Chapter 44: Monster
Mabilis akong natigil sa pagtakbo noong muling yumanig ang paligid. Pilit kong ibinalanse ang katawan ngunit dahil sa mas lumalakas na pag-atake ng mga sea monster sa barrier na ginawa ni Alessia, tuluyan na akong natumba!
Agad akong napangiwi at ininda ang sakit na natamo dahil sa biglaang pagbagsak ng pang-upo sa lupa. Damn it!
"Are you okay?" Napatingala ako noong marinig ang seryosong tinig ni Dylan. Agad nitong inilahad sa harapan ko ang kamay niya at noong hindi ako kumilos sa puwesto ko, siya na misyong ang humawak sa akin upang makatayo. "Be careful. Wala ka na sa katawan ni Cordelia. You can't use any type of magic, so you better not do something reckless that will eventually harm you."
"I know that, Dylan," mariing wika ko at binawi ang palapulsuang hawak nito. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at muling napatingala. Hindi ko inalis ang paningin sa naglalakihang mga sea monster na pilit sinisira ang barrier na siyang promoprotekta sa buong Vallasea. Mayamaya lang ay napunta ang paningin ko sa gawi ni Cordelia... No, she's not Cordelia anymore. Hydra... Iyon ang pangalan ng taong nasa katawan niya ngayon. "I need to save her," mahinang saad ko habang nakatingin sa nakalutang na katawan ni Cordelia. "Kung hindi lang sana ako umalis sa katawan niya, sana'y hindi ito mangyayari sa kanya."
"It's not your fault," saad ni Dylan sa tabi ko. "Simula pa lang ay alam na namin ang tungkol sa bagay na ito. The moment she was born, an incredible magic power suddenly enveloped the whole realm. Naramdaman iyon ng lahat. It was a familiar magic that brought fear to everyone. Kaya naman ay minabuting itago ng pamilya ni Cordelia ang tungkol sa kanya."
Napabuntonghininga ako. "Nais lamang ni Cordelia ang mamuhay nang payapa," wika ko at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Gaano kahirap ang simpleng kahilingang iyon?" My heart aches for Cordelia. She had a terrible fate! Kaya naman ay hindi na ako nagulat pa noong sinukuan na niya noon ang sarili. It was really hard living like this! Wala kang sariling desisyon para sa sarili mo. Lahat ng mangyayari sa buhay mo ay nakatakda na simula noong isinilang ka sa mundong ito!
Panibagong pag-atake ang ginawa ng mga sea monster kaya naman ay naalarma ako. Napatitig ako sa barrier na gawa ni Alessia at noong may napansin akong kakaiba roon, napaawang ang mga labi. Cracks! May lamat na ang barrier! "Hindi magtatagal ay masisira na nila ang barrier," seryosong saad ko. "Kailangan ko nang makalapit sa katawan ni Cordelia!" mabilis na wika ko at noong akmang tatakbo na sana ako, muling hinawakan ni Dylan ang palapulsuan ko. Agad akong nahinto sa pagkilos at napabaling sa kanya.
"What's your plan?" seryosong tanong niya.
"Plan? I don't have a freaking plan!" sagot ko at inalis ang kamay nito sa akin. "I don't know, okay! Ni hindi ko nga alam kung paano ako makakalapit sa katawan niya! Look!" Sabay turo sa gawi kung saan naroon ang katawan ni Cordelia. "Nasa himpapawid ito! Can I fly? No. Can I use magic? Isang malaking no ulit! But Dylan, she needs help! Wala na akong panahon upang mag-isip pa ng plano kung paano ito matutulungan. Once I finally get a chance to reach and talk to her, doon na lang siguro ako gagawa ng lintek na planong iyan!" Mariin kong ikinuyom muli ang mga kamao at nagpatuloy na sa pagtakbo.
Muli akong napatingala at tiningnan ang direksiyon kung saan naroon si Cordelia. I bit my lower lip and run faster towards her direction. When I was about to take another step, I suddenly sensed something behind me and seconds later, my feet stopped from moving. Napaawang ang mga labi ko at pilit na iginagalaw ang sariling mga paa. What the hell? Sinubukan kong igalaw ang mga paa ngunit tila napako ito sa lupang ikinatatayuan ko. Wala sa sarili akong napatingin sa kamay at noong maigalaw ko ito, mabilis na lamang akong napamura sa isipan.
Ang mga paa ko lamang ang hindi ko maigalaw! Who the hell did this to me?
