Chapter 28: Provoke

I don't want to waste any of my time now.

Maayos na ang pakiramdam ko. Naghilom na rin lahat ng injuries na natamo ni Cordelia kaya naman alam kong kaya ko nang kumilos at ipagpatuloy ang misyon ko sa mundong ito. Yes, I'm being impatient right now, but my time is running out, and I don't want to waste any of it doing nothing.

"Jaycee," tawag pansin ko sa kasama sa silid. Hindi naman kumibo si Jaycee at nanatiling nakatayo sa gilid ng kamang kinauupuan ko. "Where are we, by the way? Kaninong bahay ito?"

"It was Dylan's ancestral house," sagot nito at binalingan ako. "Ito rin ang pinakamalapit na lugar na alam namin mula sa gubat kung saan ka namin nahanap."

"At paano niyo ako nahanap?" tanong ko pa.

"Someone sent us a message. A message from Apex Tribe," sagot nito na siyang ikinatigil ko. "You knew our king right, Raina? King Louis IV of Northend?" Marahan akong tumango sa kanya. "When Alessia told him about you, he immediately instructed us to keep an eye on you. We found out that you're staying at Tanner's house and before we even got a chance to talk to you, you were gone."

"I was kidnapped." I sighed and remembered what happened to me that day. Napailing na lamang ako at muling napabuntonghininga.

"And Alessia was mad as hell and almost beat Dylan for letting the enemies kidnapped you." Napangiwi ako sa narinig. Natawa na lamang si Jaycee sa naging reaksyon ko. "We tried to find you. For days, we searched every corner of the capital of this realm, but to our dismay, we failed to track you."

"So... paano niyo ako nahanap? Anong klaseng mensahe ang natanggap niyo mula sa Apex Tribe?"

"His Majesty, King Louis IV, felt an unusual presence between dimensions. He immediately suspected that it was you and traced it. He also entered the same dimension you used to escape from your kidnappers and met one of the members of Apex Tribe." What? Kayang gawin iyon ng hari ng Northend? "The member told our Majesty about your current situation and asked him if they can have you for a little while." Napakunot naman ang noo ko sa tinuran nito. What the hell is he talking about? "Tell me, Raina, anong pinagawa ng Apex Tribe sa'yo habang nasa teritoryo ka na?"

Natigilan ako sa tinanong nito. Ipinilig ko ang ulo at matamang sinalubong ang titig ni Jaycee. Seconds passed, I sighed and nod as I remember what happened to me while staying at the Apex Tribe headquarters. "Some members of that tribe were traitors. I sense their dark energy and help the officers of the tribe to identify the members with dark magic."

"Is that all?" Jaycee carefully asked. Tumango naman ako. Mayamaya lang ay humugot ng isang malalim na hininga si Jaycee. Umayos ito nang pagkakatayo at matamang tinitigan akong muli. "The people of Northend, the Tyrants, and His Majesty doesn't normally involve with other realm's conflict, especially if this conflict is between the royal family and some rebel group. We have lots of problems in our own realm too. And since you're here Raina, daughter of our former Captain Mary, we're willing to help and achieve your mission without any failure. But I need you to be honest with me, Raina."

Napalunok ako at umayos nang pagkakaupo. "About your father, the dimension traveler, you're looking for him, right?"

"Yes," marahang sambit ko.

"For what reason?" He asked me with a serious tone.

Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko. "My mother is sick, and she needs him," matamang saad ko na siyang ikinatigil naman nito. "Hindi ko alam kung maiintindihan mo ito ngunit iba ang takbo ng oras ng mundong ito sa mundo namin. It's been twenty-five years since my mother went home and finished her last mission. Twenty-five years living alone without my father. She's old now, fragile, and sick, and she badly needs to see and be with him right now."

Hindi agad nakapagsalita si Jaycee. Nakatingin lang ito sa akin, tila tinitimbang ang sarili kung dapat ba itong magsalitang muli o hindi na.

Napabuntonghininga ako. "Nakapasok ako sa mundong ito dahil sa pagnanais na makita itong muli, Jaycee. I've been a bad daughter to my mother. I hated her for losing everything over a man like my father. I hated both of them, Jaycee, pero ano ba ang kayang gawin ng galit ko sa kanila? Ako lang din naman ang nasasaktan tuwing nakikita ko ang kalagayan ni mommy."

He sighed. "Her condition... hindi ba ito kayang gamutin sa mundo niyo?"

"With all the money we have in our world, walang silbi ang mga iyon. Money and wealth can't cure anything. Not my mother's broken heart. Not when she's slowly losing all her memories about us, about her family."

