Chapter 18: Trapped

Tahimik kong pinagmasdan ang piraso ng papel na nasa harapan ko ngayon. Gamit ang nakitang panulat kanina, mabilis kong isinulat doon ang impormasyong nakuha ko ngayon sa lugar na ito. I need to write them down! My head might explode if I didn't do this!

"Okay... Let's see if I can get this all correct. Cordelia was born without magic. There was a prophecy, and no one knew about it except for her parents and the Seer who saw it. Then... they declared her death and hide her... away from the royal palace." Napahugot ako ng isang malalim na hininga at bahagyang tumigil sa ginagawa. Nasa papel pa rin ang paningin ko. "Posibleng may ideya na si Cordelia sa kung sino talaga siya. Sa lahat ng mga imaheng ipinakita nito sa akin, alam kong alam nito ang totoong estado nito sa buhay."

And with all the trainings she did while staying inside Carolina's shelter mansion, alam nitong hindi magiging madali sa kanya ang lahat. She's powerless. At ang tanging makakatulong na lamang sa kanya ay ang palakasin ang katawan nito at maging epektibo sa paggamit ng iba't-ibang sandata.

"Ang isang malaking palaisipan sa akin ngayon ay ang tungkol sa pagkahulog nito sa lawa," seryosong saad ko at binilugan ang pangalan ni Cordelia na nakasulat sa may papel. Sinundan ko iyon ng isang malaking question mark at matamang tinitigan itong muli. "Did someone attacked her that day or... she just fell and drown herself to death. Sumuko na ba ito? Nawalan na ba ito nang pag-asa? O... talagang natunton na ito ng mga kalaban ng pamilya niya at sinubukang patayin na ito nang tuluyan?" Napailing ako. "Damn it!" bulalas ko pa at mabilis na ginulo ang buhok. "I need all her memories! Baka mauna pa akong masiraan ng bait bago ko matapos ang misyong ito!"

Akmang tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko noong mabilis akong natigilan sa pagkilos. Agad akong naging alerto sa paligid at noong maramdaman ko iyong itim na kapangyarihan sa labas ng silid na kinaroroonan ko ngayon, mabilis akong tumayo at naghanap ng maaaring magamit na pangdepensa sa sarili. Agad kong inihakbang ang mga paa at nagtungo sa isang kabinet. Binuksan ko iyon at agad na napailing noong bumungad sa akin ang iba't-ibang uri ng damit na pambabae!

"Damn it!" mahinang bulalas ko noong wala akong makitang kahit anong sandata sa silid. "This is frustrating!" dagdag ko pa at napapitlag na lamang noong may kumatok sa pinto ng silid.

Damn! Damn! Damn! Now, what to do? Anong puwede kong gawin para maging ligtas ako sa kalabang ito?

"Cordelia?" Natigilan ako sa pagpapanic noong may nagsalita at tinawag ang pangalan ko. "I'm here to pick you up. Inutos ka sa akin ni Sir Aavir. Kailangan ka niyang makausap."

Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatitig sa nakasarang pinto. It's a woman. Hindi ito si Esther at lalong hindi si Maori! At kung tama itong nararamdaman ko ngayon, this woman possesses the dark energy I felt earlier! It' her... For sure, she's a spy from the enemy. And she's here to get me.

"Cordelia?" tawag muli nito sa pangalan at kumatok sa nakasarang pinto. Segundo lang ay gumalaw ang door handle at napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga noong makitang naka-lock ito. "Cordelia, can you hear me? Cordelia!"

I can't stay here and let that woman get me! Kailangan kong makalabas sa silid na ito. I need weapons at magkakaroon lamang ako ng sandata kung aalis ako sa lugar na ito! "Cordelia-"

"Coming!" mabilis na bulalas ko at muling ikinilos ang mga paa. I need to leave this room and for me to do that, I need to act as if I don't feel her dark energy right now!

Pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang isang hindi pamilyar na mukha. And I was freaking right! Kung kanina ay nararamdaman ko lang ang itim na enerhiya nito, ngayon ay kitang-kita ko na ito! At kumpara sa ibang enerhiyang naramdaman ko kanina, mukhang mas malalakas ang babaeng ito! Damn it! I need to be careful while I'm with her! "Sorry, nakaidlip ako," saad ko at bahagyang inayos ang buhok. Tumango naman sa akin ang babae at tahimik na pinagmasdan ako. "Si Aavir ba ang nagpapunta sa'yo?"

"Yes," matamang sagot nito at kumilos na. Mabilis niya akong tinalikuran at nagsimula nang maglakad palayo sa akin. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago isinara ang pinto sa likuran. Mayamaya lang ay sumunod na ako sa kanya at tahimik na pinagmasdan ang likuran ito.

"Nasaan siya ngayon? Hindi ba nasa pagpupulong ito ngayon at kasama ang iilang officer ng Apex Tribe?" tanong ko habang patuloy na sumusunod sa kanya. I need to act normal here. Habang hindi pa kami nakakalabas sa lugar na ito, kailangan ay wala akong ibang gawin kung hindi ang sumunod dito. Hangga't hindi pa ligtas para sa akin ang sitwasyong ito, kailangan kong umakto ng normal at magpanggap na hindi nakikita ang itim na enerhiya nito!

Hindi sumagot ang babae sa naging tanong ko sa kanya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Akmang liliko na sana ito sa dulo ng pasilyong tinatahak namin ngayon noong biglang bumukas ang isa sa nakasarang pinto ng silid. Mabilis akong natigilan sa paglalakad at agad na napamura sa isipan noong mamataang si Maori iyon!

"And where do you think you're going?" Mabilis na tanong ni Maori noong magtagpo ang paningin naming dalawa? "Sasha, saan mo dadalhin ang panauhin natin?"

"Nautusan ako ni Sir Aavir na dalhin siya sa main office," sagot ng babae at hinarap nang maayos si Maori. "You can come if you want."

Kunot-noong tinitigan ni Maori iyong babae at muling bumaling sa akin. "Mahigpit na ibinilin ni Esther sa akin na huwag paalisin sa lugar na ito si Cordelia hangga't hindi pa natatapos ang pagpupulong nila," anito at nagsimulang maglakad palapit sa akin. "She's not going anywhere, Sasha. Babalik siya sa silid niya."

"Sorry but I don't take orders from you, Maori," ani Sasha at masamang tiningnan kami ni Maori. Nasa tabi ko na kasi ito ngayon at iginagaya na ako pabalik sa silid na kinaroroonan ko kanina.

Mahinang natawa ni Maori at mabilis na umiling. Umayos muli ito nang pagkakatayo at binalingan si Sasha. "At mas lalong hindi ako pumapayag sa kung anong nais mong gawin, Sasha. This is my turf. You can't boss me around my territory."

"Then how about in my own territory?" malamig na tanong ni Sasha at mabilis na ikinumpas ang dalawang kamay.

Agad akong naging alerto sa ginawa ni Sasha. Akmang gagalaw na sana ako noong biglang nakaramdaman ako ng kakaiba sa paligid. Mukhang naramdaman din iyon ni Maori kaya naman ay mas lumapit ito sa akin. At bago pa kami muling makagalaw sa kinatatayuan naming dalawa, mabilis na nagbago ang itsura ng paligid! What the hell?

Kung kanina ay nasa isang pasilyo kami, ngayon ay nasa labas na kami at napapalibutan ng matatayog na mga puno!

What the hell is happening here? Did she teleport us?

"It's her magic," mahinang turan ni Maor isa tabi at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. "Huwag kang magpalinlang. It's just an illusion."

Illusion? This is an illusion magic! Oh my God! May ganitong mahika pala sa mundong ito! Hindi ko ito nabasa noon sa diary ni mommy!

Wala sa sarili akong napatingin sa paligid at tahimik na pinagmasdan ito. "You sure about that?" mahinang tanong ko kay Maori.

