Chapter 33: Stop

Tahimik kong pinagmamasdan ang sandatang hawak-hawak. It was a sword that Cordelia's father gave to me. It was one of their family's treasured weapons. Galing pa raw ito sa mga nagdaang royal family na namuno sa buong Vallasea.

"That sword is one of the powerful swords that exists in this world," ani Alessia na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Same as the Excalibur."

Napakunot ang noo ko at wala sa sariling napatingin kay Alessia. "Excalibur exists in this world?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"This is a magical world, Raina. Of course, may mga bagay na nag-e-exists na mundong ito na wala sa mundo ninyo." For real? Sa libro ko lang noon nababasa ang tungkol sa sandatang iyon! "Anyway, babalik ako mamaya sa Northend. I'll inform His Majesty about our current situation. Mananatili naman dito sa Vallasea si Jaycee para samahan ka. Ang alam ko ay ganoon din sila Scarlette at Atlas." Wala sa sariling napatango na lamang ako sa kanya. "The Tyrants will help this realm, Raina. Don't worry too much, okay?"

I smiled at her. "Malaki ang tiwala ko sa inyo, Alessia. Alam ko rin kung gaano kayo kalakas, kayo nila Captain Mary." Napansin kong natigilan si Alessia sa sinabi ko. Napaayos naman ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ito. "Kumusta ang katawan ni Captain Mary? May ibang gumagamit na ba sa katawan niya?"

Alessia sighed. Mayamaya lang ay umiling ito sa akin na siyang ikinatigil ko naman. "Since your mother left and returned to your own world, wala ng ibang soul ang nakapasok sa katawan niya. Siguro nga'y ligtas na ang Northend kaya naman ay hindi na namin magagamit pa ang kapangyarihan nito."

Wala sa sarili akong napatangong muli. Siguro nga'y tama si Alessia. The sole reason why mom entered Captain Mary's body before was because of the war between Northend and Rupert. They needed someone to protect their realm. They needed Captain Mary and now that the war was over, her body became a soulless vessel. Ngayong ligtas na ang realm nila, hindi na nila kailangan pa ang kapagyarihan nito. Nakakapanghinayang nga lang. Captain Mary was a powerful knight. Kung nandito lang ito ngayon, paniguradong malaking tulong ito sa nalalapit na gulo rito sa Vallasea.

Naging abala ang lahat.

Pansamantalang umalis si Atlas para bumalik sa headquarters ng Phoenix Knights samantalang naiwan dito sa palasyo sila Scarlette at Jaycee. Umalis din si Dylan at ang paalam nito ay magtutungo siya sa Atlantis para ipaalam kay Carolina ang tungkol sa nalalapit na gulo na kakaharapin ng buong Vallasea.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at mariing hinawakan ang handle ng espadang hawak-hawak. Naiwan akong mag-isa ngayon sa training room na inilaan para amin ng ama ni Cordelia. Dito kami pansamantalang mananatili habang naghahanda sa nalalapit na pakikipaglaban para maprotektahan ang realm na ito. Lumabas naman saglit si Scarlette at may kung anong dapat gawin. Sumama sa kanya si Jaycee kaya naman ay naiwan akong mag-isang nag-eensayo sa malawak na silid na ito. Muli kong inangat ang hawak na espada at mabilis na ikinumpas sa harapan ko.

Kanina ay naninibago pa ako sa bigat ng sandatang ibinigay ng ama ni Cordelia. At sa ilang oras na paggamit ko ng espadang ito, naging pamilyar na ako sa bigat nito. I can easily swing it without hurting my wrist!

I sighed again for the nth times and when I was about to move my hand again, I suddenly felt a pressure behind me. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa espada at noong mas lumakas ang pressure na naramdaman ko, mabilis akong kumilos at hinarap ito. Wala sa sarili kong itinaas ang hawak na espada at itinutok ito sa kung sino mang nagmamay-ari sa enerhiyang nararamdaman ko ngayon.