Natahimik kaming dalawa ni Jaycee. Hindi na ito muling nagsalita, ganoon din ako. Napasandal na lamang ako sa headboard ng kama at tumitig sa kawalan.

I need to control my emotion. I already had a deal with Meredith. Wala na dapat akong ipag-alala pa tungkol sa ama ko. Dapat ngayon ay nakatuon na ang buong atensiyon ko kay Cordelia. It's now all about her and my mission to help her return to this body.

Mayamaya lang ay bumukas muli ang pinto ng silid na kinaroroonan namin.

Mabilis akong bumaling doon at namataan ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Dylan. Pumasok na itong muli sa silid at likod niya ay si Alessia. Dahan-dahan itong bumalik sa kinatatayuan niya kanina at noong makita ko ang iba nitong kasama, natigilan ako.

It was a woman accompany by a Phoenix Knight. It was Atlas! Seryoso lang itong nakasunod sa babae.

"Scarlette," marahang sambit ko sa pangalan niya at napatitig sa kulay pula nitong buhok. It's her! Iyong pangalawang babaeng tinulungan ni mommy noong bumalik siya rito sa Azinbar! "Just like my mom's description... You have a beautiful red hair, Scarlette," wala sa sariling komento ko.

Ngumiti sa akin si Scarlette at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin. "You must be Cordelia, the first-born princess of this realm."

"The owner of this body, yes, she's Cordelia," matamang sambit ko sa kanya.

"Raina Louise... That's your name, right?" Tahimik akong tumango sa kanya. "I saw you once in my precognition. You were here but I didn't expect you to enter someone's body while staying here in Azinbar."

Napaawang ang labi ko sa narinig mula sa kanya. Wait... Iyon din ang sinabi sa akin ni Meredith noong magkita kami sa Afterworld!

"What do you mean by that?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Bumaling muna si Scarlette kay Atlas at tahimik na tiningnan ako pabalik. "You're a dimension traveler, Raina, just like your father, Treyton. Hindi ka dapat pumasok sa katawan ni Cordelia. Kaya mong manatili sa mundo namin kahit na hindi ka na manatili sa katawan ng sino man."

"Kung ganoon... bakit ako napunta sa katawan ni Cordelia?" gulong tanong ko at napabaling kay Dylan. Seryoso at tahimik lang itong nakatitig sa akin. Mayamaya lang ay napahugot ako ng isang malalim na hininga at napapikit na lamang. "It was Cordelia. Siya ang dahilan kung bakit ako napunta sa katawan niya."

"But Atlas told me that she can't use any magic," ani Scarlette na siyang ikinamulat kong muli ng mga mata ko. Bumaling ako kay Scarlette at sinalubong ang tila naguguluhang titig nito sa akin. "If she's powerless, she can't do that to you."

"She's not powerless, Scarlette. Cordelia... she's incredible and uses a rare ability. Hindi mo ba iyon nakita sa precognition mo?"

Umiling si Scarlette at napabuntonghininga na lamang. "I can't control my ability, Raina. Yes, I can see both past and future. I saw yours but not Cordelia's. And I never saw any premotion or precognition about her before."

"Because she was declared dead." It was Dylan. Napakurap ako at mabilis na bumiling sa kanya. Umayos ito nang pagkakatayo at inihakbang ang mga paa papalapit sa kamang kinauupuan ko. "Halos lahat ng taga-Vallasea at iba pang realm ng Azinbar ay alam ang tungkol sa pagpanaw ng naunang tagapagmana ng trono ng kasalukuyang royal family. She's dead and basically does not exist in this world. Not anymore."

"Kaya hindi ko siya makita gamit ang ability ko? Dahil sa dahilang iyon?" Kunot-noong tanong ni Scarlette kay Dylan. Mayamaya lang ay umiling ang babae at muling bumaling sa akin. "My ability is different from the rest of the Seers. Alam ni Rhianna Dione iyon. I can't miss something like this. Malakas ang kutob ko na may kung anong pumipigil sa akin para hindi makita ang tungkol kay Cordelia. And that's why I'm here. Gusto kitang makita at gustong makumpirma ang hinuha na mayroon ako ngayon." Natigilan ako at matamang tumitig lamang kay Scarlette. "Eldred, my guardian, told me that you saw his sister, Meredith. Ibinigay niya lahat ng detalyeng alam niya, pati na rin ang lugar na kinaroroonan mo ngayon."

Eldred? I don't remember reading his name on my mom's journal! At ano raw? Kapatid ito ni Meredith? Iyong guardian ng Afterworld?

