Chapter 22: Plan

Mabilis na nagkagulo ang lahat ng miyembro ng Apex Tribe.

Noong ipinaalam ni Howard ang tungkol sa sitwasyong mayroon kami ngayon, agad na tumunog muli ang kampana. Sa pagkakataong ito, mas mabilis ang pagpapatunog nito kumpara kanina. Bahagyang natigilan pa ang iba at takang nakatinginan sa isa't-isa at noong nakuha nila ang mensaheng nais iparating sa kanila, mabilis na nagsikilos ang mga ito at nagsibalik sa kani-kanilang tahanan.

"Kailangan na rin nating umalis," rinig kong saad ni Howard sa tabi. Bumaling naman ako sa kanya at umayos nang pagkakatayo. "Sir Aavir already told us what to do, Cordelia." Napakunot naman ang noo ko sa tinuran nito. "He already expected this to happened. Kaya naman ay binigyan niya rin kami ng misyon ni Maori."

What?

"Aalis tayo sa Apex Tribe ngayon," ani Maori na siyang ikinatigil ko. "Kami ang makakasama mo patungo sa Oracle."

"Aalis tayo? Pero paano ang lugar na ito?" tanong ko sa dalawa. "We can't just leave them. Dark magic users ang kalaban nila."

Umiling si Howard sa akin. "You don't have to worry about them, Cordelia. Tapos na rin naman ang parte mo sa operation na ito. We already captured the spies. Now, all they need to do is to protect this place. And you... you need to know about your prophecy."

Napalunok ako at muling napatingin sa nagkakagulong miyembro sa sentro ng Apex Tribe. Patuloy pa rin ang pagtunog ng kampana at noong tumigil na ito, nagsibalik na sa sentro ang mga miyembro umalis kanina. Ang iba'y may mga hawak na na sandata at handa na ring makipaglaban.

"We need to move now," muling saad ni Howard sa akin.

"Paano tayo makakaalis sa lugar na ito? Nasa main entrance sila Sasha at ang ibang miyembro ng Phantom," wala sa sariling saad ko at binalingan muli ang dalawa.

"May ibang daan palabas dito maliban sa main gate, Cordelia." It was Maori. Napaarko naman ang isang kilay ko at hindi na nakapagsalita pa noong nagsimulang kumilos na ito. Tinanguhan naman ako ni Howard at kumilos na rin. Wala sa sariling napabutonghininga na lamang ako at mabilis na sumunod sa dalawa.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng dalawang ito. Basta nakasunod lang ako sa kanila at noong may panibagong eskinita na naman kaming dinaanan, napakunot na lamang muli ang noo ko. At noong tumigil na sa paglalakad ang dalawa, mataman kong tiningnan ang isang maliit na bahay sa unahan namin.

"Let's go," saad muli ni Maori at binuksan ang nakasarang pinto sa unahan nito. Mabilis itong pumasok sa loob ng bahay, ganoon din si Howard. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at walang ingay na sumunod muli sa dalawa. At noong tuluyan na akong nakapasok sa bahay, agad kong inilibot ang paningin sa kabuuan nito.

"What the hell is this place? A storage room?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga tambak na gamit sa loob. Inihakbang ko ang paa ko at lumapit sa maalikabok na bookshelf at tiningnan ang mga librong narito. "Masyadong luma na ang mga gamit na narito. Kaninong bahay ito?" Umayos ako nang pagkakatayo at binalingan ang dalawa. Mayamaya lang ay napakunot muli ang noo ko habang pinagmamasdan ang ginagawa nila.

"No one," sagot ni Howard at hinila iyong kulay brown na carpet na tinapakan ko kanina. Mabilis namang tumulong sa kanya si Maori at noong natapos na sila sa ginawa, napakurap na lamang ako sa nakikita. "We used to play here when we were kids. And we discovered this secret passage," saad pa ni Howard at inangat ang sahig na natatabunan kanina ng carpet!

Oh, damn! It's definitely a secret passage! "Come on, mauna na kayong dalawa ni Maori. I'll guard this place hanggang sa makalabas na kayo sa passage na ito. Here, take this," muling saad ni Howard at inabot kay Maori ang isang voice transponder. "Kapag malapit na kayo sa dulo ng lagusang ito, contact me."

