Chapter 2: Vallasea

Kanina pa ako paikot-ikot sa silid kung saan ako nagising kanina. Hindi ako mapakali kaya naman ay minabuti ko nang maglakad at lumabas dito.

Isang pihit pa lang ng door knob ay alam ko nang na-lock ito. Kumunot ang noo ko at muling pinihit ito.

"Damn," mahinang bulalas ko at hinampas ito ng isang beses. "Hey! Alam kong nasa labas ka ng silid na ito. Please, open the door!" sigaw ko at muling hinampas ang pinto. "I'll behave. I won't say anything weird again. So, please, buksan mo na ito."

Well, I've learned my lesson.

Kanina, noong nasa loob pa iyong babae sa silid, alam kong nag-aalala ito sa kalagayan ko. The way she looked at me, alam kong nakahinga ito nang maayos noong makitang gising at nakatayo na ako. But when I asked her about Cordelia, mabilis na nagbago ang ekspresiyon nito. Muli itong nag-alala sa kalagayan ko at mabilis na lumabas sa silid na kinaroroonan ko ngayon. Sinubukan ko itong habulin ngunit huli na noong tuluyan na itong nakalabas sa silid.

Napabuntonghininga na lamang ako at lumayo na sa may pinto. Mukhang wala itong balak na pagbuksan ako. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at nagtungo na lamang muli sa kama ng silid. Naupo ako sa gilid nito at hinawi ang buhok sa balikat.

Napanguso na lamang ako at marahang tinampal ang kanang pisngi.

"This is just a dream," mahinang sambit ko at muling tinampal ang pisngi. "Wake up now, Raina. Hindi na ito nakakatuwa," dagdag ko pa at inis na ipinadyak ang paa.

What the hell is happening to me? Bakit ba nangyayari ito sa akin? Panaginip lang ito. Oo, panaginip lang ito. Damn it!

Muli akong tumayo at naglakad patungo sa isang lumang tokador at mabilis na naupo roon. Pinagmasdan ko ang sariling repleksiyon at pilit na inaalala kung saan ko ba nakita ang mukhang ito.

The face that I'm seeing right now, pamilyar sa akin ito. Hindi ko nga lang maalala kung saan ko ito nakita! Sa Manila ba? Sa probinsya namin? Sa opisina ng The Great Ferrer Empire? Saan ba? Imposible naman kasing sa States kasi puro foreigner ang kaibigan ko roon!

Napangiwi ako at marahang hinawakan ang kanang pisngi. "This is not my face. This is-"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong mabilis na napatayo ako. Napalayo ako sa may tokador at mabilis na napakurap ng ilang beses. Now I remember this face! Oh my God!

"This face... ito iyong babaeng nakita ko noong nalulunod ako!" bulalas ko at muling hinawakan ang pisngi. Right. Ito iyong babaeng nakita ko sa tubig. Sigurado ako sa bagay na ito. Siya nga ito! What the hell? Paano ako napunta sa katawan niya?

Akmang kikilos na sana akong muli noong mabilis na natigilan sa kinatatayuan ko. Bumukas muli ang pinto ng silid at may pumasok doon. Napaayos ako nang pagkakatayo at pinagmasdang mabuti ang babae nakausap ko na kanina.

"Cordelia-"

"I'm not her-"

"Magtigil ka na, Cordelia!" sigaw nito na siyang ikinatigil ko sa pagsasalita. Palihim akong napangiwi at ikinuyom na lamang ang mga kamao. What's her deal? Ba't galit na naman ito sa akin? "Alam kong nahihirapan ka na! Alam naming lahat iyon pero Cordelia naman, hindi ito ang solusiyon!" aniya at nagsimula nang maglakad palapit sa akin. Hindi naman ako nakakilos sa kinatatayuan ko. "Alam mo ba ang kasalanang nagawa mo? Nagtangka kang magpakamatay, Cordelia! Alam mo ba ang kaparusahan sa ginawa mo?"

Napakurap-kurap ako sa narinig mula sa kanya. Wait... What? Ginawa iyon ng babaeng ito? Kaya ba nakita ko ang imahe niya sa tubig noong nalulunod ako? Iyon ba iyon?

