Chapter 41: Leave

Hindi ko na alam kung ilang minuto na ako sa loob ng dimensyong ito. At sa hindi malamang dahilan, tila wala akong makitang daan palabas dito!

This is not good! Hindi ako maaaring magtagal dito! Kailangan kong makausap si Meredith tungkol sa sinabi niya sa akin noong nagkausap kami sa Afterworld! Siya lang ang may kakayahan ngayon na alisin ang mahikang nasa katawan ni Cordelia. I need her to dispel the seal and save Cordelia's parents!

"Damn it!" mariing bulalas ko at muling tiningnan ang madilim na paligid. Tumigil ako sa paghakbang ng mga paa at humugot ng isang malalim na hininga. "Come on, Raina. Find the fucking exit!" bulalas ko at muling kumilos. Nagpatuloy ako sa paglalakad at noong makaramdam ng kakaibang enerhiya sa paligid, mabilis akong naging alerto.

Muli akong nahinto sa pagkilos at noong mas lumakas ang enerhiyang nararamdaman ngayon, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong tumakbo palayo sa enerhiyang biglang gumambala sa akin sa dimensiyong kinaroroonan.

Where's the exit? Napangiwi na lamang ako at nagpatuloy sa pagtakbo. I feel like I'm just running in a full circle! Walang katapusan itong dimensiyong kinaroroonan ko ngayon! This is frustrating! Nagsasayang ako ng oras kakatakbo sa lugar na ito! Damn it!

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao noong maramdaman na nasa likod ko na ang enerhiyang kanina ko pa nilalayuan at akmang hahakbang na sana akong muli noong mabilis akong natigilan at napirmi sa kinatatayuan. Kusang nanlaki ang mga mata ko at napabaling sa likuran.

No one.

I saw no one.

Nagpalinga-linga ako at sinubukang ihakbang muli ang mga paa ngunit tila may kung anong pumipigil sa akin ngayon! Napayuko ako at pilit na inaaninag ang mga paa. What the hell is this? Ito ba iyong enerhiyang kanina ko pa nararamdaman? Ito ba ang pumipigil sa akin ngayon?

"Stop moving." Mabilis akong natigilan noong marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Napakurap ako at nagpalinga-lingang muli sa paligid. "This place will drain your energy if you keep running around. Maling dimensiyon ang napasukan mo, Raina."

Napaawang ang labi ko at napatitig sa harapan noong biglang nagkaroon ng liwanag. Segundo lang din ang lumipas noong napuno ng liwanag ang dimensiyon na kinaroroonan ko ngayon. From a deep dark dimension, now all I can see is light! What the hell? Anong klaseng mahika ito? Light magic? No... Iba ito sa light magic na alam kong mayroon ang mundong ito!

"Ang buong akala ko'y nakausap mo na si Meredith, hindi pa pala." Napatitig ako sa taong nasa harapan. Paanong narito ito ngayon sa dimensiyong ito? "Nawala na ang bisa ng mahika ng reyna kaya naman ay nagawa kong gumamit ng mahika at sinundan ka sa dimensiyong ito."

"C-Cordelia." I uttered her name. "Anong... Paanong-"

"It was nice finally meeting you, Raina Louise." Cordelia smiled at me. "And thank you for everything. Kahit na ipinahamak kita, ginawa mo pa rin ang misyon mo." Nawala ang ngiti nito sa labi. Nanatili naman akong nakatingin kay Cordelia at namataan ang malungkot na ekspresiyon nito sa mata. "All my life, lahat ng taong nakapaligid sa akin, pilit na inilayo ako sa katotoohanang dapat matagal ko nang alam. Wala ni isang naglakas loob na suwayin ang royal order ng mga magulang ko, kahit na si Dylan pa o si Carolina. And hurts me. Pakiramdam ko'y wala akong kakampi sa mundong ito. Not until you came." She sighed and bit her lower lip. "I summoned you to our world and trapped inside my own body."

Mabilis akong napailing sa tinuran nito. "You did not summon me here, Cordelia. Kagustuhan ko ring mapunta rito sa Azinbar. Alam mo ang tungkol sa aking ama, hindi ba? He was the reason I travelled here."

"But I did trap you inside my body," malungkot na saad nito sa akin. "And I'm sorry for doing that. I... was desperate and disappointed with myself. I wanted to run away and just leave... disappear... and die. Gusto ko lang mawala noon ngunit nang mapunta ka sa katawan ko, I realized that all my reasons and excuses before I met you were all trash and nonsense. Masyadong mababaw ang lahat nang naramdaman ko para sirain ang buhay na pilit prinotektahan ng mga magulang ko."

