Chapter 26: Deal

Itinigil ko ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada. Malalim na ang gabi kaya naman ay kaunti na lamang ang mga dumadaang kotse ngayon. I took a deep breath and started to calm my nerves down.

Kailangan kong kumalma para makapag-isip nang maayos!

"Okay." I sighed as I reached for my mom's diary. Kinuha ko iyon sa bag ko at mabilis na binuklat iyon. "Unang napunta si mommy sa Azinbar ay noong naaksidente ito." Napangiwi ako. "I won't harm myself para lamang makabalik doon." I sighed again. "Napunta siya with the help of my dad and the king of Northend. At sa pangalawang pagkakataong nakabalik siya, she was looking for my dad that time. Hindi ito nakauwi and the next thing she knew, nasa Evraren na siya at nasa katawan ni Scarlette." Natigilan ako at napatitig sa mga isinulat ni mommy sa diary niya. Tahimik kong binasa ang mga nakasulat sa mga pahina at noong nasa dulo na ako, wala sa sarili kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Wait a minute. I was looking for him too. And the next thing I knew... I was already there... drowning."

Mabilis isinara ang diary ni mommy at ibinalik sa bag ko. Muli kong binuhay ang makina ng sasakyan ko at nagpatuloy sa pagmamaneho. At dahil walang traffic, mabilis akong nakabalik sa apartment ko. Dali-dali akong bumaba sa sasakyan at halos takbuhin ang daan papasok sa unit ko.

Dumeretso ako sa kuwarto ko at tiningnan iyong box na pinaglagyan ko ng iilang gamit ni mommy. It was her personal stuffs. Dhalia prepared these for me. Agad kong inilabas ang mga iyon at inilatag sa ibabaw ng kama ko. Mostly, pictures naming dalawa, noong bata pa ako, ang narito. Mabilis kong inisa-isa ang mga iyon at noong makita ko ang hinahanap, mabilis akong napaupo sa gilid ng kama ko.

Napatitig ako sa hawak-hawak ko ngayon.

It was a picture of my parents. It was their wedding day.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling tiningnan ang likuran ng larawan. Mabilis akong natigilan at napaayos nang pagkakaupo.

Wala sa sarili akong napalunok at binasang mabuti ang mga nakasulat doon. "To Trey... You need to survive for me to survive too. I need you here. We need you. So please, return home safely. We'll be waiting for you. I love you."

So, he was really hurt when she left Evraren. At kung tama ang hinala ko, nasa Northend na ngayon ito at pinangangalagaan ng Tyrants.

"Dad, I need to see you now. Mommy... your wife, Rhianna Dione, needs you," mahinang saad ko at inilapat sa may dibdib ang hawak-hawak na litrato ng mga magulang ko. "Please. I never asked anything before. Ni hindi ako nangulit kay mommy na alamin ang tungkol sa'yo noon. Ngayon lang. All I want is to see and talk to you, dad. Para na rin kay mommy. Para na rin sa pamilya mo." I carefully said then closed my eyes.

That was true. Habang lumalaki ako, ni hindi ko hinanap ang presensiya nito sa mansyon namin. I never asked about him too. My mom was busy with work and me... I just mind my own goddamn business. I grew up independently at lumayo na rin ang loob ko sa ina. Kaya nga minabuti ko na lang din umalis noon.

"Dad, please," mahinang usal ko sa sarili. Seconds passed, bigla akong nakaramdam ng kakaibang pressure sa paligid ko. Nanatili naman akong nakapikit at napahigpit ang pagkakahawak sa litrato ng mga magulang ko. Mayamaya lang ay mas lalong lumakas ang kung anong pressure na mayroon ngayon sa silid ko kaya naman ay kunot-noo kong ipinilig ang ulo pa kanan.

Ito na ba iyon? Babalik na ba ako sa Azinbar? Babalik na ba ako sa katawan ni Cordelia? Makikita ko na ba sa wakas ang ama ko?

I stay still. Hindi ako gumalaw sa puwesto habang ikinakalma ang sarili. Mayamaya lang ay nakaramdaman na rin ako nang pagkahilo at tila bigla akong nahirapan sa paghinga kaya naman ay minabuti ko nang imulat ang mga mata. Mabilis naman akong napatili at bumagsak sa puwesto ko noong mapagtantong wala na ako ngayon sa silid ko.