"Meredith?" Kunot-noong sambit ko sa pangalan nito noong mamataang si Meredith iyon. Mabilis kong ibinaba ang pagkakatutok ng espada sa kanya at umayos na lamang nang pagkakatayo. "What are you doing here?" tanong ko pa at bumaling sa nakasarang pinto ng training room. Looks like hindi ito gumamit ng pinto. Hindi ko narinig na bumukas-sara ito kanina!

"So, they gave you that weapon," matamang saad ni Meredith habang nakatingin sa espadang hawak ko. "Only the true descendant of the Great King of the Sea can wield that weapon." Lalong napakunot ang noo ko sa narinig mula kay Meredith. Ano raw? Descendant of the Great King of the Sea? Sino? Itong si Cordelia? "Hindi ako nagkamaling lapitan ka no'ng makita kita noong gabing iyon. You really did own a tremendous power."

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. "Ipinanganak na may malakas na kapangyarihan si Cordelia," saad ko at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi. "Alam mo bang namatay ito dahil sa taglay na kapangyarihan nito?" Hindi umimik si Meredith kaya naman ay napailing na lamang ako. "She died and her mother used forbidden magic to save her." Malungkot na wika ko at napatingala na lamang.

Hanga ako sa kayang gawin ng mga ina para sa anak nila. My mom was my hero too. She saved me multiple times when I was a still young. Kahit na abala ito sa pagmamahala sa kompanya ng pamilya, binibigyan niya pa rin ako ng oras at palaging nasa tabi ko kapag kailangan ko ito. Talagang nagkalamat lang ang relasyon naming dalawa noon kaya umalis ako at nagpakalayo-layo sa kanya.

"We can't use Cordelia's full power right now, Meredith. Hangga't hindi inaalis ng reyna ang spell nito sa katawan ng anak niya, tanging blood magic lamang at gumawa ng magic circle ang kaya kong gawin."

Umiling si Meredith sa akin at nginitian ako. Natigilan naman ako sa ginawa niya at napatitig na lamang sa mukha nito. "Hindi ba nabanggit ni Rhianna Dione ang tungkol sa akin, huh, Raina?" tanong niya na siyang ikina-arko ng isang kilay ko. "I'm not just the guardian of Afterworld. I'm a powerful mage and knows a thousand spells, just like Captain Mary." Napaawang ang labi ko sa mga naririnig mula sa kanya. "Walang mahika ang hindi ko kayang gawin. I can enchant a spell that will dispel Her Majesty's magic."

Napalunok ako. "You can do that?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango namang muli sa akin si Meredith. "Ngunit... paano iyong sea monsters na tinutukoy nila? Kapag maramdaman nila ang kapangyarihan ni Cordelia, tiyak kong susugod ang mga ito rito sa Vallasea!"

"Sea monsters?" Natawa si Meredith at napangiti na lamang. "Kagaya nang tinuran ko kanina, tanging ang mga descendant lamang ng Great King of the Sea ang kayang humawak ng sandatang hawak mo ngayon. At ngayong nagagamit mo ito nang walang kahirap-hirap, natitiyak kong si Cordelia ang tanging may kakayahang gamitin ang buong potensiyal ng sandatang iyan. And those sea monsters? They will not attack or harm this realm, Raina. They will just rise from the water and welcome their master."

Napakurap ako ng ilang beses at pilit na iniintindi ang mga salitang binitawan ni Meredith.

Say what?

Akmang magsasalita na sana akong muli noong makaramdam ako ng presensiya sa may pinto ng silid. Mabilis akong napabaling doon at muling tiningnan si Meredith. "If you can dispel the Queen's magic, do it now, Meredith!" mariing saad ko.

