Chapter 20: Favor
I don't want to hurt Esther.
Naiintindihan ko naman kung bakit niya ito ginagawa ngayon sa amin. We hurt a fellow member of Apex Tribe. At kahit anong eksplenasyon pa ang sabihin namin ni Maori kanya, isa lamang ang nasa isip nito. We are the enemies here!
"Esther! Please, stop it!" sigaw ni Maori habang namimilipit na sa sakit na nararamdaman niya.
Kalmado naman ako at maingat na iginalaw ang katawan. Mabuti na lamang talaga ay gumagana ang magic circle na ginawa ko. Hindi ako naaapektuhan sa kung anong mahikang ginagamit ngayon ni Esther. Sana nga lang ay ganoon din kay Maori. Ngunit mukhang hindi ito gumagana sa ibang tao. Ako lamang ang nakakakilos nang maayos sa aming dalawa.
"Esther," mahinang banggit ko sa pangalan nito. "You're punishing the wrong member. Walang ibang ginawa ni Maori kung hindi ang iligtas ako mula kay Sasha. Let her go."
"Sasha is not an enemy! Hindi niyo dapat ito sinaktan! She's not the enemy!"
"Ganoon din ang sinabi sa akin ni Maori bago pa kami ikulong nito sa illusion magic niya," seryosong saad ko pa at humugot ng isang malalim na hininga. "As one of the senior members of Apex Tribe, hindi ba masyadong bias ka sa kanilang dalawa?" Natigilan si Esther sa tinuran ko. Nag-iba rin ang ekspresyon nito sa mukha kaya naman paniguradong naiirita na ito sa akin ngayon. "Biktima lang din si Maori sa gulong ginawa ni Sasha kaya naman bakit siya itong pinapahirapan mo ngayon?"
"We have rules here, Cordelia, at wala kang karapatang pagsabihan ako tungkol sa kung paano ko paparusahan ang mga miyembrong hindi sumunod dito!" galit na turan nito sa akin.
Ipinilig ko ang ulo pakanan at nagtaas na lamang ng isang kilay sa kanya. Pasimple kong tiningnan si Maori na hanggang ngayon ay iniinda pa rin ang matinding sakit sa may ulo nito. I sighed and composed myself. Umayos ako nang pagkakatayo at muling tiningnan si Esther. "Nakalimutan mo na yata ang mga tinuran ni Aavir kanina. I'm one of the royals of this realm, Esther. Sa kahit anong anggulong tingnan mo, may karapatan akong pagsabihan ka lalo na kung alam ko naman kung ano ang totoong nangyari." Namataan kong natigilan si Esther at biglang namutla habang nakatitig sa akin. I sighed again. "Pakawalan mo si Maori at dalhin mo ako kay Aavir. Siya ang kakausapin ko tungkol sa nangyari ngayon sa lugar na ito," seryosong saad ko pa sa kanya.
Hindi kumilos si Esther kaya naman ay napahakbang na ako ng mga paa. Naging alerto naman ito at napaatras sa kinatatayuan niya.
"Don't make me repeat myself, Esther. I may not be a powerful royal to you, but believe me, I have tricks under my sleeves. I can pin you down anytime." I carefully said to her with a serious and cold tone.
Come on, Esther. Do it now! Bago pa mawala ang lahat ng tapang na mayroon ako ngayon, she needs to stop and release Maori from her magic! Baka kung mapano pa ito kung patuloy itong paparusahan ni Esther! She needs to stop now!
Akmang kikilos na sanang muli si Esther noong mabilis itong natigilan sa kinatatayuan niya. Maging ako ay natulos sa puwesto ko at wala sa sariling napatingin na lamang sa dulo ng pasilyong kinaroonan namin ngayon.
There... I saw Aavir. Seryoso ito at maingat na inihahakbang ang mga paa patungo sa direksiyon namin. Napalunok na lamang ako at unti-unting umatras dahil sa kakaibang pressure na mayroon ngayon sa lugar. I'm a hundred percent sure na galing kay Aavir iyon! Sa lakas nito ay halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko! And my magic circle? Damn, it's slowly fading away! Unti-unting nawawala ito habang papalapit si Aavir sa puwesto namin! Damn this old man! He's powerful!
