Chapter 38: Free

"I can't do that to you, Raina."

Napangiwi na lamang ako noong marinig iyon mula kay Daddy. Nanatili naman ako sa puwesto ko at napahugot ng isang malalim na hininga.

My dad and I decided to leave the dark and deep dimension where we met earlier. Good thing pamilyar na si daddy sa dimension na napuntahan naming dalawa. Ilang beses na raw siya napadpad doon kaya naman ay walang kahirap-hirap kaming nakalabas at napunta sa isang malawak na lupain dito sa Azinbar.

"Hindi kita iiwan sa lugar na ito," muling saad niya at umiling sa harapan ko.

Gusto kong manahimik at tumitig na lamang sa mukha ng ama. Just like on his old pictures, walang nagbago sa itsura nito! He looks exactly the same! Talagang mas mabagal ang takbo ng oras sa mundong ito! "Raina Louise, hey, are you even listening to me?" tanong ni daddy na siyang nagpakurap sa akin. Mabilis naman akong umayos nang pagkakaupo at wala sa sariling napatango sa ama. "We'll finish your mission first. At kapag tapos ka na, sabay tayong babalik sa mundo kung saan naroon ang mommy mo."

Napabuntonghininga na lamang ako. "Dad, I'll be fine here. Kasama ko naman ang Tyrants. Huwag ka nang mag-alaala pa sa akin. Kailangan mo nang umalis sa mundong ito sa lalong madaling panahon."

"Raina-"

"Only one of us can return to our world, dad, at ikaw iyon. I still have a mission here, and you? Matagal ka na rito sa Azinbar. Azinbar doesn't need two different dimension travelers," wika ko na siyang ikinakunot ng noo ni daddy. "At kagaya nang sinabi ko kanina, I came here to find you. I came here to tell you about mommy's condition. Ngayon alam mo na ang tungkol sa sakit niya, please, just go and be with her."

My father sighed and reached for my hand. Tahimik ko itong pinagmasdan at hindi kumibo sa kinauupuan ko. "You and your mother... para kayong iisang taong lang kung mag-isip at gumawa ng desisyon. Mas inuuna niyo ang kapakanan ng iba kaysa ang sarili niyo." He smiled at me. "And you looked exactly like her, Raina."

Malungkot akong ngumiti at umiling kay daddy. "I'm not like her, daddy. I'm nothing like her." I sighed again. "I'm not strong like her. I always failed and decided to leave when everything around me was a mess... Kung hindi pa lumala ang sakit nito, hindi ako uuwi ng Pilipinas. I left her too, dad, and I regretted it. Kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos muli ang kalagayan ni mommy. Kahit na maiwan pa ako sa mundong ito, gagawin ko iyon. She needs you, dad. Ikaw ang kailangan nito ngayon. Kaya naman huwag na nating sayangin ang oras na ito. Kailangan mo na pong umalis dito sa Azinbar."

"Paano ka?" malungkot ni daddy sa akin. "Makakabalik ka ba mundo natin? May sinabi ba sa'yo si Meredith noong nakausap mo ito?"

Hindi ako nagsalita at tumango na lamang sa ama. Ayaw kong paasahin si daddy. The truth is, wala namang sinabi sa akin si Meredith. Ang napag-usapan lang naming noon ay tungkol sa pagtulong niya sa aking mahanap si daddy habang ginawa ko ang misyon kay Cordelia. And now that I finally found my father, alam kong tapos na rin ang usapan naming dalawa. But... I can't just leave and let the people of Vallasea suffered. Kahit na hindi ko man ito aminin, napalapit na ako sa mga taong nakapalibot kay Cordelia.

Vallasea is in trouble right now at kung aalis ako at hindi na babalik sa katawan ni Cordelia, ano pang silbi ang pagsisising ginawa ko noon no'ng umalis ako sa mansyon ng mga Ferrer? Anong silbi ng lahat nang ginawa ko kung gagawin kong muli ang maling desisyong ginawa ko noon?

