Chapter 30: Forbidden
Sa bawat paghakbang ng mga paa ko papalapit sa pintuan kung saan naroon ang kasalukuyang hari at reyna ng Vallasea ay siya namang pagkabog ng puso ko. Palakas nang palakas ito.
Hindi ko alam kung ako ba ang dahilan kung bakit ganito na lamang kalakas ang tibog ng puso ko o si Cordelia. She's still inside her body. Paniguradong alam nito kung sino ang makakaharap ko kapag tuluyan na akong makapasok sa silid na pinuntahan namin ng kapatid niya.
"Gusto kong samahan ka sa loob ng chamber nila ngunit alam kong mas nais mong makausap ang mga magulang natin nang mag-isa," ani Kallan at umatras na noong tuluyan na akong nasa tapat ng pintuan. "Go and talk to them, Cordelia." He slightly smiled at me. "And... welcome back," dagdag pa nito at tinalikuran na ako.
Nanatili naman akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng chamber ng mga magulang ni Cordelia habang nakatingin sa papalayong bulto ni Kallan.
Welcome back. Sa lahat ng taong nakasalamuha ko sa lugar na ito, itong si Kallan lamang ang nagsabi sa akin ng mga salitang iyon. Mukhang siya lamang ang matinong kapatid ni Cordelia.
Nagkibit-balikat na lamang ako at muling itinuon ang paningin sa may pintuan ng chamber. Wala sa sarili naman akong napatingin sa dalawang kawal na nakayukod at tahimik na nakatayo lang sa magkabilang gilid ng pinto ng chamber. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at napagdesisyunan nang ihakbang muli ang mga paa. At noong tuluyan na akong nakapasok sa chamber ng hari at reyna ng Vallasea, agad akong naging alerto noong makaramdam ng kakaibang enerhiya sa loob nito.
What the hell? Kunot-noo kong tiningnan ang kabuuan ng silid at noong mamataan ko ang mga magulang ni Cordelia, mabilis akong napaayos nang pagkakatayo. Maingat namang sumara ang pinto sa likod ko at noong tuluyang maisara na ito, muli kong itinuon ang atensiyon sa dalawang taong pakay ko sa lugar na ito.
Parehong prenteng nakaupo ang mga ito habang nakatingin din sa akin. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at nagsimulang inihakbang muli ang mga paa. Mabigat ang bawat paghakbang ko. Mas naging alerto rin ako sa paligid. I can't be wrong. Something's not right in this chamber! May kung anong enerhiya akong nararamdaman ngayon sa lugar na ito. It's not the dark energy that I felt among the members of Phantom. It's different and I don't know what the hell it is!
"What brought you here, Cordelia?" Sa tono pa lang ng boses ng hari ay natitiyak kong hindi nito nagustuhan ang pagpunta ko sa palasyo niya. Seryoso itong nakatingin sa akin samantalang tahimik naman ang asawa nito nakaupo sa tabi niya. Hindi ito nagsalita at matamang nakatingin lang din sa akin. "The last time we've talked, you told us to stay away from you. Maging ang mga kapatid mo ay pinagtabuyan mo noong nagtungo ang mga ito sa Atlantis para makita ka."
"I did that to them?" marahang tanong ko sa hari. "Ginawa ko iyon sa pamilya ko?"
"You never accepted us as your family, Cordelia," marahang saad naman ng reyna. "Ilang ulit mo itong ipinagmukha sa amin."
"Hindi ba ganoon din naman ang ginawa niyo sa akin?" malamig na tanong ko sa mga magulang ni Cordelia. "Kung sabagay, patay na pala ang turing niyo sa unang anak na isinilang niyo sa mundong ito."
"Cordelia!" Halos pasigaw na saad ng hari sa pangalan ko. Tumayo ito sa kinauupuan niya at mas lalong sumama ang tingin sa akin. Napalunok ako at mariing ikinyuyom ang mga kamao. "Alam mo kung bakit namin ginawa iyon!"
"News flash, Your Highness, I don't remember anything!" mariing wika ko na siyang ikinatigil nito. Gulat na napatitig na rin sa akin ang reyna. "Hindi ba nakarating sa inyo ang balitang iyon?"
"Balita?" mahinang tanong ng reyna. Nagtaas ako ng kilay sa kanila at napailing na lamang. "What do you mean you don't remember anything? May nangyari ba sa'yo habang nasa shelter mansion ka ni Carolina?"
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at muling napailing sa harapan ng mga magulang ni Cordelia. So, wala silang alam tungkol sa aksidenteng kinasangkutan nito. "I almost died," saad ko na siyang ikinatigil muli ng dalawa. "But I guess... wala lang sa inyo ang tungkol sa bagay na iyon. Ni hindi nga kaya nag-abalang tingnan ang kalagayan ko."
