Chapter 43: Reborn
Highest Priestess of the Sea.
Sino ang tinutukoy nito? At ano raw? End the whole Azinbar?
"Cordelia, can you hear me? Cordelia!" Napakurap ako noong marinig ang malakas na pagtawag ni Naida sa pangalan ko. Napabaling ako sa kanya habang patuloy pa rin sa pagtakbo patungo sa chamber ng hari at reyna ng Vallasea. "Ayos ka lang ba? You're pale, Cordelia! Baka dahil iyan sa paggamit mo ng sariling dugo upang gumawa ng magic circle! kanina"
Umiling ako sa kapatid. "I'm fine," marahang saad ko at muling tumingin sa pasilyong tinatahak namin ngayon.
Kumpara noong nagtungo sila rito kasama si Raina, masyadong malakas ang itim na enerhiyang bumabalot kanina sa parteng ito ng palasyo. Ngayon, ni isang bakas ng itim na kapangyarihan ay wala na akong maramdaman! Did the Guardians finally defeat them? How about Tharatos? Natalo rin ba nila ang halimaw na iyon?
"Malapit na tayo sa chamber nila," rinig kong saad ni Naida kaya naman ay muli akong napakurap. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at mas binilisan ang pagtakbo.
Mayamaya lang ay halos sabay-sabay kaming huminto sa pagkilos. Naunang humarap sa nakasarang pinto si Naida. Hindi ito kumibo at mabilis na hinawakan ang door handle ng pinto sa harapan niya. Hindi na rin ito nag-aksaya pa ng oras at agad niyang binuksan ang nakasarang pinto ng chamber ng mga magulang namin.
"Your Majesty!" Halos sabay na bigkas ni Naida at Amaya at pumasok na sa silid. Mabilis na lumapit ang dalawa sa mga magulang namin samantalang tahimik akong kumilos at pinagmasdan ang kabuuan ng silid.
No sign of any dark energy. It's all gone!
Inilibot ko ang paningin sa silid at noong may napansin akong pamilyar na sandata 'di kalayuan sa puwesto ko, maingat akong kumilos at naglakad patungo roon.
Tahimik kong pinagmasdan ang sandatang nasa paanan. Kunot-noo akong nakatitig doon at noong mapagtanto ko kung kanino itong pamilyar na sandatang nasa sahig, mabilis akong napabaling sa gawi ng hari at reyna ng Vallasea. "This sword... Pagmamay-ari ito ni Tharatos, hindi ba?" tanong ko at muling bumaling sa sandata.
Nais ko itong kunin ngunit mabilis kong pinigilan ang sarili. Alam ko ang kapangyarihang taglay ng espadang pagmamay-ari ni Tharatos. He once told me about it. No one can handle his sword except him! Kung mahinang nilalang ka at hindi kayang pantayan ang kapangyarihan ng naunang may-ari ng sandatang iyon, kusang hihigupin nito ang enerhiya mo at kung mamalasin, maging ang buhay mo ay kayang kunin ng sandatang ito.
I want this sword, but no thanks. Hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataong binigay sa akin ni Raina. Kailangan kong mag-ingat kung nais kong ipakita sa kanya na karapat-dapat ako sa tiwalang ibinigay nito sa akin! "Where's Tharatos?" tanong ko sa mag-asawa.
Hindi umimik ang hari samantalang umiiyak naman sa tabi nito ang reyna. Agad na yumakap si Amaya sa ina at mabilis na inalo ito. Tahimik namang tumayo sa tabi ng mga magulang namin si Naida at tila nakahinga ito nang maayos dahil ligtas ang mga ito.
"Your Majesty, what happened here? Nasaan ang mga royal guard na kasama niyo rito?" Sa wakas ay nagsalita si Naida at tinanong ang hari. Hindi pa rin umimik ang hari habang nakatuon sa akin ang paningin nito. Napabaling tuloy sa akin si Naida. "Your Majesty... Si Cordelia ang tumulong sa amin ni Amaya upang makarating dito. She can use her magic-"
"What have you done, Cordelia?" malamig na tanong ng hari sa akin. "Anong klaseng mahika ang ginamit mo upang mabilis na matalo ang mga kalaban ng realm na ito?"
Natigilan ako sa naging tanong nito sa akin. Napalunok ako at hindi magawang sagutin ito. Anong klaseng mahika? I... I don't know! I just used my own blood to create a magic circle. Iyon naman palagi ang ginawa ko simula noong matuklasan ko ang tungkol dito! Maliban doon, wala naman.... Wait... Muli akong napalunok at napaatras na sa kinatatayuan.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko kaya naman ay kusang umawang ang mga labi ko.