"You better follow us, Howard," matamang wika ni Maori at kinuha sa kamay ni Howard ang voice transponder. Humugot ito ng isang malalim na hininga at binalingan ako. "Let's go, Cordelia," malamig na yaya nito sa akin at pumasok na secret passage.

Mabilis akong sumunod kay Maori. Pagkapasok ko sa secret passage, mabilis kong inalerto ang sarili. Masyadong madilim ang daang tinatahak namin ngayon at kung mamamali lang ako ng isang hakbang, tiyak kong madadapa na ako!

"Maori," tawag ko sa kanya noong maramdaman kong nasa malayo na ito. "I can't see anything! Hintayin mo ako!"

"Damn it, Cordelia!" bulalas naman nito at mayamaya lang ay naramdaman ko ang paghawak nito sa palapulsuan ko. "Just move your feet and follow me," dagdag pa nito at hinila na ako.

Hindi na ako nagsalita pa. Nagpatuloy ako sa paghakbang at noong may naaninag akong kaunting liwanag sa may unahan namin, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. That must be the end of this secret passage!

Mas binilisan namin ang pagkilos at noong tuluyan na kaming nakarating sa pinakadulo ng secret passage, binitawan na ni Maori ang palapulsuan ko. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang paligid.

"Howard," ani Maori sa voice transponder device na hawak niya ngayon. "We're here. Sumunod ka na," dagdag pa niya at binalingan ako. Itinago niya sa bulsa ang device at humugot ng isang malalim na hininga. "We'll wait here. Dito natin hihintayin si Howard," matamang wika nito na siyang marahang ikinatango ko. Bumaling ako sa daang tinahak namin kanina at tiningnan ang exit ng secret passage. "Come on, Howard," mahinang wikang muli ni Maori habang nakatingin na rin sa may exit.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at matiyagang hinintay ang paglabas ni Howard sa may exit. At habang ginagawa iyon, pinakiramdaman ko na rin ang paligid. Halos wala akong maramdamang kakaibang enerhiya at mukhang malayo-layo ito sa main village ng Apex Tribe. Ni halos 'di ko na rin maramdaman ang mga dark magic user na kanina lang ay nagpapabalisa sa akin dahil sa dami ng bilang nila!

Mayamaya lang ay naging alerto ako at napaayos nang pagkakatayo. Mataman kong tiningnan ang lagusan kung saan kami dumaan kanina ni Maori at noong may naramdaman akong magkakaibang enerhiya mula roon, napaawang na lamang ang mga labi ko. "We need to leave now, Maori," saad ko sabay atras ng isang beses palayo sa exit ng secret passage na dinaanan namin kanina.

"Wala pa si Howard, Cordelia. Hinihintayin natin siya!"

Mabilis akong umiling at binalingan ito. "Someone's coming at sigurado akong hindi si Howard ito!"

"What?" gulat na tanong Maori sa akin at napaatras na rin. "Anong mayroon sa lagusang ito, Cordelia? Tell me!"

Napalunok ako at matamang tiningnan si Maori. "I can see three different dark energy."

"What about Howard? Anong nangyari sa kanya? He's still there... Susunod siya sa atin!"

"I don't know, Maori! I can only see and feel dark energy! Hindi ko alam kung ano ang nangyari kaya-" Hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin noong mas lumakas ang enerhiyang nararamdam ko ngayon mula sa lagusan. Mabilis kong hinawakan sa palapulsuan si Maori at hinila na ito. "We need to move now!" saad ko at muling hinila ito.

"No... Hihintayin natin si-"

"Maori!" sigaw ko sa pangalan niya at bago ko pa muling mahila ito, sunod-sunod na pagsabog ang narinig namin na siyang nagpayanig din sa lupang kinatatayuan. Agad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napaupo. Ganoon din ang ginawa ni Maori at mabilis na binalingan ako.

"We can't leave without Howard," mariing saad niya sa akin.

"They will get us if we don't leave now, Maori," wika ko naman at maingat na tumayo noong huminto na ang pagyanig ng paligid. "We can fight but I don't think if we can win against them. We only have one option here, Maori, and that is to leave this place. Iyon din naman ang nais na mangyari ni Howard. Kaya nga siya nagpaiwan kanina," kalmadong saad ko pa at tiningnan muli ang lagusang dinaanan namin kanina. "We need to move before it's too late for the both of us."