"We don't know about it, Cordelia!" Napatayo na rin ang reyna. Mabilis naman itong pinigilan ng hari noong akmang hahakbang na ito. Mataman kong tiningnan ang dalawa at napansin ang pasimpleng pag-iling ng hari sa asawa nito. Napabuntonghininga ang reyna at muling naupo sa puwesto niya kanina.
Wala sa sariling napatango na lamang ako at nagsimulang ihakbang muli ang mga paa. "It's fine. Wala na rin naman sa akin iyon. I survived. Iyon ang mahalaga." I sighed. "Kagaya nga nang sinabi ko kanina, I don't remember anything. About my past, my family, my real identity. But something happened to me and triggered my memories. May ilang alaala na ang bumalik sa akin at hindi pa iyon sapat para masagot lahat ng katanungang mayroon ako ngayon."
"And that's the reason why you're here? To ask questions from your past?" Mas mahinahong tanong ng hari sa akin. Tumango ako sa kanya at namataan ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. Mayamaya lang ay naupo itong muli at matamang tumitig muli sa akin. "Hindi ka lumaki kasama namin, Cordelia. Wala kaming maibibigay na impormasyon sa'yo tungkol."
"What about the reason why you let your child leave this palace and announced her own death? Siguro naman ay kaya niyong sabihin iyon sa akin," matamang wika ko at naging alerto muli. I suddenly sensed a familiar energy. This time, hindi ako maaaring magkamali. It's a freaking dark energy! What the hell? Bakit nasa lugar na ito ang enerhiyang tanging mga dark magic user lamang ang may kakayahang gumamit?
"Reason?" Umiling ang hari sa akin. "Hindi mo na kailangang malaman ang tungkol sa rason namin ng reyna. It was a decision between the two of us."
"And the prophecy?" I fired another question that caught them off guard. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mukha nila at gulat na napatitig sa akin. "I've been asking people about myself. Carolina doesn't give me anything kaya naman ay minabuti kong umalis sa Atlantis. I know you saw me during the Grandmaster's birthday celebration. I was there to find some answers. And to my surprise, instead of answers, I got kidnapped."
"What?" Gulat pa rin ang reaksiyon ng reyna. "Oh, my poor child."
"The kidnappers thought that I was Nadia. Kung sabagay, halos magkamukha kaming dalawa." I sighed. "But you know what? I escaped from them and arrived at the Apex Tribe headquarters."
This time, mukhang nakuha na ng hari kung pasaan itong pag-uusap namin. Mas naging seryoso ang ekspresyon nito sa mukha at hinayaan akong magpatuloy sa pagsasalita. "All my life, I thought that I can't use any magic. I thought I was powerless-"
"You are powerless, Cordelia." Singit ng hari kaya naman ay natigilan ako sa pagsasalita. Napalunok ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa bagay na hindi mo naman kayang gawin."
Napailing ako at matamang tiningnan ang ama ni Cordelia. "Cordelia is not powerless!" Halos isigaw ko iyon sa kanya. He froze. Maging ang ina nito ay natigilan. Gulat itong napatitig muli sa akin. I sighed and controlled myself. Damn it, Raina! Don't ruin this one! Ito lang ang tanging pagkakataong mayroon ako para makausap ang dalawa ito. "I'm not powerless. I'm not useless. Alam kong alam niyo iyon." I sighed again for the nth times. "Fine. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nandito lang naman ako para malaman ang prophecy na tinutukoy ni Aavir. I need to know what kind of prophecy it was then I'll leave you and your family alone."
"Cordelia-"
"Please, I'm begging you. I'm running out of time kaya naman ay sabihin niyo na sa akin ang tungkol dito!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Muli kong inihakbang ang mga paa papalapit sa hari at reyna ngunit mabilis tumayo muli ang hari ng Vallasea at sa pagkumpas ng kanang kamay nito, agad akong napirmi sa kinatatayuan ko.
"Antonio!" sigaw ng reyna at tumayo na rin. "What the hell are you doing? She's your child!"
Napakurap ako at sinubukang ihakbang muli ang mga paa. Napakunot ang noo ko at wala sa sariling napayuko.
"I need to stop her, Thalassa! She's ruining everything we did for her!" Rinig kong sambit ng hari.
Napangiwi ako sa narinig. Ruining? E, nagtatanong lang naman ako sa kanila! Napailing na lamang ako at sinubukang ikilos ang mga paa muli. Mayamaya lang ay napaawang ang labi ko noong mamataan ang maliit na magic circle sa paanan ko. What the hell? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ko maihakbang ang mga paa ko?
Muli akong napabaling sa hari at reyna at takang tiningnan ang mga ito. "What the hell is this?" mariing tanong ko sa dalawa. "You're using your magic against me?"
"I need you to stay there and don't come near us, Cordelia. That's an order," seryosong saad ng hari sa akin. Bumaling ito sa reyna at inilingan ito. Walang nagawa ang reyna at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.
