Chapter 4: Skills
Dahil sa pakikipag-usap sa magkapatid na Hali at Talise, nagkaroon ako ng ilang impormasyon tungkol kay Cordelia.
First, she's an orphan. Five years old pa lang noong napunta ito rito sa shelter mansion kung saan si Carolina ang namamahala sa lahat. She's twenty years old now, five years younger than me. She's powerless, and I really think she wanted to end her life the day before I entered her body.
"Kahit na gaano pa kahirap ang naging buhay ko sa mansiyon ng mga Ferrer, hindi pumasok sa isipan ko ang saktan ang sarili," wala sa sariling sambit at nahiga sa kama. Yes, bumalik na ako sa loob ng silid ni Cordelia. Hindi rin naman ako makakaalis sa lugar na ito. Ang sabi pa nga nila Hali kanina sa akin, kilala ng mga taga-Atlantis si Carolina. Kilala rin nila ako bilang isa sa mga naninirahan sa shelter mansion na ito. Kung makaalis man ako sa pamamahay na ito, natitiyak kong agad din ako mahuhuli at ibabalik dito.
A powerless girl like Cordelia can't do anything here.
Wala itong ibang magagawa kung hindi ang sumunod sa kung anong nais ni Carolina at ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Nanatili akong nakatitig sa kisame ng silid hanggang sa may kumatok doon. Hindi ako kumibo sa kinahihigaan at noong bumukas ang pinto, isang mahihinang mga yapak ang nagpabaling sa akin sa bagong dating.
Agad naman akong napaupo mula sa pagkakahiga noong makitang si Carolina iyon. Inayos ko ang magulong buhok at matamang sinalubong ang titig nito sa akin.
"Lumabas ka raw sa silid mo kanina," anito, matamang nakatitig pa rin sa akin. "Paano ka nakalabas?" she asked me. Napangiwi ako at wala sa sariling itinuro ang bintana ng silid. Namataan ko ang pagkunot ng noo ni Carolina at noong nakuha nito ang nais kong iparating sa kanya, mabilis na nagbago ang ekspresiyon nito sa mukha. Napaawang ang labi nito at mabilis na inihakbang ang mga paa papalapit sa kamang kinaroroonan. "Cordelia, talaga bang hindi ka makikinig sa akin? Ipapahamak mo na naman ang sarili mo!"
"But I'm fine. Look, walang masamang nangyari sa akin," sambit ko na siyang ikinagalit naman ni Carolina sa akin. "Listen, I won't do anything that will harm me. Alam kong kakayanin ko ang pagtalon mula rito sa silid na ito kaya naman ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na gawin iyon kanina."
"Cordelia!"
"Kung hindi mo lang ako kinulong, dapat ay hindi ko na iyon ginawa," mariing sambit ko na siyang ikinatigil naman ni Carolina. Gulat itong napatitig sa akin at hindi agad nakapagsalita. What? Hindi nito inaasahang sasabihin ko iyon sa kanya? Ganoon na ba kalala ang sitwasyon ni Cordelia na kahit ang bagay na ito ay ikinagugulat ng mga taong nasa paligid niya? Ni hindi ba niya puwedeng sabihin ang mga salitang binitawan ko sa babaeng ito?
She's powerless, I get it, pero may karapatan pa rin itong mamuhay sa kung anong nais niya. Hindi ako papayag na ikulong na lamang ni Carolina ang babaeng ito. Pinalaki ako ni mommy na palaban, na alam ang kung ano ang karapatan ko kaya naman ay ibibigay ko ito ngayon kay Cordelia.
Freedom. Her freedom.
At para magawa ko iyon, I need to make a stand. Kailangan maipakita ko kay Carolina na kaya ni Cordelia ang magdesisyon para sa sarili niya.
"Hindi na ako bata para ikulong sa silid na ito," matamang sambit ko habang nakatingin pa rin sa gulat na si Carolina. "Kung ano man ang nangyari sa akin noong araw na natagpuan niyo ako sa lawa, wala talaga akong maalala. Hindi ko matandaan ang kasalanang nagawa ko kaya naman bakit kailangang parusahan mo ako nang ganito."
"Hindi kita pinaparusahan, Cordelia," saad ni Carolina at humakbang ng isang beses palapit sa akin. "I'm protecting you."
"Protecting?" Napa-arko ang isang kilay ko sa narinig. "This is so old fashion." Napailing na lamang ako at umayos nang pagkakaupo. "You can protect someone without taking his or her freedom. And if this is your definition of protecting someone, then, might as well update your book. Masyadong outdated."
Napailing na lamang si Carolina sa harapan ko at humugot ng isang malalim na hininga. "Now, you're talking nonsense," anito na siyang palihim na ikinairap ko. "Ganito rin ang sinabi sa akin ng magkapatid."
