Chapter 25: Ability

Nagmamadali akong nagbihis at umalis sa apartment ko. Dala-dala ang isang bag kung saan naroon ang mga personal na gamit pati na rin ang diary ni mommy, mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at nagsimula nang magmaneho patungo sa ospital kung saan naka-confine si mommy ngayon.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa sasakyan ko. Mayamaya lang ay tumunog muli ang cellphone ko kaya naman ay napatingin ako rito. It was Dhalia. Again. Humugot ako ng isang malalim na hininga at sinagot ang tawag nito. I set my phone to loudspeaker and continue driving. "Yes, Dhalia?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Raina! Finally!" bulalas nito sa kabilang linya. "Kanina pa ako tumatawag sa'yo! Where are you?"

"Nagmamaneho ako ngayon pabalik sa ospital, Dhalia. Why? May kailangan ka ba?" I carefully said to him as I maneuvered my car's wheel again. Pasimple akong tumingin sa maliit na monitor sa may harapan ko at nakitang malapit na ako sa ospital kung saan naka-confine si mommy. "I'll be there in ten minutes. May nangyari ba kay mommy?"

"She's awake again, Raina, and this time, ikaw ang hinahanap nito!" Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. Ako? Hinahanap nito? That's impossible! Ni hindi nga niya ako nakilala kanina!

Yes, kanina lang noong pumunta ako sa ospital at nalaman ang tungkol sa kalagayan niya! It was really confusing at first ngunit noong tiningnan ko ang current time and date ngayong araw, napagtanto ko kung gaano kabilis ang araw at oras sa loob ng Azinbar. I already read it on my mom's diary, and I didn't expect to experience it too! Halos mag-iisang buwan na yata ako sa Vallasea at noong bumalik ako sa sariling katawan, sa sariling mundo, isang oras lamang ang nawala sa akin! It feels like I was just sleeping and all the things that happened to me was a freaking dream!

But no, hindi panaginip ang mga iyon. I can still feel it. The pain... everything! I can still feel it at hinding-hindi ko iyon makakalimutan!

"Raina! Can you still hear me? Raina!" Napakurap ako noong marinig muli ang boses ni Dhalia. Humugot ako ng isang malalim na hininga at napatitig na lamang sa daan.

"Malapit na ako, Dhalia. Mamaya na tayo mag-usap. Bye," mabilis na saad ko at pinatay na ang tawag nito. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng sasakyan at noong mamataan ang ospital kung saan naka-confine ngayon si mommy, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dere-deretso lang ang pagmamaneho ko at mabilis na naghanap ng parking space. At noong makahanap na ako, dali-dali kong ipinarada ang sasakyan at agad na bumaba roon.

Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makapasok na ako sa main building ng hospital. Sumakay ako sa may elevator at noong nasa tamang palapag na ako, agad akong bumaba mula roon at tahimik na tinahak ang daan patungo sa hospital room ni mommy. Agad ko namang natanaw si Dhalia 'di kalayuan kaya naman ay mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Dhalia," tawag ko sa pangalan niya noong makalapit na ako sa kanya. Bahagya naman itong yumukod sa akin at siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng hospital room ng ina. Hindi na ako nagsalitang muli at pumasok na roon.

Agad kong nabungaran si mommy na gising at nakaupo sa kama niya. Nasa malayo ang tingin nito habang may doktor at dalawang nurse naman ang tumitingin sa kalagayan nito. Mayamaya ay natapos na ang mga ito at bumaling sa akin. Bahagyang natigilan pa ang mga ito sa presensiya ko ngunit nakabawi rin naman agad. Dahang-dahang naglakad ang doktor palapit sa kinatatayuan ko at bahagyang tumango sa akin.

"She's lucid again, Miss Raina. Hindi natin alam kung hanggang kailan ito kaya naman ay sulitin na natin ang pagkakataong ito," ani ng doktor habang na kay mommy ang buong atensiyon ko.

"So... she will recognize me?" mahinang tanong ko.

"Yes. May hindi lang ito maalala sa mga nakalipas na taon, but she will definitely recognize you, Miss Raina."

Tumango na lamang ako sa doktor at nagsimula nang ihakbang ang mga paa. Narinig ko pa itong nagpaalam na lalabas muna ng silid ngunit hindi ko na iyon binigyan pansin pa. Maingat kong inihakbang muli ang mga paa hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kamang kinalalagyan ni mommy.

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago magsalita. "Mom," tawag pansin ko sa kanya. Hindi ito kumibo sa kinauupuan niya at nanatiling nakatingin sa kawalan. Napalunok ako. "Mommy, it's me. Raina. Mom... can you hear me?"