"Your feelings are valid, Cordelia," matamang saad ko sa kanya. Tiningnan ko ito at pinagmasdan nang mabuti. "I understand you. Walang perpektong anak, at lalong walang perpektong magulang. Minsan na rin akong nawala sa tamang landas dahil sa galit ko kaya naman ay wala akong karapatang husgahan ka sa mga nagawa mo." I sighed and moved my feet. Nagsimula akong maglakad at nilapitan ito sa puwesto niya. "Ngunit hindi pa huli ang lahat, Cordelia. You can always start over and be with your real family." Inabot ko ang kamay nito at tipid na nginitian. "Everyone deserves a second chance kaya naman ay bigyan mo nang pangalawang pagkakataon ang sarili mo. Sa dami nang pinagdaanan mo, deserve mong maging masaya at makasama ang pamilya mo, Cordelia."

"Raina-"

"We will save your realm, Cordelia." Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nito. "Ang kapangyarihang taglay mo ang magliligtas sa buong Vallasea. And I'll stay. Sasamahan kita hanggang sa tuluyang maging ligtas ang realm na ito."

"R-Raina, I can't-" Natigilan ako noong mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Cordelia. Tila nahihirapan ito kaya naman ay naalarma ako sa kung anong nangyayari sa kanya.

"What's wrong, Cordelia?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"My body... something's happening with my body!" saad nito at mabilis na napasigaw. Napaluhod si Cordelia kaya naman ay mabilis ko itong dinaluhan. "I... I can't control it anymore, Raina. K-Kailangan mo nang umalis sa dimensyong ito," aniya at hinawakan na rin ang kamay ko. "I'll be waiting for you, Raina."

Tumango ako sa kanya. "Gagawin ko ang lahat upang makabalik sa Vallasea."

Marahang tumango na rin si Cordelia sa akin. "And Raina... I need to ask you a favor." Napakunot ang noo ko sa naging tono ng boses nito. Tipid itong ngumiti sa akin at muling napadaing. Napahawak na ito ngayon sa may dibdib niya. "If I ended up hurting my family, especially my sister Naida, the next Queen of Vallasea, please... j-just kill me. K-Kill me before I got a chance to hurt my family." Napaawang ang labi ko sa narinig mula kay Cordelia. "I'm cruel, right?" A tear escaped from her eye. "I'm sorry, Raina. Ikaw lang ang kayang pumigil sa akin. Ikaw lang at wala nang iba pa." She screamed again. Halos mamilipit na ito dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon. "I'm losing it, Raina. I need to go now!" muling saad nito at sa isang iglap, mabilis na nawala sa hararap ko sa Cordelia.

Nawala na rin ang liwanag na mayroon sa buong dimensiyon at bumalik ang malamig at madilim na paligid. "Cordelia," mahinang sambit ko sa pangalan nito at tumayo mula sa pagkakaluhod.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon sa palasyo ng Vallasea ngunit natitiyak kong may kung anong hindi magandang nagaganap ngayon doon! "Kung wala na ang seal sa katawan nito, it means... she can freely use her magic. At kapag nangyari iyon..." Napaawang ang labi ko noong may napagtanto sa mga nangyayari. "Kung hindi si Meredith ang nag-dispel ng seal sa katawan nito, maaari ang reyna ang kusang nag-alis ng mahika nito sa katawan ng anak niya!"

But why?

Napahawak ako sa sintido ko at pilit na ikinalma ang sarili. No. I can get all the answer about that later! Ngayon ay dapat kong ituon ang buong atensiyon sa kung paano ako makakaalis sa dimensiyong ito! Damn it!

Come on, Raina! Think!

Ilang minuto na ang lumipas noong nawala si Cordelia at halos sabunutan ko na ang sarili dahil hindi ko pa rin magawang makalabas sa dimensiyong napuntahan. And Cordelia was right! She told me earlier to stop from moving because this place will drain my energy! And now, I can slowly feel it! Tila unti-unting nanghihina na ang katawan ko dahil sa ginagawang paghahanap sa exit ng dimensiyong ito!

Napailing ako at muling huminto sa pagkilos. "This is not good. Natitiyak kong bago pa man ako makalabas dito ay ubos na ang enerhiya ko!" I cursed again under my breathe. Napapikit ako at noong akmang kikilos na sana akong muli noong may naramdaman akong presensiya sa tabi ko. Mabilis akong napadilat ng mga mata at napabaling sa gawing kanan ko.