"Noong nalaman ko ang tungkol sa'yo at kay Cordelia, I used my ability to find something about you. But... I just can't find anything. My ability was blocked, Raina."

"At sa tingin mo, ano ang dahilan nito?" Alessia asked her.

Bumaling naman si Scarlette dito at napabuntonghininga na lamang. "I once used this technique to block my own ability. Noong nasa katawan ko pa si Rhianna Dione." Maingat na saad nito at muling tumingin sa akin. "I tried to erase my own memory... Para hindi makita iyon ni Rhianna Dione. She's smart. Mabilis niyang kukuha lahat kahit kaunting imahe lamang ang nakikita niya sa isipan ko. I slowly erased some valuable memories and even tried to end my own life just to protect my sister and my family."

What?

"So, you mean... Cordelia's doing this to you? She's the one blocking your ability?" malamig na tanong ni Dylan kay Scarlette.

"Dylan," mabilis namang tawag ni Atlas sa pangalan nito. "Just listen to her."

"No," muling wika ni Dylan. "Hindi iyon magagawa ni Cordelia." He sighed. "Cordelia... She's not that weak. She... she can't harm herself."

"Ngunit noong nahulog ito sa lawa, walang nakakita sa kanya." It was Alessia. "She was alone that time."

"She didn't harm herself!" mariing saad ni Dylan.

Nagkibit-balikat naman si Alessia at muling bumaling sa akin. "What do you think, Raina? Ikaw ang nasa katawan ni Cordelia ngayon. Ano ang masasabi mo tungkol dito?"

Napatingin ako kay Dylan at hindi agad nakapagsalita. Humugot ako ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakaupo. "Noong unang araw ko sa katawang ito, nakausap ko si Cordelia. It was just a few seconds. Mabilis lang iyon pero agad kong napagtanto na hindi isang normal na babae lamang si Cordelia. At noong nalaman kong wala itong kakayahang gumamit ng mahika, nagsimula na akong magtaka. She's not weak... She can use different kinds of weapon. She's strong. She used to show me images inside my head, but when I asked her about the accident she had before I entered her body, she didn't give me anything."

"Is she protecting someone?" Jaycee asked.

Napailing ako. "I don't know."

"Posibleng may prinoprotektahan ito. Iyon din ang ginawa ko noon," saad muli ni Scarlette.

"Huwag mong itulad si Cordelia sa'yo, Seer!" mariing turan ni Dylan. Mabilis naman pumagitna sa dalawa si Atlas at seryosong tiningnan si Dylan. Mayamaya lang ay hinawakan ni Atlas ang braso ni Dylan at mabilis na hinila palabas ng silid.

Natahimik naman kaming mga naiwan sa silid at nakatingin lamang sa pintong pabagsak na isinara ni Atlas.

"One of the reasons why I hate dealing with Phoenix Knights," walang ganang saad ni Alessia at naupo sa gilid ng kama ko. "Raina, can you talk to her again? We need to know what she did before you entered her body. Cause I'm pretty sure that we're missing something important here."

Napalunok ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. "I'll try to talk to her. Pero matagal na rin iyong huling pag-uusap naming dalawa. Hindi ko alam kung kailan ko ulit magagawa iyon."

"You can always provoke her," ani Scarlette na siyang ikinatuon kong muli sa kanya. "And let her come to you."

"At paano ko naman gagawin iyon?" takang tanong ko sa kanya.

"She's a princess, right?" Wala sa sarili akong napatango kay Scarlette. "Let's bring her home then. Tingnan natin kung ano ang gagawin niya kapag bumalik ito sa palasyo."

Napatingin ako kay Alessia. Nakatingin lang din ito kay Scarlette at tila pinag-iisipang mabuti ang tinuran nito sa amin.

"Sa tingin mo ba'y tungkol sa pamilya niya kaya nagkakaganito si Cordelia?" Alessia asked her. Tumango naman ito bilang sagot sa tanong ni Alessia. "Ngunit kapag bumalik ito, hindi na namin ito maaaring samahan sa loob ng royal palace. Maaaring mapahamak ito sa loob ng palasyo, Scarlette. Hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari sa kanilang dalawa kapag makabalik na ito sa palasyo."

"I'm pretty sure Raina can handle it." Napangiwi ako sa tinuran ni Scarlette. Can I really handle this? "Alam kung may usapan na kayong dalawa ni Meredith kaya naman ay kailangan mong ituon ang buong atensiyon mo sa misyong ito. You need to settle things between you and Cordelia."

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Scarlette.

Cordelia... Your time is up now. It's time for you to wake up and face your reality.

Stop running away. You need to face them. You need to face your family and solve this problem with them. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top