"Raina?" Natigilan ako noong sabihin nito ang pangalan ko. Napaayos ako nang pagkakatayo at noong bumaling sa akin si mommy, mabilis akong naging emosyonal. Mariin kong hinawakan ang strap ng bag ko at matamang sinalubong ang titig nito sa akin. "Is that you, sweetheart?" She carefully asked me.

Napatango ako at ngumiti sa kanya. "Yes, mom, it's me."

Malungkot na ngumiti si mommy kaya naman ay natigilan ako. "I had a dream, Raina. It's about Azinbar." I froze where I'm standing. She remembered about Azinbar? How? Mabilis naman akong napakurap at nanatiling nakatingin sa ina. I just stared at her and patiently waiting for whatever she will say next to me. "And I saw you there. Nasa Azinbar ka, Raina. Anong nangyari at bakit ka napunta sa mundong iyon?" Napaawang ang labi ko sa naging tanong niya sa akin.

Agad naman akong bumaling kay Dhalia at matamang tinitigan ito. "Iwan niyo muna kami," seryosong saad ko na siyang mabilis na sinunod nito. Maging ang mga nurse ay nasilabas sa silid ni mommy. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakatayo. Muli akong tumingin kay mommy at inilapag sa gilid ng kama nito ang hawak na bag. "Mom, tell me, you remembered everything about that world?" I asked her. She just simply nodded at me. Napatango na lang din ako sa kanya. "I know all about Azinbar too, mom," saad ko at hinila ang upuang malapit sa akin. Naupo ako roon at inabot ang kamay ng ina. "Are you sure that it was just a dream, mommy? Hindi ka ba nag-dimension travel ulit patungo sa mundong iyon?"

Umiling ito sa akin. "I don't have the ability to do that, sweetheart. Only your father can travel through dimension."

"But you told me that you saw me there," matamang saad ko. "Mommy, kagagaling ko lang din sa mundong iyon." Namataan ko ang pagbabago ng ekspresyon nito habang nakatingin sa akin. Humigpit naman ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "I travelled to that world and entered someone's body. Just like what happened to you."

Napakurap ito at tila hindi naniniwala sa mga pinagsasabi ko. "But you're here now... Natapos mo agad ang misyon mo sa mundong iyon?" Umayos nang pagkakaupo si mommy at hinarap ako. "Saang realm ka napunta?" tanong niya na tila unti-unting na-si-sink in sa kanya ang pinag-uusapan namin ngayon.

"Vallasea," sagot ko na siyang ikinangiti nito sa akin. "And I've met a member of Tyrants." Natigilan si mommy. "I saw Alessia and even talked to her."

"Alessia... The Tyrants... Oh my God, sweetheart! You have the gift to travel dimensions too!" Sa pagkakataong ito ay ako naman ang natigilan. What? "Namana mo ito marahil sa ama mo!"

Napakurap ako. "That's impossible, mom." Umiling ako sa kanya. "I... I don't have that kind of ability."

"Kung wala kang kakayahang katulad ng iyong ama, bakit at paano ka napunta sa Azinbar?"

"I don't know, mom! Kaya nga ako nagpunta rito para tanungin ka. I wanted to know how the hell I managed to enter that world! You have all the answers I needed, mommy." Malungkot na umiling sa akin si mommy. Natigilan ulit ako. Mayamaya lang inangat nito ang kamay at hinawakan ang pisngi ko.

"Sweetheart, it was your dad. He was the one who brought me to that world." Napakagat ako ng pang-ibabang labi habang matamang nakatingin pa rin sa kanya. "Are you looking for him, Raina?"

Tumango ako sa kanya. "Yes," seryosong sagot ko. "You were asking for him kaya naman ay sinubukan ko siyang hanapin. I saw your diary and read about Azinbar. And the next thing I know, I was inside Cordelia's body, fighting and trying to save her life."

"Cordelia? I never heard that name, Raina. Taga-Vallasea ba ito?"

"Yes, mommy."

"And your dad? Nakita mo ba ito sa Azinbar?" mahinang tanong nito sa akin. "Is he okay? Nakaligtas ba ito?"

What?

Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatitig kay mommy. Nakaligtas? What does she mean? Hindi ba maganda ang kondisyon nito noong naghiwalay ang mga landas nila?

"Mommy, tell me... anong nangyari kay daddy noong bumalik ka sa mundo natin? Bakit hindi mo ito kasama? I... I don't have any idea what happened to him because you never wrote about it in your diary."

"I don't have the strength and courage to even write the details about what happened to us, Raina. Hindi ko kayang balikan ang tagpong iyon."

"But I need to know, mom. I need to know exactly what happened to him." Umiling si mommy at mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin. Nagsimula na rin itong manginig kaya naman ay nataranta ako. Mabilis akong tumayo at dinaluhan ito. "Mommy, calm down."