"Cordelia, hindi solusiyon ang pagkitil ng sariling buhay para lang matapos lahat ng problemang kinakaharap mo ngayon. Maraming pang ibang paraan! Hindi iyong ganito!" sigaw niyang muli at mabilis na inalis ang luha sa mga mata. "Simula ngayong araw ay hindi ka na namin pahihintulutang lumabas sa pamamahay na ito. Mananatili ka rito hanggang sa pagsisihan mo ang lahat nang ginawa mo sa sarili mo!"

Napaawang ang labi ko sa tinuran nito. No. Hindi ako maaaring manatili sa lugar na ito! "Wait... I don't understand... Hindi ko iyon magagawa," sambit ko at umiling sa harapan nito.

Kanina, noong nagalit ito sa akin, noong nagtanong ako sa kanya kung sino si Cordelia, alam kong may mali sa mga salitang binitawan ko. I was confused, okay. Wala akong ibang nasabi kung hindi iyon lang. At ngayon tila alam ko na ang kung anong nangyayari sa akin, nakapag-isip na ako nang alibi kung paano ako makaka-survive sa lugar na ito.

"Hindi ko maalala ang mga nangyari," sambit kong muli na siyang ikinatigil nito. "I don't even remember my own name."

"Huwag ka nang magpanggap pa, Cordelia!" inis na sigaw nito sa akin.

"Hindi ako nagpapanggap!" balik na sigaw ko naman sa kanya. "Iyon ang totoo! Please, just listen and believe me! Wala akong maalala tungkol sa nangyari, tungkol sa'yo, lalong-lalo na ang tungkol sa sarili ko! I don't remember, okay! I... I don't even know where the hell am I!"

"Carolina." Natigil kaming dalawa ng babae sa pagsasagutan noong may pumasok sa silid na kinaroroonan namin. "Nandito na ang mga manggagamot."

Manggagamot? Like a doctor? Nagpatawag ito ng mga doktor? Para saan naman? Para tingnan ang kalagayan ko?

Hindi ako kumilos sa kinatatayuan at nanatiling nakatingin sa may pintuan. Mayamaya lang ay may pumasok na tatlong babae na nakasuot ng purong puting damit. Doctors. Mukhang mga doktor nga itong mga bagong dating.

Narinig ko ang marahas na pagbuntonghininga ng babae sa tabi ko. Well, her name is Carolina. I might as well address her like that. Bumaling muli ito sa akin at hindi na muling nagsalita pa. Tinalikuran na niya ako at kinausap ang mga doktor na kakarating lang.

"Tingnan niyo nang maigi ang kalagayan niya. And please, if you find something strange, report it to me immediately."

"Yes, Carolina. Kami na ang bahala sa kanya," sambit ng isa sa tatlong doktor at yumukod sa harapan nito. Napakunot ang noo ko sa nasaksihan. What is this? They're showing respect to her. Ano kaya ang role ng babaeng iyon sa buhay nitong si Cordelia?

Napailing na lamang ako at tamad na naglakad patungo sa gilid ng kama. Pumasok na rin nang tuluyan ang mga doktor at nilapitan na ako. Tahimik akong naupo at pinagmasdan silang inihahanda ang mga dalang gamit.

Kung anu-ano ang ginawa nila sa akin. They even did an acupuncture treatment to me which I find so unnecessary. Para saan naman iyon? Walang masakit sa katawang ito. They can't fix me with their stupid big needles!

Marami rin silang itinanong sa akin na siyang sinagot ko naman nang maayos. They asked me my name and told them that I don't remember. They ask me where do I live and answered them that I don't know which is definitely the truth. Nasaan nga ba ako?

"Bakit mo ginawa iyong pagtalon sa lawa?" tanong ng isang doktor na siyang ikinatigil ko. "Bakit mo iyon ginawa, Cordelia?"

"Wala akong maalala sa mga itinatanong niyo sa akin," sagot kong muli. Iyon lang din naman ang alam kong dapat na isagot ko sa kanila. Wala akong maalala. Wala akong alam.

"Cordelia-"

"I'm pretty sure that I have an amnesia," sambit ko na siyang ikinatigil nilang tatlo. "Wala akong maalala sa mga nangyari kaya naman sigurado akong iyon ang kondisyon ko."

