Chapter 35: Truce
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung unahin ngayon. Hindi ko alam kung tama bang unahin kong ibalik si Cordelia sa katawan niya at iligtas ang realm na ito o umalis na lang sa palasyo at hanapin ang ama ko.
Lahat ng ginawa ko sa nagdaang mga araw bilang Cordelia ay nawalan na nang saysay! Ngayong alam ko na ang totoong nangyari sa kanya, isang malaking panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon. Dapat ay hindi na ako nagsayang ng panahong tulungan ito. Dapat ay itinuon ko na lamang sa paghahanap kay daddy noong nakaalis ako sa Atlantis!
It was a waste of time! Hindi ko lubos akalaing naloko niya ako! Ako at ang mga taong nasa paligid niya! I underestimated her. I know that she's powerful and smart, but I never thought that she will do this to me and trapped me inside her body!
"Damn it!" bulalas ko at mabilis na ikinumpas sa harapan ang hawak na espada. Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa mapagod ako at napaupo na lamang sa sahig ng training room. Napatingala ako at mabilis na hinabol ang sariling paghinga. "I need to find my father now. Bago pa mas maging komplikado ang lahat, kailangang makaalis na ito sa Azinbar at bumalik kay mommy," mahinang turan ko sa sarili at inalis ang butil ng pawis sa noo.
Paniguradong hindi ako basta-bastang makakaalis sa katawan ni Cordelia. Kahit na nagagawa kong bumalik sa sariling katawan, tiyak kong pansamantala lamang iyon. She used an unknown magic to summon me here, and I'm pretty sure that only magic, a powerful and extreme one, can undo her spell. Ang tanong... anong klaseng mahika ang ginamit ni Cordelia sa sariling katawan niya?
"Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo noon, Cordelia, but this is too much." Napailing ako at marahang tumayo na. Akmang hahakbang na sana ako para lumabas ng silid noong makaramdam ako ng mahinang pagyanig ng silid na kinaroroonan Mabilis akong natigilan sa pagkilos at pinakiramdaman ang paligid.
An earthquake?
Kunot-noo akong nakatayo sa gitna ng training room at noong makarinig ako ng sunod-sunod na malakas na pagsabog, mabilis akong naging alerto. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng espadang hawak at hindi na nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali akong tumakbo palabas ng training room at tinahak ang daan patungo sa main gate ng palasyo.
"Cordelia!" Agad akong napabaling sa gawing ko at nakita ang tumatakbo ring si Dylan. Sa likuran ito ay si Jaycee at mukhang pareho lang ang destinasyong naming tatlo ngayon. "Where's the Seer?" tanong niya at sinabayan ako sa pagtakbo. "Hindi ba niya nakita ang mga ito? The royal palace is under attack!"
Napangiwi ako sa narinig mula kay Dylan. Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa espada at itinuon sa daan ang buong atensiyon. "Paniguradong hindi ito nakita ni Scarlette," saad ko at mas binilisan ang pagtakbo. "Someone's blocking her ability. Alam kong napansin na iyon ng Seer simula noong tumapak ang mga paa niya sa lugar na ito."
"But she saw something earlier!" bulalas naman ni Jaycee sa likuran ko.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at napailing na lamang. "Hindi tayo maaaring umasa sa ability niya. Maaaring ma-manipulate ito ng kalaban at ikapahamak pa nating lahat. Dahil kung hindi niyo pa napapansin, ang lugar na ito ay napapalibutan ng kakaibang mahika," wika ko at bumagal na ang pagtakbo. Nakalabas na kami sa pasilyo ng gusali at ngayon ay tanaw na namin ang main gate ng royal palace. Mayamaya lang ay huminto na ako sa paghakbang ng mga paa at binalingan ang dalawang kasama. "Hindi pa natin alam kung sino ang tunay na kalaban. So please, don't trust anyone. Maging ako ay huwag niyong pagkatiwalaan," makahulugang wika ko sa dalawa.
"Cordelia-"
"You two know my real name, right? If you're both in doubt about me, just ask about it immediately," dagdag ko pa na siyang ikinataka na nila Dylan at Jaycee. I sighed. "I'm afraid that someone's here in the royal palace that can copy someone's identity."
"What?" gulat na tanong ni Dylan sa akin. "Paano mo nasabi ang mga bagay na iyan? Sigurado ka ba sa tinuran mo?"
Umiling ako at tinalikuran sila. Muli akong tumingin sa main gate ng royal palace. "The enemy is one of us. Nasa palasyo ito at naghihintay lamang ng tamang panahon para umatake. Iyon lang ang tiyak ko sa mga oras na ito."
"Damn it," rinig ko saad ni Jaycee. "If they're here and ready for battle, kulang ang puwersa nating ngayon. Hindi pa nakakabalik si Alessia at ang ibang miyembro ng Tyrants!"
