Chapter 27: Help

Para akong lumulutang sa ere habang naglalakad at tahimik na nakasunod kay Meredith.

Panay ang buntonghininga ko rin at pilit na kinukumbensi ang sarili na tama lahat ng desisyong ginawa ko kanina. It's for my mother's sake at wala ng iba pa. Kahit na magtagal pa ako sa lugar na ito, basta ba'y makakauwi sa mundo namin si daddy, I'm willing to stay here and help Meredith with all of her plans.

A war, huh? Hindi ko alam kung paano ako makakatulong pero bahala na! At isa pa, I need to fulfill my promise and mission with Cordelia. I can't just leave this world without helping her too! Damn!

"Are you ready to return to Cordelia's body, Raina?" Natigil ako sa paglalakad noong magsalita si Meredith. Tumigil na rin ito sa paglalakad at binalingan ako sa likuran niya. Umayos naman ako nang pagkakatayo at matamang sinalubong ang titig nito sa akin. "Remember this, Raina, you'll stay inside Cordelia's body. Mananatili ka roon hangga't makabalik ito."

Napalunok ako. "And what about me? Anong mangyayari sa akin kapag bumalik na ito sa katawan niya?" Damn it! I'm screwed. Hindi ko iyon naisip kanina noong nagdesisyon akong makipag-deal sa babaeng ito!

Ngumiti sa akin si Meredith at nagsimulang maglakad palapit sa akin. Inilapat nito ang kamay sa balikat ko at tinanguhan ako. "You don't have to worry about that, Raina. Just trust me and do what you need to do. Okay?"

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at napatango na lamang sa kanya. Ngumiti muli si Meredith at noong marahang iginalaw nito ang kamay sa balikat ko, agad akong nakaramdam ng kakaibang pressure sa paligid. Mukhang babalik na ako sa katawan ni Cordelia.

"Good luck, Raina."

"Just don't forget about our deal, Meredith. I need my father to return to our world."

"Consider it done, Raina." Ngumiti sa akin si Meredith at muling tinapik ang balikat.

Hindi na ako nagsalita pang muli. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at noong mas lumakas pa ang pressure na nararamdaman ko sa paligid, mariin kong ikinuyom ang mga kamao. I stay still and when I suddenly felt like I'm falling, I gasped some air and immediately opened my eyes. Shit! That was so sudden! Hindi ako naging handa sa paraang ginawa ni Meredith para makabalik sa katawan ni Cordelia! That woman! Really?

Napasinghap muli ako at napailing na lamang.

"Cordelia!"

"She's awake! Call the Tyrants!"

"Cordelia, can you hear me? Cordelia!" Napakurap ako ng ilang beses at wala sa sariling inilapat ang kamay sa may dibdib. I tried to calm my damn heart as I tried my best to catch my own breath. I guess... I'm back. Nasa katawan na naman ako ni Cordelia. "Cordelia, look at me."

Natigilan ako sa paghahabol sa sariling hininga noong marinig ang boses ni Dylan. Wala sa sarili akong bumaling sa kanya at namataan ang nag-aalalang titig nito sa akin. "Is it you? Are you back?"

Natigilan ako sa naging tanong nito sa akin. Ilang segundo akong 'di kumibo sa puwesto ko at noong mapagtanto ko kung anong ibig sabihin nito ay maingat akong umiling sa kanya.

Napahugot naman ng isang malalim na hininga si Dylan at bahagyang lumayo sa puwesto ko. "I see." He sighed again. "I'm glad that you're awake now," anito at akmang magsasalita na sana ako noong biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko ngayon. Napatitig ako roon at namataan ang ilang taong hindi pamilyar sa akin.

Nanatili akong tahimik at pinagmasdan ang mga itong lumapit sa kinahihigaan ko. Agad naman nilang tiningnan ang kalagayan ko noong makumpirma nilang maayos na ako, maingat na lumayo ang mga ito at kinausap si Dylan.

Makikinig sana ako sa pag-uusap ng mga taong tumingin sa kalagayan ko at ni Dylan noong may pumasok na naman sa silid na kinaroroonan ko. This time, it was Alessia. Tahimik itong bumaling sa akin at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga noong magtagpo ang mga paningin naming dalawa. Mayamaya lang ay nagsimula na itong maglakad papalapit sa akin.

"You're back," saad ni Alessia noong tuluyan itong nakalapit sa akin. Wala sa sarili naman akong napabaling sa likuran niya noong makitang may nakatayo roon. "It's Jaycee. He helped the other healers in this mansion to save you."

