Chapter 37: Reason

Paulit-ulit akong nagmura sa isipan habang pilit na inaayos ang pagkakatayo. Nakapikit pa rin ako at ikinakalma ang sarili sa biglaang pagkahilo.

What the hell is happening?

Napailing ako at napahawak na lamang sa may ulo. My head... damn, I feel like I'm about to passed out! Ano ba kasi ang nangyayari? Mayamaya lang ay unti-unting bumigay ang katawan ko at pabagsak na napaupo. Segundo lang din ay natigilan ako at mabilis na inilapat ang kamay sa lupang kinatatayuan. No... Wala na ako sa gubat kung saan kasama ko si Naida at iyong si Kage. Hindi ko man makita kung ano ang nangyayari sa paligid ko ngayon, malakas ang pakiramdam kong wala na ako sa gubat! Shit! This is not good. I need to stay alert at baka kung ano pa ang mangyari sa aming dalawa ni Cordelia!

Humugot ako ng isang malalim na hininga at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. Mabilis ko hinampas ang kaliwang pisngi ko at inulit pa iyon ng ilang beses para naman magising ang diwa ko. Hindi ako maaaring mawalan nang malay! Kailangan kong maging alerto at labanan ang matinding pagkahilong ito! Mayamaya lang ay nakaramdam ako ng presensiya sa paligid ko. I immediately stopped slapping my cheek. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at kahit na nahihilo pa, maingat kong iminulat ang mata.

Darkness... Iyon ang bumungad sa akin. "What is this place?" wala sa sariling tanong ko at mabilis na inilibot ang paningin sa madilim na paligid. "Where the hell am I?" pahabol na tanong ko pa at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo.

Si Naida? Nandito rin ba sa lugar na ito ang kapatid ni Cordelia?

Wala sa sarili kong inihakbang ng isang beses ang paa at natigilan noong may naapakan ako. Kunot-noo akong yumukod at kinuha iyon sa may paa ko at noong mapagtanto na ang dagger na hawak-hawak ko kanina ang natapakan ko, mabilis kong dinampot iyon. Muli akong umayos nang pagkakatayo at pinakiramdaman nang mabuti ang paligid.

I can still feel someone's presence in this dark and cold place.

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon but I have a bad feeling about this place. Kung tama ang pagkakatanda ko, bago pa man ako mahilo kanina, Naida and I were fighting against Kage.

"He who brings death is finally here! All of you will die in his damn hands! No one can escape from his magic!" That was the exact words he said to us. Ito ba ang mahika ng taong tinutukoy ni Kage? He who brings death... Dark magic. Dark and evil.

Napakagat akong muli ng pang-ibabang labi at muling kumilos. Inihakbang ko ang mga paa at nagsimulang maglakad. Kahit na wala akong maaninag sa paligid, nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa. I can't just sit and do nothing here. I need to move and find a way to get out of this place! At kung nandito rin sa lugar na ito ang kapatid ni Cordelia, kailangan ko itong mahanap sa lalong madaling panahon!

Hindi ko alam ilang minuto na akong naglalakad sa madilim na paligid na ito ngunit nakaramdam na ako nang pagod. Ipinilig ko ang ulo pakanan at napangiwi na lamang. Pakiramdam ko'y paikot-ikot lang ako sa lugar na ito! Wala akong maaninag na kahit ano kaya naman ay hindi ko alam kung tama ba itong daang tinatahak ko!

Marahas akong napabuntonghinga at huminto sa paglalakad. Muli kong pinakiramdaman ang paligid at noong mas lumakas ang presensiyang nararamdaman kanina pa, napailing na lamang ako. Mukhang sa direksiyon nito ako dinala ng mga paa ko! I was busy finding an exit earlier and forgot about it! "If the owner of this presence is an enemy, wala na akong choice kung hindi ang lumaban. I need to stay alive until I find the exit and leave this place," mahinang saad ko sa sarili at muling inihakbang ang mga paa.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakaramdaman ako ng kakaibang enerhiya 'di kalayuan sa puwesto ko. It was different from the presence I felt earlier. Mas malakas ang isang ito at ngayon ay natitiyak kong papalapit na ito sa akin!