"What the hell are you doing, Esther?" Aavir asked her. Seconds passed, nasa tabi na siya ni Esther at matamang tiningnan ito. "Let Maori go. She's suffering."
"But Sir Aavir-"
"They're telling the truth," saad nito na siyang ikinatigil ni Esther. "We managed to get some information from Sasha. Kahit na ayaw kong paniwalaan ito, Danica's magic already proved that she's a spy from the Phantom."
"What?" gulat na tanong ni Esther at mabilis na bumaling kay Maori. Tumingin din ito sa akin at litong bumaling muli kay Aavir. "But... Sir Aavir, matagal ng miyembro ng Apex Tribe si Sasha! Mas nauna pa ito kila Maori at Howard!"
"Exactly," simpleng saad ni Aavir at tiningnan si Maori noong unti-unting kumalma na ito. Mukhang pinakawalan na ito ni Esther at ngayon ay pilit na hinahabol ang sariling paghinga. Nakapikit ito at nakahiga na sa may sahig. "Airah, go and help, Maori. Dalhin niyo siya sa clinic at siguraduhing makapagpapahinga nang maayos." Agad naman kumilos ang ilang miyembro ng Apex Tribe na nasa likod nito at dinaluhan ang nanghihinang si Maori. Maingat nilang binuhat si Maori at noong kaming tatlo na lamang ang natira, tahimik kong binalingan si Aavir. Segundo lang din ay bumaling ito sa akin. "Mukhang nagagamit mo na ang isa sa ability na mayroon ka, Cordelia."
"So, alam mo ang tungkol sa kakayahang ito?" I asked him. "I was told that I'm powerless. Everyone knows that I can't even cast a single spell!"
Humugot ng isang malalim na hininga si Aavir at matamang tiningnan ako. "Come on. Sumama kayong dalawa ni Esther sa akin. Naghihintay sa atin ang ibang officer ng Apex Tribe," sambit nito at mabilis na tinalikuran kami.
Hindi na nagsalita pang muli si Esther. Tahimik itong sumunod kay Aavir at hindi na muling binalingan ako. I sighed. Mukhang wala na rin naman akong magagawa pa. Muli kong inihakbang ang mga paa at sinundan ang dalawa.
Sa isang malaking bahay kaming nagtungong tatlo. Tahimik pa rin akong nakasunod sa dalawa at noong tuluyan na akong nakapasok sa loob nito ay agad akong natigilan sa pagkilos noong makita ang iilang miyembro ng Apex Tribe. Napalunok ako at matamang tiningnan ang mga kasama sa malawak na sala ng bahay.
Mahigit sampu ang narito ngayon. Anim sa kanila ay matatanda na, kasama na roon si Aavir, at ang iba naman ay sa tingin ko ay kasing edad lamang ni mommy. So, they're the officers of Apex Tribe, the people who rule this place.
"Sir Aavir told us about you, Cordelia," ani ng isang matandang babae. Napatingin ako sa puwesto nito at matamang tiningnan lang ito. "Is it true that you can see dark energy?" She asked me.
Hindi ako nagsalita at tahimik na tiningnan ang mga kasama sa sala. Inisa-isa ko silang tiningnan at noong wala akong nakitang kakaiba sa kanila, humugot ako ng isang malalim na hininga. Maingat akong tumango at muling binalingan ang nagtanong na matandang babae. "I can sense and see them. Basta malapit lang ito sa akin."
"How about now?" tanong naman ng isang lalaking officer at tumayo sa kinauupuan nito. "May nakikita ka bang dark energy sa silid na ito?"
"Diego-"
"What?" Nagkibit-balikat ang lalaking officer at muling itinuon sa akin ang atensiyon. "Tell me, Cordelia. Anong nakikita mo sa mga taong narito sa silid na ito?"
