Chapter 15: Information
Nanatili ako sa puwesto at hindi man lang gumalaw. One wrong move, katapusan na naming dalawa ni Cordelia.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na tumingin sa palagid. Madilim pa kaya naman ay hindi ko maaninag nang maayos kung anong klaseng lugar ang napuntahan ko. Ngunit isa lang ang sigurado ako, I'm in danger. Itong bangin na nasa tabi ko ay tiyak kong hindi ako bubuhayin kung sakaling aksidenteng mahulog ako rito!
Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras akong nakatayo sa puwesto ko. I'm tired. Nangangalay na rin ang mga paa ko at noong unti-unting lumiliwanag na ang paligid dahil sa pagsikat ng araw, napahugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga. Finally!
Mabilis akong umayos nang pagkakatayo at noong maaninag ko na nang maayos ang paligid, mabilis akong kumilos. Unang ginawa ko ay ang paglayo sa may bangin. I quickly moved my feet and ran towards the opposite direction of the cliff. At noong masiguro kong ligtas na ako mula sa kapahamakan, biglang nanghina ang mga tuhod ko. Agad akong napaupo at mabilis ibinagsak ang katawan at nahiga na lamang. I suddenly felt tired and weak! At kung natagalan pa ang pagsikat ng araw ng ilang minuto, tiyak kong mawawalan na ako ng lakas kanina! And God knows what will happened to me! Mukhang mauuna pa kaming magkita ni San Pedro kaysa sa ama ko! Damn it!
Tahimik kong pinakalma ang sarili. Nanatili akong nakahiga at hinayaang makapagpahinga ang katawan. Mayamaya lang ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Dahil sa pagod sa mga nangyari sa akin, kahit na hindi ako komportable sa lugar kung saan ako dinala ng mga tauhan ng babaeng nagpadukot sa akin, nakatulog ako nang wala sa oras! Naalimpungatan na lamang ako mula sa mahimbing na pagtulog noong maramdaman ang init ng sinag ng araw sa mukha ko. Napakunot na lamang ang noo ko at maingat na naupo.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at inayos ang nagulong buhok. Tahimik kong tiningnan ang paligid. Mayamaya lang ay napagdesisyunan ko nang tumayo at magsimula nang gumawa nang paraan para makabalik sa sentro ng Vallasea.
"Malakas ang kutob kong nagwawala na ngayon iyong si Dylan," wala sa sariling saad ko at maingat na naglakad palapit sa gilid ng bangin kung saan ako nakapuwesto kanina. "Kailangan kong malaman muna kung nasaan ba ako ngayon," mahinang wika ko at tiningnan ang ibaba ng bangin. Segundo lang ay napangiwi ako at umatras palayo roon. "I need to stay away from this area. Hindi talaga ako bubuhayin nito kung mahulog ako mula rito!" Napailing ako at mabilis na naglakad palayo sa direksiyon ng bangin.
Nagsimula na akong maglibot sa gubat na kinaroroonan ko. Puro nagtataasan na damo at mga puno ang nakikita ko ngayon. Sa taas ng mga punong narito, mukhang hindi isang normal na gubat itong napuntahan ko. At kung tama ang hinuha ko, mukhang walang ibang taong napapadpad sa lugar na ito! And in a worst case scenario, I'm the only person here right now and of course, some goddamn wild animals! "I survived so many unfortunate things but damn it, I don't know how to handle wild animals!" takot na sambit ko habang patuloy sa paghakbang ng mga paa.
Malayo-layo na rin ang nilakad mula sa bangin na kinaroroonan kanina. Hindi ako sigurado kung tama ba itong daang tinatahak ko ngunit wala na akong pagpipilian pa. Mukhang pababa naman ng bundok itong daang tinatahak ko ngayon kaya naman ay bahagya akong napanatag. Minuto lang din ang lumipas ay napagdisesyunan kong magpahinga muna. Agad akong naupo at humugot ng isang malalim na hininga.