I'm not the same Raina Louise Ferrer Sulivan before. I've learned my lesson, and I will not run away.

"So, what's your plan, Raina?" My father carefully asked me.

Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling napatingin sa malawak na lupain sa harapan. Hindi ko alam kung saang parte ng Azinbar kami napadpad ni daddy ngunit malakas ang pakiramdam ko na hindi ito malayo sa Vallasea. Even without Cordelia's body and ability to locate dark energy, I can still feel the intense and dangerous magic from a certain location near us. We're still connected to each other. Me and Cordelia.

"Babalik ako sa katawan ni Cordelia," imporma ko sa ama.

"If you want to help them, you can stay here without using someone's body," anito na siyang ikinatango ko lang. Alam ko ang bagay na iyon. Meredith told me about that. But we need Cordelia's power. At magagamit lang naming iyon kapag nasa katawan niya ako. She's still refusing to return to her own body. Mukhang wala rin itong planong tumulong sa gulong mayroon ngayon sa realm nila!

"Cordelia has an incredible magic, dad, and she's refusing to return and use her body. Kaya naman habang hindi ko pa ito nakukumbinseng bumalik sa katawan niya, I'll use it. Nasa panganib ngayon ang buong Vallasea. They need someone like her."

Tumango si daddy at binitawan ang kamay ko. Tumayo ito at kinuha ang sandatang inilapag ko kanina sa may damuhan noong nakalabas kaming dalawa sa dimensiyon na pinaggalingan naming dalawa. "I know this sword," aniya at bumaling sa akin. "That Cordelia girl can use this?" He asked me. I nodded as my response to his question. "You're right. She's powerful, but you need to be careful while staying inside her body, Raina."

"Alam ko po iyon, dad."

"Here in Azinbar, only powerful one will rule and survive." Makahulugang saad niya at lumapit muli sa akin. Inilahad nito ang espada sa harapan ko na siyang tahimik na kinuha ko naman sa kamay niya. "Ilang beses na akong napadpad dito sa Vallasea at sa ibang parte ng Azinbar. Dark magic users are everywhere. The rebellions of each realm of this world are getting stronger. Hindi madaling kalaban ang mga dark magic user sa mundong ito. Captain Mary decided to enchant a powerful magic inside her own body for that reason too. Kahit na may natalo na sila noon, hindi natatapos ang kasamaan sa mundong ito at sa paglipas ng panahon, mas dumadami lang sila, mas lumakas kumpara sa mga naunang dark magic user. Azinbar is not a safe world, Raina. Not anymore. The other realms are not safe either. You can't stay here. After your mission, promise me that you'll leave this world immediately. Hindi ka maaaring magtagal dito."

"I will, dad. Once bumalik na sa katawan nito si Cordelia at kapag maging maayos na ang kalagayan nito, aalis din po ako. Babalik ako sa mundo natin at agad na pupuntahan kayo ni mommy," wika ko na at tumayo mula sa kinauupuan ko. Tumango si daddy sa akin at muling niyakap ako. Wala sa sarili naman akong napangiti sa mahigpit na yakap ng aking ama. "I want to spend more time with you, ask you random questions about your journey here in Azinbar, but I know that I'll be selfish again if I do that. Mommy's waiting for you and Cordelia's family is waiting for her. I need to go back now, dad."

Tumango lang si daddy habang yakap-yakap ako.

"I'm happy," mahinang saad kong muli. "I'm happy to finally meet you."

"Thank you for coming here and finding me, Raina. Maraming salamat... anak." Dad said and my tears started to fall again.

Tatapusin ko agad ang misyon ko kay Cordelia at sa realm nito. Hindi na ako magsasayang pa ng oras. I need to finish this and return to my own world!

Sabay kaming nagtungo ni daddy sa isang dimensiyon. Kumpara sa unang dimensiyong napuntahan namin, may kaunting liwanag akong natatanaw sa loob nito. Nagpatuloy ako sa paghakbang ng mga paa ko at natigilan lamang noong huminto sa pagkilos ang aking ama. Taka ko itong binalingan at napakunot ang noo na lamang noong makita ang kakaibang ekspresyon nito sa mukha.

