Chapter 19: Enemy
Hindi ako sigurado sa kung tama ba itong ginagawa ko sa katawan ni Cordelia ngayon. I'm not even sure if her blood will save and get me out of this illusion magic! All I know is that her blood is powerful! Iyon ang ipinakita niya sa akin kanina at kung paano ko magagamit itong dugo niya para makaalis sa ilusyong ito ay wala akong ideya! Damn it!
Mariin kong ikinagat ang pang-ibabang labi noong sinugatan kong muli ang kamay ko. Napangiwi na lamang ako noong unti-unti na akong nakaramdam ng hapdi at sakit mula sa sugat na ginawa ko. Mayamaya lang ay mabilis akong natigilan sa ginagawa noong marinig ang pagsigaw ni Maori. Agad akong nag-angat nang tingin at gulat na napatitig sa puwesto nil ani Sasha.
Nasa lupa na si Maori ngayon habang nakatayo naman sa gilid nito si Sasha. Nakatutok sa leeg ni Maori ang sandatang hawak nito kaya naman ay hindi ito makagalaw sa puwesto niya. Wala sa sarili naman akong napatitig sa itim na enerhiyang bumabalot ngayon sa katawan ni Sasha at napamura na lamang sa isipan noong mapansing mas lumakas pa ito ngayon!
"This is bad," mahinang usal ko at tinignan ang duguang kamay. "Come on, Cordelia. Ipakita mo sa akin kung paano gagana itong dugo mo!" Mariin kong ikinuyom ang kamay at wala sa sarili napaluhod. Segundo lang din ay may mga imahe na naman akong nakita sa isipan ko kaya naman ay mabilis ko itong ginagawa.
Gamit ang duguang daliri, mabilis kong inilapat iyon sa may lupa. I started moving my finger as my own blood runs into it. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang kung anong isinusulat ko sa lupa. It's not a word... It's like a symbol.
It's a... "Magic circle," Halos walang tinig na saad ko at noong matapos na ako sa ginagawa, biglang umilaw ang dugo ni Cordelia sa lupa. Kusang umawang ang mga labi ko at noong unti-unting lumalaki ang magic circle na ginawa ko, mabilis akong napaayos nang pagkakatayo.
What the hell is happening?
"Ah!" Napabaling ako kay Maori noong marinig ang malakas na pagsigaw nito. Namataan ko itong tumilapon at sa muling pag-atake ni Sasha sa kanya, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis kong ikinilos ang mga paa at tumakbo patungo sa kinaroroonan ng dalawa.
I don't know what the hell I'm doing right now but I need to do something. I need to help Maori before Sasha kills her! Kaya naman noong tuluyan na akong nakalapit sa kanilang dalawa, agad kong itinaas ang sugatang kamay. Mabilis namang natigilan si Sasha sa pag-atake kay Maori at matamang tiningnan ako. Nasa tabi na niya ako at agad na humarang sa pagitan nilang dalawa. Akmang kikilos na sana si Sasha noong buong puwersang inilayo ito kay Maori. Wala sa sarili naman akong napakurap at napatingin sa kamay kung saan may kung anong enerhiyang lumabas mula roon!
"Damn it!" rinig kong bulalas ni Sasha noong napaatras ito at biglang napaluhod ang isang paa nito. "You can use magic?" gulat na tanong nito sa akin at napatingin sa kamay kong nababalot na ngayon ng sariling dugo. "They told us you're powerless!"
Nagkibit-balikat ako at mabilis na tinulungan si Maori sa pagtayo. Mataman ko itong tiningnan at sinalubong ang takang ekspresiyon nito sa mukha. "I don't know what happened to me, but yeah, it seems like I'm not that powerless. Look," saad ko at itinuro ang magic circle na ginawa ko kanina. "I created that using my own blood."
"W-what? Paanong-"
"I don't have answers here, Maori." I sighed and looked at Sasha again. Nakatayo na ito ngayon at seryosong nakatingin na rin sa magic circle na ginawa ko. "Sa ngayon, let's focus on Sasha. Kailangan nating makaalis sa ilusyong ito."
"Fine. Let's finish her," saad ni Maori at umayos nang pagkakatayo. "She's my senior, but I'm familiar with her magic. I'll attack her. And you... I need you to support me. Hindi natin alam kung anong klaseng mahika ang mayroon sa dugo mo kaya naman mas makakabuting makaalis ka sa ilusyong ito na hindi nadadagdagan pa ang sugat mo sa katawan."
"Alright. I'll stay here," matamang saad ko at inangat ang isang kamay. "Go! I'll support you, Maori." Tipid na tumango ito sa akin at mabilis na umatakeng muli kay Sasha.