Mayamaya lang ay napatingala ako. Sa tayug ng mga punong narito, hindi ko maaninag nang maayos ang kalangitan. Ni ang araw ay hindi ko makita! Napailing ako. "Looks like it's already noon. Kailangan ko nang makaalis sa gubat na ito." Wala sa sarili akong tumango at noong akmang tatayo na sana ako, mabilis akong natigilan noong sumabit ang laylayan ng damit ko sa isang nakausling ugat. Napangiwi na lamang ako noong napunit ito. "Wearing a dress in a dangerous forest like this is not a good idea," matabang na saad ko at mabilis na hinawakan ang laylayan ng damit. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na pinutin na ito nang tuluyan hanggang sa umabot ito sa may tuhod. At noong matapos na ako sa ginagawa, nagpatuloy na ako sa paglalakad.
I'm tired. Gusto kong magpahinga muli ngunit alam kong magsasayang lamang ako ng oras. I need to keep moving. Kung nais kong makalis dito at makabalik agad sa sentro ng Vallasea, kailangan kong magpatuloy sa paglalakad!
Masyado akong naging tutok sa daang tinatahak ngayon kaya naman ay hindi na ako naging aware sa paligid ko. I was too focused on getting out of this forest that I forgot to stay alert and be vigilant. And it was too late. I was a second late when I felt someone's presence behind me. Natigilan na lamang ako sa paglalakad at pilit na ikinakalma ang sarili. One wrong move, I'm pretty sure that my head will be cut-off from my head. Sa itsura ng talim ng espadang nakatutok ngayon sa kanang leeg ko, paniguradong paglalamayan agad ako kung gumawa ako ng kahit isang maling hakbang. Napalunok na lamang ako at hindi na nag-abala pang kumilos sa kinatatayuan ko.
"Who are you? And what the hell are you doing here in our forest?" It was a woman's voice. Nasa likuran ko ito ngayon at mukhang kanina pa yata niya ako minamanman sa gubat na ito! Okay. Kumalma ka, Raina. It's a woman. Kaya naman sigurong makipagsabayan ni Cordelia sa babaeng ito. "Answer me!" Bahagya akong napapitlag dahil sa biglang pagsigaw nito sa likuran ko. Napangiwi na lamang ako lalo na noong lumapat na ang talim ng hawak na espada nito sa leeg ko. Damn it!
"I'm Cordelia and I don't know how I get here." I honestly answered her question.
"Liar," malamig na saad nito. Mayamaya lang ay mas lumapat ang talim ng espada nito sa leeg ko at sa pagkakataong ito, nakaramdaman na ako ng hapid mula roon. Damn, nasugatan na ako! "Walang ibang nakakaalam sa lugar na ito maliban sa aming mga naninirahan dito."
"I'm telling you the truth," matamang saad ko sa kanya. "I was kidnapped, okay. At noong nalaman nilang maling tao ang nakuha nila, they dispose me and the next thing I knew, nasa may bangin na ako!"
"Magic... So, gumamit ka ng mahika para makarating ka sa gubat na ito," malamig na wika muli ng babae sa likuran ko.
Napangiwi muli ako. "I don't," maiksing sambit ko. "The people who kidnapped me used magic, not me. Wala akong kapangyarihan! Normal na mamamayan lang ako ng realm na ito!"
"She's telling the truth, Maori." Natigilan ako noong may narinig akong ibang tinig. This time, it was a man's voice. Napalunok na lamang muli ako. Damn it! At talagang may kasama pa itong babaeng ito! "Ilayo mo na iyang espada mo sa kanya. You're scaring her."
"Come on, Howard. You know that I can't just let this woman go. She's an outsider."
"She's harmless, Maori. Trust me," saad muli ng lalaki. Mayamaya lang narinig ko ang marahas na pagbuntonghininga ng babae sa likuran ko. Segundo lang din ang lumipas ay inilayo na nito ang espada sa may leeg ko kaya naman ay mabilis akong lumayo sa kanya. Wala sa sarili akong napahawak sa leeg ko kung saan naroon kanina ang talim ng espada niya. "Cordelia... Iyon ang pangalang ibinigay mo kanina, hindi ba?" tanong ng lalaki kaya naman ay napabaling ako sa kanya. Hindi ako nagsalita at tumango na lamang sa kanya habang nakahawak pa rin sa may leeg ko. Damn! Nagkasugat talaga ito!
