Chapter 23: Bleeding

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. I just keep on running. Ni hindi ko nga alam kung tama ba itong daang tinatahak ko! Keep running, Raina! Kung ayaw mong mapahamak kayong dalawa ni Cordelia sa gubat na ito, huwag kang hihinto sa pagtakbo!

Halos hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa pagod. Unti-unti na ring bumagal ang pagkilos ko at noong biglang nawalan ako ng balanse sa sariling katawan, ipit akong napatili at bumagsak sa lupa. Mabilis akong napapikit at napamura na lamang sa isipan.

Ilang segundo akong nanatiling nakaupo at pinagmasdan ang marumi at sugatang paa ni Cordelia. Kahit na may suot akong sapatos, hindi sapat iyon para protektahan ang mga paa ko. Nagkasugat-sugat na rin ang lower leg ko na siyang kanina ko pa iniinda ang sakit. Damn it!

"Akala ko ba trained ka sa mga ganitong bagay, Cordelia?" Wala sa sarili akong napailing at pilit na ikinalma ang paghinga. Mayamaya lang ay sinubukan kong tumayo at noong maramdaman kong hindi ko pa kaya, muli akong umayos nang pagkakaupo at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. "One more minute," marahang saad ko at tiningnan ang daang tinahak kanina.

Sa layo nang itinakbo ko kanina, sigurado akong matatagalan akong mahanap ng mga kalaban. And I'm pretty sure that Howard and Maori did give me enough time to run. Sana nga lang ay maayos ang lagay ng dalawang iyon.

Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at muling kumilos. Sa pagkakataong ito ay nagawa ko ng makatayo nang maayos. Wala sa sarili akong napatango at nagpatuloy na sa pagtakbo. At kagaya kanina, wala pa rin akong ideya kung saan ako pupunta. Hindi ko pa rin alam kung paano makakalabas sa masukal na gubat na ito! Hindi ko pa rin alam kung paano ako makakarating sa Oracle ng Evraren! Nasa Vallasea pa rin ako, hindi ba? Damn, I'm hopeless!

Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang pagtakbo. At sa muling pananakit ng mga paa ko, inis akong tumigil sa pagkilos at napasandal na lamang sa isa sa malaking puno 'di kalayuan sa akin. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling napatingala na lamang.

Malapit ng dumilim. Kung hindi pa rin ako makakalabas sa gubat na ito, tiyak kong mas mahihirapan kong tumakbo! I need to get out of this forest as soon as possible! Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at noong umayos ako nang pagkakatayo, agad akong naalarma sa paligid. Agad akong nagpalinga-linga at hinanap ang pinanggagalingan ng kakaibang presensiyang nararamdaman ko ngayon. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong may panibagong presensiya akong nararamdaman sa paligid.

"What the hell is this?" matamang tanong ko sa sarili at mas pinatalas ang pandama. Iba't-ibang presensiya ang mayroon ngayon sa gubat na ito! Some are the dark magic users, paniguradong miyembro ng Phantom, at ang iba naman... hindi ako pamilyar sa presensiya nila kaya naman ay hindi ko malaman kung kalaban ba ito o hindi! Damn it! I need to move now!

Hindi ko alam kung ano at sino ang makakaharap ko sa gubat na ito at kapag magtagpo ang mga landas namin, I doubt if I can protect Cordelia's body! I'm tired and can't even run properly now!

Gamit ang natitirang lakas na mayroon ang katawan ni Cordelia, pinilit kong ihakbang muli ang mga paa nito. Segundo lang din ang lumipas ay napangiwi ako dahil pakiramdam ko'y babagsak at mawawalan na naman ako ng balanse! My damn feet hurts like hell! Kanina pa ako takbo nang takbo at mukhang hindi ko na kakayanin pang tumakbo kagaya nang ginawa ko kanina!

Mabilis kong hinampas ang kanang binti ko at napangiwi na lamang muli. "Move! We need to keep running, Cordelia!" mariing saad ko at muling sinubukang humakbang.

Nagawa ko naman iyon. I did make few steps but when I was about to run again, I felt a strange energy that suddenly appeared behind me. Wala na akong nagawa pa. Mabilis akong yumuko at napaupong muli sa may lupa. Dali-dali din akong bumaling sa likuran ko at noong may nakita akong tatlong bulto ng tao roon, napamura na lamang ako sa isipan.

They found me!

The members of Phantom are here! Damn it! What happened to Howard? Si Maori? Hindi ba nila napigilan ang mga ito?

"We've been looking for you," saad ng lalaking miyembro ng Phantom. Tatlo miyembro ng Phantom itong nakahanap sa akin. Dalawang lalaki, isang babae. At sa lakas ng dark energy na nakapalibot sa kanila, tiyak kong matataas ang lebel ng kapangyarihan nila kumpara sa mga miyembrong dumukot sa akin sa bahay ni Tanner! Screw this! I can't fight them right now! With my current status, I'm not sure if I can even make a magic circle that can protect me and Cordelia against these three! I'm doomed!

