Chapter 16: Questions
Apex Tribe.
Hindi ko alam kung tama bang sumama ako kila Howard at Maori patungo sa sinasabi nilang Apex Tribe na iyan. I wanted to talk to them again and let me just leave this forest, but I guess that would be a bad idea. Sa naging trato pa lamang ni Maori sa akin kanina, tiyak kong hindi niya ako papaalisin sa gubat ng ito ng buhay.
I just really hope that this Apex Tribe won't harm me. Sana ay hindi sila katulad ng mga taong dumukot sa akin at sinubukan akong patayin.
Maingat at tahimik ang bawat hakbang ko. Naging alerto rin ako sa paligid at noong tumigil na sa paglalakad si Howard, wala sa sarili akong napatitig sa may harapan namin. "We're here," anito at binalingan ako.
Nanatili naman ang titig ko sa pinaka-main entrance ng isang village. May isang matayog na trangkahan roon na gawa sa kahoy. Sa magkabilang bahagi naman nito ay may napansin akong tila kambal na tore at may mga bantay na nakatayo. At noong mapansin nila ang presensiya namin, namataan ko ang pagkilos ng isa. Mayamaya lang ay kusang bumukas ang nakasarang trangkahan sa harapan namin.
"Let's go, Cordelia," yaya sa akin ni Howard at muling kumilos na.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago sumunod sa kanya. Ikinuyom ko rin ang mga kamao ko habang pilit na ikinakalma ang sarili.
Walang mangyayaring masama sa akin. Walang mangyayaring masama sa akin sa lugar na ito. Pauli-ulit ko iyong sinasabi sa isipan habang tinatahak ang daan papasok sa village ng Apex Tribe. At noong tulungan na kaming nakalagpas sa malaking trangkahan, ilang tao ang sumalubong sa amin. Mabilis naman akong umayos nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang mga ito.
May isang matandang lalaki ang nasa unahan nila at katabi iyon ngayon ni Maori. Sa uri pa lang nang titig nito sa akin, mukhang ipinaalam na ng babaeng iyon ang tungkol sa akin. Wala sa sariling napabuntonghininga na lamang ako at sinalubong ang matamang titig ng mga taong naninirahan sa village na ito.
"Sir Aavir," ani Howard at muling kumilos. Lumapit ito sa matandang lalaki at bahagyang yumukod. "We brought someone, Sir. Nakita namin siya sa gubat."
"Nasabi nga sa akin ni Maori, Howard," saad ng matandang lalaki habang nakatingin pa rin sa akin. "Sa opisina na tayo mag-usap-usap," dagdag pa nito at binalingan ang mga taong kasama niya. "Bumalik na kayo sa kanya-kanya niyong mga gawain. Ako na ang bahala rito."
Tahimik na nagsitango ang mga taong kasama nito at walang imik na nagsikilos. Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa kanila at noong kaming apat na lamang ang natira, ako, si Howard, Maori, at ang iyong matanda lalaki, bigla akong nakaramdaman ng kakaiba sa paligid. Agad akong napabaling sa mga taong nagsialisan at hinanap iyong kakaibang enerhiyang naramdaman ngayon-ngayon lang.
What the hell was that?
"Cordelia." Napabaling muli ako kay Howard noong tawagin niya ako. "May problema ba?"
Mabilis naman akong umiling sa kanya. "Nothing."
Tumango si Howard sa akin. "Relax. You're safe here," aniya at nagsimula nang maglakad muli. Nakaalis na pala iyong si Maori at ang matandang lalaki. Malayo na ang distansiya nilang dalawa mula sa kinatatayuan ko. Napabuntonghininga akong muli at tahimik na hinanap iyong presensiyang naramdaman kanina. Hindi ako maaaring magkamali. It was a familiar presence. Naramdaman ako na iyon noon! And now... it's here. Nasa Apex Tribe ang presensiyang iyon!
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali akong sumunod sa tatlo at noong makarating kami sa opisinang tinutukoy noong matandang lalaki, agad akong pinaupo ni Howard sa bakanteng upuan. Sinunod ko naman iyon habang tahimik na nakikiramdam sa mga kasama ko.
"Cordelia," ani ng matandang lalaki na siyang ikinatuon ko nang tingin sa kanya. "Iyon ang pangalan mo?" He asked me. Tumango naman ako. "Nagmula ka sa sentro ng Vallasea?"