"Am... amnesia?" takang tanong ng isa sa kanila at binalingan ang mga kasama niya. "Alam niyo ba ang kondisyong iyon?" tanong niya pa niya na siyang mabilis na ikinailing ng dalawa pang doktor.

Napaawang ang labi ko sa kanilang tatlo. Hindi nila alam ang tungkol sa amnesia? Seryoso ba sila?

"Hindi niyo alam kung ano ang amnesia? Really? Memory loss. That's amnesia!" bulalas ko at napangiwi na lamang noong makita ang mga ekspresyon nila. They're unbelievable! "Alright, listen to me, doctors. Nawala lahat ng alaala ko. Iyon ang naging epekto ng aksidenteng kinasangkutan ko. Hindi ko rin maalala kung bakit ako tumalon sa lawang sinasabi niyo. Hindi ko matandaan na Cordelia pala ang pangalan ko. Wala rin akong alaala tungkol kay Carolina. Lalong lalo na sa mundong kinaroroonan ko ngayon. Happy now?" sunod-sunod na sambit ko na siyang ikina-estatwa ng tatlo. Segundo lang ay nabitiwan ng isa sa kanila ang hawak-hawak na instrumento ginagamit sa panggagamot nila na siyang gumawa nang ingay sa loob ng silid.

Napabuntonghininga na lamang ako at tamad na tiningnan sila.

"I don't remember everything. Iyon ang kondisyon ko ngayon," muling sambit ko na siyang mabilis na ikinatango ng tatlo. Nagsiayos na sila nang pagkakatayo at mabilis na yumukod sa harapan ko. Taka ko naman silang tiningnan at noong nagpaalam na ito sa akin, tahimik ko silang pinagmasdan habang naglalakad na palabas ng silid.

Napanguso ako.

"Maniwala kaya si Carolina sa kanila?" tanong ko sa sarili at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Ipinilig ko ang ulo pa kanan at marahang tumayo. Nagsimula na akong maglakad at noong nasa may bintana na ako ng silid, mabilis kong hinawi ang kurtinang naroon.

Isang malawak na lupain ang bumungad sa mga mata. Tahimik kong pinagmasdan ang paligid at noong may nakita akong dalawang lalaki 'di kalayuan sa bintanang dinudungaw, natigilan ako. Hindi ko inalis ang paningin sa dalawa at noong itinaas nila pareho ang isang kamay, napaawang na lamang ang labi ko sa nasaksihan.

What was that? A m-magic? Really? Totoong magic ba itong nakikita ko?

"Wow," mahinang turan ko noong mamataang nagpapalitan ng mga atake ang dalawang lalaki. It's a water magic! Parehong tubig ang elementong ginagamit nilang dalawa! "Nice," komento ko pa at dahil naaliw ako sa mga nakikita, hindi ko na naramdamang may pumasok na pala sa silid na kinaroroonan ko. Natigil na lamang ako sa pagmamasid noong magsalita ito sa likuran ko.

"Hanggang ngayon ay namamangha ka pa rin kapag nakakakita ka ng mahika," anito na siyang ikinabaling ko sa kanya. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang pinagmasdan ito. "Kumusta ka, Lia? I've heard what happened to you. Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Hindi ako nagsalita at nanatili lamang nakatingin sa bagong dating. Okay. Sino naman kaya itong lalaking ito? The way he spoke to me, mukhang kilalang-kilala nito si Cordelia. He even gave her a nickname. Jowa niya kaya ito?

"Who are you?" I asked him curiously. Well, sinabi ko na rin naman sa mga doktor na may amnesia ako kaya naman paninindigan ko na ito. At totoo namang hindi ko kilala ang lalaking ito! "I'm sorry but I don't remember anything... including you."

Namataan ko ang matamang titig ng lalaki sa akin. Hindi rin ito kumilos sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatitig sa akin. Mayamaya lang ay namataan ko ang pagbuntonghininga nito at ang paghilot ng sintido niyo. "So, it's true. Wala ka ngang naaalala," aniya na siya ikinatango ko sa kanya. "This is not good, Lia. Sa tagal ng panahong pamamalagi mo rito, ngayon pa talaga ito nangyari sa'yo."

Napangiwi ako sa narinig. Yeah, right. Bakit ba kasi tumalon ang babaeng ito sa lawang sinasabi nila sa akin kanina? Kung hindi lang sana ito nalunod, sana'y wala ako sa sitwasyong ito!