"She looks exactly like her," matamang wika naman ng babaeng kasama nito habang nasa akin ang buong atensiyon. "Sigurado ba kayong siya ang hinahanap natin? Baka ibang tao na naman ang makuha natin."

Umiling ang isang lalaki. "Hindi tayo magkakamali sa pagkakataong ito. She's the first born of the current royal family. She's not Naida. Our intel already confirmed it. Nasa palasyo ang prinsesang iyon ngayon." Napalunok ako habang nakatuon sa kanila ang buong atensiyon. Damn it. Pati sa loob ng palasyo ay may miyembro na rin ng Phantom! This is not good. Sooner, paniguradong magagawa na nila ang kung ano mang planong mayroon sila para sa realm na ito! This is bad. Really bad!

Sinubukan kong kumilos at tumayo ngayon bigo akong gawin iyon. Tila nanghihina na ang buong katawan ko ngayon! I... damn it! Cordelia's body can't freaking move! What the hell?

"Huwag mo nang tangkain pang tumakas sa amin," saad naman no'ng isa pang lalaking miyembro ng Phantom at nagsimula nang maglakad papalapit sa akin. Mas lalo akong natulos sa puwesto ko at kahit paghinga ay hindi ko na magawa pa nang maayos! "Kung ayaw mong masaktan, sumunod ka na lamang sa amin at huwag nang manlaban pa."

"What do you want from me?" malamig na tanong ko sa kanila. "Wala kayong mapapala sa akin. I'm not a royal."

"Really?" tanong ng lalaki at yumukod sa harapan ko. "Well, you smell like one." He smirked at me.

Hindi ako kumibo at masamang tiningnan lamang ito. Mayamaya lang ay lumayo na ito sa akin at muling lumapit sa mga kasamahan niya. "Mukhang wala na itong lakas na tumakas pa sa atin," aniya habang patuloy sa paglalakad palayo sa akin. "We don't need to use force to bring her to our master."

Master? The master of the Phantom!

"Don't let your guard down, Silver. She's still a royal. Cunning and smart enough to escape from our friends when they captured her before," wika naman ng babae at pinagtaasan ako ng isang kilay. "I hate her even when she's not doing anything. Damn royal!"

"Relax, Vi. You can have her when we return to our guild. Hurt her until you satisfy yourself." The other man said then laughed. Ganoon din ang ginawa ng babae samantalang bumaling muli naman sa akin ang lalaking lumapit sa akin kanina. Hindi ito tumawa kagaya ng mga kasamahan niya at umiling na lamang.

Sa pagkakataong ito, ang babaeng miyembro ng Phantom naman ang lumapit sa akin. I'm still trying to move my body but hell, hindi talaga ito sumusunod sa akin! Hindi na lamang ako kumibo hanggang sa tuluyan ng nasa harapan ko ang babae. Segundo lang din ay hinawakan nito ang buhok ko at hinila pababa. Napangiwi ako sa ginawa nito at hindi man lang sumigaw kahit na halos matanggal sa anit ng ulo ko ang mga buhok ko! Damn this woman! She really hates me... no, she hates a royal! She hates Cordelia!

"Scream, royal," mariing saad nito at mas hinila pa ang buhok ko. Nanatili naman akong tahimik habang palihim na iginagalaw ang daliri sa may lupa.

I can't move my body. At ang tanging kaya kong pagalawin ngayon ay ang kamay ko at ang mga daliri ko. I tried to create magic circle, but I doubt if I can activate it! There's no blood! Mahalaga ang dugo ko para gumana ang magic circle na iginuguhit ko sa lupa ngayon!

I need to think a way para gumana ito! I need to hurt myself... No. I need this woman to hurt me!

"Scream? Kahit na saktan mo pa ako, wala kang makukuhang sigaw mula sa akin," mariing saad ko sa babae kaya naman ay mabilis na nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Mas naging seryoso ito at mabilis na binitawan ang buhok ko. Bahagya pa akong natumba sa kinauupuan kaya naman ay mabilis kong ibinalanse ang katawan. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at noong muli akong umayos nang pagkakaupo, isang malakas na sampal ang ibinigay sa akin ng babae. Mabilis na napaawang ang labi ko sa ginawa nito at ininda ang sakit sa sampal na ginawa nito sa akin.

Muling hinila ng babae ang buhok ko at inilapit ang mukha sa akin. "Don't you dare test my patience, royal. I can even kill you right now!"

"Then do it." Hamon ko sa kanya at matamang sinalubong ang galit na titig nito sa akin. "If you think you can kill me, do it," ulit ko pa sa harapan nito.

Mabilis namang itinaas ng babae ang kamay nito at bago pa niya ako masampal muli, lumapit na sa kanya ang isa sa lalaking kasama nito at agad na hinila palayo sa akin. Bahagya pa ako napasubsob dahil hindi agad binitawan ng babae ang buhok.