"No." Umiling ito at pilit na lumalayo sa akin. "I don't want to remember! Please, stop it! Don't touch me!" She screamed and started to cry. Napaawang ang labi ko at biglang nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. She doesn't want to talk about what happened to them. Ayaw na nitong balikan ang kung anong nangyari sa kanila ng asawa niya!

Mayamaya lang ay pumasok muli sila Dhalia at ang mga nurse ni mommy. Mabilis na dumalo ang mga ito sa amin samantalang tahimik akong umatras habang nakatitig pa rin kay mommy.

"What happened, Raina? Bakit nagwawala na naman si Madam Rhianna?" Nag-aalalang tanong ni Dhalia sa akin. Umiling ako at umatras muli.

My mother screamed again. Bahagya pa akong napapitlag habang nakatuon pa rin ang titig sa ina. "She's gone again," mahinang turan ko at mapahawak na lamang sa may dingding. Napapikit ako at mabilis na pinigilan ang nagbabadyang mga luha sa mata.

Ilang minuto lang iyong naging pag-uusap namin? Iyong matinong pag-uusap namin? She was lucid earlier and now, she's back to her current state and lost her memories again!

"Treyton! I need to see my husband! I need to help him!" Natigilan ako noong magsalitang muli si mommy. Napabaling ako sa puwesto niya habang pilit na pinapakalma ito ng mga nurse. "He's wounded! He needs me!"

Wounded... My father was wounded.

So, that was the reason. Iyon ang rason kung bakit ito hindi nakabalik kasama niya!

Hindi ako nagsalita at dali-daling lumapit muli kay mommy. Binigyan naman ako ng espasyo ng mga nurse at mabilis na hinawakan ang kamay ng ina. "I will bring him home, mom. Ibabalik ko sa'yo si daddy," matamang saad ko sa ina. Bahagya itong tumigil sa pagwawala at tiningnan ako nang mabuti.

Malungkot itong ngumiti sa akin at nagsimulang umiiyak na naman. "You can't help him. You can't find him."

"I can and I will find him, mommy. For you," saad ko at mabilis na hinalikan ang noo nito. "I'll be back, mommy. Please, wait for us. Wait for him, okay?" Lumayo ako sa ina at tipid na nginitian ito.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita itong muli. Dali-dali kong dinampot ang bag na nilapag kanina sa gilid ng kama niya at mabilis na lumabas sa silid. Muling nagwala na naman si mommy ngunit hindi na ako muling tumingin pa sa kanya. Masasaktan lamang ako. She's suffering right now at kung makikita ko ulit ito sa ganoong kondisyon, baka hindi na ako makaalis pa!

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nagsimulang maglakad patungo sa elevator kung saan ako sumakay kanina.

"Raina!" tawag sa akin ni Dhalia. Binalingan ko naman ito at tumigil sa paglalakad noong nasa tapat na ako ng elevator. "Saan ka pupunta?" She asked me.

"Sa lugar kung saan naroon si daddy," sambit ko na siyang ikinakunot ng noo ni Dhalia.

"Alam mo kung nasaan ito? You found him? Where?" sunod-sunod na tanong nito sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at marahang tinapik ang balikat nito. "Please, pakibantayan muna si mommy, Dhalia. Babalik ako at sa muling pagpasok ko sa silid niya, titiyakin kong kasama ko na ang ama ko."

"Raina-"

"Mauna na ako sa'yo, Dhalia." Paalam ko sa kanya at mabilis na sumakay sa elevator noong bumukas ang pinto nito.

Hindi ko pa alam kung paano ako makakabalik sa Azinbar ngunit hindi ako puwedeng huminto at manatili na lamang dito at walang gawin. My mother's condition is getting worse. She needs to see my father before it's too late. And Cordelia... I need to know what happened to her. Hindi pa tapos ang misyon ko sa kanya. I need to know if she's safe now. I need to know if she's well and alive!

Oh my God, sweetheart! You have the gift to travel dimensions too!

A gift to travel dimensions, huh? Hindi ako naniniwala sa sinabi ni mommy sa akin kanina pero hindi imposibleng totoo ang bagay na iyon. I traveled from here to Azinbar alone. Walang tumulong sa akin para mapunta sa mundong iyon. And Cordelia... noong may dumukot sa kanya, I managed to escape from the enemies without even knowing how I survived and escaped from them. Kaya naman malaking posibilidad na dahil iyon sa sinasabi sa akin ni mommy na ability. It was my ability to travel dimension.

Ngayon, paano ko ito magagamit muli? Paano ako makakabalik sa Azinbar? Paano?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top