What the hell?

Napakurap ako ng ilang beses at marahang tinampal pa ang mukha. Inulit ko iyon hanggang sa makaramdam ako ng presensiya sa may likuran ko.

"Welcome, Raina." Napatitig ako sa babaeng nasa likuran ko. Mayamaya lang ay napagdesisyunan kong tumayo at matamang tiningnan ito. "Finally, you're here. I've been waiting for you."

Napakurap ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Am I dreaming? Mukhang namamalikmata na naman ako ngayon! Damn! "Meredith," mahinang sambit ko sa pangalan nito. Yes, I remember her! Siya iyong nakausap ko sa banyo doon sa pagtitipon para sa kaarawan ng Grand Master ng Phoenix! It was her! Hindi ako maaaring magkamali! "Anong ginagawa mo rito? Bakit nandito at kausap kita ngayon?" wala sa sariling tanong ko at napatingin sa paligid. Napalunok ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. I sighed. "Nasaan ako?" seryosong tanong ko pa at muling tiningnan si Meredith.

"Nasa Afterworld ka ngayon, Raina." She carefully said to me.

Afterworld?

Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. "Afterworld... wait... my mother was here before!" Tumango si Meredith at bahagyang ngumiti sa akin.

"This is the place between your world and our world, Raina," muling saad nito. "I lived here. I'm the guardian of this place."

Wala sa sariling napatango na lamang ako sa kanya at muling tumingin sa paligid. I can't believe it! Nandito na naman ako! Nakabalik ako sa Azinbar! Inihakbang ko ang mga paa at maingat na inilibot ang paningin. So, this is the Afterworld. It's beautiful! Nakakamangha rin ang lugar na ito! Wala sa sarili akong napangiti at noong maalala iyong tinuran nito kanina, mabilis akong natigilan at binalingan itong muli sa puwesto niya.

"You said earlier that you're waiting for me. Bakit? Bakit mo ako hinihintay sa lugar na ito, Meredith? At paano nga pala ako napadpad sa lugar na ito?"

Maingat na humakbang muli si Meredith at lumapit sa kinatatayuan ko ngayon. "I was the one who called and guided you to be in this world, Raina. I've been looking for you." Bahagyang ngumiti ito sa akin at mayamaya lang ay naging seryoso na naman ito. "Hindi ko alam na napunta ka pala sa katawan ni Cordelia. It didn't expect that one."

"What do you mean, Meredith?" gulong tanong ko sa kanya.

"I need you here as you, Raina, and not as Cordelia." What? Anong pinagsasabi nito? "You were not supposed to enter someone's body."

"What? Hindi ba ganoon naman talaga ang nangyayari sa kagaya kong mula sa mundo ko? Just like what happened to my mother!"

Umiling si Meredith. "It was a mistake, Raina. Hindi ka dapat napunta sa katawan ni Cordelia. You have a different purpose why you were allowed to enter our dimension." Gulo ko itong tiningnan. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nito sa akin ngayon! "We need someone to balance this world again. We need a new dimension traveler."

Napaarko ang isang kilay ko sa narinig. "And that someone is me?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Napailing ako. "I'm not a dimension traveler. Hindi ako kagaya ng ama ko."

"You mean Treyton Duke?" tanong nito na siyang ikinatigil ko naman sa kinatatayuan ko. "Yes, Raina, your father is a dimension traveler, but he doesn't have the ability to enter someone's body and travel while inside of it." Wala sa sariling napaawang ako sa mga naririnig mula kay Meredith. "Remember when you were inside Cordelia's body? You traveled dimensions while inside that woman's body."

"Hindi ko ginawa iyon," halos walang tinig na saad ko sa kanya.

"Yes, you did, Raina," matamang wika niya sa akin. "You managed to escape from Cordelia's kidnappers because of your ability. It was your own ability and not hers, Raina."

Napapikit ako at marahang napatampal sa noo ko. So, my mother was right. Kaya ko ring mag-dimension travel like my father! I sighed and looked at Meredith again. "And you're waiting for me because of this? Ni hindi ko nga alam na kaya kong gawin iyon!" Hindi nagsalita si Meredith at matamang tumitig lamang sa akin. I sighed again. "Tell me... Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? I'm not the same as my parents, okay? I'm not a fighter like my mother and definitely not the same as my father as a dimension traveler."