"No dark energy," simpleng saad ko na siyang ikinataas ng isang kilay nito sa akin.
"Sigurado ka?" He asked me again.
"It's not easy to conceal someone's dark energy. Kaya naman kapag sinabi kong wala akong nakikitang kakaiba sa mga taong narito, all you have to do is to believe me." I carefully said to him. I sighed and started to move my feet again. "Alam kong nais mo lang malaman kung may iba pang dark magic user sa lugar na ito. I understand that. But believe me, walang akong nakikitang dark energy sa mga taong nasa silid na ito. Dahil kung pagdududahan mo ang mga kasama mo ngayon, this tribe will definitely fall apart. Hindi pa man nagsisimula ang totoong laban, unti-unti na itong babagsak kung hindi niyo pagkakatiwalaan ang mga kasamahan ninyo," matamang sambit ko at tiningnan ang tahimik na si Esther. Mabilis naman itong yumuko noong magtagpo ang paningin naming dalawa. I sighed. "Wala sa plano ko ang guluhin ang lugar na ito. I just want to go home."
"But you already sensed them, Cordelia," ani Aavir na siyang ikinatigil ko. "Apex Tribe will be in trouble if we don't get rid all of the spies from Phantom." Ipinilig ko ang ulo pakanan at matamang tiningnan ito. "Alam naming nais mo nang makabalik sa sentro ng Vallasea ngunit kailangan namin ang tulong mo."
"You want my help?" takang tanong ko sa kanya.
"We want to capture all the spies, the traitors, inside our tribe," saad naman ng isa pang officer na kasama namin. "Matagal na naming kasama si Sasha sa lugar na ito. At kung hindi ka pa mapapadpad sa gubat na ito, tiyak kong mas marami pa itong impormasyong maibibigay sa Phantom. All our plans... Lahat ng pinaghahandaan namin ay tiyak kong malalaman nila!"
Wala sa sarili akong napakagat ng pang-ibabang labi.
Kaya pa ba nilang pigilan ang Phantom? Kung matagal na ngang may spy sa lugar na ito, tiyak kong dehado na sila! All their plans, strategies, tiyak kong alam na ito ng Phantom!
"Cordelia," tawag muli ni Aavir sa akin. "Help us and in return, sasamahan ka namin sa pagbabalik mo sa Vallasea."
Hindi ako kumilos sa kinatatayuan at matamang tiningnan lamang si Aavir. Mayamaya lang ay may naisip akong tiyak kong makakatulong sa akin, sa aming dalawa ni Cordelia!
I sighed and looked at them intently. "Fine, I'll help you, but I'll ask you another favor," seryosong saad ko at tiningnan isa-isa ang mga kasama ngayon sa malawak na silid. "Hindi sa sentro ng Vallasea niyo ako dadalhin."
"What? Saan naman?" One of the officers curiously asked me.
I smiled at confidently answered. "Oracle. I want you to bring me to Oracle, the house of the Seers of Evraren."
Natigilan ang lahat sa tinuran ko. Mayamaya ay nagsalitang muli si Aavir kaya naman ay napabaling muli ako sa kanya. "Don't tell me that you're planning to-"
"Hahanapin ko ang Seer na nakausap ng mga magulang ko. Iyong nagsabi sa kanila tungkol sa prophecy na tinuran mo sa akin kanina, Aavir," seryosong saad ko na siyang lalong nagpatahimik sa lahat.
Of course, hindi lang iyon ang pakay ko sa Oracle. I'll look for Scarlette, too! Tiyak kong alam nito kung nasaan ang ama ko! It's like hitting two birds with one stone. Malalaman ko kung anong klaseng propesiya ang nakita nila tungkol kay Cordelia, and at the same time, malalaman ko rin kung nasaan talaga ang ama ko!
Nice thinking, Raina! Mukhang mas mapapadali ang lahat kung sa Evraren ako magtutungo at hindi sa sentro ng Vallasea!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top