"Damn it!" mariing bulalas ko at inihanda ang sarili. Agad kong itinaas ang kanang kamay na may hawak na dagger. Mabilis ko itong ikinumpas at kahit na hindi ko ito nakikita, alam kong nagbago ng anyo ang hawak na sandata. Isa ito sa mga nalaman ko tungkol sa sandatang ibinigay ng hari sa akin. It's an ancient weapon, a powerful one, that can transform into different types of weapons. From sword to dagger, or even a bow and arrow, I can manipulate it. Good thing Cordelia mastered all types of weapons during her stay at Carolina's sheltered mansion. Bagay na bagay sa kanya ang sandatang ibinigay sa kanya ng kanyang amang hari!

Kahit hindi ko nakikita ang atakeng papalapit sa akin, I can still feel it. Kaya naman noong maramdamang nasa harapan ko na ito, agad kong sinangga ang atakeng ginawa ng kung sino mang kasama ko ngayon sa lugar na ito. Bahagya pa akong napaatras dahil sa lakas ng impact ng atake. Napangiwi na lamang ako at mahigpit na napahawak sa handle ng espada ko. I immediately swayed my sword and started running towards the position of my enemy. Pareho kaming hindi nakikita ang isa't-isa dahil sa dilim ng paligid kaya naman ay nakakasigurado akong pinapakiramdaman lang din niya ang presensiya ko.

Mas binilisan ko ang pagkilos at noong may naramdaman na naman akong panibagong atakeng papalapit sa akin, mabilis akong tumigil sa pagtakbo at muling sinangga ito.

Isang malutong na mura ang pinakawalan ko noong tumilapon ako. Damn! Mas malakas ang atakeng iyon kumpara kanina! Wala sa sarili naman akong napadaing noong bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig. Napailing ako at hindi na nagsayang pa ng oras. Mabilis akong naupo mula sa pagkakahiga sa sahig ngunit bago pa man ako muling makatayo, isang malamig na bagay ang lumapat sa gilid ng ulo ko na siyang ikinatigil nang paghinga ko.

"Don't move." Isang malamig na boses ang narinig ko. It was a man's voice. Siya ba iyong umatake sa akin kanina? "Huwag ka nang lumaban pa," muling saad nito. Napalunok ako at mariing hinawakan ang espada sa kanang kamay. "Who are you? Paano ka nakapasok sa dimensiyong ito? At paano mo nagagawang kumilos sa lugar na ito?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Alisin mo muna ang kung anong bagay na nakatutok sa ulo ko at sasagutin ko lahat nang katanungan mo sa akin," seryosong wika ko sa lalaki.

I heard him scoffed. Segundo lang ay mas inilapat nito sa sintido ko ang hawak-hawak niya at noong mapagtanto ko kung ano ito, napaawang na lamang ang labi ko. "You're holding a gun," wala sa sariling bulalas ko.

Katahimikan. Hindi nagsalita ang lalaking kasama ko ngayon. I bit my lower lip and tried to compose myself. "Tama ako, hindi ba? Baril iyang hawak mo ngayon," maingat na wika ko habang nag-iisip kung paano makakatakas sa sitwasyong ito. If I'm right, if he's really holding a gun, he can't kill me with a single shot. Madilim ang paligid kaya naman ay natitiyak kong hindi niya ako basta-bastang matatamaan ng bala nito. I just need to stay away from him. Kailangan kong dumistansiya sa kanya kung nais ko pang buhay na makalabas sa madilim na lugar na ito!

"Who are you?" muling tanong na lalaki sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya. I tried to move my head, away from the gun, but he suddenly grabbed my arm. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at bago ko pa maiangat ang kamay na may hawak na espada, isang pangalan ang binanggit nito na siyang muling ikinatigil ko. "Rhianna Dione? Is that you?" He carefully asked me.

Napakurap ako at hindi makapaniwalang napatitig sa harapan ko. Rhianna Dione... Kilala niya si mommy?