"Tharatos absorbed some of the Queen's magic earlier. Hindi ko alam kung ilang porsiyento ng kapangyarihan niya ang nawala kaya naman ay hindi ako nakatitiyak kong nawala ang bisa ng magic seal nito sa katawan mo," kalmado at malamig na turan muli ng hari.
"The seal is gone, Your Majesty." It was Naida. Bumaling ito sa akin bago tuminging muli sa amang hari. "Cordelia can use her magic now. Siya ang tumulong sa amin-"
"Did you summon them?" He asked me again, ignoring Naida's word. Napalunok ako. "Paano mo natutunan ang tungkol sa kanila? Paano mo nagawang i-summon ang mga nilalang na iyon?" This time, nawala ang pagiging kalmado ng hari. Naging alerto naman si Naida at mabilis na nilapitan ang ama. Lito itong bumaling sa akin at noong wala itong makuha kahit anong kasagutan mula sa akin, tumingin itong muli sa aming ama.
"Your Majesty, ano ang ibig mong sabihin sa mga katagang iyon?" Naida asked him. Napailing naman ang hari at mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin. Mayamaya lang ay mas lumakas ang pag-iyak ng reyna. Natuon ang buong atensiyon namin sa gawi nito. Segundo lang ay may napansin ako. Napatitig ako sa hawak ng reyna at noong mapagtanto ko kung ano iyon, napaatras muli ako.
"Mommy, talk to me, please. Anong nangyayari? Nasasaktan ka ba? Nasugatan ka po ba? Please, you're scaring me!" ani Amaya at muling niyakap ang ina. Nagpatuloy naman sa pag-iyak ang reyna at mayamaya lang ay nabitawan nito ang hawak-hawak na itim na tela.
Nabaling doon ang atensiyon ko. Maging si Naida ay napatingin doon. Segundo lang ang lumipas ay humakbang si Naida at lumapit sa puwesto ng ina. Dinampot nito ang nabitawang tela na nasa paanan ng reyna at takang napatitig dito. "It's Kallan's royal robe," rinig kong sambit ng kapatid at napabaling sa tumatangis na ina. "What's the meaning of this, mom? Nasaan si Kallan? Kasama niyo ba ito kanina habang sinasalakay tayo ng mga kalaban?"
Hindi sumagot ang reyna at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Napabaling naman sa akin si Naida at mayamaya lang ay nagsimula itong maglakad patungo sa kinatatayuan ko. "May alam ka ba sa nangyayari?" She carefully asked me. Hindi ako nakasagot agad kaya naman ay mas naging seryoso ang kapatid. "Cordelia, please! Kung may alam ka, sabihin mo sa akin!"
"I have an idea but-"
"But what?" Napatitig ako kay Naida. Puno ng iba't-ibang emosyon ang mga mata nito. "Alam kong hindi maganda ang simula ng naging relasyon natin bilang magkapatid, Cordelia. Aminado ako sa naging masamang pakikitungo ko sa'yo, but please, if you have an idea what's happening right now, kung may alam ka kung nasaan ang isa pa nating kapatid, tell me. Please, I need you to tell me."
"Naida," tawag pansin ng hari sa kanya. Sabay kaming napatingin ni Naida sa dereksiyon nito. "Stay away from her," malamig na utos nito na siyang ikinakirot ng puso ko. What did he just say?
"W-What? Your Majesty-"
"She's not your sister anymore," muling saad ng hari na siyang ikinaatras ko palayo sa kapatid. Napatingin naman sa akin si Naida at gulong tumitig sa akin. "The moment when the seal was dispelled, the real Cordelia, the first Princess of Vallasea, your sister... died again."
"W-What?" mahinang tanong ni Naida habang nakatingin pa rin sa akin. "I... I don't understand. She's... She's still my sister. Si Cordelia pa rin itong nasa harapan ko."
"Is she?" Natigilan ako noong marinig ang isang pamilyar na tinig. Napabaling ako sa may pintuan ng chamber at namataan doon si Carolina. She's here! Sa tabi naman nito ay iyong kaibigan ni Raina. One of the members of Tyrants! Alessia from the realm of Northend! "Siya pa rin ba ang kapatid mo, Naida?"
"Carolina-"
"Don't you speak my name, Hydra," seryosong saad ni Carolina at muling inihakbang ang mga paa. Mabilis namang sumunod si Alessia sa kanya. Lito naman akong tumitig sa kanya. Hydra? Did she just call me Hydra? "You've been waiting for this day to come, huh?"
