Chapter 36: Traitor
I grew up without siblings. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na may kapatid at lalong hindi ko alam kung paano makitungo sa isang kapatid. I don't have any good memories with my cousins too when I was still a child. The only family I have was my mother and my grandparents. Sila lang ang nakakahalubilo ko noon. Sila lang ang pamilya ko kaya naman ay wala akong ideya kung paano ako kikilos sa harapan ng pamilya ni Cordelia. I'm good at acting, but I don't have a freaking idea on how to act as a good daughter to someone's parent and how to become a good sister.
Siguro nga ay kahit papaano'y magkatulad kami ni Cordelia. Magkaiba man ang pananaw naming dalawa sa buhay, still, may mga bagay pa ring magkapareho sa aming dalawa. At isa na rito ang tungkol sa pamilya namin.
"I will fight," mahinang saad ko sa sarili. I know that she can hear me. Alam kong alam nito ang kagustuhan kong lumaban para sa realm na ito. "I'm not gonna give up on them. Gagawin ko ang kung anong hindi mo nagawa noon," dagdag ko pa at mabilis na kumilos na rin.
Mabilis akong sumunod sa kapatid ni Cordelia. Gamit ang lagusang ginawa ni Naida kanina, nagawa naming makalabas sa main gate ng palasyo nang walang kahirap-hirap. Agad na naghiwa-hiwalay ang mga Royal Knight samantalang mabilis na nawala sa paningin ko si Naida. She moves so damn fast! Wala itong sinayang na panahon at agad na nagsimulang magtungo sa lokasyon kung saan naroon ang mga miyembro ng Phantom!
Napailing na lamang ako at napagdesisyunan nang kumilos na rin. Ngunit bago pa ako makahakbang muli, natigilan ako noong maramdaman ang presensiya ni Dylan sa likuran ko. Wala sa sarili akong napabaling sa kanya at sinalubong ang matamang titig nito sa akin.
I sighed. "Hindi ito ang tamang panahon para alalahanin ang kaligtasan ni Cordelia," saad ko sa kanya. "We need to save the royal capital, Dylan."
"I know that," malamig na turan nito sa akin at nagsimulang maglakad papalapit sa kinatatayuan ko. "I trust you, Raina." Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. For the first time since I told him about my true identity, he mentioned my real name! "Please, kailangan mong mag-ingat. That body... you need to protect it."
"Don't underestimate me and Cordelia, Dylan. Malakas ang katawang ito. Cordelia..." I sighed. "Will be safe, Dylan, kaya naman ay huwag ka nang mag-alala pa," dagdag ko at sinalubong ang seryosong titig nito sa akin. "Now, let's move and help Naida and the rest of the Royal Knights." Tumango sa akin si Dylan at mabilis na kumilos na. Nauna itong tumakbo palayo sa akin kaya naman ay tahimik kong pinagmasdan ang papalayong bulto nito.
You're lucky to have someone like him, Cordelia. Dylan really cares about you. Kaya naman kapag maging maayos na ang lahat, kapag nakabalik na ako sa katawan ko, sana'y pag-isipan mong mabuti ang lahat ng maling desisyong ginawa mo noon. You're not alone. You have him. You have your family. Hindi ka nag-iisa sa mundong ito.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago ihakbang muli ang mga paa. Agad kong tinahak ang direksiyon kung saan ako nakakaramdam ng isang malakas na enerhiya ngayon. Good thing that my magic circle is still active. I can easily locate the enemy's exact location!
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mas binilisan pa ang pagkilos. Mayamaya lang ay namataan akong iilang Royal Knight ng Vallasea at may kinahaharap ngayong miyembro ng Phantom. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng espada at noong ilang hakbang na lamang layo ko sa kanila, mabilis akong tumigil sa pagtakbo. Umayos ko ang pagkakahawak sa espada at noong mamataang susugurin na sana sa likuran ng isang miyembro ng Phantom ang nakatalikod na Royal Knight, mabilis kong ikinumpas ang hawak na espada. Isang malakas na enerhiya ang pinakawalan ko kaya naman noong tumama iyon sa miyembro ng Phantom, mabilis itong tumilapon palayo sa Royal Knight na dapat aatakihin nito.
Napangisi ako at mabilis na napatingin sa hawak na espada. This sword is incredible! Kaya nitong maglabas ng enerhiya kahit na hindi pa nawawala ang seal sa katawan ni Cordelia!