"You're special... kayong dalawa ni Cordelia. Both of you are different and have so much potential," anito na siyang nagpatigil sa aking muli. "You know, travelling from your world and lived here as a different person was never easy. Naranasan iyon ng mga magulang mo. But you, you manage to return to your own body without even finishing your mission. At kung hindi mo pa rin makuha, nakabalik ka sa Azinbar without the help of anyone. Raina, you're special... you're different compare to your parents and we need you someone like you to stop the war that will soon happen in this world."

What?

Hindi ako nakapagsalita at napatitig na lamang kay Meredith. A war? A war that soon will happen here... in Azinbar? Really?

"War?" Iyon lamang ang nasambit ko sa kaharap. Damn, I have a bad feeling about this one!

"Yes, a war, Raina, at hindi lang ikaw ang makakatulong sa amin para mapigilan ang gulong ito. We also need Cordelia's help," saad ni Meredith na siyang ikinakunot ng noo ko. Pati si Cordelia? "And now I'm convinced that it wasn't a coincidence that you entered her body. It was fate and you need to bring her back."

Napaayos ako nang pagkakatayo. Wait a minute! "Hindi pa rin ba ito nakakabalik sa katawan niya?" Gulat na tanong ko. Umiling si Meredith sa akin kaya naman ay napaawang na lamang muli ang mga labi. "But... I'm not inside her body! Paanong... shit! Anong nangyari sa katawan niya? Is it okay? It was bleeding before I left and returned to my world!" Bigla akong nag-aalala sa kalagayan ng katawan ni Cordelia. I made a promise to her! I promised to protect her body!

"Her body is safe... for now."

"What?" gulat na tanong kong muli sa kanya.

"Don't worry. The members of Tyrants are with her. They have the best healers. And you, you will finish your mission and will help Cordelia return to her own body."

Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Bigla akong na-stress sa pinag-uusapan namin ngayon ni Meredith! First, about my ability to travel dimension, then about the war and Cordelia's condition! God! Napapalayo na naman ako sa main objective ko kung bakit ako nandito sa mundong ito! "What about my father? Is he with them? The Tyrants?" tanong ko sa kausap ko.

"Treyton Duke is safe, Raina. And I'm sorry to say this to you, you can't see him now," mahinang wika nito sa akin.

"Why?" Mariin akong napakuyom ng mga kamao ko. "I'm here in this world to find my father, Meredith."

"You're here in Azinbar to help us and Cordelia."

Umiling muli ako sa kanya. "That's nonsense! I'm here because my mother is sick and needs her husband!"

"Raina-"

"Let's make a deal then, Meredith." Natigilan ito sa pagsasalita at matamang sinalubong ang seryosong titig ko sa kanya. "Let me talk to my father and help him return to our world safely and I'm all yours." Napalunok ako at mas dumiin ang pagkakakuyom ko sa mga kamao. "You only need one dimension traveler. Just let my father return home and I'll do everything to help Cordelia and I'll participate to whatever kind of war that you were talking about earlier."

"Are you sure about that, Raina?" She asked me carefully.

Damn, I'm a hundred percent sure right now! Iyon ang gusto kong mangyari ngayon! Bahala na kung magbabagong muli ang isip ko tungkol sa bagay na ito mamaya o sa susunod na mga araw! But right now, I need to do this! I need to make a deal with her! For my mother's sake! I'll do everything for her!

"My mother needs him now, Meredith. She can't wait any longer." I sighed. "So, please, pumayag ka na sa nais ko. I can stay here as long as you need me. Basta tulungan mo lang akong makita at makausap ang ama ko. He needs to return home immediately and be with my mother. Please."

Humugot ng isang malalim na hininga si Meredith at matamang tiningnan akong muli. "Fine, it's a deal then, Raina Louise."

Napagat ako ng pang-ibabang labi at napatango na lamang. I made a lot of wrong decisions while I'm living in my own world. I just really hoped that I made the right decision and deal with this woman. Dahil kung hindi, mas lalong magiging komplikado ang sitwasyong mayroon ako ngayon. Wala nang atrasan ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top