"And where do you think you're going?" Isang tinig ang narinig ko mula sa kung saan. Agad akong nagpalinga-linga at noong may naramdaman akong presensiya sa itaas ko, mabilis akong napatingala. Bahagya pa akong nasilaw kaya naman ay agad akong napayuko. Ikinurap ko ang mga mata at noong akmang titingala na sana akong muli, isang babaeng nakasuot ng kaparehong kasuotan nila Alessia ang tumambad 'di kalayuan sa puwesto ko.
Seryosong tumitig sa akin ang babaeng nasa harapan. Nanatili naman ako sa pwesto ko habang pilit na sinusubukang igalaw muli ang mga paa. Seconds later, I saw the woman sighed while still looking at me. Humakbang ito at nagsimulang lumapit sa akin. "Stop moving. Hindi mo magagawang makawala sa mahikang iyan," aniya at tumigil sa paglalakad noong nasa harapan ko na ito. "I know that you're brave, but this is definitely out of your league, Raina Louise Ferrer Sulivan." Natigilan ako noong banggitin nito ang buong pangalan ko. What the hell?
"H-How did-"
She smirked at me. "Don't give me that look, Raina. I gave you that name. Malamang alam ko ang buong pangalan mo."
"W-What?" Napakurap ako at segundo lang ang lumipas ay naigalaw kong muli ang mga paa. Napaayos ako nang pagkakatayo at hindi inalis ang paningin sa babaeng nasa harapan. She's a knight... a warrior. Napatingin ako sa markang nasa kasuotan nito. Same mark sa armor suit na suot nila Alessia. She's a Knight from Northend!
Northend... "Oh my God!" bulalas ko at napaatras palayo sa babaeng nasa harapan. "You are... Captain Mary!" halos walang tinig na wika ko at napatakip sa sariling bibig. This can't be real, right? Ang sabi ni Alessia ay walang ibang gumagamit sa katawan ni Captain Mary ngayon! Simula noong natapos ang misyon ni mommy sa Evraren, wala ng ibang soul ang namalagi sa katawan nito! So, paanong narito ngayon itong si Captain Mary? Paanong nasa harapan ko siya?
"Stop overthinking and just say what you want to say, Raina," anito at namewang sa harapan ko. "Ang buong akala ko noon ay kay Treyton ka lang nagmana. Your attitude, your quirks, and even the way you handle things around you, lahat ng iyon ay nagpapaalala sa akin sa iyong ama. You're his child kaya naman kopyang-kopya mo ang lahat ng iyon at wala kang nakuha kahit isa man lang sa akin." She laughed. "But I guess I was wrong. Hindi naman pala lahat ay namana mo sa iyong ama." Napailing ito at hinawi ang buhok na nasa balikat nito. "Your braveness, your sincerity towards others, your commitment and good heart, iyong mga bagay na biglang nagkaroon ako simula noong napadpad ako sa mundong ito, naipasa ko yata lahat sa'yo, anak."
Oh my God! It's her! My mother is here at nasa katawan itong muli ni Captain Mary!
"Mommy," halos walang tinig na sambit ko habang gulat na nakatingin pa rin sa kanya. Paanong napunta siyang muli dito sa Azinbar? How about my dad? Nagkita ba silang dalawa noong bumalik ito sa mundo namin? Nagkausap ba sila?
"Come here, Raina," anito at inangat ang dalawang kamay.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo patungo sa kanya. Agad kong niyakap si mommy at hindi ko na napigilan pang umiyak habang nasa bisig niya. "Silly girl. You went to an adventure without even telling me. Nagtatampo na ako sa'yo, Raina."
"I left the country before without even telling you too, mom. Dapat ay hindi ka na magulat pa." Napatawa si mommy sa sinabi ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Your dad told me about your mission," aniya habang yakap-yakap pa rin ako. Natigilan ako sa narinig ako nanatiling tahimik sa puwesto ko. So, nakabalik nang ligtas si daddy sa mundo namin. Nagkita na silang muli! Pero... bakit ito nagtungo rito kung nakabalik na pala si daddy?
Marami akong nais itanong sa kanya ngunit wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Humigpit na lamang ang pagkakayakap ko kay mommy at muling natigilan noong magsalita itong muli. "Ayos lang ba tumulong ako sa'yo, anak? Captain Mary is a powerful Knight of Northend. Kahit sinong kalaban nito ay walang kahirap-hirap na natatalo niya."
What? "Cordelia is powerful too, mommy," sambit ko at maingat na humiwalay sa katawan niya. "Ramdam ko iyon noong na-trap ako sa katawan niya."