Umiling muli sa akin si Meredith. "Hindi ngayon ang tamang panahon para gawin iyon, Raina. Remember, maliban sa pagtulong sa buong Vallasea, kailangan mo ring tulungang makabalik si Cordelia sa katawan niya. If I dispel it now, maaaring ikapahamak niyo itong dalawa. We need to wait. Kailangang makabalik muna ito sa katawan niyan bago ko i-dispel ang mahikang bumabalot sa kanya."

"But she's refusing to return to her-"

Hindi ko na natapos ang ang dapat na sasabihin noong biglang bumukas ang pinto ng silid. Agad akong napabaling doon at mabilis na umayos nang pagkakatayo noong makita si Kallan iyon.

"Sino ang kausap mo, Cordelia?" bungad na tanong nito at mabilis na tiningnan ang buong silid. Kunot-noo itong tumingin sa akin noong mapagtanto marahil na mag-isa lamang ako sa silid na ito ngayon. "I heard you talking earlier. Sino ang kausap mo?" muling tanong niya sa akin.

"Ako?" tanong ko at itinuro ang sarili. Hilaw akong tumawa sa kapatid ni Cordelia at mabilis na inangat ang hawak na sandata. "I was... I was just talking to myself," wika ko na siyang lalong ikinakunot ng noo ni Kallan. "I'm practicing my sword skill," dagdag ko pa at iginalaw ang kamay na may hawak na espada.

Mayamaya lang ay natuon sa sandata ko ang atensiyon ni Kallan. Hindi ito nagsalita kaya naman ay maingat kong ibinaba ang kamay. "The King gave it to me. Ito raw ang gamitin ko sa nalalapit na laban," saad ko habang matamang nakatingin sa kapatid ni Cordelia.

Tumango naman si Kallan sa akin. "Do you know how to use it?" halos walang emosyong tanong ni Kallan sa akin.

Bahagya akong natigilan sa tono nang pananalita nito. Mayamaya lang ay tumango muli ako sa kanya. "Dahil wala akong taglay na mahika, itinuon ko na lamang ang buong atensiyon ko sa pag-eensayo sa paggamit ng iba't-ibang sandata," sagot ko habang nakatitig pa rin kay Kallan.

It was just a second, and it happened too fast, but I saw it! Hindi ako maaaring magkamali sa nakita! Napalunok ako at umayos nang pagkakatayo sa harapan ng kapatid ni Cordelia.

"Do you want to hold this sword?" tanong ko at muling inangat ang kanang kamay kung saan hawak-hawak ko ang sandatang ibinigay sa akin ng hari ng Vallasea.

Agad namang umiling si Kallan sa akin at tipid na ngumiti. "I don't think I deserve to even hold that sword," aniya at mahinang tumawa. "Good for you, Cordelia. Nagtiwala agad ang hari na ipagamit sa'yo ang sandatang iyan kahit kakabalik mo pa lang dito sa palasyo." Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin lamang kay Kallan. "Kung sabagay, you're the first born. Ikaw ang panganay kaya marapat lang na ikaw ang gumamit iyan." He smiled again. "At isa pa, mukhang malaki ang tiwala sa'yo ng hari at reyna. Marahil ay alam nilang kaya mong makipaglaban kahit na wala kang taglay na mahika. You even managed to escape from your kidnappers without even using a single magic! You're awesome, Cordelia! Narapat lang talaga na bumalik ka sa palasyo at hindi na nagkulong pa sa Atlantis! You really belong here!"

Gusto kong magsalita ngunit mabilis kong pinigilan ang sarili. Hinayaan ko si Kallan sa harapan hanggang sa nagpaalam na ito sa akin. "Kakausapin ko sila Naida at Amaya. Dapat sa ating magkakapatid ay nagkakasundo at nagkakaisa. At isa pa, para sa Vallasea ang ginagawa natin ngayon. Kung ano mang hindi pagkakaintindihan ay dapat maaayos na. Tama ba ako, Cordelia?" He smiled again and this time, I saw another emotion that instantly fades in his eyes. Wala sa sarili na lamang akong tumango sa kanya at napahigpit ang hawak sa espada. Mayamaya lang ay nagpaalam na ito at tahimik na lumabas sa silid na kinaroroonan ko.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko.