Agad na dumepensa naman si Sasha sa ginawang pag-atake ni Maori sa kanya. Nagpalitan ng malalakas na atake ang dalawa at noong napaatras si Maori dahil sa lakas ng impact ng paghampas ni Sasha sa hawak nitong espada, agad kong ikinumpas ang duguang kamay. Segundo lang ay natigilan si Sasha sa pag-atake at masamang tinignan ako.
"You're a pain in my ass, Cordelia!" sigaw nito habang pilit na iginagalaw ang katawan niya. Umayos naman ako nang pagkakatayo at hindi nagpatinig sa puwersang ginagamit ngayon ni Sasha. Segundo lang ay mas pinalakas nito ang itim na kapangyarihan niya. It's an overflowing dark energy! Kahit hindi ito nakikita ni Maori, alam kong nararamdaman na niya ito ngayon! The way she looks at Sasha, alam kong nakumbinse na nito ang sarili na kalaban ang babaeng kaharap namin ngayon.
Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at mas pinagbutihan ko pa ang pagkontrol sa katawan nito at noong ikinuyom ko ang kamay ko, mabilis na napasigaw si Sasha at muling napaluhod. I smirked. "Finish her now, Maori!" mariing sigaw ko sa kanya. Tumango naman ito sa akin at sa isang mabilisang pag-atake, agad na itinarak ni Maori ang espada nito sa tiyan ni Sasha. Narinig ko ang pagsigaw nito at noong unti-unting nanghina na ito, pinakawalan ko na siya. Nanatili naman si Maori sa harapan ni Sasha at noong tuluyang nawala ang illusion magic nito, nawala na rin ang magic circle na ginawa ko kanina.
Napahugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling napatitig sa sugatang kamay. What the hell was that? Dahil ba sa magic circle kaya ako nagamit ng mahika? I controlled Sasha's body earlier... I... No, it wasn't me, it was Cordelia! It was Cordelia's magic! She can use a freaking magic! She's not freaking powerless!
"What the hell happened here?" Napapitlag ako dahil sa lakas nang sigaw ni Esther. Napaayos ako nang pagkakatayo at agad na napabaling sa gawi niya. Nakatayo ito 'di kalayuan sa puwesto nila Maori at matamang nakatingin sa dalawa. "Maori, anong ginawa mo kay Sasha?" Dali-dali itong naglakad papalapit sa dalawa at dinaluhan ang sugatan na si Sasha. "Elton, call a healer! She's badly hurt!" utos pa nito sa isang lalaking kasama niya na siyang mabilis na sinunod nito.
Nanatili naman akong tahimik sa kinatatayuan ko at pinagmasdan na lamang sila. "You don't need to save her, Esther," malamig na turan ni Maori at umayos na rin sa pagkakatayo nito. "She's an enemy and tried to kill us inside her illusion magic."
"What?" gulat na tanong ni Esther.
"Kung hindi ka maniniwala sa akin, you can ask Cordelia," ani Maori at hinawakan ang handle ng espadang nakatarak sa tiyan ni Sasha. Agad naman itong pinigilan ni Esther sa binabalak niyang pagtanggal sa sandata nito.
"Don't you dare remove the sword, Maori! Mas lalong mapapahamak si Sasha!"
"I don't care!" malakas na sigaw ni Maori kay Esther. "She's a traitor!"
"At paano mo nasabing traydor si Sasha?" malamig na tanong ni Esther sa kanya. "Maori, alam kong may mga bagay kayong hindi napagkakasunduan ni Sasha ngunit mukhang sumobra na yata itong ginagawa mo sa kanya! She's your friend, part of your family! She's a member of Apex Tribe!"
"No one in this tribe uses dark magic!" sigaw muli ni Maori na siyan ikinatigil ni Esther. "Cordelia saw it! She saw her dark energy! At noong pigilan ko siya kanina sa binabalak niya, she used her illusion magic and trapped us inside!"
"No-"
Napabuntonghininga na lamang ako at umiling. "She's telling the truth," matamang saad ko na siyang ikinabaling sa akin ni Esther. "Bago pa man ito pumunta sa silid ko kanina, naramdaman ko na ang prensiya nito. And when I saw her and the dark energy that surrounds her, alam kong hindi siya isang basta-bastang dark magic user lang. I acted as if I don't saw her dark energy. Sumama ako sa kanya at bago pa kami makalabas sa pasilyong ito, biglang lumabas si Maori sa silid nito. And in an instant, nasa loob na kaming tatlo ng illusion magic niya. She's an enemy, Esther. Believe me and Maori. We're telling the truth here."
Umiling si Esther at tiningnan ang nanghihina na si Sasha. "She's a proud member of Apex Tribe. Mas nauna itong maging miyembro kaysa sa'yo Maori. She already proved herself to us. Mas paniniwalaan ko ito kaysa sa inyong dalawa."
What the hell?