"This is one of the deepest and dangerous dimensions we have here in Azinbar," saad ng lalaking nasa tabi ko na ngayon. Mabilis akong napalayo sa kanya. Madilim ng muli ang buong paligid kaya naman ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito! Damn it! "For someone who recently discovered this ability, I'm impressed that you managed to survive after staying for so long inside this dimension. Anak ka nga talaga ni Rianna Dione. Amazing and strong."

Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. Kilala niya si mommy!

"Who are you?" Hindi ko na napigilan pa ang sariling magtanong sa kanya. If this man knew my mother, then, he's not an enemy! "Can you help me? Matutulungan mo ba akong makaalis dito?"

"I'm the current King of Northend, Raina," sagot nito na siyang ikinaawang ng labi ko.

King of Northend? The King Louis IV of Northend?!

"I'm a dimension traveler, too. Just like you and your father, Treyton."

"Oh my God!" bulalas ko at mabilis na lumapit muli sa kanya. "Your Majesty, I didn't expect to meet you here!" saad ko at umayos nang pagkakatayo sa puwesto ko kanina. "And I know that this is really inappropriate for me to ask favor from you, but I don't have a choice right now! Can you help me, Your Majesty? Kailangan kong makabalik sa Vallasea sa lalong mabilis na panahon!"

"You still want to finish your mission?" tanong nito na siyang mabilis na ikinatango ko sa kanya.

"Yes, Your Majesty. Kahit na nakabalik na ang aking ama sa mundo namin, nais ko pa ring matapos ang misyon ko sa Vallasea, ang misyon ko kay Cordelia."

Mayamaya lang ay narinig ko ang pagbuntonghininga ng hari ng Northend. Mabilis naman akong natigilan sa puwesto ko. "You already knew about the prophecy, right? The fate of the first born royal of the current royal family of Vallasea." Napalunok ako at hindi nakapagsalita. Nanatili akong tahimik kaya naman ay nagpatuloy sa pagsasalita ang hari. "Meredith came to Northend and visited the Tyrants and Captain Mary's body. I managed to have a conversation with her, and she told me about the other prophecy... But this time, hindi iyon tungkol sa naunang tagapagmana ng Vallasea."

"A-Anong sinabi sa'yo ni Meredith, Y-Your Majesty?" Kinakabahang tanong ko sa hari.

"It's about you and the real mission you have here in Azinbar, Raina."

Nanlamig ang katawan ko sa narinig. "Real mission? H-Hindi ba ang misyon ko rito ay ang tulungan si Cordelia? Ang tulungang makabalik ito sa katawan niya at mailigtas ang realm nito?" litong tanong ko sa kanya.

The King of Northend sighed again. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang paghawak nito sa balikat ko kaya naman ay muli akong napirmi sa kinatatayuan. "Ikaw na ang magpasya para sa bagay na ito, Raina. Kapag makita mo ang sitwasyon sa Vallasea, tsaka mo pag-isipan kung nais mo pa bang ituloy ang misyong ito o hindi na. It's your choice. Maaari kang makabalik sa mundo mo kahit na hindi mo magawa o matapos ang misyon ito. Iba ang sitwasyong mayroon ka sa naging sitwasyon noon ng iyong ina sa loob ng katawan ni Captain Mary at Scarlette ng Oracle. You're a dimension traveler and you can leave this world anytime you want."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, isang kakaibang enerhiya ang bumalot sa buong katawan ko. Agad akong napapikit dahil sa biglaang pagkahilo. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at pilit na nilabanan ang matinding pagkahilong nararamdaman. I was about to say something when I suddenly heard a loud and powerful roar. Mabilis kong iminulat ang mga mata at gulat na napatingin sa paligid.

Wala na ako sa madilim na dimesiyong kinaroroonan kanina! "Your Majesty, nasa Vallasea na ba ta-" Hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin noong muling narinig ko ang malakas na ingay mula sa kung saan. Napatakip ako sa magkabilang tenga ko at mabilis na hinanap ang pinanggagalingan ng ingay na naririnig ngayon!

"The sea monsters of Vallasea." Natigilan akong muli noong marinig ang tinig ni Scarlette sa tabi ko. Hindi ko ito nilingon at nanatili ang mga mata sa naglalakihang sea monsters na kahit sa distansiyang mayroon kami ngayon ay kitang-kita ko pa rin ang mga ito! They're freaking huge! Tatlong sea monsters ang nakikita ko ngayon 'di kalayuan mula sa pwesto namin! "Ang buong akala ko'y gawa-gawa lamang ng mga taga-Vallasea ang tungkol sa kanila. I never expect to see them in real life."

"Anong nangyari at bakit narito ang mga iyan?" halos walang tinig na tanong ko. Hindi ko pa rin maalis ang tingin sa harapan namin. Sea monsters... Hindi ba may nabanggit sa akin noon si Meredith tungkol sa kanila? Tungkol sa pagpapakita nila rito sa Vallasea?