"Your Highness!" bulalas ng mga kawal noong bumaling sa puwesto ko.
Tumango na lamang ako sa kanila at nagpatuloy na sa pagtakbo. "Help the citizens and those people who can't fight!" mariing saad ko na siyang sabay-sabay nilang sinagot naman. Muli akong tumango sa mga kawal at muling tinahak ang daang kung saan ko nararamdaman ang enerhiyang kanina pa bumabagabag sa akin.
I already felt this energy before. Hindi ko nga lang matukoy kung saan ngunit alam kong naramdaman ko na ito noon. At masama ang pakiramdam ko sa enerhiyang ito. Something bad might happen if we don't deal with this energy first. Kaya naman ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo at hindi na pinansin pa ang nagkakagulong sentro ng Vallasea. The Royal Knights can protect the citizen and deal with the enemy in this area. Paniguradong kaya na nilang gawin ang trabaho nila bilang knight ng realm na ito.
Sa pinakadulo ng city capital, halos palabas na rin ito ng sentro ng Vallasea, ako nahinto sa pagtakbo. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng espada habang pilit na pinapakiramdaman ang paligid. Sa hindi malamang dahilan, biglang nawala ang enerhiyang nararamdaman ko kanina!
"I can't be wrong," mahinang saad ko sa sarili at napayuko na lamang. My magic circle is still active! Tama ang direksiyong tinahak ko kanina! But... what happened? Bakit biglang nawala iyong enerhiyang naramdam ko kanina?
"So, the dead Princess of Vallasea is really back." Bigla akong napabaling sa gawing kanan at natigilan noong makita ang isang hindi pamilyar na lalaki at sa tabi nito ang duguang kapatid ni Cordelia! Nakaluhod ito at nakahawak sa tagiliran niya. She's wounded! Damn it! Anong ginagawa niya sa lugar na ito? Bakit sa dinami-raming lokasyon ng mga kalaban sa buong sentro ng Vallasea ay talagang itong lugar kung saan may malakas na enerhiya pa ng kalaban pa ito nagtungo? "Hindi pala nagkamali itong memoryang mayroon ang prinsesang ito," saad pa ng lalaki at hinawakan ang buhok nang nanghihinang si Naida. "I read all of her memories, and I was shocked to know that you're back and alive. At mukhang hindi nga niya ako naaalala." He smirked and chuckled a little. "Well, she was declared dead even before I returned from my mission before. Wala itong memorya tungkol sa akin." Umiling ito at mabilis na binitawan ang buhok ni Naida. Agad namang natumba ang kapatid ni Cordelia at napadaing na lamang habang hawak-hawak pa rin ang sugatan nitong tagiliran.
"You... betrayed us, Kage," rinig kong saad ni Naida.
Kage? Kilala niya ito? Who the hell is this man?
Tumawa ang lalaki at segundo lang ay muling naging seryoso ito. Naupo ito at hinarap si Naida. "This realm betrayed me first, dear." He coldly uttered those words. "Your family abandoned and betrayed me first."
"This family is your family too," wika ni Naida at masamang tiningnan ang lalaki. "And we didn't abandon nor betrayed you! Ikaw ang umalis noon at ikaw rin ang sumira sa relasyon ninyo ng hari! You betrayed your brother first! You leave your position as a royal of Vallasea and decided to ruin yourself!"
What? This man is a royal, too?
"Shut up!" The man voice roared. Tumayo ito at mabilis na sinipa si Naida.
Damn it! "Naida!" malakas na sigaw ko sa pangalan ng kapatid ni Cordelia at agad na kumilos. Without a second thought, I immediately threw my sword towards the man named Kage. Mukhang napansin nito ang ginawa ko kaya naman ay mabilis itong umiwas sa naging atake ko. Lumayo ito kay Naida kaya naman ay agad kong kinuha ang oportunidad na iyon. Agad kong dinaluhan si Naida at tiningnan ang sugat nito sa tagiliran.
"Get lost, C-Cordelia. I don't need y-you here," anito at hinawi ang kamay kong nakahawak sa braso niya.