"Damn it!" galit na bulalas ni Maori at tumayo na rin. Masama itong tumingin sa akin kaya naman ay natulos ako sa kinatatayuan ko. Okay. Ano na naman ang problema ng babaeng ito sa akin? "Kung hindi lang sana namin dinala sa lugar na ito, hindi sana mangyayari ang kaguluhang ito!"

Napaawang ang labi ko sa narinig mula sa kanya. Say what?

"Maori, hindi ko ginusto ang-"

"Shut up!" galit na wika nito na siyang ikinangiwi ko na lamang. "If you want to leave, then go! Hindi ako sasama sa'yo, Cordelia! I don't care about my mission anymore! I'll stay here and protect my friends and family," anito at humugot ng isang malalim na hininga. "Now, leave and start running away from this forest, Cordelia. I... I will stay here."

Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Maori. Mayamaya lang ay napansin ko ang pag-iiba ng ekspresyon nito sa mukha kaya naman ay nakuha ko ang nais nitong iparating sa akin. Mabilis akong humugot ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan ito. "Alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon, Maori. Alam ko rin kung ano ang nais mong mangyari ngayon ngunit hindi ko hahayaang makipaglaban kang mag-isa sa mga paparating na kalaban."

"Just leave this forest, Cordelia!" She screamed at me. "You're a princess at ang labang ito ay dapat ay hindi mo na panghimasukan pa! Leave and find all the answers that you are seeking for! Hayaan mo akong lumaban para sa Apex Tribe. Hayaan mo akong protektahan ang lugar na ito!"

"Maori-"

"Leave this forest now, Cordelia. You must live and survive. At kung hindi pa huli ang lahat para sa Apex Tribe, we'll wait for you hanggang sa makabalik ka sa palasyo. Hanggang sa maitama mo lahat ng mali sa realm na ito. Go now!" mariing saad niya sa akin at mabilis na nag-iwas nang tingin.

Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at maingat na umatras palayo sa kanya.

"Babalik ako," mahinang saad ko at muling umatras. "It's a promise, Maori, so you better fight and stay alive too!"

"Is that an order, Your Highness?" mahinang tanong ni Maori habang nasa may lagusan pa rin ang buong atensiyon. Tumango naman ako at pinagpatuloy ang pag-atras palayo sa kanya. "Don't worry. We're tough warriors of Vallasea. We will survive this war."

Muli akong tumango kay Maori at hindi na muling nagsalita pa. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kinatatayuan nito at mayamaya lang ay nagsimula na rin akong tumakbo.

I've been running since the day that some of the Phantom members kidnapped me. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumakbo at lumayo mula sa kanila! And I want to stop! I want to stop and fight them! But... what can I do? Kulang pa ang impormasyong mayroon ako. Kulang pa ang kakayahang mayroon si Cordelia ngayon! Kung haharapin ko sila, tiyak kong ikapapahamak lang naming dalawa ni Cordelia iyon!

Yes, I can use magic now, but is it enough?

Definitely not!

Sa ilang linggong pamamalagi ko sa mundong ito, may mga natutunan na rin ako. Idagdag mo pa ang mga nabasa ko sa diary ni mommy. Azinbar is a magical world. Royal exists and rules the four realms, and only those people with strong and extraordinary magic within them can lead and be on the top of this world. And if you're not powerful enough, you will be discarded, abandoned... just like Cordelia.

"I have enough of all of this, Cordelia," mahinang turan ko habang patuloy sa pagtakbo. "Pagod na ako sa mga nangyayari at mukhang matitigil lang ang mga ito kapag tuluyan nang makabalik ka sa palasyo!"

I will find the Seer who saw Codelia's odd prophecy! Kailangang makuha ko na ang nawawalang piraso sa puzzle na mayroon sa naging buhay ni Cordelia noon! And after that, I will go and see her parents. Ibabalik ko sa palasyo si Cordelia. That's the plan, my freaking plan, and that plan should be the plan from the very beginning!

Ang dami ko nang nasayang na oras, Cordelia! We need to finish my mission and focus on finding my father!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top