"Dad, may problema ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"I can't go any further now, Raina." He said and looked at his both hands. Napatingin na rin ako sa mga kamay niya. Mayamaya lang ay nanlaki ang mga mata ko at patakbong lumapit sa kinatatayuan nito.

"What's happening? Anong nangyayari sa katawan mo?" Natatarantang tanong ko noong makitang unti-unting nawawala ang mga kamay nito. Sinubukan kong hawakan ang kamay ng ama ngunit nabigo akong gawin ito! What the hell?

Daddy smiled at me. I froze from where I'm standing and carefully looked at my father's face.

He's slowly fading in front of me.

He's ability is back and now... he can return to our world! "We'll be waiting for you, Raina." Tumango ako sa tinuran ng ama. "Go and continue your mission. Ipagpatuloy mo lang ang daang tinatahak mo kanina. When you reach the end of this dimension, focus and remember the last thing you saw before you entered the dark and deep dimension earlier. Sa ganoong paraan, babalik ka sa kung saan ka huling naroon bago mapunta sa dimensiyong napasukan mo."

"I'll keep that on mind, dad. Thank you," saad ko at ngumiti sa ama. "Take care of her." I said, referring to my mother, his wife. "And also, don't tell her about this one. Ayaw kong mag-alala ito sa akin. Just... keep it a secret for a while and please, make her happy. She deserves to have that."

Tumango muli sa akin si daddy at ilang segundo pa ang lumipas, tuluyan nang nawala sa paningin ko ang ama. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at walang ingay na inihakbang muli ang mga paa. Mariin kong hinawakan ang handle ng espadang hawak at hindi na nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong tumakbo at noong nasa dulo na ako ng dimensiyong kinaroroonan, mabilis kong ipinikit ang mga mata. Ginawa ko ang sinabi ni daddy sa akin kanina at noong makaramdam ako ng isang matinding pressure sa paligid, alam kong hindi magtatagal ay makakabalik na ako sa katawan ni Cordelia.

One mission, done. You're next Cordelia, so you better cooperate with me!

Mabilis akong napasinghap at agad na iminulat ang mga mata. I immediately checked my surroundings at noong nakumpirma kong wala na ako sa dimensiyon kung saan kami naghiwalay ni daddy, agad kong tiningnan ang sarili. I'm back. Nasa katawan na akong muli ni Cordelia!

"What have you done, Kage? Anong ginawa mo sa kapatid ko?" Natigilan ako sa lakas ng sigaw ni Naida. Mabilis kong hinanap ito sa paligid at natigilan na lamang noong makitang galit na galit ito habang nakatutok sa dibdib ng duguang si Kage ang dulo nang hawak niyang sandata. Nakahiga na sa lupa si Kage at halos hindi makagalaw. Nakangisi naman itong nakatingin kay Naida kaya mas lalong nagalit ang kapatid ni Cordelia. "Kaninong mahika iyong naramdaman naming kanina? Answer me! Sino ang nagmamay-ari ng mahikang iyon?"

"Death himself is finally here, Naida. This is the end of this realm. He'll cancel and white out all your magic! And you know what will happened next, my dear. No one in this world can live freely without magic. Only those strong and powerful one will reign and survive!"

Natigilan ako sa narinig.

Just like what my father said!

"You, monster! Ano ba ang ginawa ng aking ama para gawin mo ito sa buong realm?" Galit na tanong ni Naida kay Kage. "Anong ginawa namin sa'yo para gawin ito sa Vallasea? This is your realm too, Kage!"

"You did nothing," mariing saad ni Kage. Masamang tiningan niya si Naida at mayamaya lang ay napaubo ito. Blood came out from his mouth. Mukhang napuruhan ito ni Naida. He's injured and almost dying. "And that's the worst part. You did nothing and let me deal with him. Kung sana'y tinapos niyo na noon ang buhay ko, sana'y hindi na aabot sa ganito ang lahat."

