Chapter 24: Unexpected

Growing up inside the Ferrer mansion, ramdam ko ang pressure sa bawat sulok ng pamamahay na iyon.

My mom had once told me about how she tried to escape from all the pressure they put on her shoulders. She was the only daughter of my grandfather and the first born of her generation, too. Kaya naman nasa kanya ang lahat ng pressure na wala sa ibang kamag-anak namin. Her relatives... all they have was the luxury, the money, while my mother, she was surrounded by responsibilities and can't do anything that will harm the whole The Great Ferrer Empire.

Kaya naman ay hindi ko nagawang sisihin ito noong nalaman ko ang tungkol sa nangyari sa kanya noon. She ran away. And when they found her, she was in coma. It was not her fault. She suffered, too. At ang nagligtas sa kanya mula sa magulong mundong ginagalawan nito? It was herself. She was her own savior. And I really admired her for that.

But things started to change. Slowly, she was turning someone... someone she doesn't want to be. The pressure she was once carrying before, it's now on my shoulders. And we started to argue a lot! She was stressed, so am I! Lalo na noong namatay si Lolo, lalong hindi kami nagkasundo ni mommy. Kaya naman ay minabuti ko ring umalis noon. I left her and the company. Palagi rin naman kaming nagkakasagutan. We're both stubborn. Magkapareho kami ng pag-uugali kaya naman alam kong wala ni isa sa amin ang magpapatalo sa mga argumento. And leaving her and our company was my best option that time. It will save me from her. It will save our already unsteady relationship as parent and child. It will save us from hurting each other.

I thought leaving will help me. I thought it was the best for me and for my mother too. But I guess, I was not smart enough to make decisions on my own. I was still a child. And I realized that when I saw my mother's condition. I was gone for three years and when I came home, my mother was sick. She doesn't recognize me and all she wanted to see was my father.

My father... Treyton Duke Sulivan, the love of her life... the one who also saved her before and I'm pretty sure that he will save her again. Sa kahit anong pagkakataon pa iyan, sa kahit saang mundo, he will definitely come home to see and save my mother from her illness.

I can't die here! Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa isipan ko habang mas pinapalakas ang magic circle na ginawa ko kanina. Gumawa pa ako ng isang mas maliit na magic circle at nagsilbing barrier sa pagitan ko at ng tatlong miyembro ng Phantom.

They kept on attacking my barrier. Mas lumalakas din ang dark energy na nakapalibot sa kanila kaya naman ay mas pinag-igihan ko ang ginagawa. Dalawang kamay ko na ang nasa lupa at noong muling umatake iyong babaeng miyembro na kasama nila, napangiwi ako.

"Let's see kung hanggang kailan mo kayang panatilihin itong barrier na ito, Royal!" sigaw ng babae at muling umatake. Ganoon din ang ginawa ng isa pang lalaking miyembro ng Phantom samantalang tahimik na nagmamasid lamang ang isa.

Hindi ko alam kung naaawa lang ba ito sa akin o ano, ngunit kanina ko pa napapansin na iba ang pakikitungo nito sa akin kumpara sa dalawang kasama niya. He's much calmer than the two, lalo na iyong babaeng halos patayin na ako kanina. He's different from them. But still, he's an enemy. I can't let my guard down here. I need to stay alive. I need to fight and protect myself until help arrived!

Sunod-sunod na pag-atake ang ginawa ng dalawang miyembro ng Phantom sa akin at noong makaramdaman ng matinding pagkirot sa kanang braso ko, mabilis akong nanghina. Napamura na lamang ako sa isipan at pilit na iniinda ang sakit mula sa sugat na natamo kanina.

Come on! Nasaan na ba sila?

"Just give up already, Royal! Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo," sambit ng babae habang patuloy ang pag-atake sa barrier na gawa ko. "We need you alive kaya naman sumuko ka na!" dagdag pa nito at nagpakawala ng isang malakas na atake.