"Let's buy them some time. We'll deal with the current enemy. Paniguradong hindi pa ito ang buong bilang nila. Hindi pa naibabalik sa akin ang kapangyarihan ko. They won't do anything unless they're sure that my magic is back and ready to be use."
"So, you're telling us that they're after your magic? They want Cordelia's magic?" Dylan asked me.
Hindi ako sumagot sa naging tanong at nanatiling nakatitig sa unahan.
Nagkakagulo na ang mga royal knight ng Vallasea. Kanya-kanyang puwesto na ang mga ito at mas maraming tumayo sa harapan ng main gate. Mayamaya lang ay namataan ko si Naida. Seryoso naglalakad patungo sa puwesto ng mga royal knight na nakabantay sa main gate. She's fully equipped and ready for battle. May hawak na rin itong espada at may kung anong inutos sa mga kawal na nasa harapan niya.
Kumpara kay Cordelia, Naida is calmer and more mature. Kahit na matalas itong magsalita, lalo na kapag ako ang kausap, alam kong malakas ito at kayang makipagsabayan sa kalaban.
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at mabilis na inangat ang hawak na espada. Inilapat ko ang talim nito sa palad ko at bago ko pa man masugatan ito, agad akong pinigilan ni Dylan. "What the hell are you doing?" seryosong tanong niya sa akin.
"Gagawa ako ng magic circle. Titingnan ko kung ilan ang mga kalabang nasa sentro ng Vallasea ngayon," saad ko at inalis ang kamay nitong nakahawak sa akin. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na sugat ang palad ko at mabilis na lumuhod. Gamit ang duguang kaliwang kamay, agad akong gumuhit ng magic circle.
Ilang beses ko nang ginamit ang mahikang ito kaya naman ay hindi na ako nahirapan pa. Noong matapos na ako, muli akong umayos nang pagkakatayo. Segundo lang din ang lumipas ay lumiwanag ang magic circle na ginawa ko. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago ko ikinumpas ang duguang kamay.
"What the-"
Hindi na natapos pa ni Jaycee ang dapat na sasabihin noong unti-unting lumaki ang magic circle. Pinagpatuloy ko ang ginagawa at noong makuntento na ako sa laki nito, mabilis kong ipinikit ang mga mata at pinakiramdaman nang mabuti ang nangyayari sa buong sentro ng Vallasea.
"Just like what I've thought," mahinang saad ko noong makita iilang kalaban lamang ang nasa sentro ngayon. Mas pinalakas ko pa ang pandama at hinanap kung saan nanggaling ang sunod-sunod na pagsabog kanina. "Eastern part of the royal palace. May limang tao roon," wika ko at noong may napansin akong kakaiba enerhiya sa limang taong naramdaman, napakunot ang noo ko.
"What's happening, Cordelia?" rinig kong tanong ni Dylan sa tabi ko.
"It's the Phantom," imporma ko sa kanila at mabilis na iminulat ang mga mata. Bumaling ako sa main gate ng palasyo at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi. "Dark magic user ang ilang mga miyembro ng Phantom. Some of them uses rare kind of magics. Hindi kakayanin ng isang normal na royal knight ang makipagpalitan ng atake sa kanila."
"I'll inform the King of Vallasea about the situation," mabilis na wika ni Jaycee kaya naman ay napatingin ako sa kanya. "Dylan, stay here and don't leave her alone. Huwag muna kayong kumilos hangga't wala pang opisyal na utos mula sa hari ng realm na ito," dagdag pa niya at tinalikuran kami.
Hindi na ako nagsalita pa at pinunit ang laylayan ng suot na damit. Maingat kong binalot ng sugat at nagsimula nang maglakad patungo kung saan naroon ang kapatid ni Cordelia.
"What's your plan?" rinig kong tanong ni Dylan habang nakasunod sa akin.
"Fight and win," simpleng sagot ko habang seryosong nakatingin sa abalang mga royal knight ng Vallasea. "Hindi ko na kailangan pa ng detalyadong plano. Ang kailangan ko lang gawin ay lumaban at manalo."
Mabilis naman akong natigilan sa paglalakad noong hawakan ni Dylan ang braso ko. Seryoso akong bumaling sa kanya at sinalubong ang matamang titig nito sa akin. "What about her? Anong plano mo kay Cordelia? May ideya ka na ba kung paano ito makakabalik sa katawan niya?"
Hindi agad ko nakapagsalita sa naging tanong ni Dylan sa akin. Gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang tungkol sa ginawa ni Cordelia sa sarili niya ay hindi ko iyon ginawa. Malaki ang tiwala nito sa kaibigan. Ilang beses niyang ipinamukha sa akin na hindi kayang saktan ni Cordelia ang sarili nito. "Cordelia can't use her magic now. Wala rin itong maitutulong kung babalik na siya sa katawan niya," sambit ko sa kanya.
"At ikaw?" seryosong tanong muli nito.
