Chapter 42: Chaos
She's gone.
Umalis sa katawan ko si Raina!
How can she do that? Kaya ba nitong umalis at bumalik nang kusa sa katawan ko? Even without using any magic? Wow! She's incredible! Mukhang tama lang na siya ang napunta sa katawan ko!
Hanggang ngayon ay isang malaking palaisipan pa rin sa akin ang tungkol kay Raina Louise at sa mundong pinanggalingan nito. Gordon once told me about the existence of another world. Iyong mundong ibang-iba rito sa Azinbar. A world where people doesn't have and use magic. A perfect world for someone like me... powerless. At malakas ang kutob ko na nagmula sa mundong iyon si Raina!
"At alam mo bang may ibang naninirahan sa mundong iyon na kayang magtungo sa mundo natin!" saad ni Gordon na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Ang buong akala ko ba'y walang kakayahang gumamit ng mahika ang mga taong naninirahan sa mundong iyon?" takang tanong ko sa bagong kaibigan. Umayos naman ako sa pagkakaupo sa damuhan at hinarap si Gordon. He smiled at me and shook his head.
"Hindi lahat nang naninirahan doon ay walang kakayahang gumamit ng mahika, Cordelia. Some of them possessed incredible talent, just like the one I mentioned earlier. They're the dimension travelers from that world! May ganoon din dito sa Azinbar at kung tama ang impormasyong nakuha ko, ang hari ng Northend ay may ganoong kakayahan din!"
Wala sa sarili akong napatango kay Gordon.
Kung totoo nga itong mga pinagsasabi ng lalaking ito, may pag-asa pa ako. Kung makakarating ako sa mundong tinutukoy nito, tiyak kong hindi na ako mahihirapan pa! I can live freely and forget the fact that I was born powerless in a world where magic and power are everything!
Nakapagpasya na ako. I don't want to learn magic anymore, but I don't have a choice! I need to know how to travel through dimensions! Kahit iyon na lamang! But it was never easy to have that kind of ability! For me to travel through different dimensions, I need to learn at least basic magic first! At kapag nagawa ko na iyon, aalis na talaga ako sa mundong ito at kailanman ay hindi na babalik pa rito!
"What about learning something different?" Napabaling ako kay Gordon noong magsalita ito sa likuran ko. Kunot-noo ko siyang tiningnan at noong ngumiti ito sa akin, bigla akong nakaramdaman ng takot sa bagong kaibigan. Halos isang linggo na ang nakakaraan simula noong makilala ko ito. He's not from Atlantis. He's a traveler and found me roaming around the huge backyard of Carolina's shelter mansion. Noong una ay nagtaka pa ako kung paano ito nakapasok sa premises ng shelter mansion ngunit noong makita ko ang taglay nitong kapangyarihan, alam kong kaya nitong pumasok dito ng walang kahirap-hirap. He's powerful enough to dispel Carolina's magic barrier!
"I only want to learn about how to travel through dimensions, Gordon. Hindi ako interesado sa ibang bagay," matamang saad ko sa kanya at muling itinuon ang atensiyon sa aklat na natagpuan sa library dito sa shelter mansion na tungkol sa iba't-ibang dimensyong mayroon dito sa Azinbar. "Iyon lang ang nais ko kaya naman huwag mo akong gambalain sa pag-aaral ko."
I heard him laugh. Napakunot muli ang noo ko at muling bumaling sa kanya. Mabilis namang tumigil sa pagtawa si Gordon at napatikhim na lamang. "Alam mo naman siguro ang tungkol sa dark magic?" tanong nito na siyang mabilis na ikinatigil ko. Dark magic... Of course, I know about that magic! Sino nga ba rito sa Azinbar ang hindi alam ang tungkol sa ipinagbabawal na mahika na iyan?
"What about it?" Napa-arko ang isang kilay ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Dark magic is not all about dark magic only, Cordelia," makahulugang saad nito sa akin. "Kung matututunan mo lang ito nang maayos, magagawa mong gamitin ito sa lahat... pati na rin iyang pinagkakaabalahan mong matutunan ngayon."
