Chapter 32: Authority

"I can't dispel it, Cordelia," mahinang saad ng reyna sa akin. Natigilan ako at matamang tiningnan lamang ang ina ni Cordelia. "Mawawala nang saysay ang lahat kung gagawin ko iyon!"

"Your Highness, look at me," matamang saad ko na siyang ikinatingin niya sa akin nang mabuti. "Mukha ba akong mamamatay kapag maalis na sa katawang ito ang spell na ginawa mo noon? Please, look at your daughter. She's not a baby and not fragile anymore! She even managed to escape from the members of Phantom. Alone! I can take it. Whatever happens to this body after you dispel your magic, I can take it."

Nagkatinginang muli ang mag-asawa. Nanatili naman akong tahimik habang hinihintay ang pasya nilang dalawa.

Come on. Stop wasting our time here! Kapag ma-dispel na ng reyna ang mahikang ginamit niya noon kay Cordelia, maaaring magamit na nito ang kapangyarihang matagal na niyang inaasam. Cordelia always wanted to use magic. At ngayong alam ko na ang dahilan kung bakit hindi niya magawang gumamit ng mahika, hindi na ako mag-aaksaya ng panahon pa. I need her magic back. At kapag mangyari na nga iyon, natitiyak kong matatapos ko na nang matiwasay ang misyong ito!

"Your Majesty, what should we do?" rinig kong tanong ng reyna sa hari. "I wanted to help our child."

Humugot ng isang malalim na hininga ang hari at tiningnan akong muli. Umayos ito nang pagkakatayo at hinarap ako. "Your mother can easily dispel that magic, but... she can't do it right now."

"Why?" seryosong tanong ko.

"Your magic is extra ordinary, Cordelia. Isang beses na naming nasaksihan iyon noong ipinanganak ka." He sighed again. "Kung talagang nais mong mawala ang spell ng reyna, kailangan nating maghanda."

Napakunot ang noo ko. "Maghanda? Para saan?" litong tanong ko sa hari.

"Your magic attracts sea monsters. Napapalibutan ng mayamang katubigan ang Vallasea. At sa katubigang iyon, doon naninirahan ang mga sea monster na minsan nang pinaamo ng mga nagdaang royal family members."

"Are they going to attack if they feel my magic?" Hindi sumagot ang hari sa naging tanong ko. "We can always create a barrier. Paniguradong hindi na makakalapit ang mga iyon dito sa sentro ng Vallasea."

Umiling ang reyna. "Hindi lang naman ang sea monsters ang problema natin dito, Cordelia." She sighed. "Dahil sa ginawa ko noon, mas lumakas rin ang presensiya ng dark energy sa lugar na ito. At ikaw... bilang bunga nang paggamit ko ng forbidden magic noon, paniguradong hindi ka titigilan ng itim na enerhiyang tinutukoy ko. They will consume you the way they consumed my energy for the last twenty years."

Napakuyom ako ng kamao at tiningnan ang mga itim enerhiyang tinutukoy nito. Forbidden magic summoned them and stayed close with Her Majesty. She can't do anything because it consumes her energy. Kung wala lang itong magic circle na gawa ko, tiyak kong ni pagsalita ay wala nang lakas itong ina ni Cordelia!

"I can cast and create more magic circle," wala sa sariling wika ko na siyang mabilis na ikinailing ng reyna sa akin.

Huminga ito nang malalim at malungkot na tiningnan ako. "You'll drain yourself. Malakas ang enerhiyang ito, Cordelia."

"We already consulted this case with the Grandmaster of Phoenix. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung paano ito mawawala sa reyna." The King said and looked at his wife. "Your mother suffered because of this dark energy, Cordelia, and we can't let you suffer too. Hayaan mo na lang muna ang spell na nasa katawan mo."

Umiling naman ako sa hari. "I can't do that, Your Majesty." I sighed and looked at him intently. "You told me about the prophecy and gave me the answers that I need to know and now... sa tangin ko ay dapat niyo ring malaman ang totoong kondisyon ko." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tiningnan ang inang reyna ni Cordelia.