Umiling ako sa kanya. "I came from Atlantis, Sir," tugon ko at humugot ng isang malalim na hininga. "Nasa sentro lang ako ng Vallasea dahil sa pagtitipon sa Phoenix headquarters."
"The Grandmaster's birthday celebration," saad ng matanda at marahang tumango sa akin. "Tell me, Cordelia, ano ang alam mo tungkol sa pagkatao mo?" Natigilan ako sa naging tanong nito sa akin. "Don't get me wrong, Young Lady... I just knew someone with the same name as yours. At mukhang magkasing edad lang din kayong dalawa."
"And you think I'm her?" maingat na tanong ko sa kanya. Hindi naman ito sumagot at nanatili ang matamang titig sa akin. "Wala rin bang kapangyarihan ang Cordelia na tinutukoy mo?" I saw how he stopped for a second. Looks like I caught him off guard. "So, you knew me, Sir?"
Hindi pa rin nagsalita iyong matanda kaya naman ay napatayo na ako. Humakbang ako ng isang beses at muling nagsalita. "I lost my memory, Sir, and if you knew me... alam mo naman siguro na harmless ako. I can't use any magic."
"Sir Aavir... kilala mo ang babaeng ito?" maingat na tanong ni Maori sa matanda. "Sir-"
Isang magkasunod na pagkatok sa nakasarang pinto ang nagpatigil kay Maori sa pagsasalita. Wala sa sarili akong napabaling doon at mayamaya lang, isang babae ang bumungad sa amin. Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko at matamang tumitig na lamang sa bagong dating. At noong magtagpo ang mga mata namin, agad kong napansin ang pagbabago sa ekspresyon nito.
"So, it's true. Nandito nga siya sa village natin," anito at nagsimulang maglakad papalapit sa kinatatayuan ko. Segundo lang ay mabilis akong natigilan sa puwesto ko noong yumukod ang babae sa harapan. "It's nice seeing you again, Your Highness," saad niya na siyang ikinaawang ng labi ko.
I already know that Cordelia is part of the royal family of Vallasea, but I didn't expect that someone will recognize Cordelia's true identity and give their respect towards her! Ni hindi nga iyon ginawa ng mga tao sa pagtitipong dinaluhan namin ni Dylan! Maging si Naida ay hindi niya ito kinilala bilang parte ng pamilya niya!
"Your Highness?" halos walang tinig na sambit ni Maori sa kinatatayuan nito. "She's a royal?"
"Maori," rinig kong sambit ni Howard sa pangalan nito.
Nanatili naman ang titig ko sa babae. "You don't have to do that," wika ko sa kanya. Mabilis naman itong umayos nang pagkakatayo at matamang tiningnan ako. "I don't remember my past. Ni wala akong ideya na parte pala ako ng royal family ng realm na ito. I accidentally learned about it last night at the party. No need for formalities. Hindi ko kailangan iyon."
"Pero-"
"Kailangan ko nang makabalik sa sentro. Matutulungan niyo ba ako?" wika kong muli na siyang ikinatigil ng babae na nasa harapan ko. "I was kidnapped and luckily escaped from them. Kailangan kong makabalik sa sentro sa lalong madaling panahon."
"Your Highness-"
Mabilis akong umiiling at nagsalitang muli. "Call me Cordelia please."
Napalunok naman ang babae at tumango na lamang sa akin. "Cordelia," alangang sambit nito sa pangalan ko. "Malayo ang gubat na ito mula sa sentro." Wala sa sarili akong napangiwi sa narinig mula sa kanya. "Aabutin ka ng isang linggong paglalakbay bago makabalik doon."
"Ganoon kalayo?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Muli akong napabaling sa iba pa naming kasama. Tahimik lang ang mga ito at nakamasid sa akin. "I can't stay here."
"You told us that you were kidnapped, right?" tanong ni Aavir na siyang ikinatango ko naman sa kanya. "I suggest that you stay here for a while, Cordelia. Para sa kaligtasan mo na rin."
Napailing ako sa kanya. "Kapag hindi ako makabalik sa sentro, tiyak kong hahanapin ako ni Dylan... pati na rin si Tanner dahil sa bahay niya mismo ako kinuha! I have a bad feeling about this. At kapag malaman pa ito ni Carolina, tiyak kong hindi na niya ako kailanman papayagang makaalis sa Atlantis at sa shelter mansion niya!"