A deal? Kage made a deal to someone?

Wala sa sarili naman akong napahawak sa ulo ko. Ipinikit kong muli ang mga mata at pilit na ikinakalma ang sarili. Mayamaya lang ay may mga imahe akong nakita sa isipan ko.

It's Cordelia! She's awake!

"Who are you? Paano ka nakapasok sa lugar na ito?"

"My name is Tharatos. And you are?"

"Cordelia."

"Cordelia... Nice name. I like it."

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Paano ka nakapasok sa shelter mansion na ito? Outsiders are not allowed to enter its premises!"

"I can go wherever I want, Cordelia. Wanna know how?"

"H-how?"

"Because of this."

"Damn!" bulalas ko at mabilis na napaupo. Agad kong hinabol ang sariling hininga at ikinalma ang sarili. What the hell was that? Anong klaseng mahika iyong nakita ko kanina? At sinong Tharatos naman iyong nakausap ni Cordelia sa may lawa kung saan siya nahulog? Siya ba iyong nagturo sa kanyang gumamit ng mahika? But no. She told me different name before! It was Gordon! Hindi ako maaaring magkamali! Iyon ang pangalang sinambit sa akin noon ni Cordelia! "Damn it, Cordelia! Ilang dark magic user ang nakahalubilo mo habang nasa Atlantis ka?" mahinang saad ko at tumayo na.

Panay ang iling ko habang naglalakad papalapit sa puwesto ni Naida at Kage. At noong napansin nila ang presensiya ko, sabay na bumaling ang dalawa sa akin. Gulat na tumitig sa akin si Naida samantalang halos walang emosyong nakatingin naman sa akin si Kage. Pinagtaasan ko ito ng isang kilay at itinuon kay Naida ang atensiyon. "Don't kill him," saad ko at noong nasa tabi na ako ni Kage, marahan akong naupo at matamang tinitigan ito. "Who's Tharatos? Siya ba ang lider ng Phantom?" tanong ko na siyang ikinagulat ni Kage. "Did he use his magic to cancel our magic?" Ngumisi na lamang ako sa kanya noong wala akong nakuhang sagot at umayos na nang pagkakatayo.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung ano ang nangyari sa akin kanina. Kage said that death himself is finally here. That he can cancel and white out someone's magic. Mukhang umepekto ito sa mahikang ginamit ni Cordelia para ma-trap ako sa katawan niya. That man accidentally cancelled Cordelia's magic and now, I can freely enter and leave this body!

Binalingan kong muli si Naida na hanggang ngayon ay gulat pa ring nakatingin sa akin. "Stop looking at me like that, Naida. I'm not dead yet."

"But... you... you stop from breathing earlier. I thought you were-"

"Dead?" I scoffed. "My body's powerless. Walang masamang epekto ang mahikang iyon sa akin."

"But-"

"You need to finish him now, Naida. Kailangan na nating bumalik sa palasyo," seryosong saad ko at tiningnan ang daan pabalik sa palasyo ng Vallasea. "Just like he said, Death himself already arrived there and ready to take the King's throne," dagdag ko pa habang tinitingnan ang itim na enerhiyang unti-unting bumabalot ngayon sa palasyo kung saan naroon ang mga magulang nila Cordelia. "If you want to save them and your position as a royal of this realm, we better keep moving." Binalingan kong muli si Naida at ang halos walang buhay na si Kage.

I can't kill someone right now. Nagsisimula pa lang ang totoong laban namin ni Cordelia. Hindi ako maaaring mawalan nang kontrol sa katawang ito. Kaya naman hangga't maaari, dapat ay walang taga-Azinbar ang mamatay sa mga kamay ko.

"Finish this traitor, Your Highness. Free him from his own misery and save the one who's worth saving. Do it now, Naida," malamig na turan ko at matamang tiningnan ang prinsesa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top