"Yanna? Ikaw ba iyan?" muling tanong niya at inalis na ang baril sa sintido ko. Nanatili naman ang kamay niya sa braso ko at noong hindi ako nagsalita, naramdaman ko naman ang panlalamig sa kamay ng estrangherong lalaking nasa harapan. "Yanna, I can't see your face in this deep and dark dimension. Please, talk to me. Ikaw ba iyan, Rhianna?"

"I'm not her." I finally managed to speak. Napalunok ako at pilit na inaaninag ang kung sino man itong nasa harapan ko ngayon. This place is so freaking dark! Wala talaga akong makita! "I'm not my mother," dagdag na saad ko pa na siyang nagpabitaw mula sa pagkakahawak sa braso ko ang lalaki.

"Your mother?" He asked again. Sobrang hina ng boses niya na halos hindi ko na marinig noong itinanong niya iyon sa akin. "Your mother is Rhianna Dione?"

Humugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling tumango. I know that he can't see me right now kaya naman walang saysay ang pagtango ko. But... I suddenly don't have enough strength right now. Bigla akong nanghina noong bitawan niya ako kanina. Lahat ng lakas na inipon ko kanina para makatakas sa kanya ay parang bulang nawala sa katawan ko.

"You're Rhianna's daughter... You're-"

"Are you a dimension traveler?" putol ko sa dapat na sasabihin nito. Nanatili naman akong nakaupo at hindi na nag-abala pang tumayo. Mariin kong hinawakan ang handle ng espada at napailing na lamang. "Are you from our world too?"

"Oh my God!" bulalas ng lalaki at muling lumapit sa akin. I froze and suddenly get emotional when I feel him hugging me. Napaawang ang mga labi ko at hindi na nakaalma pa. Mayamaya lang ay humigpit ang yakap nito sa akin. Hindi ako kumibo at hinayaan na lamang ito. "She was pregnant when she left and returned to our world?" mahinang tanong nito sa akin.

Napapikit ako at wala sa sariling napatango. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at binitawan ang hawak na espada.

The moment I heard him mentioned my mother's name, alam ko na agad kung sino ito. Walang ibang nakakaalam sa buong pangalan ni mommy sa mundong ito maliban sa hari ng Northend, miyembro ng Tyrants, at si Scarlette ng Oracle!

Muli akong napalunok at naglakas-loob na magsalitang muli. "Are you... my father? The dimension traveler and was left here in Azinbar?" Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Hindi ito nagsalita at nagsimula na lamang umiyak habang yakap-yakap ako.

I stay still and just let him hug me. This man... is my father. Treyton Duke Sulivan. The sole reason why I went and traveled to this world is finally here!

"You need to return to our world, dad," mahinang sambit ko.

Humiwalay na sa pagkakayakap sa akin si Daddy. Umiiyak pa rin ito at naririnig ko pa ang pagsinghot nito sa harapan ko. I weakly smiled. I wanted to his face. Nais kong makita ang itsura nito ngayon. I only saw some of his old pictures with my mother. Iyon lang ang alaalang mayroon ako sa kanya kaya naman ngayong nasa harapan ko na ito, nais kong masilayan man lang ang mukha niya. I badly want to see my father's face!

"Raina... Is that your name? Iyon ba ang ipinangalan ng mommy mo sa'yo?" Natigilan ako sa sinabi niya. "Matagal na niyang gusto ang pangalang iyon. Tell me, is that your name?"

"Raina Louise. Iyon po ang ipinangalan ni mommy sa akin," sagot ko sa ama. "And I'm twenty-five years old now." Rinig ko ang pagsinghap nito noong sabihin ko iyon. Malungkot akong ngumiting muli. "Alam kong iba ang takbo ng oras sa mundong ito, but... it's been twenty-five years since she returned from this world and living without you. And... it's been twenty-five years of waiting for you to finally come home. She's waiting for you, dad. She's still waiting for you."

"I'm s-sorry, Raina. I'm so s-sorry, Rhianna." He's crying again. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi habang nakatitig sa may harapan ko. God, I wanted to see him! "Hindi ko ginustong manatili sa mundong ito. I tried my best to return but my ability to travel dimension suddenly stop!" anito na siyang ikinatigil kong muli. Say what?