"Cordelia-"
"Please, help me," matamang saad ko sa mga kasama sa silid. "I'm begging you." Hindi ako maaaring magtagal dito. Yes, may point naman iyong si Aavir. Na mas makakabuting manatili muna sa lugar na ito ngunit paano naman ang misyon kong mahanap ang ama? At isa pa, hindi ko matutulungang makabalik sa katawan niya si Cordelia kung mananatili ako sa lugar na ito! I need to leave! Kahit na maglakad ako pabalik sa sentro, gagawin ko!
"It's dangerous to go and leave this village, Cordelia," ani Aavir na siyang ikinatigil ko. "The Phantom members are active right now. Kaya nga doble rin ngayon ang seguridad namin sa lugar na ito dahil sa kanila. Stay here and let things cool down first. Ako mismo ang magbabalik sa'yo sa sentro."
"Sir Aavir, you can't do that!" saad ng babae at mabilis na lumapit sa matandang lalaki. "You're not allowed to enter that place, remember?"
"But the heir of the throne is here, Esther." Natigilan akong muli sa narinig mula kay Aavir. Heir of the throne? Si Cordelia? No. She may be a royal but not the heir of the throne! "I need to go with her and bring her back safely," dugtong pa ni Aavir at muling binalingan ako. "In three days, babalik rito sa village ang ibang miyembro ng Apex Tribe. Sila ang sasamahan natin pabalik sa sentro ng Vallasea. Mahihintay mo ba sila, Cordelia?"
Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko.
This is not part of the plan! Mas mapapatagal ang misyon ko sa realm na ito dahil sa pagdukot sa akin ng mga kalaban ng royal family! Damn it! "May pagpipilian pa ba ako?" tanong ko at napabuntonghininga na lamang. Wala akong alam sa gubat na ito. I doubt if I can leave this forest in one piece without someone attacking me! At kung totoong ngang active ngayon ang mga miyembro ng Phantom, paniguradong makikilala nila ako kung sakaling magkrukrus man muli ang mga landas namin! Cordelia's face features are the same with Naida! Pagkakamalan na naman nila ako iyong prinsesang iyon! Napailing ako. "Fine, I'll stay here," matamang saad ko at napangiwi na lamang. Tumango naman si Aavir sa akin.
Umayos ako nang pagkakatayo at seryosong tiningnan ang mga kasama sa silid. "I'll stay but... in one condition." Namataan ko ang pagkunot ng noo ng matandang lalaki habang nakatingin pa rin sa akin. "Tell me more about my past. I need to know more." I carefully uttered those words.
Humugot ng isang malalim na hininga si Aavir at mayamaya lang ay tumikhim. "Howard, Maori, lumabas muna kayo sa opisina. May pag-uusapan lang kami."
"But Sir Aavir-"
"Let's go, Maori," ani Howard at hinawakan na sa braso ang babae. Hindi na nakaalma pa si Maori noong hilain na siya ni Howard palabas sa opisina ni Aavir. At noong kaming tatlo na lamang nila Esther ang natira, muling humugot ng isang malalim na hininga si Aavir.
"Anong nais mong malaman, Cordelia?" Well, that was fast! Hindi ko inaakalang papayag ito agad sa kondisyon ko! "Ilan lamang ang alam ko tungkol sa'yo kaya naman ay hindi ko maipapangakong maibibigay ko sa'yo ang impormasyong nais mong marinig mula sa akin."
"I already know about me being a royal, let's just escape about that. Ang nais ko lang malaman ay kung bakit wala akong kakayahang gumamit ng mahika. I'm a royal. Hindi ba dapat ay nabibilang ako sa makapangyarihan at malalakas na pamilya sa realm na ito?" I paused and looked at him intently. "At isa pa, bakit ako nasa shelter mansion ni Carolina? Bakit nasa Atlantis ako at wala sa palasyo ng Vallasea?" Napalunok ako at muling umayos nang pagkakatayo. "Iyon lang ang nais kong malaman mula sa'yo, Sir, so please... sabihin niyo sa akin ang totoo."
I'm pretty sure na once makuha ko na ang sagot sa mga katanungang iyon, malalaman ko na rin sa wakas ang tungkol sa aksidente ni Cordelia sa shelter mansion ni Carolina. Ang magiging sagot ni Aavir sa akin ay siyang magdidikta sa susunod kong gagawin. I need to gather all the information first, learn more about Cordelia, and after that, I'll trace everything that was connected to her accident.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top