Chapter 40: Heir
Galit akong tiningnan ni Gordon habang nakaluhod sa harapan namin ng mga kapatid ni Cordelia. Muling inilapat naman ni Naida ang talim ng espada niya sa may leeg nito kaya naman ay bahagya itong napatingala.
"Where's my bother?" Naida coldly asked Gordon. Mayamaya lang ay ngumisi ang lalaki kaya naman ay hindi na napigilan pa ni Naida na sugatan ito. Gordon screamed and cursed at her. Hinawakan ng isang kamay niya ang sugat sa leeg at mas lalong dumilim ang titig nito sa amin.
I sighed and moved my feet. Lumapit ako kay Gordon at bahagya yumukod para magpantay ang paningin naming dalawa. "Stop wasting our time. Kung wala kang impormasyong maibibigay sa amin tungkol kay Kallan, just say it."
"Traitor," mariing saad ni Gordon sa akin.
Napangisi ako sa kanya. "I was never in your side, Gordon." Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ito. "Simula pa lang, alam ko na ang totoong pakay mo. You want me to trust you kaya naman ay kinuha mo ang loob ko sa pamamagitan nang pagturo sa akin ng isang ipinagbabawal na mahika dito sa Azinbar. I'm not that dumb, Gordon. Wala lang akong kapangyarihan ngunit hindi ako tanga kagaya ng kung anong iniisip niyo tungkol sa akin."
"You're lying." He said and coughed a little. Namataan ko ang paglabas ng dugo nito sa kanyang bibig. "You're worse than us, Cordelia. Mas madilim ang itim na kapangyarihang bumabalot sa puso mo. You can't hide it forever. Sooner, lalabas din ang tunay na kulay mo. Once you finally claim your power from the Queen, you'll sink this realm. You're worse than Tharatos. Alam ng lahat iyan." He smirked again and slowly, his body collapsed. Ipinikit nito ang mga mata at unti-unting inalis ang kamay sa mga sugat nito.
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao habang nakatingin kay Gordon. "He's not dead. Nawalan lang ito ng malay." Rinig kong sambit ni Naida sa tabi ko. I stay still and did not utter a single word. Bigla akong nagambala sa mga sinabi ni Gordon! No. Cordelia will never do that. She's just mad, but definitely not evil like them!
"Cordelia-"
"Finish him now, Naida." I coldly said. "Tapusin mo na siya para makaalis na tayo sa silid na ito," dagdag ko pa at umatras palayo sa kanila. Tahimik akong lumayo sa magkapatid at natigilan na lamang sa pag-atras noong tumama ang likod ko sa pader.
"Cordelia? Can you hear me?" Sinubukan kong kausapin si Cordelia. "Kung natatakot ka sa maaaring gawin mo kapag makabalik ka sa katawan mo, please, don't be. Hindi mo magagawang saktan ang pamilya mo at ang realm na ito. You're not that bad, Cordelia. Ramdam ko iyon. Your heart is just broken because of what happened to you but you're not a bad person. So, please, kung naririnig mo ako, I want you to fight and help your realm."
Noong tuluyang tinapos na ni Naida ang buhay ni Gordon, mabilis itong bumaling sa akin. Niyaya na niya kami ni Amaya na lumabas na at magtungo sa chamber ng hari at reyna. Tahimik naman akong tumango sa prinsesa at sumunod na rin sa nais niya. Nasa unahan ko ang dalawa habang walang imik akong nakasunod sa kanila.
Isang malakas na pagsabog mula sa kung saan ang nagpatigil sa aming tatlo. Mabilis na naging alerto ang dalawa kong kasama samantalang kalmadong pinakiramdaman ko lang ang paligid. "We need to hurry now," saad ni Naida at bumaling sa akin. "Let's go, Cordelia!"
Humakbang muli ang magkapatid ngunit noong hindi ako kumilos sa kinatatayuan, bumaling muli sa akin si Naida. Tumingin na rin sa gawi ko si Amaya. Mataman kong tiningnan ang magkapatid at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "Iyong sinabi ni Gordon kanina-"
"We trust you," mabilis na wika ni Amaya na siyang ikinatigil ko sa pagsasalita. "You're still our sister. Mas magtitiwala kami sa'yo kaysa sa mga salitang binitawan ng kalaban natin at ng realm na ito."
"Amaya's right," saad naman ni Naida at lumapit sa akin. I stay still and just looked at her. "Let's go and help our parents."
Napalunok ako at marahang tumango na lamang sa kapatid ni Cordelia. Tipid na ngumiti sa akin si Naida at tinalikuran akong muli. Nagpatuloy na ito sa paglalakad na siyang mabilis na sinundan naman ni Amaya.
Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at mabilis na inilapat ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi. Inulit ko iyon at sa pagkakataong ito, mas nilakasan ko ang pagdampi ng mga palad sa mukha. "Clear your mind now, Raina," mahinang turan ko sa sarili. "This is a war. You need to focus or else, bigo kang matatapos ang misyong ito," dagdag ko pa at mabilis na sumunod sa magkapatid.
Halos takbuhin na naming tatlo ang daang tinatahak patungo sa chamber ng hari at reyna ng Vallasea. Mas bumilis din ang kilos namin at hindi na huminto kahit halos yumanig ang gusaling kinaroroonan dahil sa sunod-sunod na pagsabog mula sa kung saang parte ng palasyo.
This is definitely a war! Tiyak kong pinaghandaan talaga ng Phantom ang pagsalakay nila ngayon dito sa palasyo!
"Sa dulo ng pasilyong ito ang chamber nila!" rinig kong saad ni Amaya at napatitig sa pinakadulong parte ng pasilyong tinatahak namin ngayon. Kunot-noo akong napatitig doon at noong may napansin akong kakaiba, mabilis kong kinuha ang pansin ng dalawang kasama.
"Stop!" I shouted and stopped from running. Natigil din ang magkapatid at takang bumaling sa akin.
"What now?" Amaya curiously asked me.
Napalunok ako at muling tumingin sa dulo ng pasilyo. "Hindi tayo maaaring lumapit sa parteng iyan," saad ko at mariing kinagat ang pang-ibabang labi.
"What do you mean by that, Cordelia?" It was Naida. Taka itong tumingin sa dulo ng pasilyo at noong wala itong napansing kakaiba, muli itong bumaling sa akin. "Anong nakikita mo sa dulo ng pasilyong ito?"
Hindi agad ako nakasagot sa naging tanong sa akin ni Naida. Nanatili ang paningin ko sa dulo ng pasilyo at pinagmasdan ang itim na enerhiyang nakabalot ngayon doon. May kung anong lumilipad pang itim na nilalang at kung ikukumpara ito sa mundong pinanggalingan ko, mukha itong grim reaper! Seriously? Sino ang gumawa nito? "May ibang daan pa ba tayong pwedeng gamitin maliban sa pasilyon ito?" tanong ko sa dalawa at noong may napansin akong pagbabago sa itim na enerhiyang nakikita ngayon, mabilis na nanlaki ang mga mata ko. "Let's run," saad ko at umatras ng isang beses.
"What? Run? Cordelia, sa chamber ng mga magulang natin tayo magtutungo ngayon!" mariing wika ni Amaya sa akin.
Mabilis akong umiling sa kanya at tiningnan si Naida. "We need to find another way to reach their chamber. Sa ngayon, hindi natin maaaring gamitin ang pasilyong ito," seryosong saad ko na siyang ikinatingin ni Naida sa walang katao-taong pasilyo.
They can't see it! Hindi nila makita o maramdaman man lang ang itim na enerhiyang nakikita ko ngayon! "Come on. Let's move now!" malakas na sigaw ko sa dalawa at hinawakan na ang kamay ni Amaya. Gulat itong napatingin sa akin at wala nang nagawa pa noong hilain ko ito at nagsimula nang tumakbo pabalik sa daang tinahak namin kanina. Kumilos na rin si Naida at sumunod sa akin.
Damn! Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin kapag tuluyan kaming madikit sa itim na kapangyarihang nakita ko, pati na rin iyong nakakakilabot na grim reaper na iyon! Who the hell made that thing? Si Tharatos ba? Ganoon ba ito kalakas at pati ang isang grim reaper kagaya nang nakita ko ay kaya niyang likhain sa mundong ito?
Napailing ako at wala sa sariling napatingin sa likuran namin. Nakasunod sa amin ni Amaya si Naida at noong dumako ang paningin ko sa likod ng kapatid ni Cordelia, mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi! Damn it! The dark energy I saw earlier is now spreading faster than I expected! At ngayon, halos maabutan na kami nito! This is not good!
"Naida!" sigaw ko sa pangalan ng kapatid. "Can you use your spatial magic?" tanong ko habang tumatakbo pa rin. Namataan ko ang pag-angat ng kanang kamay ni Naida at segundo lang ay tumango ito sa akin. "Activate it now! Kailangan nating makaalis sa pasilyong ito! Kahit saang parte ng palasyo, mas malayo rito, mas makakabuti sa ating tatlo!" dagdag ko pa na siyang agad na sinunod ng prinsesa.
She immediately moved her hand and used her spatial magic as I instructed. Bumaling muli ako sa harapan namin at mabilis na inihakbang ang paa papasok sa spatial magic ni Naida.
Hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Amaya at noong makalabas kami sa spatial magic ng kapatid ni Cordelia. Mabilis naman akong nagulat noong binawi ni Amaya ang kamay nito sa akin kaya naman ay napatingin ako sa kanya. "What the hell was that?" She asked me. "Malapit na tayo sa chamber nila! Dapat ay tumuloy na tayo roon!"
Wala sa sarili akong napatingin kay Naida na ngayon ay tahimik na nakatingin na rin sa akin. Napahugot naman ako ng isang malalim na hininga at palihim na tiningnan ang lugar kung saan naroon kami ngayon.
It's an empty and large function hall! Saang parte naman ng palasyo kami napadpad ngayon?
"Alam kong sinabi ko kanina na may tiwala ako sa'yo ngunit hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit mas ginusto mong tumakbo palayo sa chamber ng mga magulang natin!"
"Amaya-"
"Ikaw rin, Naida!" bulalas ni Amaya na siyang ikinagulat ng mas nakatatandang kapatid nito. "Bakit mo naman sinunod agad ang nais nitong si Cordelia? Ang akala ko ba'y tutulungan natin ang hari at reyna?"
Napakamot sa batok si Naida at humakbang papalapit sa nakababatang kapatid. Hindi naman kumilos sa kinatayuan si Amaya at inis na nakatingin sa aming dalawa ni Naida. "Cordelia can see energy that we can't see or feel, Amaya," anito at binalingan ako. "The way she reacted earlier, alam kong hindi makakabuti sa ating manatili roon at gawin ang naunang plano natin kanina."
Hindi ko inalis ang tingin kay Naida. She's really the opposite of Cordelia... or even me. The way she thinks and speak, hindi mo aakalaing mas bata ito kay Cordelia. She's so matured kaya naman ay hindi na talaga kataka-takang siya ang susunod na magiging reyna at hindi ang kapatid nito.
Mayamaya lang ay bumaling sa gawi ko si Amaya. Namataan ko ang pagsimangot nito at segundo lang ay mas naging kalmado na ang ekspresyon niya. Bumuntonghininga ito at mabilis na naupo sa sahig ng function hall. Napayuko siya at bahagyang ipinadyak ang mga paa. "Ano na ang gagawin natin ngayon? Paano kung bihag na pala ng mga kalaban ang hari at reyna?" Nag-aalalang tanong ni Amaya at tiningnan ako. "We can't let them hurt our parents, Cordelia."
Marahan akong tumango kay Amaya at naupo na rin sa may sahig ng function hall. "I have a plan but... it's risky."
"Anong plano ang mayroon ka ngayon, Cordelia?" seyosong tanong ni Naida sa akin.
"I need someone who can dispel the magic seal inside my body," sambit ko na siyang ikinatigil ng dalawa. "Kailangan kong gamitin ang buong potensiyal ng kapangyarihan ko, pati na rin ang sandatang ito," dagdag ko pa at tiningnan ang dagger na hawak-hawak. "It's risky but I guess it's worth a try."
"At kapag naibalik na sa'yo ang kapangyarihang tinutukoy mo, ano ang gagawin mo?" seryosong tanong ni Naida. "You already knew about the prophecy, Cordelia."
Napatitig ako kay Naida. "The fall of the heir will be the fall of Vallasea," marahang sambit ko at hindi inalis ang tingin kay Naida. "I know that but... I'm not the heir of this realm, Naida. Not anymore. Kaya naman wala na akong dapat ikatakot pa. The prophecy will remain as prophecy. If I die fighting and using my own magic, hindi maapektuhan nito ang buong realm. You're the new heir of the throne. Ikaw ang susunod na magiging reyna ng Vallasea. Ikaw at hindi ako, Naida."
"Cordelia-"
"I need to go and meet Meredith," saad kong muli sa kanila. Litong tumingin naman ang magkapatid sa akin. "Can you use your spatial magic and connect it to Afterworld?" Wala sa sariling tanong ko pa sa kanya.
"W-What? The Afterworld?" gulong tanong ni Naida sa akin at tumingin kay Amaya. Nagkatinginan ang dalawa at sabay na bumaling muli sa akin. "You can't go there unless you're dead, Cordelia. Ano bang pinagsasabi mo?"
Napailing ako at napakamot na lamang sa ulo. "Never mind. May ideya na ako kung paano makakarating doon." I said then placed the dagger beside me. Humugot ako ng isang malalim na hininga at inihanda ang sarili sa gagawin. "I'm going to leave this body and go to Afterworld. Make sure to guard it until I return." Ngumiti ako at matamang tiningnan ang dalawang prinsesa. "Or until the real Cordelia decided to return to her body and fight with you to save your parents and this realm." Makahulugang saad ko at humiga na. Ipinikit ko ang mga mata at kusang nilisan ang katawan ni Cordelia at pumasok sa isang dimensiyong unang natagpuan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top