Magkapatid? Si Hali at Talise ba ang tinutukoy nito?
"Nag-aalala sila sa kalagayan mo, Cordelia."
"I'm fine," wika ko habang matamang nakatingin pa rin sa kanya.
"But you lost your memories," anito na siyang ikinatigil ko naman.
"Akala ko ba'y hindi ka naniniwala sa akin?"
She sighed. "I never said that," aniya at napailing na lamang. "Hindi mo na uulitin ang pagtakas sa silid na ito. You... you can go outside and meet your friends."
Napakurap ako sa narining mula sa kanya. "Really?" mahinang tanong ko habang pilit na binabasa ang ekspresiyon nito sa mukha.
Tumango naman si Carolina sa akin at mabilis na tinalikuran ako. Napakunot ang noo ko at hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanya. "Ngunit hindi mo ipapaalam sa ibang narito sa shelter ang tungkol sa kalagayan mo. Tanging ako, si Dylan at ang magkapatid lamang ang dapat na nakakaalam sa kung ano ang tunay na kondisyon mo ngayon."
Piece of cake. Wala rin naman sa plano ko ang ipagsabi sa iba ang tungkol sa pagkawala ng mga memorya nitong si Cordelia. All I want is her freedom. Iyon ang mahalaga sa akin ngayon. At kapag makuha ko na iyon, maaari ko nang simulan ang misyon ko.
"Ipagpapatuloy mo rin ang training mo," muling sambit ni Carolina na siyang ikinatigil ko naman. Muli itong humarap sa akin at matamang tiningnan ako. "Alam kong alam mo ng hindi ka nakakagamit ng kahit anong kapangyarihan. Dylan will still help and teach you. Hindi magiging excuse ang kondisyon mo sa kung anong dapat mong gawin sa shelter na ito, Cordelia."
"O-okay," medyo nag-aalangang saad ko at napatango na lamang.
So, ito pala ang ibig sabihin nila Hali kanina. They called him master because he's the one teaching us in this place! He must be a powerful person! Kung isa siya sa mga master sa lugar na ito, tiyak kong matutulungan niya ako sa misyong mayroon ako sa mundong ito! Dylan... anong klaseng training naman kaya ang gagawin ko kasama ng lalaking iyon? Mukhang close pa naman silang dalawa ni Cordelia!
"Bumangon ka na riyan at magpalit na ng damit. Dylan's waiting for you. Nasa training room na ito."
Hindi na ako nakapagsalita pa at hanggang sa tuluyan nang nakalabas sa silid si Carolina. Ilang minuto pa akong nanatili sa kama at noong napagdesisyunan ko nang kumilos, maingat akong tumayo at naglakad patungo sa kabinet kung saan naroon ang mga damit ni Cordelia.
Sa ilang araw na pamamalagi ko rito sa loob ng silid, may ideya na ako kung anong klaseng babae itong si Cordelia. Sa mga damit pa lang na mayroon siya, alam kong magkakasundo kaming dalawa. Sa lugar kung saan tiyak kong mas pipiliin ng kagaya niya ang magsuot ng mahahaba at magarbong damit, mas marami akong nakitang pantalon at simpleng damit pang-itaas.
Cordelia is a fine woman. Sakto lang ang hubog ng katawan nito. For a twenty-year old like her, her body fits her well. Mahaba rin ang buhok nito at ang mas nakakuha ng pansin ko rin tungkol sa kanya ay ang kulay abo nitong mga mata. It's beautiful.
Kumuha na ako ng isang pares ng damit sa kabinet ni Cordelia. Ang sabi ni Carolina ay may training daw ako ngayon. Kung anong klaseng training man ang tinutukoy nito, mas makakabuting magsuot ako nang komportableng damit. Mabilis akong nagbihis at noong naging komportable na ako sa suot na damit, maingat akong naglakad patungo sa harap ng salamin.
Hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Reading my mom's diary was a big shocked to me. It was all fiction, hindi totoo. At ngayong nasa parehong sitwasyon na ako, ngayong nararanasan ko na ang kung anong nabasa ko sa diary ni mommy, bigla akong kinabahan at nag-alala sa magiging kapalaran ko sa mundong ito. My mom entered Captain Mary and Scarlette's body. Parehong malalakas ang tunay na may-ari ng katawang iyon. Hindi nahirapan si mommy na gawin at tapusin ang mga naging misyon niya. But me... it's different. Cordelia is a weak girl. Hindi nito kayang makipagsabayan sa mga taong nasa paligid niya.
I pity her, yes. Kabaliktaran ako sa kung anong mayroon siya sa mundong ito. Raina Louise is the opposite of Cordelia. I have everything in my real world while Cordelia, tila ipinagkait sa kanya ang lahat.