Maori sighed again. "Stop this nonsense, Sasha," anito at humakbang ng isang beses. Nasa unahan ko na ito ngayon. "Hayaan mo nang makabalik si Cordelia sa silid niya."

Mahinang tumawa iyong si Sasha at umiling sa amin. Segundo lang din ang lumipas noong mas lalong lumakas ang itim na enerhiya nito kaya naman ay mas naging alerto ako. Damn it! "At sa tingin mo gagawin ko iyon?" tanong ni Sasha at tumawa muli.

"Sasha-"

"We need to get out of this illusion, Maori," matamang saad ko na siyang ikinabaling nito sa akin. "I can see her dark energy. She's an enemy," dagdag ko pa na siyang ikinatigil nito sa harapan ko.

"What? She's not an enemy, Cordelia-"

"Do you have any weapon?" mahinang tanong ko at binalingan ang nakangising si Sasha. "I can't fight. I don't have any magic that can be use against her but if I have a weapon, at least I can fight and protect myself."

"Cordelia, stop overreacting. She's not an enemy! She's my-"

Hindi na natapos ni Maori ang dapat na sasabihin noong mabilis itong tumigil at agad na hinila ako. Sabay kaming napaupo at nanlaki na lamang ang mga mata ko noong may patalim na lumipad sa may ulohan namin at ngayon ay nakatarak na sa katawan ng isang punong nakatayo 'di kalayuan sa amin.

"She's definitely an enemy," mariing saad ko at umayos na nang pagkakatayo. Ganoon din ang ginawa ni Maori at binalingan si Sasha. "Bago pa man ako sumama sa kanya kanina, nakita ko na ang itim na kapangyarihan nito. I was hoping to get out of the building without even fighting her, but I guess it wasn't easy to do so. And now... here we are... trapped inside her magic, her illusion."

"Kung nakita mo na pala ito kanina, bakit sumama ka pa?" tila inis na tanong ni Maori sa akin at inilabas ang sandata nito. She sighed and quickly looked at me. "Stay here. Let me handle Sasha. I know her and familiar with her magic."

Wala sa sarili akong napatango na lamang at hinayaan ito sa nais niya. Wala rin naman akong magagawa pa. Kung wala akong magagamit na sandata, wala rin akong maitutulong sa kanya.

Napahugot na lamang din ako ng isang malalim na hininga at matamang sinuri ang paligid.

This illusion is incredible! Parang totoong nasa gubat talaga kami ngayon!

I may be useless in terms of fighting against any magic user, but I guess I can think something that can free us from her illusion. Cordelia's smart. Maliban sa halos araw-araw na pakikipagpatayan nito sa training room ng shelter mansion ni Carolina, she loves reading and learning new things.

This is a magic, and she knew a lot of things about it!

"Illusion magic... How can I dispel this kind of magic?" mahinang tanong ko sa sarili at dahan-dahang ikinilos ang mga paa. Nagsimula na akong maglakad patungo sa puno kung saan tumarak iyong sandatang itinapon kanina ni Sasha sa aming dalawa ni Maori. Slowly, I pulled the knife from the tree trunk and when I finally removed it, images started to flash again inside my head.

"Her blood is powerful, Your Highness. She's powerless, yes, and no one knows if she can even cast a single spell, but her blood... it will be her salvation."

I unconsciously smirked and looked towards Maori and Sasha's direction. Mabilis ang bawat kilos ng dalawa habang nagpapalitan ng kanya-kanyang mga atake. "Illusion magic." I smirked again. "What an interesting magic... but Cordelia's blood, hindi ko inaasahan ang tungkol sa taglay nitong kapangyarihan," dagdag ko pa at mabilis na itinarak ang patalim ng sandatang hawak sa kamay ko.

I don't have a freaking time to spend inside this illusion! Kung kailangan kong saktan ang sarili para lamang makontra ang spell na ito, then fine, I'll use every drop of my blood to dispel it! Every last drop of it!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top