"I can travel through dimensions if I learn how to use dark magic?" mahinang tanong ko kay Gordon. Tumango naman ito sa akin na siyang nagpaawang ng labi ko.
Really? Kayang gawin iyon ng isang dark magic user?
And after that conversation with Gordon, I started reading and learning about the forbidden magic. At bago ko pa man mapigilan ang sarili ko, nalunod na ako. Nalunod na ako sa patibong inihanda nila para sa akin. Sa kagustuhan kong makaalis dito sa Atlantis, dito sa Vallasea... dito sa Azinbar, nagawa ko ang mga bagay na taliwas sa pananaw na mayroon ako. Learning about dark magic was really a bad decision. Sa kahit anong dahilan pa, maling-mali na sinubukan kong matutunan ang tungkol sa mahikang ito! And when I accidentally trapped Raina Louise, a dimension traveler from the outside world of Azinbar, inside my body, nagkaroon ako ng kaunting pag-asa.
Pag-asang maitatama ko pa ang pagkakamaling nagawa ko. Pagkakamaling habang buhay kong pagsisisihan.
I'm not a bad person. I'm just an unfortunate individual who wants to live freely, without judgement from the people around me. Nais ko lang mamuhay nang payapa ngunit mukhang ang isang kagaya ko ay kailanman hindi makakaranas ng ganoong pamumuhay. Dahil simula noong ipinanganak ako sa mundong ito, isang masalimuot na buhay na ang nakatakda para sa akin.
I've learned everything about myself, thanks to Raina Louise. I was born as a royal, the first born of the current royal family of Vallasea. Noon pa man ay may ideya na ako sa totoong pagkatao ko ngunit dahil wala naman akong sapat na lakas upang kumpirmahin iyon, nanahimik na lamang ako at kinimkim ang lahat. Maraming mga katanungan ang pumasok sa isipan ko. Why me? Bakit ako ang nagkaroon ng ganitong kapalaran? Bakit kailangang ilayo ako sa palasyo at ikulong sa shelter mansion ni Carolina?
Royals of Vallasea are powerful. Alam ng lahat iyon!
So... why am I powerless? Sa magkakapatid na anak ng kasalukuyang hari at reyna... bakit ako lang ang walang kakayahang gumamit ng mahika? Why am I different and useless? Anong nagawa kong kasalanan para maging ganito ang kapalaran ko?
"I will help and save you, Cordelia." Iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Raina Louise. Na kahit alam na nito ang ginawa ko sa kanya noon, she still insisted to help and save me from drowning to my own despair. "Kung natatakot ka sa maaaring gawin mo kapag makabalik ka sa katawan mo, please, don't be. Hindi mo magagawang saktan ang pamilya mo at ang realm na ito. You're not that bad, Cordelia. Ramdam ko iyon. Your heart is just broken because of what happened to you, but you're not a bad person."
No, Raina. Ako mismo ang nagpasyang gumamit ng itim na kapangyarihan. Learning and using dark magic is forbidden here in our world! Isang malaking pagkakasala ang ginawa ko kaya marapat lang na parusahan ako sa paggamit ng ipinagbabawal na mahika!
"I'm going to leave this body and go to Afterworld. Make sure to guard it until I return... or until the real Cordelia decided to return to her body, and fight with you to save your parents and this realm."
Malaki ang tiwala sa akin ni Raina. Pero... bakit? Bakit siya magtitiwala sa isang katulad ko? Isang katulad ko na walang ibang alam gawin kung hindi sirain ang tiwala ng mga taong nakapaligid sa akin? Carolina, Dylan, and even my own parents! Lahat sila ay binigo ko! So, why? Why, Raina? Bakit ganito na lamang ang tiwalang ibinibigay mo sa akin?
"Your feelings are valid, Cordelia. I understand you. Walang perpektong anak, at lalong walang perpektong magulang. Minsan na rin akong nawala sa tamang landas dahil sa galit ko kaya naman ay wala akong karapatang husgahan ka sa mga nagawa mo. Ngunit hindi pa huli ang lahat, Cordelia. You can always start over and be with your real family. Everyone deserves a second chance kaya naman ay bigyan mo nang pangalawang pagkakataon ang sarili mo. Sa dami nang pinagdaanan mo, deserve mong maging masaya at makasama ang pamilya mo, Cordelia."