"I was injured when your mom left this world. Pinauna namin itong umalis noon sa Evraren dahil tapos na ang misyon nito. She can't stay here. Unlike me, I can stay in this world as long as I can. At dahil sugatan ako noon, minabuti ng Tyrants na dalhin ako sa Northend at doon magpagaling. It took me weeks to finally recovered from my injuries and when I finally ready to travel dimensions again, my ability sudden gone. For some unknown reason, I can't return to our world. Kahit na tinulungan ako ng hari ng Northend, hindi pa rin ako makabalik sa mundo natin! Whenever I entered a dimension, sa Azinbar pa rin ang balik at bagsak ko. I was stuck and I feel like I'm forbidden to leave this world."

I heard him sighed. Frustration, pain... regret. Iyon ang nararamdaman ko sa bawat salitang sinasambit ng aking ama. "I tried everything, Raina. Araw-araw akong nagtutungo sa kung saan-saang dimensiyon... nagbabakasakaling makabalik sa mundo kung nasaan kayo ng mommy mo, but... I always failed. I always ended up staying here."

Napakurap ako at hindi na namalayan pang tumutulo na pala ang mga luha ko habang nakikinig sa mga salitang binibitawan ni daddy. For years, I hated this man. I hated him without knowing the real reason why he was not with us. Growing up without a father was painful and heartbreaking to me. I've witnessed how my mother struggled every day and every time she was having a breakdown, she always cries and call his name... over and over again. It was painful and because I can't watch my mother suffers, I leave the country and decided to stay away from her!

And now... hearing my father's broken voice, knowing how hard he tried to return to our world, I suddenly concluded the reason why he can't travel dimensions anymore. Isa lang ang nasa isip ko ngayon at kung tama ako, isa lang din ang solusyon para makabalik ito sa mundo namin at makasamang muli si mommy.

"I can travel dimensions too, dad," sambit ko na siyang ikinatigil nito. "Mukhang namana ko ito sa'yo."

"W-what?" mahinang tanong nito sa akin.

Wala sa sarili akong napangiti. "I was reading mom's diary and suddenly, my soul traveled and ended up living inside a princess body."

"What did you say? Napahamak ka ba sa mundo natin? Naaksidente ka, Raina?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Napailing na lamang ako. "No," mabilis na sagot ko sa kanya. "You're not listening, dad. I said, I can travel dimensions, just like you."

"But you said that you're inside someone's body! Iyon ang nangyari sa mommy mo noong napunta siya sa mundong ito! You did not travel some dimension, Raina! You were summoned to be here."

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang ginawa ni Cordelia? Yes, I was summoned by her, but I can travel dimension too! Kaya nga narito ako ngayon sa madilim na lugar na ito dahil kaya kong pumunta at manatili rito nang hindi napapahamak. It's my own body now and not Cordelia's. Paniguradong nawala na naman ang epekto ng mahika nito kaya naman ay napunta ako sa madilim na dimensiyong ito!

I sighed and decided not to tell him about my current situation. It will just complicate things. Mas mabuting hindi ko na ipaalam sa kanya. Mas importanteng makabalik na ito sa mundo namin para makasama na niya si mommy. "Dad, I want you to try again and use your ability to travel dimension."

"I can't use it now, Raina."

"You can't use it because I was born with the same ability as yours," mabilis na wika ko. "I don't know the explanation behind this but I'm pretty sure that the moment I was born, iyon din ang panahon na nawala ang ability mo. I was the reason why you can't return home until now, dad. Ako ang dahilan kung bakit hindi ka namin nakasama ni mommy sa loob ng dalawampu't lima na taon."

"Raina-"

"Mom is sick, dad, and she needs you," sambit kong muli na siyang ikinatigil niya sa pagsasalita. "She needs you more than anything, dad. Kaya nga hinanap kita. Hinanap kita para makabalik na sa kanya." I sighed and weakly smiled again. "I don't want to be the reason why you two can't be together again. So please, try again, dad. Try again and be with her. This time, sisiguraduhin kong makakabalik ka na sa mundo natin, daddy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top