Hinaplos ni mommy ang pisngi ko at tipid na nginitian ako. "Let's see kung sino sa amin ang unang babagsak at mawawalan ng malay."
"Mom!" bulalas ko na siyang ikinatawa ni mommy.
Marahan niyang inabot ang mga kamay ko at maingat na pinisil iyon. "Raina, the one who possessed your friend's body was one of Captain Mary's friends, too." Natigilan ako sa narinig mula sa ina. "Hydra was the first ruler of this realm. She was originally a dragon, just like Meredith and his brother, Eldred." Say what? Paano nalaman ni Mommy ang tungkol sa bagay na ito?
"Eldred... I think I've heard that name before... Eldred... Oh! That was Scarlette's guardian!" saad ko na siyang ikinatango ni mommy sa akin.
"Meredith, Eldred, and Hydra... They were the Guardians of Azinbar. Unfortunately, Hydra wanted to rule and govern a realm. Hindi niya nais maging isang Guardian lamang para sa isang royal na hindi man lang kayang gamitin ang buong potensiyal ng kapangyarihan niya. She wanted more than just her title as a Guardian that's why she killed all the family members of the first royal family of Vallasea." Napatanga ako sa narinig. "It happened a century ago and Captain Mary, the brave warrior and protector of Azinbar, stopped and killed one of the Guardians." Napaawang muli ang labi ko. Oh my God! This is too much information! I don't think my brain can process all of this! "And now that she's reborn, Azinbar needs Captain Mary."
Napatitig ako sa ina. "That's why you're here," mahinang saad ko na siyang ikinatango ni mommy.
"I'm here not because they need Captain Mary. I'm here because you are here, Raina. I can't stay and do nothing in our world knowing how dangerous this place is. Mas ikamamatay ko ang pag-aalala at paghihintay sa'yo, Raina. Hindi ko kakayanin iyon."
"Mommy-"
"Let's finish this mission together, Raina Louise. At pagkatapos nito, sabay tayong bumalik sa mundo natin, okay?" Ngumiti si mommy sa akin kaya naman ay tumango na lamang ako sa kanya.
I'm happy that she's here. I'm happy that she remembers me, that she can say my name and calls me her daughter. I'm happy. Really happy!
I was about to hug her again when another turmoil happened. Agad na kumilos si mommy at hinila ako patungo sa likuran niya. She immediately raised her right hand and create a barrier that protected us from a sudden attack! Napaawang ang labi ko at mabilis na hinanap ang pinanggaling nang atake. Mayamaya lang ay napatingala ako at laking gulat noong makita roon si Cordelia... No, damn it! She's not Cordelia right now! It's Hydra, for Pete's sake!
Ngayon ay nakatingin ito sa amin ni mommy. Nasa himpapawid pa rin ito ngayon. Nakataas ang isang kamay nito at mukhang handa ng muling umatake sa aming dalawa.
"Stay inside the barrier, Raina," rinig kong sambit ni mommy.
Napatingin naman ako sa kanya. "Mom, I'll help you."
Umiling ito at binalingan ako. "She'll target you if she discovers our connection. Mas makakabuting wala itong alam tungkol sa ating dalawa. Mas makakabuti kung iisipin nito na ako pa rin ang dating Captain Mary. She will focus her attacks on me. Only me."
"But mom-"
"Raina, dito sa Azinbar, hindi ako ang iyong ina," seryosong saad nito sa akin. Napaawang ang labi ko at hindi inalis ang paningin sa kanya. "I'm Captain Mary, the captain of Tyrants, Knight of Northend and the former protector of Kingdom of Azinbar. Iyon ang itatak mo sa isipan mo, Raina. No one should know about our relationship. Ikaw, ang Tyrants, at ang hari lamang ng Northend ang nakakaalam sa bagay na ito." Napalunok ako at wala sa sariling napatango. "I need you to watch Hydra's every moves. At kapag kailangan ko na nang tulong mo, I need you to use this," dagdag pa niya sabay abot sa akin ng dagger na may kulay lila na hawakan.
"Anong klaseng sandata ito?" takang tanong ko at tinanggap ang sandatang nakalahad sa harapan ko. I curiously looked at the dagger. At bago pa man ako makapagsalitang muli, mabilis na nawala sa harapan ko si mommy!