Sa lahat ng mga nangyari sa akin habang nabubuhay sa mundong ito, ang makilala si Raina ang isa marahil sa pinakamagandang nangyari sa akin. She never hated me for doing bad things to her. Instead of punishing me, she tried to understand me. Ibang-iba sa inaasahan kong makuha sa mga taong matagal ko nang nakakasama dito sa Vallasea!
Second chance... Alam kong hindi ko deserve ang magkaroon ng pangalawang pagkakataon ngunit para kay Raina Louise, para sa taong itinuring akong kaibigan kahit na nagkasala ako sa kanya, gagawin ko ito. I'll try to move forward and redeem myself from all the bad decisions I made before!
Slowly, I opened my eyes. Maingat akong kumilos at naupo mula sa pagkakahiga. "Cordelia!" It was Naida's voice. Napabaling ako sa kanya at noong magtagpo ang paningin naming dalawa, tipid akong ngumiti sa kapatid.
I'm two years older than Naida. Sa unang tingin, mapagkakamalang iisang tao lamang kami. Almost same height, same body size, same hair color. Mas expressive nga lang ang mga mata nito kumpara sa akin. My eyes are dull and almost lifeless. Siguro ay dahil ito sa mga nangyari sa akin.
"Are you okay?" rinig ko namang tanong ni Amaya, ang mas nakababatang kapatid kong babae. I smiled at her, too. Hindi ko inaasahan ito. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging turing nila sa akin sa pagbabalik ko sa sariling katawan! Raina Louise, anong mahika ang ginamit mo para maging ganito ang trato ng mga kapatid ko sa akin? Anong klaseng mahika ang ginamit mo upang maging magaan ang pakikitungo ng dalawa sa walang kuwentang kapatid nila?
"Cordelia, did you manage to dispel it?" tanong ni Naida sa akin.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na tumayo. Ganoon din ang ginawa ng dalawa habang matamang nakatingin sa akin. Mayamaya lang ay inangat ko ang isang kamay at matamang tiningnan iyon.
I can feel it. My overflowing magic. Wala na ang magic seal ng reyna sa katawan ko!
"The seal is gone," mahinang saad ko at tiningnan muli si Naida. Humugot akong muli ng isang malalim na hininga at pinakiramdaman ang paligid. I can still feel the dark energy I felt earlier at mas lumakas pa ito. What happened? Paanong nawala ang magic seal ng reyna?
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napailing na lamang. "I... I'm having a bad feeling about this. Now that the seal is finally dispel, I'm afraid that something bad happened to the Queen."
"What?" Halos sabay na tanong ng dalawa sa harapan ko.
Kung hindi si Meredith ang nag-dispel ng seal sa katawan ko, natitiyak ko na ang reyna iyon. But she was firmed with her decision before! She will never dispel the seal kahit na ikapahamak niya pa ito! So... why? Bakit nawala ang seal sa katawan ko? Is she okay? May masama bang nangyari sa kanya?
"We need to go now, Cordelia. Kailangan na nating magtungo sa chamber ng mga magulang natin!" mariing saad ni Naida sa akin. Tiningnan kong muli ang kapatid. "Nakikiusap ako sa'yo. We need to go now and save our parents!"
"Cordelia, please. If you can finally use your magic, please, use it to save them!" Amaya's voice broke. Mariin itong napapikit at kumapit sa braso ni Naida. "Let's save them... please."