"Carolina, stop." Mabilis namang hinawakan ni Alessia ang braso nito kaya nahinto ito sa paglalakad. "I can sense that she's not fully awake. We still have time to prepare before she finally recovers her magic." Bumaling sa akin si Alessia. "I'm pretty sure that she's still Cordelia."
"What?" tanong ni Carolina at tiningnan ako mula ula hanggang paa. "Pero... she already summoned the Guardians!"
"Of course, she can summon them. Nasa dugo na nila ang gamitin ang kakayahang iyon upang tawagin ang Guardians," muling wika ni Alessia at bumaling sa hari ng Vallasea. "Your Majesty, the King of Northend and the rest of the Tyrants are already here in your realm. We will assist and help you with this battle. Ganoon din ang Phoenix Knights sa pangunguna ng kanilang lider na si Atlas. Alam na nila ang gagawin kung sakaling dumating na ang mga inaasahang bisita ng Vallasea. And I already casted a powerful barrier. Hindi sila basta-bastang makakapasok sa sentro ng realm na ito."
Napaatras akong muli at litong napailing na lamang. Napapikit ako at wala sa sariling napahawak sa ulo noong kumirot ito. Ano bang nangyayari ngayon? Wala na ang mga kalaban namin! Wala na ni isang miyembro ng Phantom ang narito ngayon sa palasyo kaya naman bakit naghahanda pa rin sila para laban?
Sino na ang kalaban namin ngayon? Anong klaseng nilalang ba ang haharapin namin na pati ang Tyrants ng Northend at Phoenix Knights ay makikipaglaban at tutulungan ang buong Vallasea?
"Cordelia?" Napamulat ako ng mga mata at napatitig kay Naida. May kung anong emosyon akong nakita sa mga mata nito. "You're... You're still Cordelia, right?"
"Of course. Ako pa rin naman ito," wala sa sariling sagot ko sa kapatid.
Tumango sa akin si Naida at tinalikuran ako. Hinarap niya ang amang hari at mabilis na iniluhod ang isang tuhod na siyang ikinagulat ko. Maging si Amaya ay gulat na napatitig sa ginawa ni Naida. "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kaya naman ngayon pa lamang ay humihingi na ako nang tawad sa'yo, Your Majesty," seryosong saad ni Naida. Matamang nakatingin naman ang mga magulang namin sa kanya. "You told me to stay away from her. Why? Because she's not my sister? Not anymore? Sorry, but I really don't understand, Your Majesty. This woman behind me is clearly my sister. She's Cordelia, the first royal Princess of Vallasea. Matagal na nating inalis ang titulong iyon sa kanya at ngayong nagbalik na ang lahat kay Cordelia, ang mga alaala at ang kapangyarihan nitong matagal nang ipinagkait sa kanya, bakit hindi pa rin nating pwedeng ibigay ang kung anong dapat ay sa kanya?"
Naida...
"I'm sorry, but I don't want her to suffer anymore. She already suffered for twenty years. Hindi pa ba sapat ang taong iyon? Your Majesty, please forgive me. If your words earlier were a royal command, then I'll accept all the punishment you'll give me."
"Naida!" It was Amaya. Lumayo ito mula sa pagkakayakap sa inang reyna at patakbong lumapit sa nakatatandang kapatid. "What are you talking about? Disobeying a royal command? Ipapahamak mo ba ang sarili mo?" mariing tanong nito sa kapatid at hinila ito upang tumayo. "Come on. Don't do this!" muling saad nito at binalingan ang ama. "Your Majesty, please ignore her," dagdag pa niya at muling sinubukang hilain si Naida mula sa pagkakaluhod.
"That's enough," mariing saad ng hari na siyang ikinatigil ng dalawa sa harapan ko. Napailing na lamang ito habang nakatingin sa dalawang anak at mayamaya lang ay itinuon muli sa akin ang atensiyon. "Where's Kallan?" He coldly asked me. Halos sabay namang bumaling sa akin ang dalawang nakababatang kapatid. "Answer me. Nasaan ang prinsipe?"
Napalunok ako at wala sa sariling napailing. "I... I don't-"
"You summon the Guardians and commanded something. Tell me, anong klaseng utos ang ipinagawa mo sa kanila?"
Natigilan ako at inalala ang naging utos ko sa Guardians kanina. "F-Finish all the members of Phantom... Kill t-them all," mahinang turan ko at noong mapagtanto ko kung ano ba ang nangyari kay Kallan, wala sa sarili akong napatingin sa royal robe nito na ngayon ay hawak-hawak ni Naida. Segundo lang ay nabitawan ito ng kapatid ko at mula sa pagkakaluhod, walang lakas itong napaupo sa sahig ng silid. Mabilis naman itong dinaluhan ni Amaya.