Agad kong hinabol nang tingin ang mabilis na pagkilos nito at sa isang pagkurap ng aking mga mata, parehong nasa himpapawid na si mommy at si Hydra! Their swords immediately clashed and caused an extreme impact! Isang malakas na enerhiya ang pinakawalan ng dalawa at kung wala lang ako sa loob ng barrier na gawa ni mommy, natitiyak kong tumilapon na ako sa kung saang parte ng Vallasea! Oh my God! Their strengths are unbelievable!
Halos hindi masundan ng mga mata ko ang mabilis na kilos ng dalawa sa himpapawid. Humigpit ang pagkakahawak ko sa dagger na ibinigay ni mommy sa akin at noong makaramdaman ako ng kakaiba sa paligid, mabilis akong naalarma. Agad kong itinaas ang hawak na dagger at inilibot ang paningin sa labas ng barrier. At noong dumako ang paningin ko sa unahan, may tatlong kakaibang nilalang akong namataan.
"What the hell are they?" mahinang tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mga ito. They're not humans. Sigurado ako roon! At habang papalapit sila sa puwesto ko, mas lalong nagiging malinaw sa akin ang itsura nilang tatlo. Napaatras ako at wala sa sariling napamura na lamang. "Anong klaseng nilalang ang mga iyan?"
"They were the Guardians that Cordelia accidentally summoned earlier." Napatingin ako sa gawing kanan ko at namataan si Naida roon. Sa tabi naman niya ay si Alessia na seryosong nakatingin sa himpapawid kung saan naroon si Captain Mary at Hydra.
But wait... Did she just say Guardian? Ang mga iyan? Mukhang mga guardian ba ang mga nilalang na iyan? Mas mukha silang monsters kumpara sa mga sea monsters na ngayon ay sinusubukan pa ring sirain ang barrier na gawa ni Alessia!
"Hydra created them as her loyal soldiers. They were summoned earlier and fed on Cordelia's blood. She used them to finish and kill all the members of Phantom, including their leader, Tharatos," muling saad ni Naida at binalingan ako. "You said that you're my sister's friend." Hindi ako nakaimik at nakatitig lamang sa kapatid ni Cordelia. "Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa'yo. Thank you for being there with her. Thank you for being her friend."
"Your Highness-"
"If my sister dies t-today." Her voice broke. "I want you to remember her as a good friend. I don't want you to remember her as a monster... as a killer."
"Captain Mary will save her," mariing saad ko na siyang ikinatigil ni Naida. Tumango ako sa kanya at bumaling sa gawi ng dalawang malalakas na nilalang na hanggang ngayon ay nagpapalitan ng mga atake sa himpapawid. "Captain Mary will save Cordelia."
"She will not kill her?" Napabaling muli ako kay Naida at litong tumitig dito. What the hell? Iniisip ba nilang tatapusin ni mommy si Cordelia? Kagaya nang ginawa ni Captain Mary noon kay Hydra?
"Hydra is just using your sister's body, Your Highness. Kapag makakita ng tamang pagkakataon si Captain Mary, tiyak kong magagawa nitong alisin si Hydra sa katawan ng kapatid mo," saad ko at tipid na nginitian ito. "Let's trust her, okay? Let's trust Cordelia, too. Alam kong lumalaban din ito para sa sarili niya. She's a fighter and I know that she will not give up until she's back in her own body."
Tumango sa akin si Naida at itinuon na lamang ang atensiyon sa papalapit na mga Guardian, iyong nilalang na nilikha ni Hydra. "Nagkalat ang mga Guardian sa buong Vallasea. Ang iba'y natalo na at kusang nawala ngunit ang iba'y taglay ang kakaibang lakas. Mahihirapan ang isang ordinaryong Knight na kalaban ang mga ito."
"Don't worry, Your Highness," saad ni Alessia at binalingan ako. "We got our own monsters, too." She added and immediately attack the Guardians. Kumilos na rin si Naida at tumulong kay Alessia.
Humigpit muli ang pagkakahawak ko sa dagger na bigay kanina ni mommy.
Ano na ang gagawin ko ngayon? Paano ako makakatulong sa kanina? I can't use magic. Magiging pabigat lamang ako sa mga kasamahan ko at kay mommy! But... I can't just stay here, inside this freaking barrier, and wait until the war is over!
"Mom, ano na ang gagawin ko?" mahinang tanong ko sa sarili. Mayamaya lang ay natigilan ako sa puwesto noong biglang umilaw ang hawak-hawak na dagger. Kunot-noo akong napatitig dito at natigilan na lamang noong mabilis itong kumawala mula sa pagkakahawak ko at lumatang sa harapan ko!
What the hell?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top