Jaycee... One of the members of Tyrants!

"I'm glad you're awake now, Cordelia. Kumusta ang pakiramdaman mo? Nanghihina ka pa rin ba?" Magkasunod na tanong nito sa akin.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanila ngunit wala ni isang salitang nais kumawala sa bibig ko. Nakatitig lamang ako sa kanila at hindi man lang gumalaw sa kinahihigaan ko. Damn! They're here! The members of Tyrants are here!

"Iwan niyo muna kami." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Dylan. He's still talking to the people who looked at my condition earlier. Agad namang nagpaalam ang mga ito sa amin at noong kami na lamang ang nasa loob ng silid, marahan akong kumilos at sinubukang maupo. Mabilis namang dumalo sa akin si Jaycee at tinulungan ako. At noong tuluyan na akong nakaupo, napahugot ako ng isang malalim na hininga bago magsalita.

"What happened to me?" Unang tanong na lumabas sa mga bibig ko. Napatingin ako kay Dylan at sinalubong ang matamang titig nito sa akin. "At ilang araw akong nawalan ng malay?"

"Three days, Cordelia." It was Alessia who answered my question. "What happened to you? Ang buong akala namin ay hindi ka na muling gigising pa. Did you leave Cordelia's body?"

"I did." I sighed. Natigilan naman ang mga kasama ko sa silid. Maging si Dylan ay napaayos nang pagkakatayo at mas lalong dumiin ang pagkakatitig sa akin. "Bumalik ako sa mundo ko at nanatili ng ilang oras doon."

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alessia. Napabaling naman ito kay Jaycee at muling timingin sa akin. "Paanong nangyaring nakabalik ka sa mundo mo? Your mission is not yet finish here, Raina!"

Napailing ako at kinagat ang pang-ibabang labi. "I don't know, Alessia. Nagising na lamang din ako na nasa sariling katawan na ako at wala sa katawan ni Cordelia. Nagkaroon din ako nang pagkakataong makausap si mommy sa mundo namin and when I came back here, I've met Meredith," saad ko na siyang ikinatigil muli ni Alessia. "Do you know her?"

"I just read about her in books, Raina," ani Jaycee at napailing na lamang. "You went to Afterworld. Am I right?"

Tumango ako sa kanya. "Siya rin ang nagbalik sa akin sa katawan ni Cordelia."

"What about her? Nasaan ito ngayon? Bakit hindi ito bumalik sa katawan niya noong umalis at bumalik ka sa mundo mo?" Sunod-sunod na tanong ni Dylan sa akin. Napabaling ako sa kanya at malungkot na umiling.

"I don't know, Dylan. Hindi ko alam kung bakit hindi ito bumalik sa katawan niya noong umalis ako."

"This is not how it works, Dylan." It was Alessia again. "Cordelia's body now is like a vessel. An empty body without a soul."

"And where the hell is Cordelia's soul?" Napapitlag ako dahil sa malakas at madiing tanong nito sa amin. "May posibilidad pa bang makabalik ito sa katawan niya?"

Hindi sumagot si Alessia sa naging tanong nito at bumaling na lamang muli sa akin. I sighed. "Dylan, I already told you about this. I have a mission. At hangga't hindi ko pa natatapos iyon, hindi makakabalik sa katawang ito si Cordelia at lalong hindi ako makakaalis sa mundong ito."

"But you already did!"

"And I am here again!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Napataas na rin ang boses ko na siyang ikinatigil ni Dylan. "I am here again cause I'm not done with her and my mission! Cordelia... she's lost... she's scared, Dylan, and she can't find her way back to her own body. That's why I'm here again, back in this world. I need to finish this mission and make her feel safe once she returns to her own body."

"Alam mo na ba ang misyon mo kung bakit nasa katawan ka ni Cordelia, Raina?" matamang tanong ni Alessia na siyang ikinabaling ko sa kanya.

Napabuntonghininga ako at napatango na lamang sa kanya. "I know that Cordelia is the first-born princess of the current royal family of this realm. She was born powerless and had a prophecy that ruined her life."

"A prophecy?" marahang tanong ni Dylan sa akin. Tumango naman ako sa kanya. "I never heard about that. Saan mo ito nakuha?"