Sa pagkakataong ito ay nawalan na ako ng balanse sa sariling katawan. Umangat ang dalawang kamay ko sa lupa at napaupo na lamang ako. Mayamaya'y nanlaki ang mga mata ko noong unti-unting humihina ang barrier ko habang palakas nang palakas naman ang atake ng dalawa. Namataan ko pa ang pagngisi ng babae sa akin at noong akmang aatake na naman sana ito, isang kakaiba at malakas na enerhiya ang naramdaman ko sa paligid.

Mukhang naramdaman din iyon ng tatlo kaya naman ay mabilis silang naging alerto at tumigil sa pag-atake sa akin. Segundo lang din ang lumipas ay mas lumakas ang enerhiyang naramdaman ko kanina at noong may kung anong sumabog sa likuran ng tatlong miyembro ng Phantom, agad silang nagsikilos at lumayo roon. Naghiwa-hiwalay ang tatlo at noong may narinig akong pagtawag sa pangalan ko, mabilis akong napahugot ng isang malalim na hininga.

Finally. They're here!

"Lia!" It was Dylan's voice. Mabilis akong napabaling sa gawing kaliwa ko at agad na namataan ang lalaki. Dali-dali itong tumakbo papalapit sa akin at natigilan na lamang noong makita ang magic circle at barrier na gawa ko. "Are you okay?" He carefully asked me. Napatango ako sa kanya at unti-unting dinispel ang barrier na promoprotekta sa akin. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at noong tuluyang nawala na ang magic circle at barrier, mabilis na nanghina ang buong katawan ko. "Cordelia!" Muling tawag sa akin ni Dylan at tuluyang lumapit na sa akin.

Mabilis na lumapat sa lupa ang katawan ko ngunit hindi iyon nagtagal doon. Mayamaya lang ay nasa tabi ko na si Dylan at agad na inalalayan akong makaupo nang maayos. "Hey, it's okay now. We're here. I'm here now, Lia." Malumanay na wika nito sa akin.

Marahan akong tumango sa kanya at maingat na inalagay ang kamay sa kanang braso ko. Hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo ng sugat ko kaya naman panigurado na ito ang dahilan kung bakit halos hindi ko na magalaw ang katawan ko. "Thanks for coming," mahinang turan ko at ipinikit ang mga mata.

"Don't close your eyes, Cordelia," matamang utos ni Dylan sa akin at agad na tinawag si Tanner. "Nasaan na ang healer na miyembro ng Tyrants?" I heard him asked. Nakapikit pa rin ang mga mata ako at pilit na nilalabanan na mawalan ng malay. "We need his help now! Cordelia's bleeding!"

"They're on their way now, Dylan!" rinig kong saad naman ni Tanner. "Sa ngayon, samahan mo muna si Cordelia riyan. We'll deal with these Phantom members!" dagdag pa nito at mabilis na nawala ang presensiya nito sa tabi namin ni Dylan.

Gusto kong imulat ang mga mata ko ngunit wala na talaga akong sapat na lakas. I've already used all my remaining strength earlier. Kahit siguro ang paggalaw ng mga daliri ko ay hindi ko na magagawa pa nang maayos.

"Lia," tawag muli ni Dylan sa akin. "Hey! Stay with me. Cordelia!"

Napangiwi ako. "Stop shouting, Dylan. I can hear you," mahinang saad ko at napangiwi muli. "I'll be fine. Tulungan mo na lamang si Tanner sa mga kalaban," dagdag ko pa at maingat na iminulat ang mga mata. Damn, I'm tired! Halos 'di ko na mabuksan ang mga mata ko! "I'll be fine, Dylan."

"Tanner can handle them. May ibang Phoenix Knights pa kaming kasama sa lugar na ito, Lia," seryosong wika nito at inayos ang pagkakaalalay sa akin. "Stay still and stop talking. Parating na rin iyong miyembro ng Tyrants."

Natigilan ako sa narinig. So, may miyembro talaga ng Tyrants na narito kasama ni Dylan? I thought I misheard things earlier. Wala na ako sa tamang wisyo ngayon. All I wanted to do right now is rest. Hindi ko na kaya pang kumilos sa katawan ni Cordelia.