"We will save them," mahinang saad ko at ikinumpas ang kanang kamay. Dark energy suddenly appeared in my hand and for some reason, it's visible! Kitang-kita ko ito, maging ng mga kapatid ko! Agad namang natigilan ang dalawa at gulat na napatingin sa akin. Napalunok ako at mabilis na umayos nang pagkakatayo. "But first, let's get rid of our enemies. Nagkalat silang lahat sa sentro ng Vallasea at dito sa palasyo. Let me finish them first before saving our parents," dagdag ko pa at yumukod. Dinampot ko ang sandatang binitawan kanina ni Raina noong umalis ito sa katawan ko. It was the ancient royal weapon that the King of Vallasea gave to me. A weapon that only a true blooded royal can use and release its true magic.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong sinugatan ang kaliwang palad at ikinalat ang dugo sa sahig na kinatatayuan. Napaatras naman ang mga kapatid ko at tahimik na pinagmasdan ang ginagawa ko ngayon.
Walang ingay kong iginalaw ang sugatang kamay at hindi na nag-abala pang umupo upang gumawa ng magic circle sa sahig, kagaya nang ginagawa ni Raina kapag gumagawa ng magic cirle. Nanatili akong nakatayo habang gumagawa ng magic circle. At noong matapos na ako sa ginawa, muli kong iginalaw ang kamay at agad na umilaw ang magic circle. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at mas pinalawak ang sakop ng magic circle ko. Mula sa silid na kinaroroonan namin, hanggang sa labas ng palasyo kung saan naroon ang mga miyembro ng Phantom.
"Cordelia, anong nangyayari-" Hindi na natapos ni Naida ang dapat na itatanong sa akin noong magsalita akong muli.
"Guardians of the Great Sea King... Hear my command... Take my blood, take my offer. Punish all the enemies here in our realm, and bring them all to the deep, dark, and endless bottom of the sea." I carefully uttered those words and cut my hand again using the ancient royal weapon. Muling kong isinaboy ang sariling dugo na siyang mas lalong nagpalakas sa magic circle na ginawa kanina.
"Cordelia... masyadong maraming dugo na ang nawawala sa'yo!" rinig kong sambit ni Naida sa harapan ko.
Binalingan ko ito at tipid na nginitian. "They can take all my blood, Naida... Kung iyon ang kailangan nila upang sundin ang nais ko, hindi ako magdadalawang-isip na sugatang muli ang katawang ito."
"But-"
"I'll be fine. Kapag natapos na ako sa ginagawa, magtutungo na tayo sa chamber ng mga magulang natin." I smiled again.
Hindi na muling nagsalita si Naida at tahimik na pinagmasdan na lamang ako.
I took a deep breath, and slowly closed my eyes. Pinakiramdaman ko ang paligid at noong maramdaman ko ang enerhiya ng mga Guardian na tinawag ko kani-kanina lang, napangisi ako. Go and kill them all. Punish them and take my blood as your reward. Alam kong uhaw na uhaw kayo sa dugo at kapangyarihang taglay ng katawan ito. Take it and do what I want! Finish all the members of Phantom! Punish and kill them!
"Chaos." Mabilis akong natigilan noong may narinig akong tinig sa isipan. It was a deep and unfamiliar voice. Napakunot ang noo ko at nanatiling nakapikit habang pinapakiramdaman muli ang nangyayari sa paligid. Mayamaya lang ay unti-unting nawawala ang presensiya ng mga miyembro ng Phantom na ngayon ay nasa Vallasea. Maging ang mga miyembrong nasa palasyo ay unti-unting nawawala na ang mga kapangyarihang taglay nila!
The Guardians are really powerful! Walang laban ang mga dark magic user na miyembro ng Phantom sa kapangyarihan ng mga Guardian! "The real chaos is finally here." Muli kong narinig ang tinig na iyon kaya naman ay napamulat na ako ng mga mata. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid at noong mapansing kaming tatlo pa rin ng mga kapatid ko ang narito sa silid na kinaroroonan, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.
Akmang magsasalita na sana ako upang yayain na sila Naida na umalis na sa silid at magtungo na sa chamber ng hari at reyna noong muli kong narinig ang tinig na kanina ko pa naririnig sa isipan.
"Welcome back, Highest Priestess of the Sea."
Highest what? Anong pinagsasabi nito?
"Let's ruin this world again. Now that their protector is gone, we can finally bring chaos and end to this world. Let's not just end Vallasea. Let's end the whole Azinbar... once and for all."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top