Ito lamang ang tanging paraan na naiisip ko ngayon. Para tuluyang pumayag itong ina ni Cordelia, she needs to know that her daughter is refusing to stay in her body. Kailangan bigyan ko ito nang rason para pagbigyan ako sa nais ko. I'll use Cordelia's current situation. Alam kong pinagbawalan na ako noon ni Alessia na sabihin ito sa ibang tao rito sa Azinbar ngunit wala na akong ibang pagpipilian pa. We need to have Cordelia's power.

A war is coming. At kagaya nang sinabi sa akin ni Meredith, she needs both of us. Ako at si Cordelia. I sighed and decided to tell them about our current situation. "Cordelia's soul is trapped or hiding somewhere inside her body," saad ko na siyang ikinataka ng dalawa. "Kanina... iyong anak niyo ang kausap niyo. But now, she hid again and let me control her body."

"W-what are you talking about?" gulong tanong ng ina ni Cordelia.

"I'm saying that I'm not Cordelia. I'm a different soul... from another world."

"What?" Halos sabay na tanong ng hari at reyna sa akin.

I sighed. "Noong nahulog sa lawa ang anak ninyo, tsaka ako napunta sa katawan niya. She almost died that time and when I entered her body, her soul stayed. Alam nito ang nangyayari sa paligid niya ngunit mas pinipili nitong manatiling tahimik at nakatago."

Namataan ko ang pag-awang ng labi ng reyna at mabilis na inalis ang luhang kumawala sa mata niya. She took a deep breath and calm herself. "If you're not my daughter, w-who... are you?" litong tanong pa rin ng reyna sa akin.

"My name is Raina Louise. I'm a dimension traveler and unfortunately, I'm trapped inside your daughter's body." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "The king of Northend knows me. Kung hindi kayo naniniwala sa akin, maari niyo itong kausapin at tanungin kung may katotohanan ba ang mga salitang binitawan ko sa inyong dalawa."

Nagkatinginan ang mag-asawa. Mayamaya lang ay muli silang bumaling sa akin at halos sabay na napabuntonghininga. "The Seer from Oracle... told us about this too," saad ng hari na siyang ikinatigil ko naman. Say what? I didn't expect that one! May ideya na sila sa kagaya kong dimension traveler? "She told us that someone will come to save our daughter. Hindi niya lang alam kung paano at kailan ngunit sigurado itong may tutulong kay Cordelia."

"S-so, you're saying that you're a soul from another world, right? Hindi ka nagmula sa mundong ito? Hindi ka taga-Azinbar?" sunod-sunod na tanong sa akin ng reyna.

Wala sa sarili naman akong napatango. Wait a minute. What's the meaning of this? Kasama ako sa propesiyang nakita ng Seer noon? Napahugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. "May hindi pa ba kayo sinasabi sa akin? Ano pa ang sinabi sa inyo ng Seer mula Oracle?" seryosong tanong ko sa dalawa.

Halos sabay na umiling naman ang dalawa na siyang ikinabuntonghininga ko na lamang muli. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang hari at reyna ng Vallasea.

"I have a favor to ask. Nasa labas ng royal palace ang mga kaibigan ko. Nais kong humingi nang permiso sa inyo. Let them in and let's talk about our next step." I sighed and looked at the Queen. "My sole purpose here is to save your daughter. Please, pag-isipan niyong mabuti ang tungkol sa pag-dispel sa mahikang inilagay niyo sa katawan niya. We need her power. Kung nag-aalala kayo na hindi niya makakayanan ang kapangyarihang taglay niya, don't worry. I won't leave her body. Hindi nag-iisa si Cordelia sa labang ito. I'm with her, Your Majesty. Hindi ko siya hahayaang mapahamak habang nasa katawan niya ako."

Kagaya nang hiningi kong pabor sa kanila, pinapasok ng hari at reyna ang mga kasama kong naghihintay sa akin sa labas ng palasyo. Sa isang pribadong silid ng palasyo kami nagtipon-tipon. Wala pa ang miyembro ng royal family at tanging kami lamang ng mga kasama ko kanina ang narito ngayon. Nakaupo kaming lahat at nakatitig lamang sa isang maliit na entablado sa harapan namin.