"Don't tell me-"
"Prince Kallan was a traitor," malamig na turan ni Alessia na siyang ikinatingin ko sa kanya. "Kakatapos lang ng imbestigasyong ginawa namin sa main headquarters ng Phantom. It was late because someone was kept on blocking and interfering with us. But with the help of Scarlette's ability, natukoy namin ang traydor na siyang nagbibigay lahat ng impormasyon sa Phantom. It was Prince Kallan."
"No!" sigaw naman ni Amaya. "My twin brother is not a traitor! Tell them, Cordelia! Hindi ba iyong lalaking nakaharap natin kanina, iyong nagpapanggap na Kallan, siya 'di ba ang traydor? Hindi si Kallan!" galit na wika nito habang nakatingin sa akin. "Tell them!" She screamed. "Kallan is not a traitor! Nagkakamali kayong lahat!"
"Amaya," tawag ng reyna sa bunsong anak na babae. "Come here, my princess."
Mabilis namang lumayo si Amaya kay Naida at tumakbo pabalik sa bisig ng ina. This time, si Amaya na ang umiiyak habang inaalo ng reyna. Napatitig ako sa dalawa at noong bumaling sa akin ang reyna, bigla akong nawalan ng lakas upang salubungin ang titig nito sa akin.
"Alam kong nais mo lang matapos ang kaguluhan ng realm na ito. Alam ko iyon... alam namin iyon. Simula pa lang, alam namin ang kayang gawin mo, Cordelia. Simula pa lang, alam naming mangyayari ito," mahinahong saad ng reyna sa akin. "Ginawa ko ang lahat upang maiwasan ang nakatakdang mangyari. I tried my best to protect you. And I succeeded. But... another Seer from Oracle saw a horrible precognition. At sa pagkakataong ito, isa sa mga kapatid mo ang mapapahamak kapag bumalik na ang kapangyarihan mo. I... thought I can protect you and your siblings." She started to cry again. Nanuot na naman muli ang sakit sa dibdib ko. "I thought I was powerful enough to save you and change your future."
"Mommy... Kallan is not a traitor," mahinang saad ni Amaya habang yakap-yakap ang ina. "He loves to annoy me all the time, but he's not a bad guy. He loves us. He can't betray us."
Muli akong napaatras sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin inalis ang paningin sa mga taong nasa harapan ko. At sa bawat pag-atras ko, unti-unting nadudurog ang puso ko.
Ano itong nagawa ko?
"Times up, Cordelia." Napaawang ang labi ko noong biglang may narinig akong tinig sa isipan. This time, it's a different voice! Tinig iyon ng isang babae! What the hell? "The seal was really powerful! Akalain mong umabot ng dalawampu't taon akong nakakulong sa katawang ito." Tumawa ito kaya naman ay mabilis kong inilagay ang dalawang kamay sa ulo. Halos mapamura ako noong biglang nakaramdam nang matinding sakit mula roon!
"Stop," mahinang saad ko at napapikit na.
"No one can stop me now, Cordelia. I'm back, and I will not stop until I end this world."
"No." Kinakapos na ako ng sariling hininga. Damn it! Sino ang may-ari ng tinig na naririnig ko ngayon? "I won't let you... I... will stop you!" I screamed and fell into my knees. Napaluhod na ako habang iniinda ang matinding sakit sa ulo.
The woman laughed again. "Sleep now, Cordelia. At kapag tapos na akong sirain ang mundong ito, ako mismo ang kusang aalis sa katawang ito. But of course, I will end your life too. So, don't worry. Makakasama mo rin agad ang pamilya mo."
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao. "W-Who are you?" I managed to utter those words. Napainda muli ako dahil sa matinding sakit sa ulo.
I heard her laugh again. "It's Hydra, my sweet little Cordelia." Hydra! Iyon ang pangalang binanggit kanina ni Carolina! So, they knew this woman? "The Highest Priestess of the Sea. The first ruler of Vallasea. The first royal... the one who got betrayed by her own people." She suddenly stopped from talking. Medyo humupa na rin ang sakit sa ulo ko. And when I was about to open my eyes again, I heard her voice again inside my head. "I was reborn inside your tiny little body. You died because you were too weak and got revived by your mother's magic, and when a Seer saw your future, they sealed me! Twenty years! I waited for twenty fucking years to be free! And now... with the help of my loyal followers, I'm free! Finally!"
I heard her laughed again and that was the last thing I remembered before everything went to black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top