"Dylan," mahinang tawag ko sa kanya at muling ipinikit ang mga mata. "Cordelia is not powerless," saad ko at mahinang natawa. Naramdaman ko naman ang pagtigil ni Dylan sa tabi ko. Kahit na hindi ko ito nakikita, alam kong nakatitig na ito ngayon sa akin. "You saw it... the magic circle, ako ang may gawa no'n kanina. It was Cordelia's magic."

"Let's not talk about it right now. Magpahinga ka muna," anito na siyang ikinailing ko.

"This world is cruel to Cordelia. She doesn't deserve all of this," halos walang tinig na wika ko. "She's... not useless. She's more than just her title as the first child of the current royal family."

"Lia-"

"I will help her no matter what, Dylan. I will save Cordelia." Pahina nang pahina ang tinig ko. Ramdam ko na. Any seconds from now ay mawawalan na rin ako ng malay. At kapag mangyari iyon, I just hoped na matulungan nila ang sugatang katawan ni Cordelia. May healer sa Tyrants. I'm pretty sure that they will come and saved her body.

Nanatili akong nakapikit at hinayaang makapagpahinga ang katawan. I was waiting for Dylan to call Cordelia's name again, but I never heard a thing from him. Mukhang hinayaan na niya akong makapagpahinga. Sa dami nang nangyari sa akin ngayong araw, deserve naman siguro ng katawang ito ang magkaroon ng mapayapang pahinga.

Isang tahimik na pagbuntonghininga ang ginawa ko at noong unti-unti na akong hinihila ng antok, isang malakas at pamilyar na ingay ang sunod-sunod na narinig ko sa paligid.

What the hell was that?

Napakunot ang noo sa naririnig.

Wait a minute... Is that a ringtone sound? My phone's ringtone?

Agad akong napamulat ng mga mata at mabilis na napabalikwas nang bangon. Dali-dali kong inilibot ang paningin sa paligid at hindi makapaniwala sa mga nakikita ngayon. "What the hell happened? Bakit.... bakit nandito ako?" wala sa sariling tanong ko at mabilis na tumayo. Agad akong nagtungo sa may salamin sa silid na kinaroroonan at tiningnan ang repleksiyon ko roon. "It's my face," mahinang saad ko at hinawakan ang sariling mukha. "My own body." Wala sa sarili akong tumingin sa silid na kinaroroonan ngayon.

Nothings change. Kung ano ang itsura nito noon, ganoon pa rin ito ngayon!

No freaking way! This can't be happening to me! Bakit bumalik na ako sa mundo ko? Bakit wala na ako sa katawan ni Cordelia? Damn, damn, damn!

Mabilis akong bumalik sa kama kung saan ako nakahiga kanina at dinampot ang dairy ni mommy na nasa ibabaw nito. I immediately scanned the pages at noong nasa dulong pahina na ako, agad akong napako sa kinatatayuan ako. "Did I write these things?" wala sa sariling tanong ko habang binabasa ang mga bagong salitang nakasulat sa diary ni mommy. It was my own adventure inside the magical world of Azinbar! It was me doing unexpected things for Cordelia! "Oh God, paanong nangyari ito?" Napasapo ako sa noo at napaupo na lamang sa gilid ng kama ko.

Paanong nakaalis ako sa katawan ni Cordelia nang hindi pa natatapos ang misyon ko sa kanya? Did I already helped and saved her? But... how? Ang huling naaalala ko ay iyong pagdating nila Dylan habang sugatan naman ako, sugatan ang katawan ni Cordelia! Hindi ganoon ang nangyari noon kay mommy! She never mentioned anything like this in her diary! Hindi ito nakaalis sa katawan ni Captain Mary at Scarlette hangga't hindi pa tapos ang misyon nito!

This is so unexpected! Hindi pa dapat ako babalik sa sariling mundo ko! Paano na ang paghahanap ko kay daddy? Paano na si mommy? Damn it, Raina! You're screwed again!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top