"Yes, that's my name and I'm telling you the truth. Hindi ko talaga alam kung paano ako napadpad sa gubat na ito!" Umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan iyong kasama nito. "Hindi ko rin ginusto na mapunta ako sa lugar na ito."
"At sa tingin mo ay maniniwala kami sa'yo, huh, dayo?" galit na tanong ng babae sa akin.
Hindi ako nagsalita at matamang nakatingin lamang sa kanya. I don't normally like to explain myself to anyone but for my own safety, me and Cordelia, magpapakababa ako sa babaeng ito. I don't know her, siya at ang kasama nitong lalaki. I don't know what they can do. Mas mabuti na ang nag-iingat kaysa naman mas lalong kaming mapahamak. "I don't expect you to believe me," maingat na saad ko sa kanya. "Ngunit kagaya nga nang tinuran ng kasama mo, I'm harmless. I can't even use magic in this world. Ano naman ang mapapala ko kung magsisinungaling ako sa inyong dalawa?"
Mabilis na natigilan ang babae sa kinatatayuan nito at matamang tiningnan lamang ako. Kumilos naman ang lalaking kasama nito at maingat na naglakad papalapit sa puwesto ko. "I told you, Maori. This woman is harmless. Napansin ko na ito kanina. Her energy... it's different. Ibang-iba ito sa enerhiya na mayroon ang ibang dayo sa gubat na ito."
"You're powerless?" tanong ni Maori na siyang nagpangiwi sa akin.
Tumango na lamang ako at hindi na nakapagsalita pa noong nasa harapan ko na iyong lalaki. Howard. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang tinawag ni Maori sa kanya kanina. "Stay still. Gagamutin ko lang ang sugat mo sa leeg," anito at inangat ang isang kamay. Sinunod ko naman ang tinuran nito sa akin. Nanatili akong nakatayo sa puwesto ko at noong unti-unting nawala ang hapdi mula sa sugat na natamo, mabilis akong nagpasalamat kay Howard.
"Let's go now. Maori. Kailangan na nating bumalik sa village," ani Howard at binalingan ang babae. Hindi naman kumibo si Maori at nanatili ang matamang titig sa akin. "Maori-"
"What about her?" tanong nito na siyang nagpaayos muli sa akin sa pagkakatayo. Binalingan akong muli ni Howard at tipid na nginitian.
"She's coming with us," anito na siyang ikinagulat ko. "This forest is not safe for her. Mas makakabuting sumama na lamang ito sa atin pabalik sa village."
"No," marahang saad ko na siyang ikinatigil naman ng lalaki. "I need to go home now. Kailangan kong makaalis sa gubat na ito sa lalong madaling panahon."
"Saang parte ka ng Vallasea nagmula, Cordelia?" tanong ni Howard sa akin.
"Atlantis. I came from Atlantis," sagot ko na siyang ikinatigil muli nito. "Ngunit nasa sentro ako ng Vallasea noong may mga taong dumukot sa akin. I was with a friend, and they attacked us."
"And you escaped from them?" takang tanong ni Maori sa akin.
Marahan akong tumango sa kanya. "A woman told them to dispose me and the next thing I knew, nandito na ako sa gubat na ito."
"You were teleported here?" gulat na saad ni Maori na siyang nagpatigil sa akin. What? Teleported? I... I don't think so. "Now we need to bring her to our village, Howard," mabilis na saad muli ni Maori at nagsimula nang kumilos palayo sa amin ng kasama nito.
"Iyon ang sinabi ko sa'yo kanina, Maori." Umiling si Howard at binalingan akong muli. "Don't mind her. She's just being paranoid. You'll get used to it." Ngumiti ito sa akin at itinuro ang daang tinahak naman ni Maori. "Don't worry, Cordelia. We're not the bad guys here."
"Hindi ako sigurado kong paniniwalaan ko iyong sinabi mo," saad ko at inihakbang na ang mga paa. "The first thing she did earlier was put her sword on my neck." Tumawa naman si Howard sa tinuran ko at nagsimula na ring maglakad. Napailing na lamang ako at tahimik na sinundan si Maori.