"Nakuha mo ba ang pakay mo sa kanila?" rinig kong tanong ni Alessia sa akin.

Tumango naman ako at nanatiling nakatingin sa unahan. "Cordelia came too. Kinausap nito ang mga magulang niya."

"Really? What about her accident? Sinabi niya ba ang tungkol sa pagkahulog niya sa lawa?" It was Dylan. Nanatili naman akong nakatingin sa unahan at 'di na nag-abala pang lumingon sa puwesto nito. Seconds passed; I heard him sighed. "So, it's still a mystery to us. Hindi pa rin natin alam kung sino ang nagtulak sa kanya sa lawa."

"Mayroon nga ba?" rinig kong sambit naman ni Scarlette. Ngayon ay ramdam ko na ang tensiyon sa pagitan ng mga kasama ko.

I sighed. "Cordelia felt suffocated while staying in Carolina's shelter mansion. She felt like she was on the edge of a cliff, and everyone was pushing her until she falls and die." I paused and took a deep breathe. "Iyon mismo ang mga katagang sinabi nito sa magulang niya."

"So... it was her. Nagkusa itong tumalon lawa," ani Alessia sa tabi ko.

"Again, for the nth times, Cordelia will never do that," mariing wika naman ni Dylan.

Wala sa sarili akong napakagat ng pang-ibabang labi. I like to agree with Dylan. Alam kong hindi iyon gagawin ni Cordelia sa sarili niya. Ramdam ko ang pagpapahalaga nito sa sarili kahit na itinago sa kanya ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao niya. We've already knew about the prophecy and now, I think it's time for me to talk and ask Cordelia about her own accident. Paniguradong hindi matatahimik itong mga kasama ko hangga't hindi namin nalalaman kung aksidente ba talaga o sinadya ang pagkahulog nito sa lawa.

Mayamaya lang ay bumukas ang pinto ng pribadong silid na kinaroroonan namin. Halos sabay-sabay kaming bumaling roon at nagsitayo mula sa pagkakaupo noong makita ang isa-isang nagsipasok ang mga miyembro ng royal family.

Naunang pumasok ang kambal na sina Kallan at Amaya. Seryosong nagtungo sa upuan ang dalawa at noong magtagpo ang paningin namin ni Amaya, mabilis itong umirap sa akin. Ngumiti at kumaway naman si Kallan sa amin. Sumunod na pumasok si Naida. At kagaya nang inaasahan ko, seryoso at tila inis ito sa mga nangyayari ngayon. Halata sa ekspresyon nito sa mukha ang pagkadisgusto sa naging pabor ko sa mga magulang nila ni Cordelia. Walang ingay naman itong naupo sa puwesto niya at matamang tiningnan ako. Pasimple akong yumukod sa kanya na siyang ikinairip ng prinsesa sa akin.

Palihim akong napangiwi. Hindi ko alam kung sinabi ba sa kanila ng hari at reyna ang tungkol sa kondisyon namin ni Cordelia ngayon. Kung alam nilang hindi pala ako ang kapatid nila, tiyak kong magbabago ang pakikitungo nila sa akin. Ngunit kung pagbabasehan ang naging reaksiyon nila noong makita ako, natitiyak kong wala pang alam ang mga ito. Hindi pa rin kasi nagbabago ang pakikitungo nila sa kapatid nila!

Huling pumasok sa silid ang hari at reyna ng Vallasea. Nakaalalay ang hari sa asawa nito kaya naman ay mabilis akong napatingin sa dark energy na nakasunod ngayon sa reyna.

Right! Nasa chamber lang nila ang magic circle na ginawa ko! Ngayong lumabas ito roon, paniguradong hinihigop na naman ng dark energy na ito ang enerhiya ng reyna!