"Calm down or you will be punished for killing that royal," rinig kong saad ng lalaki habang pinapakalma ang babaeng umatake sa akin kanina.

"She's pissing me off!" galit na saad ng babae at muling binalingan ako. Nanatili ang seryosong ekspresyon ko sa mukha at noong bahagyang umangat ang kanang labi ko, mas lalong nagalit ang babae sa akin. "I'm gonna kill you, royal!" sigaw niya at may kung anong kinuha sa likuran niya.

Huli na noong mapagtanto ko kung ano iyong kinuha niya.

Nanlamig ang buong katawan ko at para akong nabingi sa lakas ng ingay na namayani sa liblib na gubat na ito. Napakurap ako at wala sa sariling napatingin sa kanang balikat ko. I feel numb... Wala akong maramdaman na kahit ano mula roon ngunit segundo lang ay namataan ko ang pag-iiba ng kulay ng suot kong damit.

Blood....

Muli akong napatingin sa babaeng miyembro ng Phantom at napatitig ako sa hawak-hawak niya ngayon.

A gun!

She's holding a freaking gun and just shot me!

Paanong... Damn it! I read about this one on my mom's diary! Someone introduced gun in this world and now, they're using it! Hindi lang sa mga patalim o espada o sa mahika na lamang sila umaasa ngayon! They're using a freaking gun! They're using a weapon from my world!

"Lizzie!" sigaw ng lalaking nasa harapan nito at inagaw ang hawak na baril ng babae. Galit itong tumingin sa akin at napailing na lamang. "Come here," anito at hinila iyong babae.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

I was shot... and I can't feel anything!

Muli akong tumingin sa kanang braso ko at napaawang na lamang ang pang-ibabang labi noong makita ang pag-agos ng dugo ko. Mula sa tama ng baril sa balikat ko, patungo sa braso at siko... hanggang sa dumaloy patungo sa kamay ko ang sariling dugo.

Blood... Oh my God! This is the blood that I badly needed right now! Damn that woman! She's an enemy and wanted me dead, but she did something that will save me against them! I guess I'm not totally doomed right now!

Akmang kikilos na sana akong muli noong mabilis na lumapit sa akin iyong isa pang miyembro ng Phantom. Natigilan ako sa binabalak at mabilis na napabaling sa kanya. "Don't move." He carefully said to me. Mabilis nitong inilagay sa braso ko ang kamay niya at binalingan ako. "Huwag kang kumilos kung ayaw mong maubusan ng dugo."

"Are you saving me?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Hindi naman ito nagsalita at mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin. Napailing na lamang ako. "Don't worry. A single gunshot won't kill me."

Segundo lang ay naramdaman kong natigilan ang lalaking nasa tabi ko. Maingat itong bumaling muli sa akin at takang tiningnan ako. "You know what kind of a weapon she used... tama ba ako?" Natigilan ako sa naging tanong nito sa akin. I don't know if I need to answer his question but isn't it obvious. I said gunshot at mukhang malinaw naman ang pagkakabigkas no'n kanina. "Tell me, royal, paano mo nalaman ang tungkol sa sandatang iyon? Alam na ng palasyo ang tungkol dito?"

Napakunot ang noo ko sa naging tanong niya. Mayamaya lang ay napahugot ako ng isang malalim na hininga at inalis ang kamay nitong nasa sugat ko. "I don't need to answer your goddamn question," matamang saad ko at maingat na inilapat ang kamay sa lupa. Nanatili naman ang mga mata ko sa lalaki habang unti-unti itong tumayo at lumayo sa akin. Palihim kong iginuhit ang magic circle gamit ang sariling dugong nasa mga daliri ko na habang hindi inaalis ang paningin sa lalaki. "If you're going to kill me, do it now." I slightly smirked at him. "Dahil kung hindi niyo gagawin iyon, the table might turn into my favor."

"You're wounded. You can't fight and escape now." He carefully said to me.

I smirked again. "Yes, I'm wounded but it doesn't mean that I will let you people do whatever you want. I can still fight."

"Stop talking nonsense and just cover your gunshot wound! Mauubusan ka ng dugo sa ginagawa mo!"

Umiling na lamang ako sa kanya at noong natapos na ako sa ginagawang magic circle, agad kong inalapat ang magkabilang kamay sa lupa. Namataan ko ang pagtataka sa mukha nito at noong unti-unting umiilaw ang ginawa kong magic circle, agad na nagbago ang ekspresyon nito sa mukha.

"You casted a magic circle?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

"Using my own blood," mahinang saad ko at mas pinalawak at pinalakas ang magic circle na ginawa. I think this magic circle is enough to buy me some time. I can entertain these members of Phantom while help is on their way here.

I can feel their magic presence now. Malapit na sila rito sa direksyon kung nasaan ako ngayon. Kaya naman ay kailangan kong abalahin ang mga ito hanggang sa dumating sila. And I need to stay alive until they arrive!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top