I silently sighed but when I suddenly remembered something... a similar situation that happened before to someone I knew, I immediately move my feet and walk towards his direction. "Tell me, nasaan ako ngayon?"
mabilis na tanong ko sa kanya.

"Lia-"

"Hindi ko man matandaan ang tunay na pangalan ko, still, I need to know kung nasaan ako ngayon," mariing sambit ko at hindi inalis ang titig sa kanya.

Kumunot ang noo nito sa akin at ipinilig ang ulo pakanan. "Nasa Atlantis ka, Cordelia," sagot niya na siyang ikinakunot na rin ng noo ko. Atlantis? Like the lost island Atlantis? Really? "It's one of the islands here in Vallasea."

I froze when I heard that. Vallasea.

"The eastern realm of Azibar," wala sa sariling sambit ko at napaatras ng isang beses palayo sa lalaki.

"So, you remember?" he immediately asked me. Mabilis naman akong umiling at tinalikuran ito. Muli akong lumapit sa may bintana at matamang tiningnan ang tanawin doon.

Atlantis. Vallasea. Azinbar.

No hell way. Ito ba ang mundong isinulat ni mommy sa dairy niya? Is this for real? Oh my God! This can't be true! Kathang-isip lang ni mommy ang mga nakasulat doon!

Mabilis kong tinampal ang noo at napapitlag na lamang noong nasaktan ako. Muli kong ginawa iyon at noong nasaktan muli ako sa ginawa, napamura na lamang ako. Agad naman lumapit sa akin ang lalaki at pinigilan ako sa ginagawang pananakit sa sarili.

"That's enough, Cordelia," pigil nito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nagpumiglas ako sa kanya ngunit mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko at pinaharap sa kanya nang maayos. "Stop hurting yourself."

"This is not real. This is just a fucking dream!" histerikal na wika ko at pilit na binawi ang kamay mula sa kanya. "Hindi totoo ang lahat ng ito!"

"Cordelia!" mariing sambit nito sa akin na siyang ikinatigil ko namang muli. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo pero totoo ang lahat ng ito. You are Cordelia. This is your home, your realm. Totoo ang lahat nang nakikita mo sa paligid mo. Hindi ka nananaginip, Lia. Totoo ang lahat ng ito."

"This is bullshit," mahinang sambit ko at buong lakas na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya. "Hindi dapat ako napunta sa mundong ito."

"Lia-"

"Umalis ka na lang muna. Leave me alone."

"But-"

"Hindi ko sasaktan ang katawang ito," malamig na turan ko at nag-iwas nang tingin sa kanya. "Gusto ko lang mapag-isa," dagdag ko pa at naglakad na pabalik sa kama. Naupo ako roon at tumitig sa kawalan.

Mayamaya lang ay naramdaman kong kumilos na ang lalaki. Tahimik itong lumabas sa silid na kinaroroonan ko at noong hindi ko na naramdaman ang presensiya nito, mabilis kong ibinagsak ang katawan sa malabot na higaan.

"Paano ako napunta sa mundong ito? Paano ako napunta sa katawan ng babaeng ito?" mahinang tanong ko sa sarili at ipinikit ang mga mata.

"For you to leave that body, you need to finish your mission."

"You need a dimension traveler. Siya lang ang tanging paraan para makabalik ka sa totoong mundo mo, Rhianna Dione."

Mabilis akong napamulat ng mga mata at napaupong muli. Wait. Iyon ang mga salitang nakasulat sa dairy ni mommy. Iyon ang sinabi sa kanya ng mga taong nakasalamuha niya sa mundong ito!

Mission. Ano naman ang misyon ko sa mundong ito? Bakit sa katawan pa ng isang suicidal na babae ako napunta? Ano naman ang gagawin ko sa mundong ito bilang Cordelia?

And... a dimension traveler? Well, I know one. Ngunit... paano ko naman ito mahahanap sa mundong ito?

Vallasea... malayo ang realm na ito sa Northend at sa Evraren. Base sa mga isinulat ni mommy sa dairy niya, isang beses lang siya napunta sa lugar na ito! Wala akong ideya sa kung anong mayroon dito at sa mga taong naninirahan sa realm na ito!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top