"Cordelia happened." It was Atlas who answered my question. This time, napatingin na ako sa kanila. Scarlette, Atlas, Tanner, Jaycee, and Dylan. Nandito silang lima at kagaya ko kanina, nasa harapan namin nakatuon ang mga paningin nila. "Grandmaster Walter already gave his orders. We'll deal with the sea monsters. Ang Phoenix Knights na ang bahala sa kanila."

"What about the Phantom?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. "Hindi ba ay inatake nila ang palasyo?"

"The Phantom?" Bumaling sa akin si Scarlette. "Cordelia already defeated them," dagdag pa nito na siyang ikinagulat ko. She did? Napakurap ako at akmang babaling na sana sa may palasyo noong magsalitang muli si Scarlette sa harapan ko. "And you must be the Raina. The daughter of Rhianna Dione." Hindi ako nakapagsalita at napatango na lamang.

"Don't worry about the Phantom. Wala na ni isa sa kanila ang kayang lumaban," saad naman ni Jaycee at binalingan ako. Tipid itong ngumiti at tumango sa akin at segundo lang ay muling bumaling sa gawi ng mga sea monster.

Damn! What did I missed while staying inside that freaking dimension? Paanong natalo ni Cordelia ang mga miyembro ng Phantom? What about Tharatos? Natalo niya rin ba ito? But that man is a monster! Hindi isang ordinaryong nilalang ang isang iyon!

"Where's Cordelia now?" seryosong tanong ko at tiningnan nang mabuti si Scarlette. Namataan ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga at muling bumaling sa harapan niya.

"There." She answered and pointed something towards the direction of the sea monsters. "She's currently controlling those monsters."

What the hell? Napaawang ang labi ko at napatitig sa direksiyon kung saan naroon nga si Cordelia!

"And Raina... I need to ask you a favor. If I ended up hurting my family, especially my sister Naida, the next Queen of Vallasea, please... j-just kill me. K-Kill me before I got a chance to hurt my family."

No, Cordelia... You can't do this to me! Hindi ko magagawa ang pabor na hiningi mo sa akin!

"I need to see her," mariing saad ko at akmang kikilos na sana ako noong biglang may humawak sa kaliwang braso ko. Marahas akong napabaling dito at agad din natigilan noong makitang si Alessia iyon.

"You can't stop her now, Raina." She coldly said to me.

Mabilis akong umiling dito. "No. I can still stop her!"

"No, Raina. Wala ka nang magagawa pa. You're just a dimension traveler and you can't even use magic! Anong laban mo sa makapangyarihang nilalang na kagaya ni Cordelia? Kaya naman ay huwag mo nang subukan pa, Raina. Ipapahamak mo lamang ang sarili mo sa nais mong gawin."

Marahas kong binawi mula kay Alessia ang brasong hawak nito. Umatras ako palayo sa kanya at muling umiling. "You can't say that to me, Alessia." Mariin kong ikinuyom ang mga kamao. "That girl already suffered before because she became powerless. Lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay itinuring itong iba at hindi nabibilang sa mundong ito! And now... now that she finally got her magic, her power back, ganoon pa rin ang tingin niyo sa kanya? She's still different? Why? Because she's too powerful for you and can even destroy this whole realm? Ganoon ba iyon, Alessia?"

"Raina, hindi mo na problema ang kung anong mayroon ngayon dito sa Vallasea. You better leave Azinbar-"

"I can't do that, Alessia! I'm tired leaving and running away whenever there's a fucking mess in front of me! Yes, I can't use any magic just like you, the Tyrants, and Captain Mary of Northend, ngunit hindi iyon sapat na dahilan upang hindi ko tulungan at iligtas ang isang kaibigan!" dagdag ko pa at mabilis na bumaling muli sa direksiyon kung saan naroon si Cordelia at ang iilang sea monsters na ngayon ay pilit na sinisira ang force field na nakapalibot sa buong lupain ng Vallasea.

I'm not leaving this realm. Not until I finally fulfill my promise to her.

Just wait for me, Cordelia. I'm coming to help you, so please, wait for me. 


Author's Note:

Eyyy after so many years, may author's note si anteh! Hahaha Hello, LOVIES! Sorry at super late ang update ko lately. Busy talaga sa adulting world! HUHU Anyway, sino ang ready for Cordelia's POV? First time ko itong gagawin sa series na ito kaya naman abangan! Target kong tapusin ang #Realm3 this year tapos deretso agad sa #Realm4!

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa sa kuwentong ito, LOVIES! Mahal ko kayo!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top