"We'll be fine, Cordelia," mahinang sambit ko at itinali ang mahabang buhok. "Ngayong nasa katawan mo na ako, hindi ko hahayaang mananatili kang walang kapangyarihan sa mundong ito. I'll do everything to help you. You're my mission. I will do everything for you."
Kagaya nang nais ni Carolina, nagtungo na nga ako sa training room. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari ngunit tila alam na alam ng katawang ito ang daan patungo sa training room ng shelter na ito. Wala akong ibang napagtanungan ng tamang direksiyon ngunit napunta ako sa tamang silid kung saan naroon si Dylan. Maingat akong humakbang papasok sa silid at tahimik na pinagmasdan si Dylan na abala sa pagtingin sa mesang naroon sa harapan niya.
Tumikhim ako at umayos nang pagkakatayo. Bumaling naman sa akin si Dylan at matamang tiningnan ako.
"Uhm... may training daw ako sabi ni Carolina," sambit ko at nagsimulang maglakad patungo sa puwesto nito. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko noong mabilis na kumilos si Dylan. May kung anong dinampot ito sa mesang nasa harapan niya at walang imik na inihagis iyon sa gawi ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya at kusang kumilos na rin. Mabilis kong iniwasan ang kung anong hinagis niya sa akin at noong matiwasay ko itong naiwasan, mabilis akong napabaling sa likuran ko. Segundo lang ay napaawang ang labi ko noong mapagtanto kung ano ang inihagis nito sa akin.
What the hell? It was a dagger!
"What the hell is your problem?" mariing tanong ko at masamang binalingan ang lalaki.
Seryoso lang itong nakatingin sa akin at ipinasok sa magkabilang bulsa ang mga kamay nito. "I was just checking if you lost your skills too, Cordelia," aniya na siyang ikinakunot ng noo ko. What? "Come and grab your weapon. Your training will start in a minute," muling sambit ni Dylan at tinalikuran ako. Laglag pa nga ko itong tiningnan. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko kaya naman ay bumaling muli sa akin si Dylan. Pinagtaasan niya ako ng isang kilay at itinuro ang mesang nasa harapan niya kanina. "Pumili ka na ng sandatang gagamitin mo, Cordelia."
Napakurap ako at wala sa sariling napatingin sa mesang itinuro nito. "You want me to use a weapon?" tanong ko at nagsimula nang maglakad patungo sa puwesto ng mesa. Mayamaya lang ay napalunok ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. Marahan kong inangat ang kamay at hinawakan ang isa sa espadang naroon.
Napasinghap na lamang ako noong mapagtantong totoong espada ang hawak-hawak ko ngayon. Wala sa sarili akong napatingin kay Dylan at takang tumitig dito. "You want me to use this? Para sa training?" magkasunod na tanong ko sa kanya. Is he for real? Ni hindi ko nga magawang gumamit nang maayos ng kutsilyo kapag nasa kusina ako! Itong totoong espada pa kaya!
Baka naman maging kritikal ulit ang kondisyon ni Cordelia pagkatapos ng training na ito!
"Hindi mo man kayang gumamit ng kahit anong mahika, magaling ka naman sa pakikipaglaban gamit ang sariling lakas at iba't-ibang uri ng sandata," sambit ni Dylan na siyang ikinatigil ko. Napakurap ako at wala sa sariling napatitig sa kanya. "I know that you lost your memories, but your skills, your skills as a sword warrior, it will still remain in you. At mukhang tama nga ako. The way you moved earlier; I know that your body still remember how to fight."
Napalunok akong muli at wala sa sariling napatingin sa hawak na espada.
So, Cordelia is not powerless at all. Yes, she can't use magic, but she got some skills! She can fight... really? Well, her body is so fit! Mukhang may regular work out din naman ang babaeng ito! Kumpara sa mga katawan nila Hali at Talise, mas malaman naman itong si Cordelia. Ito ba ang dahilan? Cause she can fight and use her own body?
Kahit na wala akong ideya sa kung anong kayang gawin ng babaeng ito, I will trust her. I will trust her skills.
"Sword warrior," mahinang sambit ko at inihakbang na ang mga paa patungo sa gitna ng silid kung saan naroon si Dylan. "Hindi naman ako mapapahamak sa training na ito, right?" wala sa sariling sambit ko at matamang tiningnan ang lalaki sa harapan.
"We've been doing this kind of training for years now, Cordelia. So far, pareho pa rin naman tayong buhay," ani Dylan at nginisihan ako.
I froze for a second while looking at him smirking at me. Napakurap ako at ikinalma ang sarili. Wala sa sarili akong napangiwi at umayos na lamang nang pagkakatayo.
"Fine, let's start," mariing wika ko at inangat na ang kamay kong may hawak na espada.
Trust Cordelia's skills, Raina. Trust her body's instinct. Trust yourself.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top