"Ako? I can fight without my own body. And with the information I have right now, I can play their little game. Hindi ako papayag na matalo sa sariling laro nila," malamig na saad ko kay Dylan at inalis na ang kamay nito sa braso ko. "Let's go. Kailangan kong kausap si Naida. Mas makabubuting makipagkasundo muna ako sa kanya."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi ko naramdaman ang pagsunod sa akin ni Dylan kaya naman ay palihim akong napairap. He's always concern about Cordelia. Kahit yata nasa panganib na ang sarili nito, si Cordelia pa rin ang uunahin niya!
Agad namang umayos nang pagkakatayo ang mga royal knight noong makita ang presensiya ko. Yumukod pa ang mga ito at mayamaya lang ay nagpatuloy na sa mga ginagawa. Hindi na ako nagsalita pa at tuluyan nang nilapitan si Naida.
"May ilang kawal na pong nakatalaga sa parteng iyan, Mahal na Princesa."
"Magpadala pa kayo roon," mariing utos ni Naida sa kausap na kawal.
"Naida," sambit ko sa pangalan nito. Kunot-noong bumaling sa akin si Naida at noong magtagpo ang paningin naming dalawa, mabilis na nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Mula sa pagiging seryoso, naging iritable agad ito.
"What do you want? Abala ako ngayon, Cordelia. Kung may sasabihin ka, say it and make it fast," walang emosyong wika nito sa akin.
Napabuntonghininga na lamang ako. "Hindi ako lumapit dito upang makipagtalo sa'yo," panimula ko. Napairap naman ang kapatid ni Cordelia sa akin. "I created a magic circle. Sakop nito ang buong sentro ng Vallasea."
"What?" tila gulat na tanong niya. Napakurap si Naida sa harapan ko at umayos nang pagkakatayo. "So, why are you telling me these?"
"I want a truce. Kahit ngayon lang na may kinahaharap na problem sa buong realm. Let's forget about whatever misunderstanding we have right now. I want to help," matamang wika ko sa kanya. "Sa tulong ng magic circle na ginawa ko, I can locate the exact location of our enemy. Mas mapapadali ang trabaho nating lahat."
Hindi nagsalita si Naida at matamang nakatingin lamang sa akin. Mayamaya lang ay humugot ito nang isang malalim na hininga at muling nagsalita. "A truce?" Tumaas ang isang kilay nito. "And in return? Anong kailangan mo na kapalit sa tulong ibibigay mo ngayon sa akin?"
Napangisi ako. Magkapatid nga talaga ang dalawang ito. Mukhang iisa lang ang takbo ng utak ni Cordelia at Naida. Malakas ang pakiramdam ko na sasabihin niya iyon sa akin. Kaya naman ay minabuti kong lapitan ito at kausapan. Hindi ako nagkamaling sumugal sa isang ito. "I need to know all about the forbidden magic that exist here in Azinbar," seryosong saad ko sa kanya.
Kumunot ang noo nito at ipinilig ang ulo pakanan. "Forbidden magic? Bakit kailangan mong malaman ang tungkol sa bagay na ito?" tanong niya at namewang sa harapan ko. "At isa pa, alam mo namang ipinagbabawal na gamitin ito, hindi ba?"
"It's better for you not to know the details. Hindi ko naman ito gagamitin at hindi ipapahamak ang pamilyang ito. I just need some information about it. I know that you can pull some strings and give it to me. Kailangan ko ito sa mas lalong madaling panahon."
Isang malakas na pagsabog na naman ang nagpayanig sa buong paligid. Muling nataranta ang mga royal knight na nakapalibot sa amin samantalang hindi kami natinag ni Naida at nanatili ang mga seryosong titig sa isa't-isa. Nagpatuloy ang pagyanig ng lupang kinatatayuan namin at noong huminto ito, malalakas na sigaw ang namayani sa kabilang bahagi ng main gate.
Mabilis kong pinalakas ang pandama ko at gamit ang magic circle na ginawa ko kanina, agad kong nalaman kung ano ang nangyayari sa labas ng main gate ng royal palace. It's the citizen of the Royal Capital! The enemy already broke the primary defense of the city!
"Let's save first the Royal Capital and the citizens of Vallasea. After that, I'll give whatever you want from me," seryosong saad ni Naida sa akin at mabilis na tinalikuran ako. "Let's go!" sigaw nito sa mga royal knight na nakapalibot sa kanya at inangat ang isang kamay. Segundo lang ay may kung anong enerhiyang namuo sa harapan niya. Nanatili ang titig ko sa kapatid ni Cordelia at noong mapagtanto ko kung anong uri ng mahikang ginagamit nito, napangisi na lamang ako.
The current royal family members of Vallasea possesses extreme and incredible magics! Hindi na dapat ako nagulat pa noong makitang kayang gawin ni Naida iyon. She's Cordelia's sister. Of course, she possesses a rare magic too, just like her!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top