Umayos ako nang pagkakatayo at tiningnang mabuti ang nakasarang pinto kung saan lumabas kanina ang kapatid ni Cordelia. Nanatili akong nakatitig doon hanggang sa may naalala ako sa lahat ng mga salitang binitawan nito kanina.

"Paano nalaman ni Kallan ang tungkol sa pagtakas ko mula sa kidnappers?" mahinang tanong ko sa sarili at ipinilig ang ulo pakanan. Maliban sa akin at sa mga miyembro ng Apex Tribe, walang ibang nakakaalam sa pinagdaanan ko mula sa mga taong dumukot sa akin noon. Mayamaya lang ay napailing ako at marahang napahawak sa sintido. "Don't tell me-"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong muling bumukas ang nakasarang pinto ng silid. This time, it was Scarlette and Jaycee. Seryoso ang mga itsura ito habang papalapit sa kinatatayuan ko. Napaayos na lamang ako nang pagkakatayo at hinintay ang dalawang bagong dating.

"What's wrong?" agad na tanong ko sa kanila.

"I saw a precognition, Raina," saad ni Scarlette at bumaling kay Jaycee. Tumango naman ito sa Seer at muling tumingin sa akin. "One of the royal siblings will die," matamang wika niya sa akin.

"Nakita mo kung sino?" seryosong tanong ko sa kanya.

Umiling si Scarlette at humugot ng isang malalim na hininga. "No... but I saw you." Natigilan ako. "You were crying and your power... it was overflowing and can't be controlled."

"So, you're saying that once we dispel the Queen's magic in Cordelia's body, one of her siblings will die?" kunot-noong tanong ko kay Scarlette. Namataan ko ang pag-alangang sumagot ni Scarlette kaya naman ay napabuntonghininga na rin ako. "May ideya ako kung sino sa kanila ang maaaring mapahamak sa mga susunod na araw. But first, I need to confirm something. Kailangan kong makumpirma muna ang mga hinala ko bago kumilos."

"May nalaman ka ba tungkol sa mga kapatid ni Cordelia?" tanong naman ni Jaycee sa akin.

Marahan akong tumango at tumingin muli sa pinto ng silid. Simula noong lumabas ito kanina sa silid, ramdam kong may kakaiba na at nagbago sa paligid ko. Malakas ang pandama ni Cordelia sa mga kakaibang mahika na mayroon sa paligid niya kaya naman ay alam kong hindi ako maaaring magkamali sa bagay na ito.

"Let's get out of here," seryosong wika ko sa dalawa.

"What?" takang tanong naman ni Jaycee sa akin. "Saan naman tayo pupunta?"

Saan nga ba? Saan at anong parte ng royal palace ang hindi nito napuntahan at hindi nagamitan pa ng mahika niya? Mayroon pa ba? O bawat sulok na ng lugar na ito ay sakop na ng kapangyarahin nito?

"Let's go to the Phoenix's Headquarters. Doon natin pag-usapan ang susunod na gagawin natin," mabilis na wika ko at nagsimula nang ihakbang ang mga paa.

It's getting worse and complicated. Ngayong nasa palasyo na ako, mas lalong naging mapanganib ang lagay naming dalawa ni Cordelia. Kung hindi ako mag-iingat, tiyak kong mauulit na naman ang nangyari sa kanya noong nasa Atlantis siya!

Bago pa man ako tuluyang makalabas sa training room, mabilis akong natigilan sa pagkilos. Kusang napaawang ang labi ko at wala sa sariling napahawak sa ulo. Napailing ako at mariing napapikit na lamang.

"Please, Raina. Stop it." Mabilis akong napamulat ng mga mata at agad na napaayos nang pagkakatayo. It's Cordelia's voice! She's awake. "You need to stop it."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top