Napailing ako. "Stay still and stop bitching, Naida," saad ko at inilapat kamay sa sugat nito. "I don't use healing magic, but I can create magic circle. Kahit papaano'y mapipigilan nito ang pagdurugo ng sugat mo," imporma ko sa kanya at mabilis na gumuhit ng magic circle sa tapat ng sugat niya. This ability is really convenient! Kung magagawa lang sanang ma-master ni Cordelia ang ability na ito, tiyak kong kaya nitong gamitin nang walang kahirap-hirap! "Who's that man, Naida? Kapatid ba ito ng hari?" tanong ko kay Naida noong matapos na ako sa ginawa ko. Napadaing naman ang kapatid ni Cordelia at umayos nang pagkakaupo sa lupa.
"Unfortunately, yes. He was a former royal and decided to abandon his royal title when things didn't go as he wanted," sagot ni Naida at marahang napamura sa tabi ko. Muli itong napadaing at napabuntonghininga na lamang. "We thought that he left Vallasea. I didn't expect him to join forces with the rebels of this realm."
Napatango na lamang ako at muling itinuon kay Kage ang paningin. Tahimik naman itong nagmamasid sa amin ni Naida at tila nag-aabang lang sa susunod na gagawin naming dalawa. "So, he's a family," wala sa sariling saad ko.
"No," malamig na turan ng kapatid ni Cordelia. "Walang traydor sa pamilya ko." She coldly added.
"So, you don't mind if I fight and hurt him?"
"I wanted to do that myself, Cordelia."
I smirked. "Don't waste your energy. You can't even move," turan ko at itinaas ang isang kamay. Mabilis kong ikinagalaw ang mga dalari ko at sa mabilisang pagkumpas ng kamay ko, agad na lumipad pabalik sa akin ang espadang inihagis ko kanina patungo sa kinatatayuan ni Kage. Namataan ko naman ang pag-arko ng isang kilay ng lalaki habang seryosong nakatingin pa rin sa amin ni Naida. "I can see his dark energy." Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng espada at noong mas lumakas pa ang enerhiyang nakapalibot kay Kage, napangiwi na lamang ako. "This guy is trouble, Naida. Dapat ay hindi mo ito hinarap at nilabanan nang mag-isa!"
"He attacked me first!" iritang wika ng kapatid.
Napailing na lamang ako. I sighed and looked at the man standing in front of us. Sa lakas ng dark energy na inilalabas ng katawan nito, I doubt if I can even land a single attack on him! Kahit na pagtulungan naming dalawa ni Naida ang lalaking ito, tiyak kong hindi namin ito matatalo nang basta-basta. He's dark energy is strong! Kumpara sa ibang miyembro ng Phantom nasa sentro ngayon ng Vallasea, malaki ang agwat ni Kage sa kanila! He's on different and higher level!
"Any plan on how to defeat him?" rinig kong tanong ni Naida sa tabi ko. Nakatayo na ito ngayon at tila handa na namang makipaglaban sa lalaking umatake sa kanya kanina.
Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Just fight and survive," ani ko at binalingan ito. "Idagdag ko na rin ang don't die." Umirap sa akin Naida na siyang ikinangisi ko na lamang muli. I took a deep breath again and focused on Kage. I don't know how to defeat this man. Kulang pa ang kapangyarihang nagagamit ko ngayon. Yes, I can use different weapons and can create magic circles but it's not enough. With this kind of enemy, hindi sapat ang kapangyarihang nagagamit ko ngayon! I need more. I need to use more of Cordelia's ability and magic.
"I'll attack him," mahinang turan ko at inihanda na ang sarili. "If I caught him off guard, seize that opportunity and finish him."
Hindi ko na hinintay pa na magsalitang muli si Naida. Mabilis na akong tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Kage at mabilis na ikinumpas ang hawak na espada. Kumilos na rin si Kage at mabilis na umiwas sa enerhiyang inilabas ng espada ko. Nagpatuloy ako sa pakumpas ng espadang hawak at noong ilang hakbang na lamang ang layo ko mula kay Kage, mabilis akong huminto sa pag-atake noong nawala ito sa paningin ko. What the hell?
"Be careful, Cordelia!" rinig kong sigaw ni Naida 'di kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon. "He can make himself invisible!"
What? Damn it! Bakit ngayon niya lang ito sinabi sa akin?
"Damn!" bulalas ko sa sarili at pilit na hinanap ang presensiya ni Kage. Yes, he can make himself invisible, but he can't definitely hide his dark energy! Kayang makita iyon ni Cordelia kaya naman wala itong lugar na puwedeng pagtaguan mula sa akin!