Wala sa sarili akong napatingin kay Maori at hindi na nagulat pa noong makita ang galit sa mga mata nito. Akmang magsasalita na sana akong muli noong dumating iyong lalaking inutusan kanina ni Esther. May kasama itong ibang miyembro ng Apex Tribe at agad na dinaluhan ang sugatan na si Sasha.
Mabilis nilang tinulungan si Sasha at binigyan ng paunang lunas sa sugat na natamo nito. Hindi pa rin nila inaalis ang espadang nakatarak sa may tiyan nito at noong inilapat ng lalaki ang kamay nito sa sugat ni Sasha, maingat na inalis ni Esther ang talim ng espada. Segundo lang din ay namataan kong unti-unting naghihilom ang sugat na natamo ni Sasha kanina mula sa atake namin ni Maori. At noong matapos na sila sa ginagawa, maingat na binuhat ng mga bagong dating ang katawan ng walang malay na si Sasha.
Naiwan kaming tatlo nila Maori at Esther sa pasilyo. Nagsialisan na rin ang ibang miyembro ng Apex Tribe at noong binalingan kami ni Esther, agad akong nakaramdaman ng kakaiba sa paligid. Agad kong inalerto ang sarili at bago pa ako makakilos, agad akong natigilan at mabilis na napahawak sa may ulo ko noong biglang kumirot iyon. Ganoon din ang nangyari kay Maori kaya naman ay halos sabay kaming napaluhod habang iniinda ang sakit sa mga ulo namin.
"S-stop it, Esther!" mariing saad ni Maori habang nakaluhod. "Damn it!" dagdag pa niya.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at kinalma ang sarili.
What the hell is this? Is Esther doing something right now? Is this her magic?
Pilit kong ininda ang sakit ng ulo ko at tiningnan si Esther. Nakatayo pa rin ito at matamang nakatingin sa aming dalawa ni Maori. Nakatayo lang ito at walang ibang ginagawa kaya naman ay bakit kami nagkakaganito ni Maori? Anong klaseng kapangyarihan ang ginagamit nito ngayon laban sa aming dalawa?
Noong hindi ko na nakayanan pa ang sakit ay mabilis akong napasigaw. Segundo lang din ay inilapat ko sa may sahig ang duguang kamay at kagaya no'ng ginawa ko kanina sa loob ng illusion magic ni Sasha, gumawa ako ng magic circle. Without looking at my hand, I just let it move on its own. Tila alam na alam na nito ang kung anong klaseng magic circle ang dapat gawin at noong matapos na ako, mabilis akong napasigaw muli.
Damn it! Mura ko sa isipan at humugot ng isang malalim na hininga. Wala sa sarili akong tumingin sa magic circle na ginuhit ko at noong unti-unting lumalawak na ito, unti-unti na ring nawawala ang sakit sa ulo ko. Segundo lang din ang lumipas ay nagawa ko na ring kumilos kaya naman ay agad akong tumayo at tinignang mabuti si Esther.
"I don't feel or see any dark energy from you, Esther," matamang saad ko habang nakatingin pa rin sa kanya. "Ngunit sa ginagawa mo ngayon sa akin, I might consider you as my enemy as well." Pagkasabi ko noong ay mabilis kong ikinumpas ang kamay. Tiningnan ko ang espada ni Maori na ngayon ay nasa may paanan ni Esther at sa muling paggalaw ng duguan kong kamay, mabilis itong lumutang at napunta sa akin.
Mariin kong hinawakan ang handle ng espada habang nakatingin pa rin kay Esther. Gulat na ekspresyon naman ang ipinakita nito habang pinagmamasdan ako. Mayamaya lang ay kumilos si Esther at may kung anong enerhiya akong nakita sa kanya. It was not a dark magic, but I can sense that it's a powerful one. Kaya naman ay inihanda ko na ang sarili ko. Itinaas ko ang kamay na may hawak na espada at noong may napansin akong enerhiyang mabilis na bumubulusok patungo sa kinatatayuan ko, agad kong ikinumpas ang espadang hawak.
Mayamaya lang ay pareho kaming napaatras ni Esther. Sa lakas ng naging impact ng mga enerhiya naming nagtagpo sa pagitan naming dalawa, kulang na lamang ay matumba ako!
Mabilis akong napailing at umayos na lamang nang pagkakatayo.
This is not good.
Kung magpapatuloy ako sa pakikipaglaban sa babaeng ito, paniguradong masisira ang pangalan ko rito sa Apex Tribe. Alam kong nais lang nitong protektahan ang isang miyembro nila ngunit dapat ay makinig din ito sa amin! Maori is also part of this tribe! She needs to listen to her! Kahit na huwag na sa akin! Afterall, I'm a stranger who suddenly showed up in this place!
They're not my enemies here! The Phantom o whoever uses the dark magic to catch and kill me are the real trouble and not them! And I need someone to stop Esther before she attacks me again!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top