Wala sa sarili akong napairap. Hindi ko alam kung anong problema ng mag-asawang ito ngunit hindi ako papayag na basta-basta na lamang ako nilang gagamitan ng mahika para hindi makakilos! Ni wala nga akong ginagawang masama kanina! Nagtanong at inihakbang ko lang ang mga paa ko! Unbelievable! Hindi ganito ang ini-expect ko mula sa hari at reyna ng realm na ito!
"Fine! Kung ayaw niyo akong lumapit, gagawin ko iyong nais niyo," saad ko at maingat na naupo. Kinuha ko sa likuran iyong dagger na dala-dala ko at maingat na sinugatan ang sariling palad. Here we go again. Kakagaling lang ng sugat ko rito at ngayon, panibagong sugat na naman ang ginawa ko. I'm so sorry, Cordelia. Mukhang naaabuso ko na talaga ang katawan mo!
Narinig ko ang pagsinghap ng reyna dahil sa ginawa ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa. Inilapat ko sa sahig ang duguang darili at nagsimulang gumuhit ng sariling magic circle. Kinontra ko ang magic circle na ginawa ng hari at segundo lang ang lumipas at nakagalaw na akong muli.
Mabilis akong umatras at lumayo sa mga magulang ni Cordelia. Muli ko silang binalingan habang binabalot ng tela ang duguang kamay. "I won't come near you. Sa kahit anong pagkakataon, but please, you need to tell me about the prophecy. I need to survive in this world, too." I sighed. "Kahit hindi niyo na ako tulungan o protektahan. Kahit hindi niyo na ako ibalik sa shelter mansion ni Carolina. Kaya ko na ang sarili ko. I just need to know the reason why my life became like this. Iyon lang ang nais ko sa inyo bilang mga magulang ko."
"Wala kang makukuha mula sa-"
"It was about the curse magic," saad ng reyna na siyang ikinatigil ng hari sa pagsasalita. Bumaling ito sa asawa niya at mabilis na hinawakan para pigilan sa pagsasalita. Agad namang umiling ang reyna. Namataan ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga at malungkot na binalingan akong muli. "Curse magic is a forbidden magic here in Azinbar. Ipinagbabawal iyon at kung sino man ang lalabag sa paggamit ng mahikang iyon ay mapapatawan nang matinding parusa."
"At ano naman ang koneksiyon ko sa forbidden magic na iyan? That was the prophecy about me?" gulong tanong ko sa ina ni Cordelia. For Pete's sake! She was a child when they abandoned and declared her death! Anong kayang gawin ng batang Cordelia? Ni paggamit ng mahika ay hindi pa niya kayang gawin noon!
"That's enough, Thalassa. Itigil mo na rin ang pagtatanong mo, Cordelia," saad muli ng hari.
Napailing naman ako. No. She can't stop now! Kaunti na lamang ay malalaman ko na ang katotohanan tungkol sa nangyari noon kay Cordelia! "No. Please, tell me more about-"
"Your mother will die if she says another word to you, Cordelia!" Malakas na wika ng hari na siyang ikinatigil ko. Kusang napaawang ang labi ko at matamang tiningnan ang reyna. Segundo lang din ang lumipas ay namataan ko naman ang enerhiyang unti-unting bumabalot sa ina ni Cordelia.
That's it! Ito ang enerhiyang naramdaman ko noong pumasok ako sa silid na ito! It was shattered throughout the chamber kaya naman ay hindi ko ito makita kanina! Ngayong nasa iisang lugar na ito, kitang-kita ko na ang enehiyang kanina ko pa hindi matukoy kung ano!
"Thalassa, that's enough."
"Antonio, your daughter deserves to know that truth."
"The truth will kill you!" Napaawang ang labi ko sa mga naririnig mula sa mga magulang ni Cordelia. Wala sa sarili akong napaatras habang nakatingin sa dalawa. "We already saved her before, Thalassa, and she grew up fine and strong. We already did our best to save her. And now, it's time for us to save you. So please, don't say another word that will harm you, My Queen. Please."
Napalunok ako at muling napatitig sa enerhiyang nakapalibot na ngayon sa puwesto ng reyna.
That energy... It will definitely harm her if she utters another word about the forbidden magic.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at tiningnan ang sugatang kamay. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago alisin ang telang ipinambalot ko sa sugat at muling inilapat sa balat ang talim ng hawak kong dagger. Lumuhod ako at inilapat ang daliri sa sahig. I immediately use my blood to create another magic circle.
I can dispel the energy that stays in this room and free Cordelia's mother. I can use my own blood magic to save the Queen of this realm. At kapag nawala na iyong enerhiyang pumipigil sa kanilang sabihin sa akin ang lahat, tiyak kong kusa nilang ipapaalam sa akin ang tungkol sa propesiyang nalaman nila noon tungkol kay Cordelia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top