"The Apex Tribe," sagot ko na siyang ikinatigil kong muli. "At doon ko rin nadiskubre na hindi powerless itong si Cordelia," dagdag ko pa at inangat ang kamay kong sinugatan ko noon ng ilang beses para magamit ang kakayahan ni Cordelia. Tumitig ako sa kamay ko at namataan ang naghihilom na sugat doon. "Cordelia has a rare blood and can use it to her advantage. When I was in Apex Tribe, I created a magic circle using her blood. And it's powerful."

"What? Paanong-"

"Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon. I just saw it inside my head. Mukhang parte iyon ng mga alaala ni Cordelia. I saw and just followed it. And the next thing I knew, I was inside that magical and powerful magic circle."

Katahimikan. Walang nagsalita sa kanila at nakatitig lamang sa akin.

"The people of Vallasea primarily uses water as their main element, main source of magic, but Cordelia's different. It's her blood. Her power is her blood and when a Seer from Evraren saw a prophecy about her, she told her parents and decided to hide her."

"And the current royal family told everyone that their first-born princess died." It was Jaycee. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa tinuran niya.

"They hide her and bring to Carolina's shelter mansion in Atlantis. And the rest was history. Hindi ko alam kung ano na ang mga nalalaman ni Cordelia tungkol sa totoong pagkatao niya ngunit may kung anu-ano itong ipinapakita sa akin noon. Dresses, palace." I sighed as I tries to remember all the images that Cordelia showed me before. "Crown... and blood."

"Blood?" Kunot-noong saad ni Dylan. Tumango na lamang ako sa kanya.

"Yes, blood. Ipinakita niya ito noon sa akin. There was a blood on her hands." Napakagat ako ng pang-ibabang labi at noong may naalala ako, mabilis na napaawang ang mga labi ko. "Hindi kaya nalaman nito ang kakayahan niyang gamitin ang sariling dugo para gumawa ng mahika? As far as I remembered, she badly wants to learn how to use magic. And... she once told me that she was not useless. She can do things that others can't do."

"She told you that?" matamang tanong ni Alessia sa akin.

Tumango naman ako sa kanya. "Yes. She talked to me before, my first day inside her body." I sighed. "Actually, she can do a lot. She can see things you guys can't see and of course, she senses dark energy... dark magic."

Muling natahimik ang mga kasama ko sa silid. Nakatitig lamang ang mga ito sa akin at hindi nagsalita.

"She-"

"Stop talking now, Cordelia," malamig na turan ni Dylan at mabilis na naging alerto sa paligid. Ganoon din ang ginawa nila Alessia at Jaycee at bumaling sa nakasarang pinto ng silid. "We have some visitors."

"No one knows that we're here," ani Jaycee at mabilis na humakbang papalapit sa kamang kinauupuan ko. "Go and check it, Alessia. I'll stay with her."

"Relax," ani Alessia at umayos nang pagkakatayo. "I know this presence," dagdag pa niya at bumaling sa akin. "I'm curious about the prophecy that you were talking about earlier, Raina. At mukhang magkakaroon na tayo ng ideya tungkol dito."

What? Anong pinagsasabi nito?

"Come on, Dylan. Samahan mo ako," ani Alessia at nagsimula nang maglakad patungo sa may pinto ng silid. "I'm not really in a mood right now to deal with any members of Phoenix Knights. I just want to talk to the Seer and not him," dagdag pa nito at lumabas na sa silid.

Napakunot ang noo at matamang tiningnan na lamang ang papalayong bulto ni Dylan at tahimik na sumunod kay Alessia.

A visitor... Sino naman kaya ang narito?

A Phoenix Knight and Seer. Wait a minute... Don't tell me it's them? Nandito sila ngayon sa lugar kung saan ako dinala nila Dylan!

"A Seer... Is it Scarlette from Oracle? Tama ba ako, Jaycee?" mahinang tanong ko sa kasama.

"So, you know about her." Tumango ako sa kanya. "She's a powerful Seer, Raina. Your mother, Rhianna Dione, helped and saved her before."

"I know." I sighed. "I've read about her and her abilities. She has an awesome and incredible gift."

"Maybe she can help you," ani Jaycee na siyang ikinabaling ko sa kanya. Namataan ko itong nakatingin lamang sa nakasarang pinto ng silid. "Maybe she can help you to find the truth about Cordelia and her prophecy."

Wala sa sarili akong napangiti at napatingin na lamang muli sa nakasarang pinto. Sana nga tama ito sa tinuran niya.

Sana nga't matulungan kami ni Scarlette. It's the only way for me to move forward and continue this mission. I need to know what kind of prophecy Cordelia had before. I need to know.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top