Halos sabay-sabay na yumukod ang mga kasama ko dahil sa presensiya ng hari at reyna ng Vallasea. Ganoon din ang ginawa ko at noong magsalita ang ama ni Cordelia, umayos na kami nang pagkakatayo. Bumaling muna ito sa akin bago kami sinabihang maupo na. Tahimik kaming sumunod sa sinabi ng hari at nagsiupo na sa kanya-kanyang upuan.

"Thank you for inviting us here, Your Majesty," ani Alessia at yumukod muli sa dalawa. Tumango naman ang hari at umayos nang pagkakaupo. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Your Majesty. We're here because of our friend. The Tyrants of Northend will help her to finish her mission," saad muli ni Alessia at tumayong muli. Maging si Jaycee ay ganoon din ang ginawa.

"Same goes with me, Your Majesty." It was Scarlette. Tumayo rin ito kaya naman ay napabaling ako sa kanya. "My mother was the Seer who saw her prophecy. At bilang isang Seer ng Oracle, it's my duty to help those people with ill-fated prophecy. I need to do something. If I can't stop it, then at least... I need to do something to lessen the burden of that person. It's the duty we need to take after seeing someone's future," saad pa niya at bumaling sa akin. Tumango si Scarlette sa akin kaya naman ay wala sa sarili akong napatango na lang din sa kanya.

"And what about the Phoenix Knight?" tanong ng hari at tiningnan ang tahimik na si Atlas. Mayamaya lang ay tumayo na rin ito at seryosong tiningnan ang miyembro ng royal family.

"Phoenix Knights will help everyone to protect this realm. This is our home too, Your Majesty. Nararapat lang na protektahan namin ito," seryosong saad ni Atlas at bumaling sa akin. Tumango ako sa kanya at muling tumingin sa mga magulang at kapatid ni Cordelia.

Tumayo na rin ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. "The prophecy was all about me protecting this realm and sacrificing myself to win this war. I say... fuck the prophecy, fuck this hapless fate. Hindi ko hahayaang mamatay si Cordelia sa labang ito. She already suffered enough because of that prophecy. This time, I'll fight with her and definitely win and survive."

Tumango sa akin ang hari at bago pa man ako makapagsalitang muli, nagsalita si Naida na siyang ikinatigil ng lahat.

"You're back and you brought chaos here," aniya na siyang seryosong ikinatingin ko sa kanya. "Wala ka na bang ibang gagawin sa pamilyang ito kundi ang guluhin, huh, Cordelia?" malamig na tanong niya sa akin.

"Naida, stop it," mabilis na suway ng ina sa kanya.

"No, Your Highness," galit na turan nito at tumayo na rin sa kinauupuan niya. "Vallasea is a peaceful realm now. Walang giyera, walang gulo. At ngayong nagbabalik na siya, biglang magkakaroon ng ganito? Dapat ay hindi ka na bumalik at nanatili na lamang sa Atlantis! Tahimik na ang pamumuhay namin, Cordelia! Natanggap na naming kailanman ay hindi ka na magiging parte ng pamilyang ito!"

"Naida, that's enough!" malakas na saad ng hari na siyang ikinatigil ni Naida sa pagsasalita. "Pinatawag ko kayo ng mga kapatid mo para makipagkaisa sa plano ng mga bisita natin. Para sa Vallasea ang pag-uusap na ito. So, you stop it or you'll not be a part of this plan!"

Hindi na muling nagsalita si Naida at naupong muli sa upuan niya. Masama itong tumitig sa akin kaya naman ay napailing na lamang ako. Humugot naman ng isang malalim na hininga ang hari at muling itinuon sa amin ang atensiyon.

"You can stay here as long as you want. Ask the royal guards for help too. And Cordelia, I'll be giving you a royal plaque. Use it to command everyone, including the royal army. You can have the same authority of the royal family." Napaawang ang labi ko sa tinuran ng hari. Wala sa sarili naman akong napatingin kay Alessia at namataan ang pagtango nito sa akin.

Napalunok ako at mabilis umayos nang pagkakatayo. Humarap muli ako sa hari at mabilis na yumukod.

This is it. Wala nang atrasan ito. A war is coming in your realm, Cordelia. We better do our best to save yourself and your home!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top