Segundo lang din ang lumipas ay namataan ko na ito. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng espada at agad na lumuhod sa may lupa. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na sinugatang muli ang kamay gamit ang talim ng hawak na espada. Agad akong gumuhit ng magic circle at noong matapos na ako sa ginagawa, mahinang kong binigkas ang unang enchantment na pumasok sa isipan ko. "Trap magic," mahinang wika ko at pinagmasdan ang direksiyon kong saan naroon si Kage. "Activated," dagdag ko pa at pagkalipas ng ilang segundo, isang malakas na sigaw ang namayani sa lugar kung saan naroon kami. It was Kage voice. He's still invisible, but because of my magic circle and trap magic, he was caught by it and now, his magic is slowly losing its effect. Unti-unting nawala ang pagka-invisble nito kaya naman noong mamataan ito ni Naida, agad itong kumilos sa puwesto niya.
Sa aming dalawa, si Naida ang mas malapit sa kinatatayuan ni Kage. Good thing that she listened to me earlier and didn't even move an inch. Agad itong nakalapit kay Kage at dahil na rin sa epekto ng magic circle at trap magic ko, hindi agad nakagalaw si Kage sa kinatatayuan niya. He was still in shock when Naida appeared in front of him, and when she slashed her sword, Kage screamed again. Muling ikinumpas ni Naida ang hawak na espada at sa huling atake nito, itinarak niya ang hawak na espada sa may tagiliran ni Kage.
"That's the price of betraying your own family," malamig na wika ni Naida at inalis ang pagkakatarak ng espada sa katawan ni Kage. "Hindi ko alam kung anong klaseng manipulation ang ginawa ng Phantom sa'yo pero hindi iyon sapat na dahilan para traydorin ang pamilyang minsang minahal mo."
"Wala kang alam sa kung anong totoong kulay ng pamilyang kinabibilangan mo, Naida... Kayo ng kapatid mo. Wala kayong alam," ani Kage at binalingan ako. "You should just stay dead, Cordelia. Hindi ka na dapat pa nagbalik sa lugar na ito. This place... it will be your hell, your own grave. Hindi magiging sapat ang kapagyarihan mo para pigilan ang nakatakdang mangyari. You will die, again, and no one can stop it. Not even that stupid King of this realm or your mother who used forbidden magic just to saved you before. The prophecy will happen. At kapag mangyari na iyon, Vallasea will fall, and all its allies will be doom. The victory will be ours. The Phantom will rule this realm and soon, Azinbar will be ours too."
Wala sa sarili kong inihakbang ang mga paa at lumapit sa kinatatayuan ng dalawa. Noong makalapit ako sa puwesto nila, agad kong inilapat sa may leeg ni Kage ang dulo ng talim nang hawak na espada. "I think I've read something like this before," seryosong saad ko sa kanya. I raised an eyebrow and remembered my mother's diary. Right! She fought villains with the same mindset as Kage and ended up winning against them! "Was that your last words?" malamig na tanong ko sa kanya.
Hindi nagsalita si Kage at mayamaya lang ay ngumisi ito habang nakatingin sa akin. Umiling ito at noong akmang ikukumpas ko na sanang muli ang espadang hawak, isang kakaibang enerhiya ang naramdaman ko sa paligid. Mukhang naramdaman din iyon ni Naida kaya naman ay naging alerto na rin ito.
Kage laughed. Naging mas alerto ako at mas pinalakas ang pandama. "He who brings death is finally here! All of you will die in his damn hands! No one can escape from his magic!" sigaw ni Kage at muling tumawa nang malakas.
Nagkatinginan kami ni Naida at bago pa man kami makapag-react sa tinuran ni Kage, biglang nanlabo ang paningin ko. Mabilis akong napapikit at umayos nang pagkakatayo. Muli kong iminulat ang mga mata at natigilan na lamang noong unti-unting nawawala sa harapan ko si Naida.
Horror filled Naida's face. Mukhang ganoon din ang nangyayari sa kanya! What the hell is happening to us?
At bago pa man tuluyang mawala sa harapan ako si Naida, narinig ko ang pagsigaw nito sa pangalan ng kapatid niya.
"Damn it! Cordelia!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top