Straffail Forest. Ito ang pangalan ng gubat kung saan ako dinala ng mga tauhan noong babaeng dumukot sa akin. And as per Howard, this forest is located at the boundary between the realms of Vallasea and Helienne. Isa rin ito sa pinakamalayong gubat mula sa sentro at higit sa lahat, isa sa pinakadelikado lalo na sa mga dayo.
"Have you heard about the Apex Tribe?" tanong ni Howard sa akin na siyang ikinailing ko naman. Maliban sa impormasyong nabasa ko mula sa diary ni mommy, wala na akong ibang alam sa mundong ito. At mukhang hindi nakasalamuha noon ni mommy itong Apex Tribe na sinasabi sa akin ni Howard. She never mentioned it on her diary! "Apex Tribe rules this forest. At ang pupuntahan natin ngayon ay ang village kung saan naninirahan ang mga miyembro ng tribong nabanggit ko."
"And you two are members of that tribe, tama ba ako?" maingat na tanong ko kay Howard. Tumango naman si Howard sa akin.
"Don't worry, Cordelia. Hindi ka namin sasaktan. We don't hurt innocent people." Bigla akong naalarma sa tinuran nito. Nanatili ang paningin ko sa unahan at hinintay na lamang ang susunod na sasabihin ni Howard. "May isang batas na sinusunod ang lahat ng miyembro ng Apex Tribe. At iyon ang protektahan ang lahat ng mga inosente at walang kapangyarihan na mamamayan ng Vallasea." He continued. "You know, our realm is not a perfect one. Hindi exempted ang Vallasea sa lahat nang kaguluhang mayroon ngayon ang ibang realm, lalo na ang alitan sa pagitan ng Northend at Hilienne. The royals of this realm were too focused about protecting those people inside the main city and neglected the rest of the citizen. It was unfair, especially to those people who trusted the royals for years... for decades." He sighed and continue talking. Nanatili naman akong tahimik at hinayaan lang itong magsalita habang naglalakad kami at sinusundan si Maori.
"We hate the royals, yes, but most of all, we hate the Phantom," seryosong saad ni Howard.
"Phantom?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Hindi mo rin ba alam ang tungkol sa kanila, huh, Cordelia?" tanong ni Howard na siyang ikinatigil ko sa paglalakad. Binalingan ko ito at sinalubong ang matamang titig niya sa akin. "Hindi ba nagmula ka sa Atlantis? Imposibleng hindi mo alam ang tungkol sa kanila."
"I honestly don't know them, Howard," seryosong saad ko sa kaharap.
"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong muli nito sa akin. Tumango naman ako. "The Phantom is the rebel group that fight against the royals of Vallasea, Cordelia. They're the number one enemy of the royals. The chaos itself of this realm!"
Napakurap ako at hindi makapaniwala sa mga naririnig. Okay. Too much information!
Now, I badly need to return home and find Dylan! Mukhang ito ang isa sa kinatatakutan nilang mangyari kay Cordelia!
Apex Tribe... Phantom... Damn! Cordelia's life is messier than mine! Iyong mga dumukot sa akin... Paniguradong miyembro iyon ng Phantom na tinutukoy ni Howard! They thought that I was Naida, one of the royal siblings! At kung magkataong malaman nila ang tungkol sa totoong katauhan ni Cordelia, they will definitely not hesitate to find and capture me again! Mas mahihirapan akong tapusin ang misyong ito kung makuha muli ako ng mga rebelding iyon!
"Let's move now, Cordelia. Malapit na tayo sa main village ng Apex Tribe." Wala sa sarili akong napatango kay Howard at muling inihakbang ang mga paa.
I need to think fast now. Kailangan ko ring malaman kung mapagkakatiwalaan ba ang mga taong kasama ko ngayon! This situation is getting worse! With all the information Howard told me, I doubt if they'll let me leave in this freaking forest in one piece and unharmed! Damn it!
Bakit nga ba ako napunta sa lugar na ito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top