!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top